BHO CAMP #5: Syntax Error

By MsButterfly

3.6M 89.7K 9.1K

Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 ~ Distance ~
CHAPTER 2 ~ Grow Up ~
CHAPTER 3 ~ Nothing ~
CHAPTER 4 ~ Breaking ~
CHAPTER 5 ~ Battle ~
CHAPTER 6 ~ Flaw ~
CHAPTER 7 ~ Lips ~
CHAPTER 8 ~ Heart ~
CHAPTER 9 ~ Possibility ~
CHAPTER 10 ~ More ~
CHAPTER 11 ~ Result ~
CHAPTER 12 ~ Calculation~
CHAPTER 13 ~ Out of control ~
CHAPTER 14 ~ Dour ~
CHAPTER 15 ~ Yes ~
CHAPTER 16 ~ Positive ~
CHAPTER 17 ~ Try ~
CHAPTER 18 ~ Dispatch ~
CHAPTER 19 ~ Restrain ~
CHAPTER 20 ~ Want ~
CHAPTER 21 ~ Always ~
CHAPTER 22 ~ Call ~
CHAPTER 23 ~ Deception ~
CHAPTER 24 ~ Pretense ~
CHAPTER 25 ~ Letter ~
CHAPTER 26 ~ Confab ~
CHAPTER 28 ~ Box ~
CHAPTER 29 ~ Fluff ~
CHAPTER 30 ~ Martins ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Special Chapter
Up Next

CHAPTER 27 ~ Rose ~

104K 2.5K 226
By MsButterfly

CHAPTER 27

SNOW'S POV


1/40 DAYS OF MOVING ON

MOMMA KONG MAGANDA (9:03 AM)

Magulang mo kami. Kahit hindi ka magsalita, alam namin na

may mabigat kang pinagdadaanan nitong mga nakaraang buwan.

But we need your explanation and his.

-

PAPA KONG GWAPO (9:03 AM)

UMUWI KA. NGAYON DIN.

-

LOLLIPOP ADDICT ATHENA (9:12 AM)

Pinagkalat ko na pala lahat-lahat. Buko na naman eh hihihi!

Oo nga pala, may utang ka sa akin na isang truck ng lollipop.

Dahil nilinis ko ang pangalan mo...nang slight.

-

HERA PRINSESA (9: 49 AM)

Omg girl! Ito pala iyong hindi masabi-sabi sa akin ni Athena!

Omg! Dalaga ka na!

-

FREEZALE GANDA (10:01 AM)

Walang sikretong hindi nabubunyag. Sabi ko naman kasi sa'yo

Sabihin mo na kaila Momma lahat eh. Mag uwi ka nga pala ng

Pringles. Mahal dito.

-

THUNDER PANGIT (10:28 AM)

Lagot ka! Bleh!

-

THUNDER PANGIT (10:30 AM)

Hala, napagalitan kami ni Freezale ni Papa! Ba't ako

nadamay eh ang gwapo ko?

-

HANGIN (10:34 AM)

Adik ka. Pero congrats! Congrats din daw sabi ni Kuya Fiere.

Welcome daw sa mundo naming mga tao.

-

MATANDANG DEN (10:40 AM)

Kung kailan mo ng suggestions ng isang dakila, nandito

lang ako. Expert ako diyan. Wink wink!

-

ATE BAGYO (10:41 AM)

Wag kang maniwala kay Den. Lalasunin niya lang ang

kaluluwa mo. From Reynolds Family: Uwian mo

Kami ng Oreos. Mas mura diyan. Thanks!

-

ZZDON'T TEXT DON'T CALL (11:11 AM)

Tatawag ako.

-

Naiiling na ipinatong ko ang cellphone ko sa unan na nasa tabi ko. Ang aga-aga tinatadtad na ako ng messages. Halos hindi pa tuluyang bumubukas ang mga mata ko dahil kulang na kulang pa ang tulog ko at pagod din ako sa byahe.

