Once upon a STRANGER (lesbian...

By Hazelnot

548K 6.2K 1.3K

Ito ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexu... More

Nothing but something...
Prologue
Ang Simula... (First Chapter)
Messages... Chapter 2
Smiles... Chapter 3
Happy Birthday... Chapter 4
I'm interested in you... Chapter 5
Attraction?... Chapter 6
Surprise! Chapter 7
We miss you! Chapter 8
What did you do to me? Chapter 9
AN :)
Picture! Chapter 10
Getting to know! Chapter 11
Sino ka? Chapter 12
Welcome back JILL! Chapter 13
Coffee Shop... Chapter 14
Andrea Catrine... Chapter 15
Phone Call.... Chapter 16
Saan kaya siya pupunta? Chapter 17
I know you! :) Chapter 19
I'm so careless! Chapter 20
Facebook Friends... Chapter 21
Sorry... Chapter 22
Guilty? Chapter 23
Magkita tayo! Chapter 24...
Disappointed! Chapter 25
AN
Can we talk? Chapter 26
Bistro Night... Chapter 27
Market Day... Chapter 28
I don't know why... Chapter 29
Wondering why... Chapter 30
Shayne's POV... Chapter 31
Hindi ko na alam... Chapter 32
This is WHY... Chapter 33
She still makes me smile! Chapter 34
Wattpad User... Chapter 35
Breakeven... Chapter 36
What do I feel? Chapter 37
I have something to say... Chapter 38
Pupunta ba ako o hindi? Chapter 39
Part 1... Chapter 40
Part 2... Expect the Unexpected... Chapter 41
Love is a choice... Chapter 42
Text Conversation...Chapter 43
Talking about... Chapter 44
Date? Chapter 45...
Lego House... Chapter 46
Gusto kita... Chapter 47
Kiss sa cheeks... Chapter 48
Ian? Chapter 49
Shayne... Chapter 50
Letter... Chapter 51
Ian's POV... Chapter 52
Jill...ian... Chapter 53
Unlimited Pain... Chapter 54
You like her... Chapter 55
Love and Pain... Chapter 56
Nikka... Chapter 57
To: Miss Author... Chapter 58
What's her reaction... Chapter 59
Once Upon A Stranger... Chapter 60
Sino Si Andrea? :)
AN
I miss this!

Adventure! :) Chapter 18

8.1K 90 9
By Hazelnot

Hello guys! I hope maenjoy niyo tong adventure chapter na to! :) weeeee...

Binago ko siya ng kaunti kasi nagdemand si Andrea. :)

_____________________________________________________________________________

Chapter 18

Andrea’s POV

Excited ako! Ang tagal kong hinintay ang araw na to! Pinag-ipunan ko kaya to ng sobra. Nagtiis pa nga akong kumain ng pasta ng dalawang linggo para lang makaipon ng 1,400 eh

Gumising ako ng 5am kahit na ang call time namin 7am pa! Isa to sa mga bibihirang pagkakataon na hindi ako pwedeng magpalate, dahil ayoko, ayokong maiwan! Gumagayak na ko ng biglang nag text yung ka-block ko si Dana.

Message: 1

From: Dana (Blockmate)

-Andrea, hindi daw tayo tuloy, may daw ng problema, next week na lang daw ireresume yung activity natin!

Ano to? Joke ba to? Kinurot ko pa talaga yung pisngi ko para makasiguradong hindi ako nananaginip.

Hindi na ulet nagtext si Dana. Mukhang seryoso nga siya. Nalungkot ako pero medyo naaasar din. Bakit ngayon lang sinabi sakin?! Nakabihis ka na't lahat tapos biglang hindi tuloy. Sayang yung damit!

Tumingala ako kasi nararamdaman kong naiiyak na ako. Bakit ba kasi ang babaw ng tear ducts ko.

''Kasi naman eh. Ang tagal na nitong nakaplano!'' Medyo pumapadyak na ko kasi gusto ko na talaga umiyak. Pinipigilan ko lang kasi baka magising ko ang ate ko.

