Love in a Rush (Completed/ Pu...

Bởi Canterlot_City

1.1M 13.2K 1.2K

#lovestory #romance #tagalog #twins #onenightstand #mayforever #complete #kilig #Gerard #Shayla Disclaimer: T... Xem Thêm

Love in a Rush I
Book Review
Message
♥Prologue♥
♥1♥
♥2♥
♥3♥
♥5♥
♥6♥
♥7♥
♥8♥
♥9♥
♥10♥
♥11♥
♥12♥
♥13♥
♥14♥
♥15♥
♥16♥
♥17♥
♥18♥
♥19♥
♥20♥
♥21♥
♥22♥
♥23♥
♥24♥
♥25♥
♥26♥
♥27♥
♥28♥
♥29♥
♥30♥
♥31♥
♥32♥
♥33♥
♥34♥
♥35♥
♥36♥
♥37♥
♥38♥
♥39♥
♥40♥
♥41♥
♥42♥
♥43♥
♥44♥
♥45♥
♥46♥
♥47♥
♥48♥
♥49♥
♥50♥
♥51♥
♥52♥
♥53♥
♥54♥
♥55♥
♥56♥
♥57♥
♥58♥
♥59♥
♥60♥
♥61♥
♥62♥
♥63♥
♥64♥
Epilogue
Etched in Project Happyness' Heart
Message from Ardy & Shayla
Some time Ago in High School
Love In A Rush II
Loving Mr. Elusive
Falling Like A Fool
To Have and To Hold
Coldhearted

♥4♥

18.7K 218 17
Bởi Canterlot_City

Chicken Adobo

"Your friend is inside." Narinig ni Shayla na sinabi ni Ardy bago ito lumabas sa sliding door.   

It surprised her that Ardy did not demand from her to get out of his room.  Lumabas ito ng kwarto ng naka-kumot lamang mula bewang pababa.  

Palihim siyang napangiti na malaman na si Ardy pala ay gentle man- isang katangian na madalang na niyang nakikita o naririnig sa iba tungkol sa mga kalalakihan ngayon.

Habang pinagmamasdan niya itong umalis ng kwarto ay nakaramdam siya ng lungkot.

Nakakapanibago sa kaniya na maramdaman na gusto niyang makita ang isang lalaki.  The feeling was unfamiliar territory for her. Ang tanging pamilyar lang sa kaniya ay ang pagkabog ng kanyang dibdib dahil kay Lucio. Ngunit ang kaba na nararamdaman niya  para kay Ardy ay may halong saya.  It was making her insides go haywire. Hindi siya handa para sa ganitong pakiramdam. Napahawak siya sa kanyang tiyan. She could feel anxiety creeping in.

Mabuti na lang at pumasok sa kwarto si Rori. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala.

"Oh my gosh, best friend! What happened here?" tanong nito at kaagad siyang niyakap.

"I'm so sorry, Rori! Hindi ko naman alam siya yung may ari ng kwarto." Naramdaman niyang nagsisimula na naman ang kanyang panic attack.

Nabatid ito ni Rori at agad hinagod ang kanyang likod.

"Breathe, Shay. Take a deep breath." Paalala ni Rori.

She nodded her head, and quickly started explaining again.

"Sabi kasi ni Mang Ambo dito ako pumunta sa kuwartong ito tapos pumasok siya galing sa sliding door na yan." Habang nagpapaliwanag siya ay hindi niya napigilan kumumpas. 

"Nagulat ako kasi nakahubad na siya, papunta sa bathroom, nag-panic ako, sasaraduhan ko sana siya ng pinto pero natamaan ko siya. Nagpumilit pa siyang pumasok ng bathroom, kaya nagtulakan kami ng pinto, tapos nadulas ako, tapos binalot niya ako ng tuwalya, tapos---"

"Wait," putol ni Rori sa  kanya at inawat ang kanyang mga kamay. "Calm down. Breathe." Anito. "You  mean, you were naked, too?"

Hindi siya nakasagot. Napalunok siya bago tumango.

"Oh my gosh!" Bulalas ni Rori. "This is so hilarious!" Hagalpak ng tawa nito. "And kakakilig in a way! Sorry." She composed herself and sighed in relief. She plumped herself on the disarrayed bed while smiling at her. Tila naaliw ito sa naganap.