Pagkatapos kasi ng mga pangyayari sa BHO CAMP at kinuyog ako ng mga agent para i-interrogate ay tinakbuhan ko na sila. Pati na si Phoenix na parang naging statwa na ata nang iwan ko ay hindi na ako nagawang abutan dahil tuluyan na akong umalis.

Dahil wala naman akong ibang dadalin pabalik sa Seattle maliban sa mga dokumento ko ay nagawa kong makasakay agad at magpahatid sa taxi papuntang airport. Hindi na rin naman nila ako hinabol dahil alam naman nilang tataguan ko lang sila. Isa pa gusto ko pagbalik ko na lang asikasuhin lahat. Saka baka kahit ganitong malaki na ako ay mapalo ako nila Papa kapag hindi ako sa kanila unang nagpaliwanag.

Napaungol ako at mariing napapikit nang marinig ko ang ring tone ng cellphone ko. Kinapa-kapa ko iyon at nang maabot ko ay tinignan ko ang aparato. Napabuntong-hininga ako ng makita ko ang ZZDON'T TEXT DON'T CALL na caller ID.

Iyon ang ipinangalan ko kay Phoenix noon sa contacts ko. Nilagyan ko ng 'ZZ' para siguradong nasa hulihan siya ng listahan ng mga pangalan sa phone ko.

"Hello?"

"Snow. Alam mo ba kung anong oras na dito? Kahit isang kurap hindi ako nakatulog. Anong ibig mong sabihin-"

"Hello? H-H-Hello...o o o o?! Choppy ka Nix Nix!"

"Snow." may babala sa boses na sabi ng lalaki.

"Hel...lo?" inabot ko ang piraso ng papel na nasa bed side table at pagkatapos ay nilukot-lukot ko iyon sa tapat ng aparato. "H-H-Hin...di kita marini-i-i-ig!" pagkasabi niyon ay ngising-ngisi na pinatay ko ang cellphone ko. Saka na ko magpapaliwanag.


15/40 DAYS OF MOVING ON

"What situation happened that was too much! I didn't know you have difficultships like that. But I don't judge. I understand yourself."

Wala ng masyadong tao sa Steam dahilan para magkaroon ako ng pagkakataon na ikuwento kay BDW lahat. Sa paraang pwede ko nga lang na sabihin sa kaniya. Hindi ko sinabi sa kaniya ang mga detalye na hindi niya pwedeng malaman. Katulad ng sa Claw, ang BHO CAMP, at ang trabaho namin.

Sinabi ko lang sa kaniya na naaksidente si Nico. Inamin ko din sa kaniya na may girlfriend ang lalaki at hindi naman talaga kami totoong magkasintahan. Na magkaibigan lang kami. Ipinaliwanag ko din sa kaniya kung paanong magulo ang sitwasyon namin ngayon dahil sa bago pa lang ang paghihiwalay ni Nico at ni Lira.

Ngayon lang din kasi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap. Labin-limang araw kasing nawala si BDW dahil tinamaan siya ng flu. Nang maging okay naman siya ay naisipan niyang itodo na at magbakasyon para bisitahin ang mga kaibigan niya na nasa kabilang city. Kaya imbis na magreresign na sana ako ng pumunta ako rito nang ikalawang araw mula ng magbalik ako sa Seattle ay napilitan ako na ipagpatuloy na muna ang trabaho ko.

"That's the reason why you not there?" tanong ni BDW.

Tumango-tango ako at nagbaba ng tingin. "Ang hirap din kasi na hindi isipin kung ano ang magiging tingin sa amin ng mga tao. Ayoko namang may masabi sila kay Phoe- kay Nico kapag biglang magiging kami."

"Sila ba ang nagpapasaya sa'yo?

Nag-angat ako ng tingin ng bigla siyang magtagalog. Seryoso din ang boses niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ang mga tao na tinutukoy mo. Sila ba ang magpapasaya sa'yo?"

