She's my Step-Sister

By Yananymouss

12.7K 294 88

Oliver Lance Posadas, who was deeply in love with his friend's girlfriend Coleen Garcia. Complicated things h... More

She's My Step-Sister (Summary of Book1)
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 3

520 12 3
By Yananymouss

[8]

 

"Too childish Lance."

 

Naalala ko pa ang huling salita ni Kuya Louis bago kami lumabas ng Dance Studio, isip bata? ako? Baka si Coleen yun. Tss, she has no sense of humor.

 

"Nakita namin ni Irish si Coleen, andun kinocomfort siya ni Julie Anne ata yun. Mukhang umiiyak?"

 

Dumating sina Biboy kasama si Irish, at guess what? Yan ang salubong na sabi ni Biboy sakin kaya lalo akong nainis.

 

"Hey, Lance, Owy, si Coleen may kasamang lalaki sa labas? Tsaka isang babae? Kilala niyo? Mukhang kinakausap si Coleen eh."

 

Litanya naman ni Ranz na huling dumating sa Dance Studio. Lalaki? Yun naman pala eh! Sigurado naman akong si Elmo yung tinutukoy ni Ranz, at si Julie yung babae ayon na rin kay Biboy.

 

 

"Lance, Lance anak kakain na. Iinom ka pa ng gamot, diba?" Katok ni Mommy sa pinto ko. Binaba ko ang gitara kong hawak na pilit kong inaaral, marunong naman daw kasi ako nito dati. I just can't remember how.

Bago ko buksan ang pinto, inayos ko ang buhok ko at bumuntong hininga.

 

"Mommy."

"Dinner was served. Masamang paghintayin ang pagkain, okay? Huli na muna natin tong hapunan ng sabay-sabay."

"What do you mean Mommy?"

"I need to go to Italy, which is for our first cosmetic brand. Nakakahiya naman sa business partner ko kung ako lang yung exception. You know naman Ms. Belo. Don't worry magiistay ang Papa niyo." Tinapik niya ang balikat ko at tsaka umakbay sakin para sumabay paglakad.

"For how many weeks?"

"I can't say, maybe 2 to 3 weeks. Lance, wag na wag mong kakalimutan ang gamot mo, okay?"Tumango naman ako.

Gamot. Until now, hindi pa rin nila sinasabi kung ano ang sakit ko. Ang alam ko na lang, ay kailangan kong uminom ng gamot. May mga test din kada buwan na ginagawa sakin and I don't know for what is that.

Hindi ako kagaya ni Coleen na, last 2 months tumigil na siya sa pag-inom ng gamot niya. Pero, katulad ko wala pa rin siyang naaalala.

Nang umupo ako sa hapag kainan, kahit na pinipilit kong di siya iwasan di ko pa rin magawa. "Coleen, sorry kanina. I was just joking."

 

"You fought?" Tanong ni Papa.

"Yeah, always Pa! It's ok. Let's eat Mommy. Ingat kayo dun ha?" Ngumiti naman si Mommy.

Tsaka lang kami tumahimik, si kuya Louis mismo di na nagsasalita.

[9]

 

Nagtext sakin si Enrique noong gabi bago ako matulog, gusto raw niya pumunta sa bahay namin. Bahay namin? An old white house, pero sobrang laki para saming anim.

Pero parang naliliitan pa din ako pag magkaharap na kami ng magaling kong step-sister na si Coleen. Oo minsan, gusto ko siyang bantayan. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil concern lang din ako, pero siya naman tong kinukulit ako minsan na nagsisimula ng away.

 

"Lance, may bisita ka?" Tanong sakin ni Kuya Louis ng lapitan ako malapit sa hagdan ng entrance door namin. May hawak rin akong gitara na patuloy ko pa ding inaaral.

"Oo kuya, di ko nga alam kung anong oras dadating eh. Kaya dito na lang ako, para aabangan ko na lang siya. Hindi na maistorbo si Yaya."sagot ko sa kanya habang nakatingala. Dumating naman si Coleen na nasa likod ni Kuya.

"Oh Coleen, bakit ganyan ang ayos mo?" Tanong ni Kuya Louis.

 

Naka make-up siya ngayon?

 

"Ahh, Kuya.. Si Julie Inaaya niya ko, shooting daw eh. Pero, si papa naman kasi ayaw akong payagan. Kaya eto," Pinakita niya ang hawak niya kay Kuya, galit pa rin ata dahil di pa din siya tumitingin sakin. "Ano yan?"

 

"Magazine! Cover kasi si Julie Anne tapos si Elmo." Nakita kong ngumiti siya.

