Once upon a STRANGER (lesbian...

By Hazelnot

548K 6.2K 1.3K

Ito ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexu... More

Nothing but something...
Prologue
Ang Simula... (First Chapter)
Messages... Chapter 2
Smiles... Chapter 3
Happy Birthday... Chapter 4
I'm interested in you... Chapter 5
Attraction?... Chapter 6
Surprise! Chapter 7
We miss you! Chapter 8
What did you do to me? Chapter 9
AN :)
Picture! Chapter 10
Sino ka? Chapter 12
Welcome back JILL! Chapter 13
Coffee Shop... Chapter 14
Andrea Catrine... Chapter 15
Phone Call.... Chapter 16
Saan kaya siya pupunta? Chapter 17
Adventure! :) Chapter 18
I know you! :) Chapter 19
I'm so careless! Chapter 20
Facebook Friends... Chapter 21
Sorry... Chapter 22
Guilty? Chapter 23
Magkita tayo! Chapter 24...
Disappointed! Chapter 25
AN
Can we talk? Chapter 26
Bistro Night... Chapter 27
Market Day... Chapter 28
I don't know why... Chapter 29
Wondering why... Chapter 30
Shayne's POV... Chapter 31
Hindi ko na alam... Chapter 32
This is WHY... Chapter 33
She still makes me smile! Chapter 34
Wattpad User... Chapter 35
Breakeven... Chapter 36
What do I feel? Chapter 37
I have something to say... Chapter 38
Pupunta ba ako o hindi? Chapter 39
Part 1... Chapter 40
Part 2... Expect the Unexpected... Chapter 41
Love is a choice... Chapter 42
Text Conversation...Chapter 43
Talking about... Chapter 44
Date? Chapter 45...
Lego House... Chapter 46
Gusto kita... Chapter 47
Kiss sa cheeks... Chapter 48
Ian? Chapter 49
Shayne... Chapter 50
Letter... Chapter 51
Ian's POV... Chapter 52
Jill...ian... Chapter 53
Unlimited Pain... Chapter 54
You like her... Chapter 55
Love and Pain... Chapter 56
Nikka... Chapter 57
To: Miss Author... Chapter 58
What's her reaction... Chapter 59
Once Upon A Stranger... Chapter 60
Sino Si Andrea? :)
AN
I miss this!

Getting to know! Chapter 11

9.1K 97 4
By Hazelnot

 

AN: Favorite number ko ang 11, kaya I’ll try my best para habaan tong chapter na to. Isa pa ang ganda ng mood ko ngayon. Kasi nagakita na kami sa wakas! Sa panaginip nga lang! Nahawakan ko muka nya! Hahaha, oo kinikilig ako! :)

 

Thank You pala kay @SoupStah! First time ko magbanggit ng name dito na wattpad user, natuwa kasi ako sa kanya… hahaha :)

 

To YOU: Little by little I’ll get to know you! ;) Even if you don't want to! :)

 

 

Chapter 11

 

Clarice POV

 

Hindi agad ako nakaget over na sa lahat ng magiging kamuka niya yung ex ko pa. Yung unang  babaeng minahal ko. Dahil dun mas naging interesado akong makilala siya. Napakarare kasi nung ganung pangyayari.

To: Excel

You look like a person from my past, actually my first, do you wanna see her?

 

Halos parehas yung mata nila ng ex ko, at protruding yung cheeks. Hindi naman sa cinocompare ko sila, kaso kasi magkamuka talaga sila! Siguro dito lang sa picture. Kaya I want her send a picture of my ex, kasi siya makakapagsabi kung magkamuka nga ba sila o hindi.

From: Excel

sure :) wow. madami akong kamukha.

 

So naghanap ako ng picture ng ex ko, at sinend ko sa kanya.

From: Excel

magkaparehas lang kami ng buhok T_T anong pangalan niya?

 

Buhok lang? eh hindi ko nga napansin na halos parehas sila ng buhok.

To: Excel

Do you really need to know that? hmmmm, anyway, we call her Maui... nickname nya :) hahaha, so hindi ka payag na magkamuka kayo? :)

 

From: Excel

nope :) mas cute siya :D may dimples siya sa may cheekbones banda. I find people with that kind of dimples, cute!

 

Humble ata to, o baka malabo lang yung paningin kasi para sa kin mas cute siya? Haha.

To: Excel

hmmmm, if you say so! :) Yeah, dimples are the cutest form of deformity in our body! :)

 

Gusto ko sanang sabihin na mas cute siya, kaso wag na lang kasi baka kung ano pang isipin niya! Hahaha :)

Naalala ko sabi ng prof ko before “Cute yung dimples? Eh abnormality yan ng katawan natin. Pero still, dimples are still the cutest form of deformity in our body.” So mula nun, dahil naiinggit ako sa taong may mga dimples, iniisip ko na lang abnormal sila. Haha

From: Excel

Actually people with dimples are really attractive, pero weird lang, kahit natutuwa ako sa mga dimples, hindi pa ko nagkakagusto sa isang tao nang dahil dun . ikaw ba? mas gusto mo ba pag may dimples o wala?

 

(So hindi naman pala mahalaga sa kanya yung may dimples, haha, kasi ako walang dimples. So pwede siyang magkagusto sa kin? :) Libre naman mangarap diba? Kaya nga sinusulit sulit ko na eh.)