"Pero ang pamilya ko-"

"Ay magiging masaya sa kung ano ang magpapasaya sa'yo." ngumiti siya at tumingin sa kinaroroonan ni Deck. "Alam mo hindi miminsan na nakakarinig ako na inaasar siya dahil ako ang girlfriend niya. Trying hard mag english, hindi kagandahan, hindi magandang manamit at mas matanda sa kaniya. Pero dahil sa kaniya ang dami kong na-realize."

"Ano?" napapangiting tanong ko.

"Na hindi naman ang tingin sa iyo ng ibang tao ang mahalaga. Kasi hindi sila ang nagbibigay ng ngiti sa mga labi mo at hindi sila ang bumubuo sa pagkatao mo." Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "Pero okay na din 'yang magkaroon kayo ng oras na magkalayo. Sabi nga nila di ba? Kailangan mo ng forty days bago ka mag move on ng tuluyan."

Nanglalaki ang mga mata na tinignan ko ang babae. "That's exactly what I said!"

"Because we are the beautiful! We mind a like. You know?!"

Napatawa ako at tumango, "Yes!"

Sabay na napalingon kami sa mga bagong dating na customer na naglakad palapit sa kinaroroonan ni BDW pero bago sila tuluyang makalapit ay bahagyang dumikit sa akin ang babae at bumulong.

"Be happy, Snow."

Sinundan ko siya ng tingin ng tuluyan na niyang hinarap ang mga customer. Ramdam ko ang mga luhang namumuo sa mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Dahil sa likod ng aking isip ay inaalala ko ang isa pang tao na nagsabi sa akin ng mga salitang iyon.

"Be happy."


24/40 DAYS OF MOVING ON

Napatili ako at kaagad na hinugot ko ang saksakan ng microwave oven nang bigla na lang may nagkislapan sa loob niyon. Nanunulis ang nguso na inilabas ko ang pagkain na iniinit ko kanina doon at natatakpan ng aluminum foil. "Rest in peace."

"Snow? Snow?"

Binitawan ko ang hawak ko na mangkok sa lababo at bumalik ako sa high stool na kinauupuan ko kanina. Kinuha ko ang cellphone ko at tinapat ko iyon sa tenga ko.

"Snow? Are you okay?"

"I'm here. Pero may kasalanan ka sa'kin." Nilingon ko ang pobreng pagkain na ulam ko sana ng gabing iyon. "Nasunog 'yong ulam ko. Kanina mo pa kasi ako kinakausap eh! Kailan ka pa naging madaldal Nix Nix?"

"Mula ng ma-realize ko na ang dami kong hindi nagawang sabihin sa'yo."

Napatigil ako sa pagsisintir at natahimik ako sa sinabi niya. Pagkaraan ay muli akong nagsalita, "You have no chill, bro." sabi ko na ginagaya ang salita ni Den.

"Gutom ka na ba? Wala bang mabibilhan diyan?" tanong niya imbis magkomento sa sinabi ko.

"Meron naman. Kaso super sawa na ko talaga!" napapanguso na naman na sabi ko. Yumukyok ako sa counter. "Wala man lang Jollibee dito-"

Napatigil ako ng marealize ko kung ano ang nasabi ko. Bukod kasi sa salitang "meeting" ay may kakaiba ding meaning ang Jollibee pagdating sa BHO CAMP. They said fast food is the best after sex food. Mabilis kainin at pagkatapos ay ready na naman para sa action.

"Snow..."

"Hello? H-H-Hel..looo? Choppy ka-a-a!"

"Snow!"


28/40 DAYS OF MOVING ON

Hinihingal man ay hindi ko tinigil ang ginagawa ko. Nakakatrenta minuto pa lang ako sa pag e-exercise pero parang sobrang pagod na pagod na ako. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakapag ehersisyo.

Ngayon nga ay nakakailang push ups na ako. Tagaktak na ang pawis ko at kahit hindi man tumitingin sa salamin ay alam kong parang mansanas na sa pula ang mga pisngi ko.

"T-Thirty...six, thirty...seven-"

Napaigik ako nang nagkamali ako ng tukod sa kamay ko dahil sa biglang pag-ring ng cellphone ko. Kung hindi ko lang naagapan baka nakipag face to face na ako sa semento. Tinignan ko kung sino ang caller at nakita ko na MANGGA KO ang nakadisplay doon.

"Hello?" I answered, still gasping for air.

Sandaling hindi siya sumagot na para bang nagtataka sa obvious na hingal ko. "Are you okay?"

"Hindi. Inistorbo mo kaya ako. Napapasarap na ako sa ginagawa ko eh. Kung kelan malapit na akong matapos-"

"C-Choppy ka."

Napanganga ako at napatingin sa phone ko. Binabaan ako. Kunot noong nakatingin lang ako doon. Hala ano kayang problema ni Nix Nix? Hindi kaya nagtampo 'yon? Niloloko ko lang eh.

Akmang ipapatong ko na sa coffee table ang cellphone ko nang muling mag ring iyon. Hindi tinitignan kung sino ang caller na kaagad kong sinagot ang tawag. "Hello? Nix Nix? Joke lang 'yon! Hindi naman ako galit. Alam mo na wala naman ako sa BHO CAMP. Ang hirap ng sariling sikap." sabi ko na ang tinutukoy ay ang mga kagamitan sa headquarters. Mas high tech kasi roon.

"Grabe ka Snow! Hindi ka na naawa roon sa tao!"

Napatingin ako sa ID caller. Pinaikot ko ang mga mata ko nang makita ko na si Athena pala iyon. "Ikaw pala."

"Oo, ako ito. Ang pinakamagandang nilalang na ginawa sa mundo. Masyado kasing pure ang puso ko kaya naaawa ako kay Phoenix na inakit-akit mo. Hinay-hinay ka lang doon sa tao, bebe gurl. Alam mo namang sensitive iyon."

Napanganga ako. "What?"

"Di ba inakit mo si Phoenix? Ayun oh nag walk out. Pulang-pula ang mukha. Akala ko nga iiyak eh."

Pakiramdam ko umiikot ang ulo ko sa hilo. Ano bang meron sa pag e-exercise na hindi ko alam? "Hindi ko inaakit si Nix Nix! Nag e-exercise ako no!"

"Weh? Eh ano yung sariling sikap na narinig ko? Ikaw ha. Kebata-bata mo pa ha!"

Pinaikot ko ang mga mata ko sa sinabi niya. Kung makapagsalita ang babae para bang hindi ako mas matanda sa kaniya. Sa edad siyempre. Sa isip, sa salita, at sa gawa...tie lang kami. "Excuse me mas matanda ako sa'yo no. At sariling sikap...ibig sabihin ginagawa mo ang isang bagay ng mag-isa at walang tulong ng iba. Magluto mag-isa, mag exercise na walang tulong ng mga kagamitan, mag trabaho mag-isa...you know?"

Sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Pagkaraan ay nakarinig ako ng mga hagikhikan. Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang naka-loud speaker ang babae.

"Ewan ko sa inyo. Magsama kayong mga baliw." sabi ko sa babae.

"Soon official member ka na din ng mga baliw. Baliw sa pag-ibig. Kaya wag kang ano riyan."

"At ikaw?"

"Maganda pa rin. Toodles!"


39/40 DAYS OF MOVING ON

Itinaas ko ang mga kamay ko at nag-inat inat. Finally! Naiempake ko na din lahat ng gamit ko. Hindi naman kasi ganoong kadami talaga ang mga i-e-empake ko ang kaso ang daming humingi ng pasalubong. Humabol pa iyong iba. Para sa buong BHO CAMP na ata ang laman ng bagahe ko.

Naayos ko na rin lahat ng kailangan kong ayusin at nakapagpaalaam na ako sa Steam. Nagkaiyakan pa nga kami ni BDW na ipinangakong dadalaw sila sa akin sa Pilipinas.