"Anong hilarious at nakakakilig dun? Rori, nakita na niya ang buong kaluluwa ko!" Nanlulumo niyang reklamo. "Wala na! Wala na akong itatago sa kanya!" Napatakip siya ng mukha at humiga sa kama sa kahihiyan.

"Best friend, ok na yun! At least alam niya what he's going to miss pag if hindi ka pa niya niligawan." Confident nitong paliwanag.

"Ano bang sinasabi mo?" tumayo siya sa paghiga sa kama. Pakiramdam niya kasi ay nasu-suffocate siya--- sa excitement o takot ay hindi na niya maintindihan.

To escape from thinking about it, she went to the bathroom to get her clothes, but found out that she accidentally threw them in the bathtub earlier.

Could my day get any worse?  Napasandal siya sa dingding ng bathroom sa panlulumo.

"Rori..." nanghihina niyang sambit, tila naubusan siya ng baon na enerhiya. "Help please."

Pinuntahan ni Rori ang magpinsan na sina Percival at Ardy upang magtanong kung may extra itong damit na maari niyang hiramin.

Nang bumalik si Rori ay kasama na nito si Ardy.

"Shay, papasok kami ni Ardy ha? Siya kasi ang magpapahiram ng damit sa'yo." Ani Rori.

Kilala niya ang matalik na kaibigan. Sinasadyang ipaalam nito sa kaniya na si Ardy ang magpapahiram ng damit, upang gandahan niya ang pakikitungo sa lalaki.

Kahit nakakaramdam ng pananakit ng katawan ay nagmadali siyang magtungo sa bathroom. Mula doon ay palihim siyang sumilip sa kuwarto upang pagmasdan si Ardy.

"Lord nemen..." tumingala siya. "Manyokit sa pride! Siya pa talaga  ang tutulong sa akin?" napangiwi siya sa hiya.

"Hindi ba pwedeng kay Papa Pyke na lang ako may utang na loob?"

Kaniya itong kwarto na ito, at kung tama ang hula ko, kaniya din ang bahay na'to, so malamang na may damit siyang available dito.

Napabuntong hininga siya sa sariling paliwanag.

"Bilis naman ng karma ko."

Ilang saglit lang ay may inabot na si Rori na mahabang t-shirt para sa kaniya sa loob ng banyo.

Dali dali siyang naligo at nagbihis. Inuna niya ang thong at short mula kay Rori. At dahil sa malaki siya kesa kay Rori ay hapit ang thong at shorts sa kanyang katawan. Binigyan din siya ng silicon pads ni Rori kaya wala na rin siyang problema sa brassiere. Pag labas niya ng bathroom ay naghihintay na si Rori sa kama.

"Best friend, nahihiya akong lumabas." Pagtatapat niya. "Nakakahiya kasi yung nangyari kanina. Hindi ko alam kung mahaharap ko pa yung mag-pinsan. Saka...nahihiya ako kay Ardy kasi sinapak ko siya eh..."

"Oh my! Sinapak mo pala siya?" napabalikwas sa kama si Rori. "Kaya pala sabi niya nakakatakot ka raw. Parang amasona!" Hinila siya sa buhok ni Rori.

"Sinabi niya iyon?" napasimangot siya. She was hoping he would give positive comments about her. But she realized it wasn't happening especially after their encounter.

"Pasensya na. Nagpanic ako eh." Pag-amin niya. "So anong gagawin ko ngayon?"

"How about you apologize?" suhestyon ni Rori. "Naku, best friend, gamitin mo na lahat ng charms mo para magkasundo kayong dalawa..." pakiusap ng kaibigan.

"Oo na, anniversary niyo kasi ni Papa Pyke." Buntong hininga niya.

Nabuhayan ng loob si Rori. "Thank you!" Akap nito.

"Hay naku, kung di ko lang kayo mahal ni Papa Pyke, nungka na pumayag ako!"

"Alam ko naman iyon best friend!" Mas hinigpitan nito ang pagyakap sa kaniya.

Nauna nang lumabas si Rori sa kwarto. Dumaan ito sa sliding door connecting to the gazebo and billiards room. Siya naman ay lumabas sa pintuan kung saan siya unang pumasok.

Iniiwasan niya  sina Percival at Ardy dahil sa nangyari kanina.

