BHO CAMP #5: Syntax Error

By MsButterfly

3.6M 89.7K 9.1K

Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 ~ Distance ~
CHAPTER 2 ~ Grow Up ~
CHAPTER 3 ~ Nothing ~
CHAPTER 4 ~ Breaking ~
CHAPTER 5 ~ Battle ~
CHAPTER 6 ~ Flaw ~
CHAPTER 7 ~ Lips ~
CHAPTER 8 ~ Heart ~
CHAPTER 9 ~ Possibility ~
CHAPTER 10 ~ More ~
CHAPTER 11 ~ Result ~
CHAPTER 12 ~ Calculation~
CHAPTER 13 ~ Out of control ~
CHAPTER 14 ~ Dour ~
CHAPTER 15 ~ Yes ~
CHAPTER 16 ~ Positive ~
CHAPTER 17 ~ Try ~
CHAPTER 18 ~ Dispatch ~
CHAPTER 19 ~ Restrain ~
CHAPTER 20 ~ Want ~
CHAPTER 21 ~ Always ~
CHAPTER 22 ~ Call ~
CHAPTER 23 ~ Deception ~
CHAPTER 24 ~ Pretense ~
CHAPTER 25 ~ Letter ~
CHAPTER 26 ~ Confab ~
CHAPTER 27 ~ Rose ~
CHAPTER 28 ~ Box ~
CHAPTER 30 ~ Martins ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Special Chapter
Up Next

CHAPTER 29 ~ Fluff ~

109K 2.3K 121
By MsButterfly

CHAPTER 29

SNOW'S POV

Akmang ipapatong ko ang mga paa ko sa coffee table nang tabigin iyon ni Waine na kaharap ko. Binigyan ko siya ng matalim na tingin na hindi naman niya pinansin at bale walang pinagpag niya lang ang lamesa na parang may imaginary germs doon.

"Ang arte mo, Kuya Waine." nakasimangot na sabi ko.

"Malinis lang talaga ako. Mamaya makapitan pa si Serenity ng mga bacteria na dala mo."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Kung umarte si Kuya Waine talaga nitong mga nakaraan araw ay para siyang ina ni Serenity. Buti nga hindi naiinis ang isang iyon at bigla na lang siyang lasunin.

"Speaking of your Serenity, talagang mag iistay kayo rito?" tanong ko.

"Oo. Bakit ayaw mo?"

"Oo, ayoko. Kung si Serenity okay lang. Kaso kapag nakikita kita gusto ko na lang lunurin ang sarili ko kasi ang hirap mo kausap."

Bago pa siya makapagsalita ay nakarinig kami ng mahinang pagtawa na nanggagaling sa kwarto ng unit nila dito sa BHO CAMP. Ilang sandali lang ay lumabas si Serenity na nakaupo sa wheel chair niya.

May maliit na ngiti sa mga labi niya na lumapit siya sa amin, "Pagpasensyahan mo na si Waine. Ganiyan talaga 'yan. Maaalalahanin at maalaga."

Nakangiwing nilingon ko si Kuya Waine na ngayon ay nangingiting nakatingin sa babae. Kahit na hindi sila magsalita pakiramdam ko hindi lang sparks kundi kuryente ang dumadaloy sa pagitan nila.

"Hello? Hello? May tao pa po rito. Pwede pong bawasan natin ang malaswang tinginan na nagaganap." nang-aasar na sabi ko.

Naniningkit ang mga mata na tinignan ako ni Waine. "Inosente ang tinginan namin."

"Di rin."

Tinaasan niya ako ng kilay, "Parang kayo ni Phoenix hindi? Nakakapagtaka ka nga na hindi nauumay sa inyo ang mga agent."

Automatikong napangiti ako ng malaki ng marinig ko ang pangalan na binanggit niya. Naiiling na tinignan ako ni Kuya Waine na parang sinasabi na mas malala pa nga ako kesa sa kaniya. Hindi ko naman itatanggi. I'm in L-O-V-E.

"Hindi sila mauumay dahil ganito tin naman kami kahit noong mga bata pa lang kami."

"Ahh." sabi ng lalaki na may ngisi sa mga labi. "Bata pa pala kayo may malaswang hangarin na kayo sa isa't isa."