Itong tinutuluyan ko naman ay may bago na atang titira pag-alis ko. Kaya hindi ko na rin inalis ang ilang mga gamit na mahihirapan na akong iuwi. Pwede namang gamitin na lang ng bagong mag re-rent.

Supposed to be maaga ako dapat makakaalis. Minamadali na din kasi ako ni Dawn dahil baka kulangin daw ang agents na stand by sa BHO CAMP dahil karamihan daw sa juniors ay may mission for security purposes ng isa sa mayayamang tao sa Pilipinas. Sa pagkakatanda ko Gaige Hendrix ang binanggit niya na pangalan ng bagong kliyente.

Nahila ako mula sa mga iniisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na kailangang tignan iyon para alamin kung sino ang tumatawag. Dahil sa mga araw na lumipas ay hindi pumalya si Phoenix na tumawag sa akin. "Hello? Nix Nix?"

"Nakaempake ka na ba?"

Napangiti ako. "Hala bakit? Hindi pa naman ako uuwi ah. Hindi ba nasabi sa'yo ni Dawn? Kailangan ko pang mag extend dito."

"What?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Next year pa ako makakauwi."

"What?!"

"Joke!"


40/40 DAYS OF MOVING ON

"Grabe, Tita Ruby, ang galing niyo talaga. Hindi kaya chess player kayo dati noong kabataan niyo?"

Nginitian ako ng matandang babae na sa unang tingin ay matatakot kang kausapin dahil mukha siyang mataray. Posturang-postura din siya at tinalo pa ako na wala mang bahid ng make-up. Para siyang Pinay version ni Elizabeth Taylor.

"Nako, iha, noong kabataan ko piano lessons lang ang kaharap ko lagi. Makaluma kasi ang mga magulang ko."

"Eh saan ho kayo natuto?" tanong ko at nagbaba ako ng tingin sa tablet niya kung saan kami naglalaro ng chess. Sa haba kasi ng durasyon ng flight pauwi ng Pilipinas ay parehas kami na nakaramdam ng pagkainip. Parehas pa kami na walang kasamang iba. Nabagot na rin siya siguro ng todo kaya kinausap niya ako at inaya ako maglaro ng chess.

"Sa kasintahan ko noong dalaga pa lang ako. Si Juancho."

Nag-angat ako ng tingin sa matanda at nahihiyang nag-iwas siya ng tingin na animo isa siyang matimtimang dalaga. Napangiti na lang ako sa inaakto niya. "Mukhang in love na in love po kayo kay Juancho ah."

"Siya lang ang nag-iisang lalaking minamahal ko pa rin hanggang ngayon."

Ginalaw ko ang knight ko bago ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Napansin ko na malamlam na ang mga mata ng matanda. "Nasaan na ho siya ngayon?"

Malungkot na ngumiti ang babae at tumira pabalik. "Ilang taon na rin ang nakakaraan ng mabalitaan ko na naaksidente siya kasama ng kaniyang asawa."

Napatigil ako sa akma ko sanang pag galaw ng piyesa ko dahil sa sinabi niya. "Hindi niyo ho siya asawa?"

"Hindi. Napangasawa niya ang kaibigan ko na si Diana. Nang mga panahon na iyon alam kong mahal ko na si Juancho at alam ko din na may nararamdaman na siya para sa akin. Pero itinakda na ang kanilang pagpapakasal. Kaya kahit na ako ang babae na binigyan niya ng sing sing at pinili niya para mapangasawa ay wala na kaming nagawa."

Tuluyan ko ng nakalimutan ang laro at mukhang ganoon din siya na nakatanaw na sa malayo. Mahigpit na hinawakan ko ang airline blanket na nasa kandungan ko habang nakikinig sa kaniya.

"Hindi ko ipinaglaban ang pag-ibig ko sa kaniya. Dahil ayokong masaktan ang damdamin ng kaibigan ko. Paglipas ng panahon nakilala ko si George. Napakabait niya sa akin, iha. Minahal niya ako ng sobra-sobra. Kaya kalaunan ay tuluyan na rin akong nahulog sa kaniya."

"Pero...pero hindi niyo pa rin nakalimutan si Juancho?"

Muling umiling ang matanda. Mayroon siyang kinuha sa bulsa niya. "Kahit kailan hindi siya nawaglit sa isip ko. Kahit na nagkaroon na ako ng sarili kong pamilya."

Hindi ako nakaimik. Nanatili akong nakikinig sa kaniya habang tila dinadala siya kung saan ng mga ala-ala niya.

"Sa mundo ng pag-ibig, may rosas na kayang mabuhay sa loob ng napakaraming panahon. Meron ding rosas na sa kabila ng pagkakatulad nito sa nauna ay unti-unting gugumunin ng panahon."

"A-Ano hong ibig niyong sabihin?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Sa kabila ng milyon milyon na rosas na maaari na maging iyo, nag-iisa lang ang rosas na mabubuhay sa mga kamay mo. Gaya sa pag-ibig. Kahit umibig ka pa ng ilang milyong beses...nanatiling iisa lang ang pag-ibig na hindi babaguhin kahit ng panahon."

Napalunok ako at pilit na ibinalik ko ang ngiti niya. "Paano mo po malalaman?"

Sa pagkagulat ko ay nakangiting hinawakan ng matandang babae ang kamay ko. Naramdaman kong may inilagay siya roon. Napatitig ako doon nang makita kong dyamante na nakakorteng rosas iyon.

"Kapag tumingin ka sa mga mata niya at nakita mo ang sarili mo na makakasama siya sa mga natitirang oras ninyo dito sa mundo, kapag tumingin ka sa mga mata niya at nakita mo ang sarili mo na pinanghahawakan ang pagmamahal niya kahit na sa mga panahong wala na siya sa tabi mo."

Tinignan ko ang rosas na dyamante. Kita roon na matagal na ang pagkakagawa roon pero sa kabila niyon ay tumitingkad pa rin ang kagandahan niyon.

Nag-angat ako ng tingin kay Tita Ruby at umakto akong ibabalik sa kaniya iyon pero umiling siya. Nanglalaki ang mga mata na tinignan ko siya. Hindi niya kailangang sabihin para maintindihan ko na si Juancho ang nagbigay no'n. "Pero Tita, ito po ang nagpapaalala sa inyo kay Juancho."

Ngumiti siya at pagkaraan ay muling umiling. "Sa iyo na 'yan, iha. Matanda na ako at alam ko na hindi ko kailangan ng symbolo para maalala si Juancho."

Muli akong nagbaba ng tingin sa batong nasa mga palad ko. Nag-aalangan man ay nagpasalamat ako sa kaniya, "Thank you po, Tita Ruby." sabi ko at nginitian ang babae. "Ano po palang nangyari dito? Parang dati siyang engagement ring."

Tumango ang babae. "Oo, engagement ring iyan dati. Iyan ang ibinigay sa akin ni Juancho. Pero minsang maligaw ako sa Tagaytay at tumuloy ako sa bagong tayo lang noon na establisyemento roon ay nagdesisyon ako na itapon na lang ang sing-sing." napangiti ang babae na tila may naaalala. "Bago ako umalis sa lugar na iyon ay hindi ko din natiis at hinanap ko ang sing-sing. Ang kaso nasira na siya at tanging itong bato lang na ito ang nakita ko."

"Ay taga-Tagaytay rin po ako! Saan po doon kayo pumunta?"

Tumingin sa kisame ng eroplano ang matanda na tila nag-iisip. Pagkaraan ay nagsalita siya, "Sa pagkakatanda ko, The Camp ang pangalan ng lugar na iyon."

Continue Reading

You'll Also Like

14.8M 346K 21
WARNING: SPG/R-18 "Love has a powerful way of removing the mask we all insist on wearing." - geckoandfly
469K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...
374K 16.8K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
3.6K 128 5
(WARNING: R-18) Alessandre Fortejo abhorred his father and lived in the shadow of his mother's dream for him. Nasa plano niyang angkinin ang lahat n...