Isa pa'y natatakot siya na hindi niya mapigilan tumingin pababa sa katawan ni Ardy. 

Gusto pa ng Second look,girl?

Siya mismo ay na-eskandalo sa sarili. Not even in her wildest dreams did she ever imagine seeing a beautiful man's anatomy with all his tissue muscles located in the right places.

Hindi din siya handa sa nararamdaman ngunit alam niya kung ano yun--- she's crushing on Ardy.

She fanned her cheeks and armpits.

"Ano bang meron yung lalaking yun? Marami naman guwapo dyan, bakit sa kanya pa? Dahil ba nakita ko siya in all his manly glory?" Naiinis niyang kinausap ang sarili.

Marupok ka pala! Buti na lang hindi mo havey ang otokong yan. For sure ang mga gusto niya yung mga sosyal... artistahin...mayaman katulad niya...ganern! Kaya wag ka na umasa, girl.

She tried to compose herself, before holding on to the railing of the stairs and her Nokia 3210. Kahit  napaglipasan na'to ng panahon at may mga touchscreen ng phone na may kasamang stylus at Smart watch ay hindi niya pinapalitan ang kaniyang phone sa pagtitipid. And that phone has sentimental phone. It was her symbol of independence. She got that phone thru her own money, and not through the help of others. Hindi siya nagmamalaki at malaki ang pasasalamat niya sa mga kaibigan na handang tumulong sa kaniya, ngunit iba pa rin para sa kaniya ang pakiramdam na makita na kahit papaano ay may nagagawa siya o naibibigay para sa sarili niya. 

Dahan dahan dahan siyang bumaba upang walang makapansin o makarinig ng kanyang mga yabag. Ngunit biglang tumunog ang kanyang mobile phone. Dali dali niya itong sinagot upang walang makapansin na naroon siya.

Si Pinkie pala iyon, ang isa sa kaniyang barkada na itinuturing din niyang best friend. Binalita nito ipinakita nito ang kaniyang picture niya sa isang talent scout. Interesado itong makita siya bukas ng umaga para sa isang shampoo commercial. Natuwa siya sa balita. Malaking tulong iyon sa kanya kung sakaling siya ay makuhang commercial model. Ngunit sa sobrang tuwa niya ay nakalimutan niyang nasa hagdan siya suot ang 2 inches stiletto na dala ni Rori para sa kanya.

Pahulog na siya sa hagdan kaya't nabitawan niya ang kanyang Nokia 3210 mobile phone.

"No!" Hindi niya naisip ang sarili. Mas inalala niyang saluhin ang mobile phone na pabagsak na sa sahig. Narinig niyang napatili si Rori sa may ground floor.  Everything seemed to move slowly as she was falling. 

Katapusan ko na ba? Matatakot ba'ko? Hinde ako natatakot eh... kasi sumusuko na ako. kung hindi lang sa mga kaibigan ko at kay Mommy... ayoko na din naman... Pagod na akong lumaban, Lord.... 

She closed her eyes to prepare for the impact. Ngunit naramdaman niyang may sumalo sa kaniya.

"I got you!" She heard the timbre of his voice.  She heard him grunted, as he held her  before he crashed on the floor. Paharap ang kaniyang bagsak kaya napayapos siya sa taong kumuha ng impact sa paglagapak nila sa sahig. Nasamyo niya ang mamahaling pabango nito at nakumpirma na hindi si Percival ang sumalo sa kaniya.

Oh, no! Siya ulit! Siya ne nemen! Siya lang telege?

Mariin siyang nakapikit. Ayaw na niyang makompirma na si Ardy nga ang kaniyang tagapagligtas.

That arrogant brute...sabi nga sa pocket book...pero malay mo naman kung si Mang Ambo ang nakasalo sa'yo...

Lumapit si Percival upang alalayan siyang tumayo.

"You both ok? That was a good catch!" Ininglish ni Percival ang taong nadaganan niya.

Malamang hindi i-inglisin ni Percival si Mang Ambo...so alam na this...huhubels! Ubusin talaga ang natitira kong pride chicken, Lord? Huhu!

"Hey, you okay?" hinihingal na tanong sa kaniya ng lalaking nadaganan niya. "You can open your eyes now." He said. She felt him rub his hands on her arms as if comforting her. 