"Hindi kaya! Inosente kami. Inosente ako! Look at me!" utos ko sa kaniya at tinuro ko ang mukha ko. "Mukha bang makakaisip ang mukha na ito ng kakaiba? Look at my innocent eyes."

Nilingon ni Kuya Waine si Serenity at umiling siya. "Wag kang maniniwala riyan. He even took advantage of the guy when he was drunk."

"Noon! Noong mga bata pa kami inosente ako. Saka hello? Sino kayang nag corrupt sa utak ko?" inismiran ko ang lalaki at hinarap ko si Serenity na nangingiti sa bangayan namin. "Serenity, ikaw talaga ang pinunta ko rito. Kung si Kuya Waine lang hindi ko 'yan dadalawin kahit tubuan siya ng mushrooms dito."

"Ang cute niyong dalawa." naiiling na sabi ng babae. "Para kayong magkapatid kung magbangayan."

"Eww no!" I said in grimace.

Akmang magsasalita pa ako ng pagulungin ni Serenity ang wheel chair niya palapit sa akin at kinuha ang isa kong kamay. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Ang sabi nila engage ka na raw. Where's the ring?" tanong niya ng bitawan niya ang kamay ko.

"Pinagawa pa ni Phoenix. But I'll show you when it's done." excited na sabi ko.

Nagkasundo kami ni Phoenix na wala kaming idadagdag sa sing sing. Ayaw kasi namin na mabago ang orihinal na ganda niyon. Besides gusto kong ipakita kay Tita Ruby kapag nabuo iyon.

If she decide to get it back I'll be more willing to give the ring to her. Kasi tama si Tita Ruby. Hindi naman kasi ang symbolo ang mahalaga kundi ang pag-ibig mismo. And besides Phoenix and I will still have our wedding rings.

"Ay oo nga pala!" bulalas ko. "Kaya nga pala ako napadaan dito ay dahil gusto kong maging maid of honor kita."

Napamata sa akin ang babae sa pagkagulat. Pagkaraan ay tumingin siya kay Waine na mukhang nagulat din sa sinabi ko. "P-Pero...hindi pa tayo matagal na magkakilala."

"Wala naman sa tagal iyan at isa pa parte ka na rin ng pamilya namin ngayon." itinuro ko si Kuya Waine at nginusuan. "At ang alien na 'yan. By the way Kuya Waine ikaw daw ang best man ni Phoenix."

"What?"

"Good man lang pala. Hindi ka best eh." nakangusong sabi ko. "Dalawa kasi ang maid of honor at dalawa ang best man. So ayun! Hindi kayo pwedeng mawala kundi ipapahunting ko kayo sa mga agent."

Tumayo na ako at nag peace sign ako sa kanilang dalawa. Pero bago ako makahakbang paalis ay naramdaman ko na pinigilan ako ni Serenity sa kamay. Nakangiting nagbaba ako ng tingin sa kaniya.

Hindi siya nagsalita pero kita sa mga mata niya ang pagpapasalamat. Kahit na hindi pa kami masyadong magkakilala, I have no doubt that from now on we will be very good friends.

"Waine." bulong ni Serenity nang tuluyan na niya akong bitawan.

"Yes?"

"Ihatid mo si Snow."

"Bakit? Ayoko nga." sabi ni Kuya Waine at inismidan din ako katulad ng ginawa ko kanina. "Malaki na 'yan eh."

"Waine..."

Bago pa ako makahuma ay hinila ako ni Waine palabas ng kwarto nila. "Narinig mo ba 'yon? Ihatid daw kita. Bakit ba ang kulit mo?"

Pumiksi ako at inirapan ko siya. Nagmamartsang lumabas ako. "Ewan ko sa'yo."

Nang makalabas ako ng kwarto nila ay tuloy-tuloy na naglakad ako. Kailangan ko ng magmadali dahil magkikita pa kami ni Phoenix dahil kailangan naming pumunta sa family house naming mga Night.

Napapitlag ako nang maramdaman ko na may umakbay sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Kuya Waine. "O, bakit sumunod ka?" tanong ko.

"Ihatid nga daw kita."