Pakiramdam ko tuloy ngayon ako na ang pinakamalungkot na tao sa mundo!

At may nagtext ulit. Bigla kong tinigilan ang pagta-tantrums. Tinignan ko agad kasi baka si Dana yung nagtext. Umaasa pa din kasi akong tuloy pa rin kami.

Kaso si Clarice lang pala.

From: Clarice

-Goodmorning!

(Kanina maganda ang umaga ko pero ngayon hindi na. Siyempre hindi naman ako ganun kabastos para yan ang ireply sa message niya. Kaya ito nalang ang nireply ko.)

-Ang lungkot ko!

-Huh? Bakit? May lakad ka diba?

-Oo! Grabe ang tagal kong hinintay to!

-Ano bang nangyari?

-Alam mo bang ang aga kong gumising para dito? :(

-Hindi ka natuloy?

Para kong batang nagsusumbong dahil inagawan ng candy! Ewan ko ba. All of a sudden, sa kanya ko gustong ishare yung lungkot na nararamdam ko.

Napailing ako. Bakit ko ba naisip na sa kanya ko gusto sabihin yun. Hindi. Sa kanya ko lang naman pwede ishare ang mababaw na bagay na to. Oo tama, ‘yon lang ang dahilan kaya ko sinabi 'yon.

Nakita ko ang bag na kahapon ko pa inayos para sa araw na to. Dapat  kasi pupunta ako sa isang lugar. Hindi ko lang maalala kung anong pangalan nung lugar. Well, it doesn't really matter. Kasama ko naman ang mga ka-block ko kaya hindi ako nag-aalala.

Fieldtrip talaga ang pupuntahan ko.Minsan lang namin to ginagawa. Kapag request sa ilang subjects. So technically, super dalang lang ng ganitong pagkakataon.

Excited ako kasi pupunta daw kami sa isang pseudo-forest. I have always loved travelling at ang paborito kong puntahan ay mga gubat, ilog at iba pang natural sceneries.

Kaso hindi na tuloy! -___-

Tumunog ulet ang cellphone ko. This time hindi na ko masyadong interisado tignan kung sinong nagtext.

Message: 1

From: Dana (Blockmate)

-Huy! Hindi ka na nagreply! Joke lang yun, baka maniwala ka! Haha

-Dana naman! Nalungkot na ko eh. Akala ko hindi na talaga tuloy!

-Grabe hindi pa kita ginamitan ng acting skills ko naniwala ka agad! Haha. Halika na! Nandito na kami!

Mabilis akong umalis nga condo at nagpunta sa meeting place namin. Ni hindi na ko nakapagpaalam sa ate ko. Itetext ko nalang siya mamaya.

Grabe ang saya ko! Yung pakiramdam na akala mo babagsak ka sa exam tapos biglang ikaw pa ang highest. Ganun yung nararamdaman ko ngayon. Mas matindi pa nga ata eh.

Sobrang nagmadali ako. Mamaya ako na lang ang hinihintay nila. Sa laki ng mga hakbang ko, hindi na siya pwedeng tawaging paglalakad. Hahaha :)

Pagdating ko sa meeting place, nandun na silang lahat! -____-

Nahiya naman ako. Hanggang dito sa activity namin, late pa din ako.

“Andyan na si Andrea!”

(wow naman. At talagang kailangang isigaw ang pagdating ko.)

“Sa wakas makakaalis na tayo!”

“Hoy Andrea late ka na naman! Hahaha”

“Hindi pa ba kayo sanay guys? Hahaha”

Ito nalang ang sinagot ko. Wala ako sa mood makipagtalo. Technically, hindi ako dapat late kung hindi ako nagood time ni Dana.

Pero sa totoo lang, ang lakas talaga mang-asar ng mga to. Well, di naman ako napipikon sa kanila. Kasi kung sanay na silang late ako parati, mas sanay na ako sa pang-aasar nila. Normal na sa kanila yun.