She slowly opened her eyes and saw the most beautiful brown eyes.  Nasamyo pa niya ang pabango nito. 

"Shay!" Agad na lumapit si Rori. Inalalayan siyang tumayo nina Rori at Percival. "May masakit ba sa'yo? Dadalin na ba kita sa ospital?" natarantang tanong ni Rori.

"A-ayos lang ako..." disoriented pa din siya sa nangyari, ngunti naisip niya ang kapakanan ni Ardy. "Siya? Okay ba siya?" nahihiyang tanong niya kay Rori. 

"Is he ok?" narinig niyang worried na tanong ni Rori kay Percival.

"Ayos lang yan si Ardy. Banat yan sa football." Sagot ni Percival. 

Mag -isang tumayo si Ardy at bahagyang inunat ang mga braso at likod sa pagbagsak nito. Lumapit ito sa kanila at hinagod ng mga mata nito ang mga braso at binti niya na sa tingin niya ay tila nag-alala din sa kaniya. 

"Banat ka pala sa football. Galing!" Nahihiya niyang papuri kay Ardy.  "Good job!" Kahit nahihiya ay nag-thumbs up pa siya.

Wuuut? Ano bang kabalbalan sinasabi mo? Imbis na magpasalamat ka na lang, nambola ka pa. Alam mo ba ang football?  Foot spa lang alam mo. Pinagalitan niya ang sarili, bago muling tumingin kay Ardy. 

Imbis na mabola si Ardy ay tinitigan siya nito ng masama.  "It seems you have a habit of crashing. Gate crashing na nga... Crashing on people pa..." komento nito.

Crushing... alam niya?  "Huh?" Nanlamig siya sa pagkaphiya. 

"I said nangge-gate crash ka and your crashing on people..." sagot ni Ardy bago ito saglit na napatigil at tila bahagyang napangiti. "Ganda sana... Mahina lang ang pandinig at lampa." He commented.

Kumulo ang dugo niya sa sinabi nito. "Balak ko pa naman magpasalamat at mag-apologize. Wag na lang!" 

"I don't need your sorry. Ang sa akin ay mag ingat ka para hindi ka makaabala o makasakit ng sarili mo o ng ibang tao."

"Pasensya, kuya! Di na mauulit." Pabalang  niyang sagot. " Sungit! Malaki ba problema mo? Pang world crisis ba?"

Gusto sana niya dagdagan ang sasabihin ngunit sinenyasan siya ni Rori mula sa bandang likod ni Ardy at sinabing huwag niya itong awayin.

Ngunit huli na. Tinitigan na siya ng masama ni Ardy.

"Oo, Miss. Ikaw ang problema ko. Look, I'm minding my own universe, but here you are just popping out of nowhere bothering me." 

"Dude!" Pigil ni Percival.

Napakagat labi siya, at naramdaman niyang lumaki ang butas ng kanyang ilong.

"Ah, talaga?" aniya. "So problema pala ako.  So, puwede na din pala ako magsungit kasi ikaw din ang pinagdadaanan ko sa sarili kong universe? Naliligo ako ng matiwasay tapos  papasok ka? Kahit sa'yo yung banyo o itong buong rest house na'to, you should have been a gentle man. Nadulas at bumagsak pa ako sa banyo dahil sa'yo. Ang sakit non ah!  Pano kung nabagok ulo ko?  Kapag ako namatay, mumultuhin kita! At para sabihin ko sa'yo hindi ako affected na tinawag mo kong amasona at gate-crasher! Inimbitahan ako nina Percival at Rori dito. Most of all, eh ano naman ngayon kung may crush ako sa'yo? Crush lang naman!" Binelatan pa niya ito,ngunit napagtanto niyang tila immature ang kanyang ginawa.  Nakaramdam siya ng hiya. Dagdagan pa na halata sa mukha ng binata na tila natawa ito sa huli niyang sinabi. Napansin din niyang parang sinasadya nitong pikunin siya.

"So, crush mo ko?" straightforward na tanong nito sa kaniya na lalong nagpapainit ng mga pisngi niya. "Namumula ka, Miss. So, totoo?" pilyong ngiti ng binata.

Napikon na si Shayla. Naramdaman na lang niya ang sariling paa na dumikit sa binti ni Ardy. Sinipa niya ito habang suot ang stiletto.

She heard Rori gasped with what she did. 

