The Secrets She Keeps

30K 896 14
                                    

Chapter Twenty One

PINAGMASDANG mabuti ni Terrence ang mga papel na nakalapag sa kanyang mesa. Resulta iyon ng DNA test. Kahit ilang beses niyang sipating mabuti iyon ay hindi nagbabago ang resultang nakasulat doon. Wala kahit isang porsiyentong posibilidad na siya ang ama ni Yanna Rain.

 Wala kahit isang porsiyentong posibilidad na siya ang ama ni Yanna Rain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napabuga siya ng hangin. Wala sa loob na nakuyumos niya ang papel.

No wonder, malakas ang loob ni Belinda na pagbigyan siya sa demand niyang magpa-DNA. Iyon pala ay dahil tiwala itong hindi magma-match ang DNA nila ng bata. Ngayon, ang hinihintay naman niya ay ang report ng binayaran niyang PI upang alamin ang naging buhay ni Belinda sa nakalipas na apat na taon. Anu-ano pa ang matutuklasan niya maliban sa ito ang taong pinagkakautangan niya ngayon ng kanyang buhay?

Pagkatapos niyang malaman ang ginawa nito ay hindi niya alam kung ano ang kanyang iisipin. Para siyang biglang sinakmal ng hindi niya maipaliwanag na damdamin. Bakit siya nito tinulungan? Pagkatapos ng pagtratong ginawa niya rito four years ago. He practically seduced her, used her and discarded her like a disposable trash afterwards. Nakakapanliit na pagkatapos ng lahat ng iyon ay nagawa pa siya nitong tulungan.

Kailangan niyang makabawi. Kung paano ay hindi niya pa alam. 

Ilang araw pagkaraan ay natanggap niya ang report ng binayaran niyang PI. Isang bagay ang nasagot sa kanyang isipan.

***

"J-JANINE?" nagulat si Belinda nang pagbukas niya ng pinto ay mapagbuksan niya ang isang taong ayaw na sana muna niyang makita at makausap.

"Kumusta?" kaswal na bati nito. "P-puwede ba akong pumasok?"

She wanted to say 'no' pero alam niyang magiging kabastusan iyon. Napilitan tuloy siyang iawang ang pinto upang patuluyin ito.

"Come in," iginiya niya ito sa sala. "Maupo ka muna at ikukuha kita ng maiinom."

Nasa bahay lamang siya sa buong araw na iyon to spend some quality time with her daughter. Gusto ni Yanna na mag-bake sila ng cake kaya naman nagkalat ang mga sangkap na gagamitin nila sa kusina. Day-off pa naman ng kanilang kasambahay.

"Am I doing it right, Nanay?" ipinakita ni Yanna ang hinahalong egg whites sa maliit na bowl.

"Wow, good job, baby," aniya.

"Is that her?"

Kamuntik ng mabitiwan ni Belinda ang hawak na bote ng juice nang marinig niya ang boses ni Janine mula sa kanyang likuran. Hindi niya namalayang sumunod pala ito sa komedor.

"A-ang laki-laki niya na pala."

Bago pa niya naawat si Janine ay bigla nitong nilapitan si Yanna at niyakap.

Nakita niya ang kalituhan sa mukha ng bata nang sukat makulong ito sa mga braso ng isang taong noon lamang nito nakita.

"Janine, please. You are scaring her," napilitan siyang lumapit sa nagpapasaklolong tingin ng kanyang anak. Binaklas niya ang mga braso ni Janine na mahigpit na nakapulupot sa katawan nito.

Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon