Velvety Flame (Chains of Pass...

By Bb_Anastacia

1.1M 16.1K 448

SPG-18 Isang dating pag-ibig na hindi makalimutan. Isang gabi ng kapusukan. Kaya bang pawiin ng apoy ng pagna... More

Strangers in the Night
We meet again, Stranger
Unraveling
Rainy Days and Sympathy
Tripped
Hello, Past
The Proposal
Bonding
True Lies
The Secrets She Keeps
Disclosure
One Starry Evening
Innamorato
Breakfast in Bed
When I Found You...
Patreon

Ignorance is Bliss

29.1K 782 10
By Bb_Anastacia

Chapter Twenty Eight

KATULAD ng sinabi ni Carlotta, sinulit ni Belinda ang natitirang dalawang araw nilang bakasyong mag-ina bago ang nakatakda nilang pagkikita ni Janine. Sabado ng hapon ay napagkasunduan nila ni Terrence na bumalik na ng lungsod. Bagaman noong una niya iyong sabihin dito ay parang gusto pa nitong mag-protesta. Nadala niya lang sa lambing. That was a part of her she didn't know she was capable of doing--to be sweet and cheesy to her lover.

Lover. Yes, they're lovers. And lovers they will always remain...

"Sigurado ka bang ayaw mo akong isama?" wika ni Terrence na pumukaw sa daloy ng mga iniisip ni Belinda. 

He was driving at bahagyang nakaharap si Belinda rito na nakaupo sa passenger seat sa tabi ng binata. Manaka-naka ay inaabot nito ang kanyang kamay atsaka pipisilin.

They were almost home. Kung wala silang masyadong mai-encounter na traffic, in less than an hour ay nasa bahay na sila mula sa pinanggalingang log cabin sa Tanay.

"Ang kulit naman no'ng mama. Hindi nga po puwede. This is a matter between females, okay?" tugon ni Belinda.

"Nag-aalala lang naman kasi ako. Baka mamaya n'yan naroroon na naman 'yong..." kaagad na napa-preno ang bibig ni Terrence nang pisilin niya ito sa braso.

Yanna was at the backseat playing with her i-Pad. Gayunpaman ay ingat na ingat si Belinda na magbitaw ng mga ditalye na posibleng marinig at tumatak sa isipan ng bata.

"I'll be fine, naroroon naman si Carly. She will be a silent observer during our negotiation."

"In that case, magkita tayo pagkatapos niyong mag-usap. Deal?"

Napangiti siya. "Deal." 

Inabot nito ang kanyang kamay at pinagdaop ang kanilang mga palad. Pagkuwa'y itinaas nito iyon sa mga labi at hinagkan ang likod ng kanyang kamay. Lihim siyang kinilig sa gesture nito.

Nang makauwi sila ay hindi kaagad ito umalis kahit halos ipagtabuyan niya na. Sa huli ay nanood sila ng isang pambatang animated film, Finding Dory. At dahil kapwa pagod sa biyahe um-order na lang sila ng pizza at chicken para sa kanilang hapunan.

They enjoyed the movie. Nang matapos iyon ay naghihikab na si Yanna. Itinaboy na siya ni Terrence upang intindihin ang anak habang ito naman ay nagboluntaryong mag-iimis ng kanilang mga kalat. Lihim siyang naaaliw, sa nakalipas na ilang araw ay tila sila mag-asawa sa loob ng bahay na alam na ang kani-kanyang role. Ito ang kadalasang tagaligpit ng kanilang mga kalat--partikular sa mga hugasing pinggan--habang siya ay ang pag-aasikaso kay Yanna ang madalas niyang gawin.

Matapos maghilamos at magsepilyo ay saglit munang tinabihan ni Belinda ang anak. Hindi naman nagtagal at kaagad itong nakatulog. Naisip niyang marahil ay sadyang nahapo rin ito sa ilang oras na biyahe.

Binalikan niya si Terrence upang tulungan ito kung may mga kailangan pang iligpit. Maayos na sa sala, pagpasok niya sa kusina ay naabutan niya itong pasipol-sipol habang naghuhugas ng mga pinggan. Tahimik niya itong pinagmasdan. She didn't know that domesticity would suit him. Napangiti siya.

Ang ngiti niyang iyon ang nalingunan ni Terrence nang pumihit ito matapos iligpit ang mga kubyertos at pinggan.

"What are you smiling about, honey pot?"

Nag-init ang mga pisngi niya sa pantukoy na ginamit nito. "When I met you, I never thought domesticity would fit the likes of you."

"Have I just been praised or insulted?" 

"The former," kusang tinawid ni Belinda ang distansyang naghihiwalay sa kanila ng binata atsaka ipinaikot ang mga braso sa leeg nito.

Nang yumuko ito ay nagtagpo ang kanilang mga labi sa isang magaang na halik.

"Umuwi ka na, it's late," aniya rito.

"Ipinagtatabuyan mo na ako?" umarte itong nasaktan with matching hagod pa sa dibdib.

"It's because you're a minor. Baka abutin ka ng curfew," natatawang biro niya.

"Let me spend the night here, then."

"Uh-uh," umiling siya. "Matutulog tayo nang magkahiwalay ngayong gabi. Pagod ka sa pagda-drive at ngayon ay pati sa pagliligpit ng mga kalat."

"Even Death himself cannot keep me from making love to you..." mapanuksong humagod ang dalawang kamay nito sa magkabila niyang tagiliran.

Napakagat-labi siya. Gusto ng bumigay ng kanyang resolba. Subalit dahil sa pakiramdam na tila siya nao-overwhelm sa lahat ng mga nangyayari sa pagitan nila, naisip niyang kailangan nila pareho ng espasyo. Not to totally distance themselves from each other. Iyon lamang magkaroon sila ng maikling sandali para sa kani-kanilang mga sarili na pagnilayan ang lahat. Para kasi siyang nalulunod sa lahat ng iyon. At kapag ganoong malapit na malapit sila sa isa't isa ay hindi gumagana nang normal ang utak niya. Parang nagkapalit ito ng puwesto at ang puso niya.

Mula sa dati'y malamig at hostile na Terrence from four years ago, hindi siya makapaniwala na naroroon na sila sa puntong iyon. At lalong hindi siya makapaniwala na totoong iniibig siya nito. Sa kabila ng kinang na nakikita niya sa mga mata nito sa tuwing bibigkasin nito ang tatlong kataga ng pag-ibig, pakiwari niya ay produkto lamang ng imahinasyon niya ang lahat.

She needed a little time off to get her footing. Dahil kung magpapatangay siya sa lahat ng iyon, natitiyak niyang hindi lang siya ang masasaktan.

"You should go," aniya. Sa pagkakataong iyon ay mayroon na siyang kombiksyon.

Itinaas nito ang kanyang baba at tuwid na tinagpo ang kanyang mga mata. Hindi na ito nagsalita ng anupaman. Tahimik lang siya nitong hinigit at niyakap nang mahigpit.

"Alright, bukas na lang tayo magkita."

Tumango siya. Nang yumuko ito ay tinanggap niya ang mainit na halik na iginawad nito sa kanyang mga labi.

"Goodnight."

Inihatid niya ito hanggang sa may pinto. 

"Ingat ka sa pagmamaneho," bilin niya paglabas nito.

"Will do," bago tuluyang lumulan ng sasakyan ay muli siya nitong binalikan at binigyan ng makapigtal-hiningang halik.

Nangiti na lang siya nang ihatid ito ng tanaw.

***

SUNDAY, Hermano's Ristorante. Maagang inihatid ni Belinda sa bahay ng kanyang mga magulang si Yanna bago ang usapan nila ni Janine. Susunduin na lamang niya ito pagkatapos ng pakikipag-uusap niya sa huli.

She was fifteen minutes late due to traffic. Kaya nang dumating siya sa restaurant ay naroroon na si Janine. May reservation na sila roon prior to their meeting, ito mismo ang nagpa-reserve ayon kay Carly.

"I already ordered for us, I hope you don't mind," wika nito nang maupo siya sa kaibayo nitong upuan.

"I'm not really hungry; but it's okay."

Sinabihan nito ang tagasilbi na maaari na nitong isilbi ang kanilang order.

Hindi siya sigurado kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Because once upon a time they used to be very close. Sino nga ba ang mag-aakala na isang araw ay aabot sila sa sitwasyong iyon?

"I'm sorry."

Napaangat ang tingin ni Belinda mula sa Bruschetta na nasa kanyang plato. Napansin niya, halos lahat ng nakahain sa kanilang mesa ay mga paborito niya.

"I was too desperate to save my marriage na hindi ko na isinaalang-alang ang ating friendship."

"You know how much I love Yanna. At alam mo rin na nakahanda akong gawin ang lahat para sa kanya. And I hate to say this, pero isinuko mo na ang iyong pagiging ina sa kanya bago mo pa man siya isinilang. I was actually dreading the day when you gave birth to her. Naisip ko kasi na baka magbago pa ang isip mo sa sandaling makita mo ang bata; but you didn't. As for Mitch...that prick lost his chance to be her father when he told you to abort his own child."

Nakita niya ang tahimik na pagpahid ni Janine ng mga luha. Tumango ito bilang pag-amin na totoo ang lahat ng sinabi niya. 

Hinayaan lang ito ni Belinda sa tahimik na pag-iyak. At bagaman panay paborito niyang putahe ang nakahain, tamilmil niyang inumpisahang kainin ang Bruschetta sa kanyang plato.

"I'm flying back to New York," anito sa kalmadong tinig pagdaka. "Susubukan kong ayusin ang pagsasama namin ni John."

"Di-hamak na mas advance ang medisina sa ibang bansa, I'm sure God willing, He will give you another child."

"H-how about you, Billie? Pangangatawanan mo na ba ang desisyon mong manatiling single?"