"Ouch! What's that for?" Namilipit sa sakit si Ardy.  

Pati siya ay nagulat sa nagawa. Agad niya itong pinagsisisihan.  Naalala niya ang mga panahon na sinasaktan siya ni Lucio. Pakiramdam niya ay nagiging katulad na siya ni Lucio na kinamumuhian niya.

"Humiged! I'm so sorry! Nabigla lang ako." Lumuhod siya sa harap nito at hinawakan ang binti ni Ardy na kaniyang sinipa. 

Nahabag si Ardy sa kaniya. Hindi nito inasahan na lumuhod si Shayla upang humingi ng tawad.  He  immediately bent down to reach her, but she was quick to cover herself with her arms. Saglit na napatigil si Ardy sa kanyang ginawa, bago nito marahan hinawakan ang dalawang braso niya.

"Honey," he softly said. " You don't have to kneel down just to apologize." Inalalayan siya nitong tumayo.  "You're  not a slave." He emphasized as he looked straight into her eyes.

Hindi nawaglit ang kanilang mga tingin sa isa't isa.  He gently reached for her cheek and touched it.

"Ok na ako. Kay?" He assured her habang pinupunasan ang pumatak niyang luha.

Napasinghap siya sa ginawa nito. Hindi niya napansin na napaluha pala siya.

"Ehem." Malakas na parinig ni Percival. Kumaway pa ito sa pagitan nilang dalawa. Saka lamang nila parehong namalayan na nakatitih sila at gahibla na lang ang layo sa isa't isa.

Agarang bumitaw si Ardy sa kaniya, at sabay nilang hinarap ang direksyon ni Percival.  Duon lamang nila napagtanto na pinapanood pala sila nina Percival, Rori, at Mang Ambo.

"Oh! I see the light!" Rori was ecstatic, as she walked towards her and pulled her away. "Excuse us muna ha?" paalam ni Rori sa dalawang lalaki. "Shayla, can you help me with the groceries?" aya nito.

Pag pasok nila sa kusina ay agad na umakbay si Rori sa kaniya.

"Are you feeling better na?" tanong nito. "Napaluha  ka kasi kanina..."

Napakagat labi siya. "Di ko sinasadya na sipain siya. Parang naging automatic lang sa akin..." nahihiya niyang amin.

"I understand, Shay. It probably is called defense mechanism.

"Naluha pala ako...naisip ko kasi si Lucio. Ayoko maging katulad niya... Nanakit, parating galit..." Napabugha siya ng hangin.

"Look at me, sister. "Utos ni Rori, while snapping fingers.  She pointed at Shayla. " You will never be like that dirty old bad man. Ok?"

Napahikbi si Shayla bago nakapagsalita. "O-ok..." Bumagtas ang mga luha niya sa mata at agad niya itong pinunasan ng suot na t-shirt.

"Goodness, Shayla. You're now a lady." Sermon ni Rori at inabutan siya ng handkerchief mula sa YSL crossbody bag nito.

Napatawa siya. Umiral na naman kasi ang pagka- Mrs. Minchin ni Rori tungkol sa proper etiquette and decorum.

Ngunit hindi nawaglit sa kaniya na amoyin ulit ang t-shirt na suot dahil bahagyang kumapit ang pabango ni Ardy.

"Ang bango! Amoy pogi..." pabiro niyang komento. 

Napatingin si Rori sa kaniya at sabay silang napabungisngis.

"Kung nandito ang lola mo, at nakikita tayo, malamang kinurot tayo nun sa singit." Iling niya.

"I'm sure. Sasabihin nun, ang kirey kirey natin." Slang na sabi ni Rori.

"Ang gwapo kasi eh!" Pag-amin niya.

"Sa wakas! Baka ito na ang hinihintay natin knight in shining armor mo! Wag mo lang sinasapak o sinisipa..." kilig na sabi ni Rori.

Napangiti siya at napagtantong bahagya na pala siyang nagwa-warm up sa ideya na tinutukso siya ni Rori sa isang lalaki.

Naalala niya ang eksena sa kuwarto at ang pagsalo ni Ardy sa kaniya kanina. 

"Hay!" She shook her head as if it would make those images in her head go away.  "Beshpreyn, hindi ko mapigilan. Natulala ako."

"Ayiiii! Tinamaan ka na ba?" excited na tanong ni Rori.

Hindi siya nakapagsalita.

" It's okay, Shay. It's a new feeling for you. Please promise me you won't block it...the way you did with Utt?" malambing na pakiusap nito. " Saka I think he's irresistible. Ang gwapo kasi eh!" Masayang sabi ni Rori habang kinukuha ang mga chips at ang dip sa eco bag. "Pero, when you're in love with someone, wala ng mas gwapo pa sa love mo!" Kilig na sabi nito. "Kaya hindi ako attracted kay Ardy the way you do. Hihi! Duon ako sa pinsang niyang mas pogi---"

"Talaga?" naroon pala si Percival sa likod nila.

"Ang alin?" nanlaki ang mga mata ni Rori at bumaling kay Percival. Hindi nito maitago ang pamumula ng mukha ngunit sinubukan nitong maging composed.

"Na... guwapo ako." Sabi ni Percival at yumakap kay Rori.

"Wala naman akong sinabing ikaw yun ah? " pabirong sagot ni Rori.

"Ako lang ang pinsan ni Ardy na nandito." He pointed out. 

"Fine," irap ni Rori, bago yumakap kay Percival.

Siya naman ay pabirong nainggit.

"Itong lovers na 'to, paka-sweet! Gumalang nga sa loveless." Padabog niyang binuksan ang isa sa mga chips at kumain habang naglalambingan na naman ang lovers kung tukuyin niya. "Atchara! Nakaka-umay!" Dagdag biro pa niya.

Natawa sina Rori at Percival sa kanya.

"Palibhasa walang love life!" Rori teased.

"Bakit hindi mo na lang kasi tulungan na maghilom ang puso ng pinsan ko tutal pareho naman kayong single?" hirit ni Percival. "Harmless naman iyon, Shay. At gentle man pa. Nakita mo naman kanina diba? Yihee!" Panukso pa nito.

"You and your bright ideas Percival ha! Kakainis ka din paminsan minsan!" Natatawa pero namumula niyang sagot.

Umakbay sa kanya si Rori at Percival. "Eh, Shay, okay lang bang iwan ka na namin with Ardy?" lambing na tanong ni Rori.

Napakagat labi siya. Gusto man niyang tumanggi dahil kinakain siya ng hiya ay naisip naman niya na kung hindi siya papayag ay hindi makakapag-celebrate sina Rori at Percival ng anniversary nila. She just loves them too much to make them unhappy on their first anniversary lalo pa't napaka-busy ni Percival at paminsan lamang ito nasa Pilipinas.

Huminga siya ng malalim at isinantabi sa kanyang isip ang mga agam agam at takot kina Ardy at Mang Ambo.

"S-sure!" Sagot niya at ibinaling ang tensyon sa pagkain ng chips. "Maliit na bagay! Nag-tag team pa kayo sa pag-akbay para i-convince ako, eh alam niyo naman na hindi ko kayo matitiis!"

"Thanks, Shay!" Pinagitnaan siya ng dalawa at yumakap sa kanya. Para siyang burger patty sa pagitan ng buns.

"We'll be back by five," ani Rori habang excited na naglakad palabas ng kusina papunta sa main door ng rest house.

"Five?" nagtaka siya at tumingin sa orasan na nakasabit sa pintuan ng kusina. "5:00 PM na po," habol niya sa mga ito sa may main door ng bahay habang pasakay naman ang dalawa sa Hyundai CX9 ni Percival.

"I mean 5:00 AM!" Sigaw ni Rori sa may bintana ng SUV at kumaway sa kanya habang umaandar na ang sasakyan.

"Percival said nagbilin na siya kay Mang Ambo to cook your favorite Chicken Adobo for dinner. Bye!" Nag-flying kiss pa ito.

Napakamot ng ulo si Shayla, bago pumasok ng rest house. Nakita niya si Mang Ambo sa may kusina na naghahanda na ng lamesa.

"Good evening Ma'am," bati nito. "Kain na po kayo."

"Hmmm, amoy pa lang masarap na!" Excited niyang nasambit. It reminded her of her childhood when it was just her and her mommy. Her mommy would cook her favorite adobo on her birthday. "Tara kain na tayo, Mang Ambo!" Aya niya at pumuwesto na upang kumain.

"Sige po, mauna na po kayo ni Sir Ardy." Sabi nito.