Nginisihan ko siya. "Under."

"Standing. Understanding, okay?"

"Ewan."

Tahimik na naglakad kami. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong ihatid eh ang lapit-lapit lang naman ng pupuntahan ko. As if naman maliligaw ako rito sa BHO CAMP eh paslit pa lang ako nalibot ko na ang kabuuan nito. Past time kasi ng henerasyon namin ang mag-ala Dora The Explorer.

Kaya hindi miminsang may naliligaw sa amin at hindi na nakikita kung hindi pa mag gagabi. Buti na lang uso noon ang baby tracker namin kaya nahahanap kami ng mga magulang namin.

"It won't be easy."

Nag-angat ako ng tingin kay Kuya Waine nang magsalita siya. "What?"

"Life with him. It won't be easy. May mga pagkakataon na makakaramdam ka ng guilt, minsan maiisip mo kung kaya mo ba siyang mapasaya at minsan matatakot ka."

"Tinatakot mo ba ko?"

Umiling siya. "Sinasabi ko lang ang pwedeng mangyari."

Sandali akong hindi nakaimik sa sinabi niya. Dahil alam ko, katulad ng mga maraming beses, ay tama ang sinasabi niya. Kahit na noon pa man, hindi nagkamali si Kuya Waine sa mga paalala niya sa akin.

"And how do you live with that? Even if it's not easy?" I asked in a whisper.

"I think of losing that person. Dahil wala ng mas hihirap kesa ang mawala ang taong minamahal mo sa tabi mo. Hindi naman magiging madali ang buhay. Hindi naman mawawala ang pangamba. But losing the person you love? That's not just pain...it's death."

"Kayo ni Serenity...okay lang ba kayo?" bulong ko.

Bahagyang ngumiti ang lalaki. "We're good. Minsan mahirap. Kasi itinatago niya sa akin ang nararamdaman niya. Katulad ngayon." nagbaba siya ng tingin sa akin. "It's been too long since she's been around people who treat her nice. Kaya nagiging emosyonal siya. But when that happens, sinisiguro niya na hindi ko nakikita. Because she don't want to worry me."

Nanatili akong nakatingin sa lalaki. Alam ko na marami pa silang pagdadaanan ng babae. Alam ko na hindi din magiging madali sa kaniya ang lahat. But as I look at him I know that there's no hardships that he can't face when he have her beside him.

"Ehem."

Napapitlag ako nang marinig ko ang isang malakas na pagtikhim. Nilingon ko ang pinanggalingan niyon at napangiti ako ng makita ko si Phoenix na nakatingin sa amin.

"Nix Nix!" nakangiting sigaw ko at akmang susugurin ko na siya nang maramdaman ko na hinigpitan ni Kuya Waine ang pagkakaakbay sa akin.

Tinignan ko ang lalaki at nakita kong nang-aasar na nakatingin siya kay Phoenix na walang ekspresyon ang mukha. Halata namang nanadiya si Kuya Waine na idinikit pa ang mukha niya sa akin.

"Alis ka muna pare." sabi ni Kuya Waine. "May pinag-uusapan pa kaming importante."

"Mas importante ang pag-uusapan namin."

Bahagya kong inatras ang mukha ko at binigyan ko ng matalim na tingin si Kuya Waine. Pinandilatan ko siya ng mga mata at nagsalita, "Bitawan mo nga ako. Nasu-suffocate ako sa pagiging alien mo. Nakainom ka na ba ng gamot mo Kuya Waine? Kasi nararamdaman ko na ang kakaibang aura mo eh."

"Snow."

Nilingon ko si Phoenix. "Sorry. Promise maliligo ako mamaya para hindi ka kapitan ng germs ni Kuya Waine."

Iniangat ni Phoenix ang isa niyang kamay. He stretched it towards me. Walang pag-aalinlangan na kumilos ako.

"Aaaaah!" sigaw ni Kuya Waine nang bigla kong kinagat ang kamay niya na nakaakbay sa akin. Mabilis na tumakbo ako papunta kay Phoenix na umangat ang sulok ng labi sa ginawa ko. Kaagad niya akong kinulong sa mga bisig niya. Tinalikuran namin si Kuya Waine at naglakad kami paalis. Pero bago tuluyang makalayo ay nilingon ko ang binata.

