Classroom Full Of Famous (COM...

By Abandonedpokemon

1.4M 41.5K 2.6K

In a campus that filled with different kind of students, including Bullies, Smart ones, Cheerleaders, Nerds a... More

Chapter 1: Simple Smile
Chapter 2: Let's Be Friends
Chapter 3: Relocate
Chapter 4: Personalities
Chapter 5: Oodles Of Detestation
Chapter 6: Hallucination
Chapter 7: Unexpected Visitors
Chapter 9: Look Alike
Chapter 10: First Kiss
Chapter 11: Detention
Chapter 12: Trending
Chapter 13: Finding Him
Chapter 14: Childhood Friend
Chapter 15: Trapped
Chapter 16: Eat your words
Chapter 17: Protective Brother
Chapter 18: Drunk
Chapter 19: Hangover
Chapter 20: Argument
Chapter 21: We're Friends!
Chapter 22: Two Suitors
Chapter 23: She's Back
Chapter 24: Cousins
Chapter 25: Out of town (Part 1)
Chapter 26: Out of town (Part 2)
Chapter 27: Confession
Chapter 28: Odd Atmosphere
Chapter 29: Hesitate
Chapter 30: Decision
Chapter 31: Neglected
Chapter 32: A Piece Of Advice
Chapter 33: Reasons
Chapter 34: Roses And Letters
Chapter 35: Watching You
Chapter 36: Red Rose
Chapter 37: Sister In Law
Chapter 38: Scaredy Cat
Chapter 39: Nin & Zig
Chapter 40: Friendship Over
Chapter 41: Truth Lies
Chapter 42: Triple Pain
Chapter 43: Suffer
Chapter 44: Dead And Alive
Epilogue
Author's Note

Chapter 8: Big Changes

36.2K 1.1K 21
By Abandonedpokemon

««««----------»»»»»

Janine's Point of View

Hanggang ngayon talaga ayaw parin mag sink in sa utak ko yung pag payag ko sa sinabi ni Marga at lalong ayaw tanggapin ng utak ko ang pangyayarin yun. Una hindi ko naman close si kuya kaya hindi ko alam kong paano ko igagapang si Marga sa kanya, pangalawa HINDI kami magkasundo ni kuya at isa pa siya yung laging sumisira ng araw ko at ang pang huli, hindi ako marunong maglakad ng isang tao kasi naman wala akong alam sa mga ganyan ganyan. Basta priority ko muna ay ang pag-aaral ko diba?

"Anak! Kanina ka pa nagbababad diyan sa Cr daliam mo puputok na pantog ko!" Hays! Si mama talaga.

"Opo ito na po nagpupunas na." Sabi ko sabay patay ng shower at kuha ng tuwalya.

Pagkalabas ko nakita ko si mama na nanginginig. Pfft... Hindi halatang ihing-ihi na siya ah, haha.

Dumiretso ako sa Dining table at naabutan ko na kumakain sila kuya at si papa. Umupo ako sa tabi ni papa na may nakahain nang kanin at bacon.

"Kumain ka ng marami anak."

Ngumiti ako.

Habang kumakain ako ng paborito kong bacon may sinabi si papa.

"Sumabay ka na sa kuya mo mamaya tutal malapit lang naman yung school mo sa school niya eh."

"Pero pa. Kaya ko namang maglakad eh, walking distance lang naman yung school namin eh."

"Oo nga pa. Baka bumaho pa yung kotse ko ng dahil sa kanya." Epal na wika ni kuya.

"Kapal mo ah!" Angal ko.

"Sumabay ka na sa kuya mo para alam kong hindi siya mag cu-cutting."
"Pero pa-"

"Hay salamat nakaraos din." Ani ni mama ng makalabas siya ng Cr tapos himashimas pa niya yung katawan niya.

"Nakaready na yung bag mo dun sa kotse ng kuya mo."

"Sa inyo na lang kaya ako sasabay pa tutal papasok ka rin naman sa trabaho diba?" Sabi ko sabay puppy eyes.

"Mamaya pa ako aalis. Sige na pumasok na kayo baka malate pa kayo."

Napatingin naman ako sa relo ko oh sakto lang maka alis na nga wala naman na akong magagawa eh sasabay na lang ako kay kuya. Lumabas na ako at nagpaalam kina mama at papa saka ako pumasok sa kotse sa harap dun sa passenger seat.

Habang naghihintay ako kay kuya bigla akong may naiisip *Evil Grin* kahit ngayon lang kailangan kong magpaka good sister sa kanya.

Nung narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan nagsalita ako. "Good morning kuya!" Masayang bati ko sa kanya. Umupo siya at pinaandar ang sasakyan.

"Anong good sa morning ngayon eh nakita kita." Walang gana niyang wika.

Ok Janine calm down kailangan mong maging mabait sa kanya para na rin to kay Marga.

"Uhm... Kuya ano bang mga tipo ang gusto mo sa babae?" Tanong ko.

"......"