Saka lamang niya naalala ang courtesy na intayin ang may ari ng bahay bago pa niya lantakan ang pagkain sa hapag kainan nito.

"Ano po bang oras kumakain si Sir Ardy?" nahihiya niyang tanong.

Nagkibit balikat si Mang Ambo. "Kayo po. Depende sa inyo. Ayain niyo na lang po si Sir Ardy... para matigil na rin po uminom."

"A-ako ho talaga ang mag-aaya?" napalunok siya. "Parang ang awkward naman Mang Ambo."

"Aayain niyo lang kumain po ang boyfriend niyo." Natatawang umiling si Mang Ambo.

Nanlaki ang mga mata niya.

Akala ba ni Mang Ambo ako ang girlfriend ni Ardy? Kaya niya siguro ako tinuro sa banyo ng kwarto nito. Now it makes sense. Kaloka 'tong si Mang Ambo. Adik lang.

"Mang Ambo, hindi po ako ang girlfriend ni Sir Ardy niyo." Pagtama niya.

"Ay ganun ba? Akala ko po kayo yung girlfriend niya simula high school. Saka katulad niyo po ang tipo ni Sir. Mestisa na matatangkad."

Namula siya sa sinabi ni Mang Ambo. Hindi niya maitago ang pag-blush ng kanyang mukha kaya naisipan na lang niyang umalis doon.

Saka gusto na niyang kumain. Paborito niya kasi ang chicken adobo.

"Puntahan ko na lang po siya," paalam na lang niya kay Mang Ambo.

" Yihee!" Kilig na sabi nito.

"Para makakain na po ng chicken adobo..." She emphasized at tumalikod upang maitago ang pamumula ng kanyang mukha.

Pumasok siya sa billiards room at hinanap si Ardy. Napansin niyang bukas ang isa sa mga sliding doors.

Natuklasan niyang may lanai pala doon. Sumilip siya from the sliding door at nakita niya ang isang napakagandang gazebo na puno ng flowers.

Overlooking ng lanai ang Midlands Golf course, at ang napakagandang Taal lake. Across the billiards room is another room. Iyon ang bedroom kung saan sila unang nagkita ni Ardy.

Ang ganda naman ng bahay na ito. May gazebo! How romantic! Kapag ako nagkaroon ng sarili namin bahay ni Mommy, ganito ang gusto ko!

Habang iniikot niya ang paningin sa paligid ay napansin niya si Ardy na nakatayo sa may gazebo facing Taal lake.

Umiinom pa rin ito ng beer. Kahit nahihiya, lumapit na siya dito dahil naiisip niya ang chicken adobo. Ayaw na niyang i-delay pa ang pagkain nito.

Defensive talaga,girl? Napailing siya sa kaniyang nararamdaman. Sinubukan niyang iwaglit sa isip at puso ang nararamdaman.

Ngunit sa bawat hakbang niya papalapit sa lalaking nagdudulot sa kaniya ng kilig, saya, at kaba ay pinanghihinaan siya. Napansin niyang nanginginig ang kanyang baba. Hindi niya alam kung dahil sa malamig na simoy ng hangin o dahil ninenerbyos siya sa paglapit sa binata.

"Ardy..." halos pumipiyok at mahina niyang sambit.

"Yes?" lumingon ito sa kanyang direksyon na tila wala ito sa sarii.

"So-sorry ulit kanina ha?" nahihiya niyang sabi.

Napatawa ang lalaki sa kaniya.

"Wala yun. Sorry din, kulang lang sa tulog." Anito.

Sumilay sa mukha nito ang isang ngiti habang inaalala ang nangyari sa kanilang dalawa kanina. Napatitig siya sa dimples nito.

Tengene naman, oh! Ba't ba ang guwapo guwapo mo? Naninigas tuloy ako sa kinatatayuan ko.

Dagdagan pa ng pandesal...at yung...Kakagutom! Kanin na lang... Napakagat labi siya. 

She unintentionally licked her lips, before realizing he was looking at her as if he was weirded by her.

"Chicken adobo with egg..." she uttered. Nanalaki ang kaniyang mga mata. "Humilurd! Hanudaw ansabe ko?"

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
THE BROKEN SOUL'S PLEA Bởi C.C.

Tiểu Thuyết Chung

46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...