Tinignan ako ni Dana, na parang nagsosorry. Haha. Siguro naguilty siya, dahil sa text niya late ako.

Dana: “Late siya kasi sabi ko hindi na tayo tuloy, hindi ko naman na maniniwala siya agad! Haha.”

And here I thought tutulungan niya ko ipagtanggol ang pagiging late ko. Mang-aasar lang pala lalo. -__-

Ako: Haha, okay lang, ang mahalaga tuloy tayo! Tara na.

“Oo nga baka hindi natin matapos yung mga gagawin natin.”

Pagkasabi ng leader naming nun, lahat kami naglakad papuntang sakayan.

Pag sakay namin ng bus, ni hindi ko man lang tinanong kung san kami talaga pupunta. Well may tiwala naman ako sa kanila, saka hindi talaga ako magaling sa directions, so sila na lang bahala dun. Ako naman, eto napipikit na. Gagawin ko na ang paborito kong gawin, ang matulog.

Clarice POV

Kainis, ang aga kong nagising! Kasi naman, naiisip ko pa din na may date siya!

Ano bang pakialam ko? -___- Bakit ba apektado ako sa kanya. Haaay. Pero kahit naiinis ako, gusto ko pa ding magenjoy siya sa date niya, kasi nung magkatxt kami kagabi, ramdam ko talaga yung excitement niya. Kasi tuwang tuwa talaga siyang nagkwento. So tinext ko na lang siya.

Nag goodmorning ako, at ang bilis ng reply niya. Pero bakit ganun yung reply niya? Malungkot siya?

Kaya ba siya malungkot kasi hindi na siya tuloy? :)

Hindi na tuloy yung date niya? :)

Pakiramdam ko tuloy, ang sama ko, kasi natuwa ako, pero kahit gaano naman siya kasungit, ayoko pa ding nalulungkot siya. Ang weird ko nga talaga! Pero hindi naman weird yung ganun. I always want to help others, to make them happy, even though, that would mean my misery.

Ayun nga nagtext siyang hindi siya tuloy sa lakad niya.

Grabe yung text niya, ramdam ko na parang kawawa talaga siya! Tsk.

Pero pagkatapos ng ilang palitan naming ng text, hindi na siya nagreply, baka nakatulog, alam niyo naman yun, antukin forever!

Andrea’s POV

“Huy Andrea gising na!”

“Tayo na dyan! bababa na tayo!”

“Sige ka iiwanan ka namin!”

Napamulat talaga yung mata ko sa huling narinig ko. ayoko ngang maiwan! Pag gising ko, nandito na kami.  Pagtingin ko sa oras, inabot din pala ng 2 hours yung byahe namin. Ang tagal ko din pala nakatulog.

Pag dating sa parking area, mas pinili naming maglakad lakad hanggang makarating kami sa falls. Ahh. Falls nga pala yun yung pupuntahan namin.

Sinadya ng prof ko na ito ang puntahan namin, para mapagaralan naming yung mga formation. Marami kaming nakitang biochemical at detrital sedimentary rocks. Pati yung klase ng bedding plane tinignan namin. Dito pa lang natutuwa na ako. Alam ko para sa iba boring to pero para sakin hindi. Sobrang fan ako ng mga rocks.

May maliit kaming hanging bridge na dinaan. Makikita na dun yung entrance nung park. It is owned by the government, kaya naman mura lang ang bayad papasok dun.

Dahil mabait akong bata, tumalon-talon ako. Kaso hindi umuga. Boring.

Nakakatuwa kasi sa ilalim ng tulay may mga batong patong patong. Yung tipong aakalain mong nakaglue kasi parang imposible sila tumayo ng sila lang. This place is just too peaceful. At sobrang nakakarelax.

Habang naglalakad kami, tinitignan namin yung ibat ibang klase ng bato na nandun. Meron kaming kanya kanyang documentation tapos pagsasamahin sa huli. Group work naman kaya hindi sobrang hassle.