"Bleh!"



HALOS dumugo na ang ibabang labi ko sa pagkakakagat ko roon. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng atmospera ng paligid. Sa harapan namin ay nandoon ang pamilya ni Phoenix habang ang pamilya ko naman ay tahimik na nakatingin sa kanila.

Nagbaba ako ng tingin sa cellphone ko nang mag vibrate iyon. Nang makita ko ang contact ID niyon ay napatingin ako kay Phoenix. Galing sa kaniya ang mensahe.

MANGGA KO (8:09 PM)

Stop biting your lips. Magkakasugat 'yan.

-

TO: MANGGA KO (8:09 PM)

I'm nervous! Hindi sila nagsasalita! Look at my

siblings. Ninenerbyos na rin sila sa nangyayari.

-

MANGGA KO (8:10 PM)

How can I kiss you if you hurt that lips?

-

"Kumain na tayo. Niluto ni Rain ang mga paborito mo Tricia. Ginataang langka right?" nakangiting tanong ni Momma at umangkala sa braso ni Tita Tricia Andrea na siyang ina ni Phoenix.

Si Tito Sly at si Papa naman ay nauna na sa dining at may kaniya na ring pinag-uusapan na parang walang nangyaring matagal na labanan ng tinginan.

Nakangangang nagkatinginan kami ng mga kapatid ko. Nang lumingon naman ako kay Phoenix ay kita din ang pagkalito sa mukha niya habang nakatanaw sa mga magulang namin. Ganoon ba talaga kagaling ang mga second generation elites? Saglit na tinginan lang nagkakaintindihan na?

"Wala ba kayong balak kumain, kids?"

Nilingon ko si Momma na siyang nagsalita. Nakatingin rin sa amin si Tita Tricia na ngiting-ngiti na parang naiintindihan ang mga ekspresyon namin.

"Amm, Momma." mahina kong sabi. "Hindi niyo ba kami papagalitan?"

Sandaling nakatitig lang sa akin ang aking ina. Pagkaraan ay lumipat iyon kay Phoenix na naghihintay sa sasabihin ni momma. Pero bago pa siya makapagsalita ay sumabay na si Kuya Thunder na lukot ang mukha. "Momma, pagalitan mo sila. Ako nga laging napapagalitan eh. Unfair!"

"Thunder. Get in here."

Binelatan ko si kuya ng marinig ko ang pagtawag sa kaniya ni Papa. Bago siya tuluyang sumunod ay kinurot muna niya ako sa pisngi.

"Momma oh!" reklamo ko.

Natatawang iniwasan lang ni Kuya Thunder ang kamay ni momma ng akmang kukurutin din siya nito at kumaripas na lang siya ng takbo papunta sa kusina. Si Freezale naman ay hinila na ang asawa niya para sumunod sa hapag.

Nang tanging kami na lang apat ang maiwan ay kinakabahang tumingin ako kay Phoenix. Bahagya siyang ngumiti na parang kinakalma ako pero kita sa mga mata niya ang kaba sa sasabihin ng mga nanay namin.

"It's not like we didn't expect it." Phoenix mother said, still smiling. "Ang hindi lang namin inaasahan ay umabot sa punto na naging magulo ang mga buhay ninyo. Na dumating sa punto na may isa pang taong na-involve sa mga pangyayari."

"Hindi namin kailangang malaman lahat. Ang mga naging pagkakamali ninyo, ang mga desisyon niyo, ang mga bagay na nahihirapan kayong aminin. There is just one thing that we ask for as your parents." sabi naman ng aking ina na si Wynter.

"What is it momma?"

"Be happy."

Pagkasabi niyon ay tinalikuran na nila kami at tuluyan ng pumunta sa dining area. Nanatiling sinusundan ko sila ng tingin. Ilang beses ko ng narinig ang mga salitang iyon. Ilang tao na ang nagsabi.

Siguro dahil iyon naman ang importante. Ang maging masaya.

People always looks for balance in life. Sometimes to even have more. In the end of the day the only thing that will matter is being happy. To have that endless happiness.