Hindi pa ata niya ko napapansin?

 

"Eh bakit naka make-up ka?" Tumingin naman agad siya sakin ng magtanong ako, pero dumeretso lang siya ng lakad at Inirapan pa ko.

Umupo siya doon malapit sa garden at binuklat ang magazine na hawak niya.

 

"Kausapin mo Lance, magbati agad kayo. Di kayo ganyan dati." Tumayo ako at nilapag ko ang gitara sa sahig.

 

Dati? Tss. Ano pa nga ba?

 

"Psst. Coleen." Di siya lumingon sakin, instead sumagot siya ng "Yes?" na tila donya na pagsisilbihan.

"Okay, Princess Coleen..."Nag-asta pa kong sasaludo sa kanya, pero napatigil nalang ako bigla. Para bang may nagflash sa utak ko. Naihulog rin niya ang magazine niyang hawak kaya pinulot ko habang napapailing.

May konting sakit akong naramdaman sa ulo ko..

Nakaluhod ako hawak ang Magazine niyang nahulog, napahawak ako sandali sa ulo ko. Paglingon ko sa kanya ay nakatingin siya sakin pero agad niya itong inalis."K-kuya..Okay ka lang?"

Tanong niya sakin habang mabagal na kinuha ang magazines sa kamay ko.

"Ahh..O-oo oo naman." Pinilit kong tumayo pero nahilo ako kaya naramdaman ko na tila babagsak ako.

"Kuya!"

Humawak sakin si Coleen, sa dalawang braso ko. Madaming beses kong iniling ang ulo ko bago bumalik sa normal.

 

"Uy Coleen, Lance.."

Napatingin kaming dalawa sa dumating, mabilis na tinanggal ni Coleen ang pagkakahawak niya sakin at tila nauutal pa siya.

"A-ahh , k-kanina ka pa?" tanong ni Coleen kay Quen.

 

"Hindi, ano lang tinanong ko lang yung guard. Sabi niya hinihintay ako ni Lance. Anong meron?"

"W-wa-la.. Medyo nahilo lang ako." sagot ko kay Quen.

Hindi pa nga pala nila kilala ang isa't-isa, officialy.

Lumapit ako kay Quen at tinapik ang braso niya. Humarap kami kay Coleen.

 

"Coleen, eto classmate ko si Quen. Kilala mo naman na eh. Enrique totoo niyang pangalan."

 

"Oo naman Kuya. Helloooo?" Lumapit siya samin at tapos nakipagkamay kay Quen.

"Tama na yan." Pigil ko. "Pumasok tayo sa loob, Coleen favor naman oh. Pasabi kay Yaya pag gawa kami ng meryenda. Salamat." Ngumiti naman siya sakin at tumango.

Nanibago tuloy ako...dapat magrereklamo siya eh.

Nauna na siyang pumasok sa loob, sumunod naman kami at sandali binitbit ko ang gitara ko sa loob. Pinagamit ko muna siya pero binuksan ko na rin ang TV.

 

"Uy si Ryzza, ang cute." Reaksyon ni Quen ng buksan ko ang tv na eatbulaga ang palabas.

"Oo nga eh, balita ko may guestings daw kami sa September sa own show niya."

"Ohh? Astig ah.. Ay siya nga pala, ang laki pala ng bahay niyo. Akala ko naliligaw ako. Ilan nga ba kayo?" tinutukoy  niya ang pamilya ko.

"Anim, tsaka may dalawa kaming Yaya tsaka isang guard at Driver. Yung driver lang naman ang umuuwi, minsan hinahatid kami sa school." Sagot ko. Napapatango naman siya.

"Eh nasan Mommy mo? Tsaka Papa?"

 

Tsismoso rin pala tong si Quen. Di bale, siya lang naman yung pinakaclose kong kaibigan sa room eh.

"Sa Italy, umalis siya kaninang madaling araw. Si Papa, real father ni Coleen. Vice President ngayon sa isang company..Napromote na eh."

 

"Astig..Yaman niyo pala."

"Sus, hindi."

 

"Kuya eto na oh." Nakita kong nilapag ni Coleen ang tatlong baso ng juice at anim na pirasong sandwiches.

"Thanks Coleen."

                                            

Umupo rin naman siya malapit sa tabi ni Quen, tinuloy na rin niya ang pagbabasa niya ng magazines.

"So, Coleen..may boyfriend ka na?" Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong Juice. Lokong Quen to ah =_="

"H-hoy, kung yan pinunta mo eh..-"

 

"Wala pa!" Masiglang sagot ni Coleen.

"Sus, meron nayan Quen! Kaya wag ka ng umasa."

"Ang hard mo naman pre, sabi niya wala eh." Inambahan ko siyang susuntukin kaya lumayo layo sakin habang hinaharang ang dalawa niyang kamay.

"U-uy Lance tama na. Nagtatanong lang naman eh."

Tinigilan ko siya, pero ang sama sama na ng tingin ko sa kanya.

"Ikaw Coleen, maghilamos ka nga. Yung make-up mo di nababagay sa panahon."

 

"Ayoko nga!"

"Susumbong kita kay papa."

"sumbong mo! Che!" tumayo siya tsaka inirapan na naman ako bago umakyat ng second floor ng bahay namin.

 

"Uy Lance, ganyan ba talaga kayo?"

Kung tatanungin niya yung dati? Di ko alam, I wonder kung ganito nga ba talaga kami dati. Pero kanina..nung mahilo ako.

 

Naalala ko na masaya kami ni Coleen, magkatabi kami sa isang puno, madilim na at maraming alitaptap sa paligid.

Saan kaya yung lugar nayun?

 

"Lance!" Pumalakpak siya sa harap ko. "Lance anong nangyayari sayo?"

"Okay lang ako. Yung tinatanong mo? Oo, ganyan kami. Nag-aaway palagi."

 

"Pero bakit? Pag di natin siya kaharap halos pagbantaan mo na ko na wag lalapit, safe na safe si Coleen sayo. Pero pag kaharap mo na siya, para kayong aso't-pusa. Matagal na kayong ganyan?"

Matagal..9 months ko palang siya kilala. Hindi nga pala alam ni Quen na may amnesia ako.

 

"Ewan?" Madalas kong sagot sa mga tanong na di ko sigurado.

"Ang labo naman.. Lance Monday bukas. Vacant tayo, tara."

"Eh may driving session ako tomorrow, kumukuha ako ng license. Ayaw kasi ni Mommy na magmotor or magbike ako kaya kotse na lang." nilapag ko ang juice na kanina ko pa hawak.

"Oh??? Sakto! Magpapaturo na din ako eh, first day bukas."

"Nice! Kita kits na lang bukas sa apex."

Nagkwentuhan lang kami about sa school, iniiwas niya yung Topic tungkol kay Coleen. Kaharap niya kasi ako. Tapos nilibot ko rin siya sa bahay namin na 2 floors pero sobrang laki nga bawat kwarto. Hindi ko na rin inabala si Coleen dahil tatlong beses ko siyang kinatok pero di niya binubuksan. Mas lalo pa atang nagalit sakin.

Si Kuya naman may ginagawa sa kwarto niya, nagkalat ang medicine books niya. Siguro ang hirap-hirap ng course niya? Sabagay, kami rin naman ni Quen nahihirapan sa engineering.

Pinakilala ko si Quen, tsaka kasama ko naman silang dalawa bukas. Sabay kasi kami ni Kuya Louis sa pagkuha ng lisensya pero si Kuya palang yung may kotse. Tatlo kotse namin sa bahay, kay Mommy kay Papa at isang Van na ginagamit paghatid samin.

Nagpaalam si Quen sakin mga alas-singko na ng hapon, naabutan naman siya si Papa pero papasok palang ng gate. Kaya pinakilala ko na lang kahit nasa loob ng kotse. Nakamotor naman si Quen paalis kaya okay lang sa kanyang gabihin siya.

Papasok na sana ako ng gate namin pero may narinig akong bumusina. Isang XKR Coupe??? What the? Eh 9.8 million yun pagkakatingin ko ah? Kanino naman to?

Nakita kong binuksan niya ang pinto ng kotse niya at bumaba, sino namang nakashades pa eh hapon na? Ano to? Yabangan? Tss.

Hindi niya yata ako nakita, instead dumeretso siya dun sa babaeng nagliligpit na ng gamit niya.

 

"Manang, alam niyo po ba kung saan nakatira yung mga Garcia. Coleen Garcia, yung maganda, maputi tapos medyo may katangkaran?" Sabi niya kasabay ng kamay niya sa paglalarawan.

Si Coleen?

Umiling ang matanda..

Lumapit na ko dahil nacurious din naman ako kung bakit siya pumunta rito.

 

"Psst. Pre."

Ng lumingon siya sakin tinanggal niya pa ang shades na suot niya.

 

"Uy, Lance?"

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 167K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
711K 4.6K 23
Hi! If you're new to my stories, check this! This is where I'll announce new book releases, chronological orders of my stories, new series coming soo...
200K 207 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
261K 321 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