May guide din kami habang ineexplore namin yung lugar. Si manong na pasimple naming iniinterbyu. Ang dami kasi niyang alam sa ibat ibang klase ng bato na nandun.  Nakakatuwa din pala makakita ng ibat ibang klaseng bato sa personal. Uusually kasi nakikita lang namin yung mga yun sa libro at sa internet.

Nung nakarating na kami kung nasan yung falls namangha ako!

One word para idescribe yung falls, “AMAZING”. Sobrang ganda nung falls! Nasa 30 ft. daw yung taas nun, ayon sa aming guide. Ang lamig kasi may butil butil ng tubig na tumatama sa mukha namin.

Naghanap kami ng shed para ihanda yung lunch namin, anong oras na din kaming nakarating dito dahil nga late ako.

Tinitignan lang kami ni manong guide habang naghahanda kami ng pagkain. Bigla siyang nagsalita.

“Gusto niyong turuan ko kayo kung paano gumawa ng apoy gamit ang kawayan lang?”

“Sige kuya!” Agad naman akong sumagot! Matagal ko na yung alam. Ancient people used to have this kind of fire building system. Pero never ko pa kasing naexperience yon kaya excited nanaman ako.

“Excited na naman si Andrea!”

“Oo nga parang bata lang eh! Haha.”

So ako na naman ang napagtripan ng mga to!

Kumuha na si manong ng dalawang kawayan at ikiniskis niya ito, ilang sandal pa ay napaapoy na niya ang kawayan! Ang galing! Nakakatuwa!

Kaya, agad ko namang sinubukan yung ginawa ni manong. Pero ang tagal ko ng kinikiskis yung kawayan wala pa din! -___- Lumapit si manong sa kin.

“Akin na yan, mali kasi ang ginagawa mo, kaya naman hindi ka makabuo ng apoy.”

Agad itinuro ni kuya ang tamang paraan ng pag gawa ng apoy.

Pagkatapos ng pangalawang attempt ko, sa wakas nakagawa din ako ng apoy! Ang saya ko, kasi pakiramdam ko, isa itong fulfillment! :)

After naming maglunch, patuloy pa din naming inexplore yung lugar, at nag sagot ng activities about rocks pa din.

May ibat ibang activities din na pwede magawa dun sa lugar. Natry din naming maghike, mag wall climbing at rapelling! Sobrang fun lang kasi hindi ko maramdaman na itong ginagawa namin ay school work. Nag-eenjoy lang kami!

Sa sobrang dami ng ginawa namin, feeling ko bitin na bitin yung buong araw. Gusto sana naming mag overnight, kaso bawal. Hindi sila nagaallow ng overnight dun sa lugar. Kasama daw yun sa paraan pagprepreserve ng lugar.

Sa pagiikot namin sa lugar, masasabi kong well maintained ito. Meron namang nagkalat na trash bins sa area. I think malaking tulong yun na mapanatiling malinis ang lugar.

Nagbyahe na kami pabalik at as usual pag sakay ng bus agad akong nakatulog!

 ___________________________________________________________________________

Sa totoo lang pakiramdam ko nagbyahe din ako habang ginagawa ko tong Chapter na to. Hahaha. At surprisingly, I had fun too! :)

Sana kayo din nagenjoy kayo! :)

-Hazelnot

Continue Reading

You'll Also Like

186K 4.4K 43
when you love someone, the only things you are hoping for is: she /he feel the same way.
231K 2.8K 45
they love calling each other stupid and they love hurting each other. E Kelan naman kaya nila magagawang mahalin ang isa't-isa.. hindi bilang magkapa...
395K 1.4K 7
(GIRLXGIRL) SHANE BLAIRE HART..A half filipino half canadian. she's a sweet girl, pretty and smart at may pagkainosente sa mga bagay bagay.. meron di...
115K 6.5K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.