"Snow."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nakangiting lumapit ako kay Phoenix. Akmang bubuka ang mga labi ko para magsalita pero napatigil ako ng hawakan niya ang isa kong kamay.

Nagbaba ako ng tingin sa magkahawak naming mga kamay at napangiti ako ng makita ko roon ang sing sing ni tita Ruby. The stone is shining brightly on top of the band that have intricate design.

"Will you marry me?"

Napangiti ako. "Ilang beses ko bang sasagutin iyan?"

"Until you're finally my wife."

Lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. Itinaas ko ang magkahugpong naming mga kamay at pinisil ko iyon.

"Yes, yes, yes!"

1 month and 1 week later...

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran nang marinig ko ang paghila sa kurtina na nagtatakip sa akin. Nakangiting umikot ako at pagkatapos ay idinipa ko ang mga kamay ko na para bang shinoshowcase ko ang sarili ko.

"Snow, you look so beautiful!"

"Kapatid ko 'yan, Serenity. Hindi na nakakapagtaka."

"Omg you look like a princess!"

"And a fairy!"

"You look like a cake."

Hindi ko pinansin ang huling nagsalita at sinenyasan ko ang dalawang babae na nag a-assist sa akin kanina. Lumapit sila sa akin at ipinatong sa ulo ko ang napakahaba ko na veil.

"Perfect!"

"Kapatid ko 'yan."

"I think you need more color. Like a lollipop colored flowers on your hair. Sa tingin mo Hera?"

"She's a bride, Athena. Hindi snapchat filter."

"You look like a covered...cake."

Binato ko ng matalim na tingin si Waine na nakadekwatro pa na animo judge sa isang contest habang sinusuri ako. As if naman may alam siya sa kung ano ang magandang wedding gown. "Bakit ka ba nandito? Hindi mo ba alam na for girls only ang lakad na'to?"

"Moral support."

Pinameywangan ko siya. Kung pwede ko lang siyang lunurin sa napakaraming layers ng gown ko ginawa ko na. "Hindi ko kailangan ang support mo. Tsupi!"

"Hindi naman para sayo ang suporta ko. Syempre para sa mahal ko lang." sabi ni Kuya Waine at kinindatan si Serenity na naiiling na lang.

Pinapunta ko kasi sila Serenity at iba pang agents na babae para sukatin ang mga susuotin nila na gown. Sakto din na final fitting ko na. Ang ibang mga agent ay nauna ng bumalik ng The Camp dahil karamihan sa kanila ay may mission pa.

Tumingin ako sa full length mirror at tinignan ko ang sarili ko. It was one of my mother's design. Maliit pa lang ako ganito na ang sinabi ko kay Momma na gusto kong maging wedding gown. Dahil naniniwala ako na lahat ng mga babae ay gustong maging prinsesa pagdating sa araw na pinakahihintay nila.

Maraming layer ang gown ko para kumorte iyon na palobo. Manipis lang ang tela niyon at may maliliit na bato na nakaembroid sa mismong gown. Mula naman sa dibdib hanggang sa hips ay masikip iyon.

It looks simple except when I turn my back. Dahil sa likod ko ay tanging see through na puti ang tumatabing sa buong likod ko at ang phoenix embroidery na disenyo. Animo nakadipa ang mga pakpak ng ibon na parang lilipad ito.

"Sa tingin niyo may idadagdag pa ako?" tanong ko sa mga kasama kong babae. Pero bago pa may makasagot sa kanila ay naunahan na sila ni Waine.

"I think you should incorporate more "you" on the gown."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Mukhang may matino din naman pala na sasabihin. "And what is that?"

Tumayo siya at lumapit sa akin. Napaatras ako pero tuloy-tuloy lang siya. Umikot siya sa paligid ko at huminto ulit sa tapat ko. "Add some mangoes in your gown. O kaya gawa ka ng head dress na gawa sa mangga."

Nanggigigil na hinawakan ko sa magkabilang gilid ang gown ko para i-angat iyon. Sisipain ko na sana siya pero natatawang pinitik niya lang ang noo ko. Sinenyasan niya ang isa sa babae at ilang sandali lang ay bumalik iyon na may dalang itim na kahon.

Ibinigay sa akin iyon ng babae. Nagtataka man ay tinanggap ko iyon at binuksan. Napasinghap ako ng makita ko ang laman niyon. It's a crown. It's so beautiful that I can't help but stare at it. Simple lang iyon pero agaw pansin ang design no'n na snow flakes. May mga kulay asul pa iyon na bato.

"Regalo namin 'yan ni Serenity sa'yo para sa something blue mo. Pwede mong isangla iyan pagkatapos ng kasal ninyo dahil tunay 'yan. Sabi ko nga sa divisoria na lang kami bumili dahil hindi ka naman masyadong special kaya lang masyadong mabait ang-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil isinarado ko ang kahon at ibinigay iyon sa taga-assist at pagkatapos ay basta ko na lang tinalunan si Waine at niyakap.

"Get off, Snow!"

Pero wala na siyang nagawa. At dahil sa bigat ng gown ko ay nawalan siya ng balanse dahilan para lumagabag kaming pareho sa sahig. Hindi ko na siya makita at pati ako ay hindi na makakita dahil natakpan na kami ng mga tela ng gown ko.

"Freezale? Nasaan si Snow?"

Napangiwi ako nang marinig ko ang boses ng bagong nagsalita. Si Phoenix. Nasa labas lang siya kanina kasama ang asawa ni Freezale dahil ayokong ipakita sa kaniya ang kabuuan ng gown ko. "Kabuuan" dahil katulong ko siya sa pagbigay ng idea kay momma noong binubuo ko ang concept ng gown na ito.

"There. That giant ball of fluff." narinig kong sagot ni Athena para sa kapatid ko.

"What happened?"

"He killed Waine. With her...fluffiness."

Naramdaman kong may humawak sa akin para i-angat ako. Walang duda na si Phoenix ang tumutulong sa akin na makatayo. Pero bago niya ako tuluyang maiangat ay muli akong bumagsak kay Kuya Waine na napahiyaw nang dumagan uli ang bigat ko sa kaniya.

"Athena!"

"Hindi mo pwedeng makita ang kagandahan ni, Snow. Wala ng element of surprise. Shoo! Alis na o ipakikidnap ko sa mga gwapong alien si Snow."

"Snow, are you okay?" I heard, Phoenix, asked.

Itinaas ko ang isa kong kamay at nag thumbs up ako. Kasunod niyon ay nakarinig ako ng mga kaluskos. Malamang sa hindi ay kinakaladkad na ni Athena palabas si Phoenix.

"Guys? Pwedeng pakitulungan ako? Baka malagutan na ng hininga si Kuya Waine. Gusto ko pang maikasal bago ako makapatay at mabilanggo."

Ilang sandali lang ay naramdaman kong may mga kamay na tumutulong sa aking tumayo. Nakita ko si Freezale at si Hera na halos hindi magkamayaw sa paghila sa akin. Hmm...mabigat nga talaga itong damit na 'to.

Nagbaling ako ng tingin kay Kuya Waine na nakahilata pa rin sa sahig. Natatawang nakatingin naman sa kaniya si Serenity.

"I pity him." Waine said.

"Who?"

"Phoenix."

Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit naman?"

"Isang taon ang lilipas...bago niya matanggal ang damit na iyan."

Pakiramdam ko ay namula pati na ang eye balls ko sa sinabi niya. Tinalikuran ko sila at nagmamartsang bumalik ako sa flatform. Kaagad naman akong tinakpan ng kurtina ng mga mag-aassist.

Sa kabila niyon ay hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Kuya Waine. I can barely remember the...first, you know? I was drunk that time. I wonder...

"Miss pwedeng pakilakasan ang aircon? Parang sira ata." sabi ko sa isang babae.

"Sige po, Miss Snow."

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Pinaypayan ko ang tapat ng mukha ko nang makita ko ang pamumula niyon. Omg!

Continue Reading

You'll Also Like

258K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
883K 36.3K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
2.4K 191 27
[Loving You Epistolary Series #1] Senior high school nang maka-partner ni Veronica Manalo ang six-footer at sikat na si Xavier Gutierrez. Sa maliit n...
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...