When I Found You...

64.6K 1.4K 148
                                    

Chapter Thirty One

MULING sinipat ni Belinda ang mukha sa compact mirror bago umibis ng kotse. Hindi siya sigurado kung nasaang lugar sila, malibang ayon sa Mommy niya ay ihahatid siya ng family driver nila sa private venue na pagdarausan ng selebrasyon.

"Mang Ponce, sigurado ho ba kayong dito ginaganap 'yong party?" ani Belinda sa kanilang driver.

"Opo, Ma'am. Sigurado po ako, dito ko po inihatid sina Sir Ramon at Ma'am Nieves kanina."

Bantulot man ay tuluyan na ring bumaba ng sasakyan ang dalaga. Tiningnan niya ang mataas na hagdan paakyat sa pagdarausang venue. Nakapagtataka dahil parang wala man lang siyang naririnig na musika o pagkakaingay ng mga guests.

Nang marinig niya ang pag-alis ng kotseng sinakyan niya ay parang gusto niya iyong habuling pabalik. Napailing siya. Tiningnan niya ang ituktok ng hagdan, natutukso na siyang hubarin ang suot na three-inch Manolo Blahnik heels at magpaa na lamang hanggang sa makarating sa ibabaw.

Tss. Naroroon na rin lang, kasubuan na. Huminga siya ng malalim at sinimulang akyatin ang mga baytang.

"Happy birthday, to you...happy birthday, to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you."

Naudlot ang pag-akyat ni Belinda sa kalagitnaan ng mga baytang nang biglang magliwanag ang kanyang paligid kasabay ng korong pagkanta ng happy birthday. Then it dawned on her--it was her birthday.

"Oh, my God," natutop niya ang noo kasabay ng reyalisasyon. Masyado ba siyang nalulong sa kanyang pamimighati na hindi na niya namalayan ang araw ng sariling kapanganakan?

"You're unbelievable. We know; but we love you, anyway," ani Carlotta. Bagay na nagpatawa sa mga naroroong guests.

Buo ang barkada nila. Kahit si Janine na paalis na sa susunod na linggo ay naroroon din sa pagtitipon at masayang bumati sa kanya.

"Happy birthday, Billie. I wish you all the happiness," wika nito.

"Same to you, Janine."

"Happy birthday, bestie," mahigpit siyang niyakap ni Carlotta. "I wish you all the best because you deserve it."

"Thanks, bestie."

Pagkatapos ng hindi magkamayaw na pagbati ng kanyang mga kaibigan ay hinanap niya ang kanyang pamilya. Kasama ng mga magulang niya si Yanna na masayang nakangiti habang nakatingin sa kanya.

Lalapitan niya sana ang mga ito nang pumailanlang ang isang malamyos na musika. Isang matangkad na lalaki ang humarang sa daraanan niya.

"Uh-hrm, may I have this dance?"

Nang mag-angat siya ng tingin ay namangha siya nang mapagsino ang taong nakatayo sa harapan niya.

"J-Jeri."

Simpatiko itong ngumiti bago inilahad sa kanyang harapan ang isang kamay.

"Uh," nag-aalalang humayon ang mga mata ni Belinda sa naroroong mga bisita hanggang sa tumigil iyon sa kinauupuan ni Ingrid. Ngumiti sa kanya ang babae.

"Don't worry. My wife doesn't hold grudges."

Nag-iinit ang mga pisnging tinanggap niya ang kamay ni Jeri at hinayaan itong igiya siya sa gitna ng bulwagan.

Pakiramdam ni Belinda ay isang napakagandang panaginip ang lahat ng iyon. Bukod sa magandang venue ay kumpleto ang lahat ng importanteng tao sa kanyang buhay. Maliban sa isa. Pilit niyang tinakpan ng ngiti ang sakit na biglang umantak sa kanyang dibdib.

"By the way, may mensahe nga palang gustong ipaabot ang kaibigan ko."

Pumitlag ang puso ni Belinda nang mag-angat ng tingin sa kapareha. "S-sinong kaibigan?"

Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Where stories live. Discover now