Instant Mommy Ako? (PUBLISHED...

By skycharm24

23.9M 386K 32.2K

(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Epilogue
Authors Note
Good news!

Part 39

317K 4.6K 596
By skycharm24

TRISHA

Ang bilis naman at aalis na agad sila. Pero wala naman kaming
magagawa sa ngayon. Kung sana’y mabuting tao si Choleen,
baka nagkasundo pa kami. Pero duda akong mangyayari ’yon
kung ang tingin niya sa akin ay kontrabida sa buhay niya.

“Mommy, please tell Daddy I could stay here with you,”
reklamo ni Chloe.

“Anak, alam mo namang hindi pwede, ’di ba? Dalawa na
tayong hahanapin ng bad witch.”

“Wrong, Mommy. Tatlo tayo. You, me, and the baby.”

“Kaya nga, e. Baka makita lang tayo ng bad witch n’yan.”

“I don’t understand why I can’t stay with you.”

“Baby, pansamantala lang naman, e. Don’t worry, Daddy will find a way para maayos ang lahat,” sabi naman ni Xander.

“Make it fast, Daddy. I want Mommy and the baby to go
home.”

“Promise, anak.”

“Mag-ingat ka lagi dito, hon,” he said as he hugged me tight.

“Yes, hon. Mami-miss ko kayo.”

“Mami-miss ka rin namin.” Nang halikan niya ako sa labi ay hindi ko na napigilan maluha. “’Wag ka nang umiyak, hon. Don’t
worry, pipilitin kong mabisita ka nang mas madalas.”

“Okay lang ako. Iyakin lang kasi buntis,” sabi ko.

Binuhat niya na si Chloe na ayaw bumitiw sa ’kin. Masakit
makitang umalis sila, pero kailangan.

Pagkaalis nila, naglakad-lakad na lang ulit ako kagaya nang
madalas kong ginagawa. Dinala ako ng mga paa ko sa isang
bahay bakasyunan. Medyo luma na siya at mukhang napabayaan na. Pero napaisip ako bigla dahil parang nakita ko na ang bahay
na ’yon. Then, I saw a woman crying.

Mahaba at sabog-sabog
ang buhok niya, nakaputi, malalim ang mga mata…

Joke lang!

Umagang-umaga, e.

“Hello! Okay lang po kayo?” bati ko sa kanya. Nagulat siya pagkakita niya sa ’kin. She then hugged me
and…

“Maureen, anak! Ikaw na ba ’yan?” Tinawag niya ba
akong anak?

Hinaplos-haplos ko na rin ang likod niya. “Tahan na po. Ako
nga po pala si Trisha.”

Bumitiw siya bigla. “Trisha?” tanong niya.

“Opo. Doon po ako nakatira sa may malaking rest house.”
Pinagmasdan niya ang mukha ko.

“Kamukha mo talaga siya,”
sabi niya. Ayan na naman, e. Dati si Choleen, ngayon kaya sino naman?

“Madami po talaga akong kamukha,” tatawa-tawa kong
sagot.

“Hindi mo ba ako natatandaan man lang, hija?”

Napakunot ako ng noo. “Po? Hindi po, e. Ngayon ko lang po
kayo nakita.”

“Ah, ako nga pala si Connie. Tawagin mo na lang akong
Tita Connie,” nakangiti niyang sabi. Masusi niya pa rin akong
pinagmamasdan.

“Sino ang mag-aakala?”

“Po?”

“Wala, hija. Ilang buwan na ’yang ipinagbubuntis mo?”

“Seven months na po. E kayo po, saan kayo nakatira?”

“D’yan sa bahay na ’yan. Medyo napabayaan lang. Matagal na rin kasing hindi kami nakapupunta dito. Hindi ko alam kung
bakit ngayon ko naisipang umuwi dito, pero ngayon alam ko na.”

Hindi ko talaga siya maintindihan.

“Maganda naman po ang bahay n’yo, e. Medyo kailangan
lang ng konting ayos.”
Ngumiti siya ulit. Kanina kasi umiiyak na siya, e.

“Ngayon ay may dahilan na ako para ipaayos ’yan, Trisha.”

“Saan po kayo ngayon tutuloy?” Mukha naman kasing hindi
matutulugan ang bahay niya ngayon.

“Maghahanap na lang ako ng malapit na resort.”
Hindi ko maintindihan pero magaan ang loob ko sa kanya.

“Gusto n’yo po doon muna kayo sa amin?” Bigla niya ulit akong niyakap.

“Talaga, anak? Ang bait mo
naman. Maraming salamat, Trisha.”

Tinawagan ko si Kuya Hayde para magpatulong sa mga gamit ni Tita Connie. Tinawagan ko na rin si Dad para magpaalam,
baka kasi anong sabihin niya kapag nalaman niyang nagpatuloy ako ng ibang tao dito sa rest house. Buti at pumayag naman siya.

Pagkatapos ay nagpatulong si Tita Connie magpahanap ng
mga taong maglilinis at mag-aayos ng bahay nila. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-iyak niya kanina, pero masaya akong makitang masigla na siya ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
1.9M 6.5K 8
He is an actor. She's a brat. COMPLETED
191K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...