Hindi siya nagsasalita.

"Ahh ganto nalang mahilig ka ba sa medyo madaldal na babae?"

"......"

Wag kang mababanas Janine. Be patient.

"Siguro naman mahilig ka sa maganda diba?" Tumingin siya sakin gamit ang matalim niyang mga mata.
Oooopps....

"Would you please shut your fucking dirty mouth!" At talagang hindi na ako nakatiis sa ugali niya ah.

"Yabang mo naman kala mo kung sino kang gwapo eh tinatanong lang naman kita kung ano yung tipo mo sa mga babae!" Hindi na napigilan ng mga bunganga ko ang sigawan siya. Woosh nakakaasar.

Sa kabila ng mabilis niyang pagpapatakbo ng sasakyan itinigil niya ito. Muntik pa akong mauntog sa salamin.

"Hoy papatayin mo ba ako!"

"Ang dami mong sinabi napaka nonsense naman." Magsasalita pa sana ako kaso. "Leave." Huh?

"Ha? Pero hindi pa naman to yung school namin ah!"

"I said leave." Sabay kuha niya ng bag ko sa passenger seat sa likod tapos inabot niya sakin.

Tinanggap ko.

"Pagsisisihan mo tong araw na to!" Sabi ko sabay labas at sara ng pinto ng napakalakas. At mabilis niya namang pina-andar ulit ng napakabilis yung sasakyan.

Langya! Sabi na nga ba hindi mag wowork yung plano ko eh. Bwiset at ngayon maglalakad pa tuloy ako. Aarrh! Kung meron lang akong bazooka ngayon pasasabugan ko yung kotse niya!

Hanggang sa makarating na ako sa school, hindi ko napansin na nandito na pala ako. Haays. Pagpasok ko ng room nakita ako ang excited sa mukha nila Maddy, Marga at Kendra. Anyare? Anmeron? Tumakbo papunta sakin si Marga.

"Musta yung sa amin ng kuya mo?" Wika niya kaagad.

"Ayun disaster."

"Ha bakit anong nangyari?"

"Wala nag away lang naman kami." At nakita ko na lumungkot yung ekspresyon ng mukha ni Marga. Anong magagawa ko?

"Uy nerd I'm so excited para mamaya!" Tugon ni Kendra. Parang kinakabahan ako ah.

"B-bakit?"

"Basta mamaya sumama ka samin sa Mall." Wika naman ni Maddy.

"It's a big surprise." Mala misteryong wika naman ni Marga. Parang ayaw ko talagang sumama ah.

***

"Ayoko! Hindi niyo ako mapapapasok diyan!" Sigaw ko.

"Wag kang maarte nerd ah! Sasampalin kita kaliwat kanan." Pananakot ni Kendra.

"It's just a salon, nothing to scared about." Mahinahong wika naman ni Maddy.

"Go mo na yan girl!" Sabi pa ni Marga.

"Janine grow up! It's time for you to try something that you haven't tried before." Si Maddy naman ang nagsabi niyan.

Kumalma ako at tumayo ng maayos. May dalawang tumatakbong tanong sa isip ko. Gagawin ko ba to? O wag na lang? Bumuntong hininga ako.

Ok.. Sige gagawin ko to.

Pagpasok ko may naka handa ng upuan para sakin at kait na maraming nakapila and suddenly pinaupo na ako ng baklang mapayat siya yata yung mag aasikaso sakin.

"Don't you worry Janine, he's the best among everyone here." Sabi ni Maddy.

Tinignan ko sa reflection ng salamin ang bakla tapos kinindatan niya ako. Mukha ngang hindi ko na kailangang mag alangan pa. Nag paalam rin sila Marga, Maddy at Kendra na lalabas raw muna dahil matagal tagal pa naman.

Una niyang hinawakan yung buhok kong parang walis at nakita ko ring umiling siya. Sinenyasan niya yung isa sa mga parlorist na babae at nagpatulong, ewan ko pero bigla na lang ako nakaramdam ng sabunot kaya napapikit ako. Tiisin mo lang Janine makakaraos ka rin. Matapos niya akong sabunutan este ayusin yung buhok kong parang pugad ng ibon may nilagay siyang chemical something basta mabaho yung amoy.

Hindi ko namalayan bigla nalang bumaba yung mga talukap ko. At tuluyang nakatulog.

***

Pagka mulat ko sa aking mga mata napa mura nalang ako sa akin nakita muna sa reflection ng salamin. Bigla akong napatalon sa nakita ko.

"How was it?" Nagtatakang tanong ng bakla.

"Hindi.." Biglang nag iba yung reaction sa mukha niya. "Hindi ako makapaniwala." Pagpapatuloy ko pa.

****

Continue Reading

You'll Also Like

191K 6.8K 39
Esta Vez. Mga salitang ipinagwalang-bahala ni Selry. After all, it was just a part of a weird dream. Weird, dahil sa paulit-ulit na lamang niyang nap...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
706K 15.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
10M 310K 68
(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action.