"Yes," walang kagatul-gatol niyang sagot.

"Wha-what about Yanna Rain? Hindi ba't mas makabubuti para sa bata kung may kalalakhan siyang isang kumpletong pamilya?"

"Ano ba eksakto ang depinisyon mo ng kumpleto, Janine? Mahal ko ang anak ko, mahal siya ng mga kinikilala niyang grandparents at mahal siya ng mga taong nakapaligid sa amin. Kaya hindi kakulangan para sa aming mag-ina ang presensya ng isang padre de pamilya."

Mukhang may gusto pa itong sabihin subalit minabuti nitong huwag na lamang magsalita. Saglit na pumatlang ang katahimikan sa kanilang pagitan. Tulad niya ay tila walang gana rin itong kumain at nilalaro lamang ng tinidor ang nasa platong garlic bread.

Siya ang hindi nakatiis basagin ang tensyon sa kanilang pagitan. "Maraming tao ang nagugutom sa Pilipinas. Stop playing with your food, let's eat."

Nang magtama ang kanilang mga mata ay kapwa napunitan ng ngiti ang kanilang mga labi. Hindi man ganap na naglaho ang tensyon ay nabawasan naman iyon kahit na paano. Sa pagitan ng pagkain ay binuksan ni Janine ang proposition ng pagsasa-legal ng adoption ni Yanna. Nagkasundo silang kukuha ng kani-kanyang abogado upang maisaayos ang mga dokumento.

At muli, bago sila naghiwalay ay humingi ito ng tawad sa kanya. Tinanggap naman niya iyon, sapagkat minsan sa buhay niya ay nakaranas siya ng matinding desperasyon. Ngunit hindi tulad ni Janine, hindi siya gumawa ng hakbang na kaparis ng ginawa nito.

Magaan na ang loob niya nang magpaalam sila sa isa't isa.

Naglalakad na siya palabas ng restaurant nang may tumawag sa kanya.

"Belinda."

Paglingon niya ay kaagad siyang napangiti nang mapagsino ang tumawag sa kanya.

"Tony," dumapo ang tingin niya sa magandang babaing kasama nito at sa batang babae na kahawig na kahawig ni Anthony Vallejo. Tingin niya ay mas matanda lamang ang bata ng ilang buwan kay Yanna.

"You're alone?"

"Uhm, yeah. I had lunch with a female friend, pauwi na nga ako."

"Ganoon ba. I, uh...can I talk to you for a sec?"

Nang tumingin siya sa magandang babaing kasama nito ay mabilis iyong nag-iwas ng tingin. Tila hindi naman iyon napansin ni Anthony. Nagpasintabi ito sa babae at niyaya siya sa isang panig ng restaurant kung saan hindi sila makakasagabal sa daloy ng mga patrons.

"Uh, I have something to confess."

Tinaasan niya ito ng kilay. Kung sasabihin nitong interesado ito sa kanya ay sasapakin niya ito. Lalo pa nga at mukhang selos na selos sa kanya ang babaing kasama nito.

"Alam na ni Terrence."

Saglit siyang nalito sa sinabi ni Anthony. Subalit nang ganap na tumimo sa isipan niya ang katatapos lamang nitong ipahayag ay daig pa niya ang biglang pinasabugan ng bomba!

"A-alam niyang ako ang...?"

"Yes. I'm sorry, hindi ko sinasadya," ipinaliwanag nito ang mga sirkumstansya kung paanong nabunyag kay Terrence na siya ang donor nito.

"I...I understand. Wala kang dapat ihingi ng paumanhin, Tony. Thank you for telling me..."

'

A/N:

So, ito na kaya ang katapusan ng gumagandang ugnayan nina Belinda at Terrence? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Belinda, ano ang mararamdaman mo?

Votes and comments^^

By the way, a little favor to y'all. Please SHARE my stories to your social media accounts. FB, Twitter and et.al  I will appreciate it also if you can save it to your READING LIST or LIBRARY. 

Thanks in advance!! Mwah<3 <3 <3

Bb_Anastacia 




Continue Reading

You'll Also Like

376K 11.9K 35
THIRTY FIVE years old na si Arci Marie Roque at matagal na niyang tanggap na hindi para sa kaniya ang pag-aasawa. Lahat ng pagmamahal at atensiyon ni...
1.7K 100 45
Tama bang sapat na ang pagmamahal para bumuo ng relasyon? Kailangan bang kilala mo ang sarili mo bago sabihing mahal mo na ang isang tao? Sa pagpili...
25.3K 1.4K 16
"Mas maswerte ako dahil sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay ako pa ang pinili mo, ako pa ang lalaking minahal mo." Unang kita pa lang ni Bianca sa b...
93.6K 3.2K 11
NAESKANDALO AKO SA COVER. ahehehe. maikli lang po ito. hope you enjoy this raw version of brat in disguise. Plano ng kanyang ama na ipakasal si Kris...