 

Yep :) haha. medyo malaki ang cheekbones ko. Kaya protruding ang cheeks ko. baka sobrang naenhance lang sa picture dahil sa ilaw. :)

 

Natutuwa ako sa mga taong protruding yung cheeks, ang cute cute kasi nila, yung anytime ang sarap kurutin, tapos kapag stress ako ang sarap panggigilan yung taong malaki yung cheeks! Naiisip ko pa lang natutuwa na ako! Haha. Ang babaw lang talaga ng kaligayahan ko minsan!

To: Excel

It doesnt matter kung may dimples o wala yung isang tao, basta kapag gusto ko, gusto ko...hehe, based sa physical appearance ng isang tao, walang definite type ng isang feature ng isang tao ang gusto ko. Ang mahalaga naman yung nararamdaman, hindi yung nakikita.

 

Oo nga kitang kita nga yung cheeks mo! :)

 

Ganun naman talaga diba? Kapag nagmahal ka, or nagkagusto ka sa isang tao, dapat plus points na lang yung physical appearance, ang mahalaga is yung deeper side ng isang tao.

Kasi kung sa physical appearance lang ako magbebase, I guess magiging mababaw yung feeling na meron ako.

From: Excel

Okay sabi ko nga. XD nacurious ako bigla. Gaano ka katangkad? :)

 

Seryoso ba tong nababasa ko? Na-curious siya sa kin! Bigla bumalis yun tibok ng puso ko. Napakasimpleng bagay pero bakit ako natutuwa ng ganito? Ang tanong kong paulit-ulit, na sa tingin ko hindi ko agad makukuha ang sagot.

To: Excel

Ako I think nasa 5'6 ako, but I’m not that sure... Why you suddenly asked?

 

Tanong ko lang, ano yung mga bagay na kinakatakutan ko? Random things na gusto ko lang itanong. :)

 

Gusto kong malaman bakit niya yun naitanong, kahit na nasabi na niya nan a-curious lang siya! Ang weird ko talaga. -_____-

From: Excel

Parang ang liit kasi ng ex mo sa picture. Now I know why, ang tangkad mo pala. Pinagpala ka.haha XD

 

Ilan kayong magkakapatid? tsaka kung may kapatid ka pang-ilan ka? :)

 

Ako, honestly ayoko sa mga nakakatakot na bagay, ikaw? anong mga ayaw mo? :D

 

Eto na ba yung stage na tinatawag nilang “Getting to know”?

 

Andrea’s POV

 

Sa totoo lang ang dami kong gagawin ngayon, pero kahit na ganun, eto pa rin ako, kachat si Clarice, somehow natutuwa ako sa kanya, kasi dati usually ako yung nagtatanong ng nagtatanong tapos yung ibang mga kausap ko, sumasagot lang. Siya naman, nagtatanong din siya, yung conversation namin… its like give and take.

 

From: Clarice

Ikaw ano bang height mo?pinagpala ka din bang tulad ko? :)

 

(Bakit kelangan pa nyang magtanong ng height ko? Nalungkot tuloy ako bigla. Kasi naman maliit lang ako, pangarap kong tumangkad pero, eto ako bansot!)

 

3 kaming magkakapatid, panganay ako, yung pangalawa lalaki, 3rdyr college, yung bunso naman babae, 1st year college... ikaw ilan kayong magkakapatid at pangilan ka?

 

Bigla akong napaisip kung ano nga bang kinatatakutan ko, hmmmm… yung mga horror or nakakatakot na palabas, ok lang sa kin, hindi kasi ako matatakutin sa dilim or ghost? Ewan ko kung bakit, basta chill lang ako sa mga ganung movie. Pero... natatakot akong maiwang magisa, natatakot akong malungkot. Nasubukan ko ng maiwan at malungkot dahil dun, kaya ayoko ng maulit pa yun.

 

Kung titignan mo, parang ang simple lang nung kinatatakutan niya, pero kung iisiping mabuti, at kung iintindihin ko yung sinabi niya, para siyang may pinagdaanan siya na isang malungkot na pangyayari sa buhay niya. Naramdaman ko yung pain na dala niya.

To: Clarice

Sa kasamaang pala, isa ako s mga pinagkaitan ng height XD Pero maswerte n akong umabot ng 5 feet flat.

 

(Nalungkot akong aminin yung height ko, hehe, kasi naman gusto ko talagang maging matangkad, kaso wala eh. Buti pa xa umabot ng 5’ 6”, nainggit ako bigla.)

 

Wow. So ang kaedad ko ay ang kapatid mong lalaki.  Apat kami and pangalawa ako.:) 4th year yung sunod sakin na lalaki at yung bunso namin na lalaki din 1st yr hs. ang ate ko grumaduate na last april :)

 

(Hindi talaga ako sanay magkwento, I mean na ako ang iniinterview, ngayon lang ata nangyari to sa taong hindi ko kilala.)

 

Lol. Ang weird ng fear mo. Baka kung ikaw ako baka magbreakdown ka XD kidding. Alam mo madaming perks pag mag-isa ka. ang daming privacy. Yun lang nakakalungkot nga din minsan :D

 

Ano naman mga gsto mo? Mahilig ka ba sa sweets?

 

Pagkasend na pagkasend ko ng message ko. Napansin kong may message na din xa agad.

From: Clarice

I have to go now, if you want, text mo na lang ako, eto number ko, 0917*******.

 

To: Clarice

Bukas na lang ulit, lets just limit our conversation here in wattpad! Goodnight!

 

Akalain mong binigay niya sa kin yung number niya, yung totoo, akala ko ba hindi siya basta basta nagbibigay ng info about sa kanya, pero bakit binigay niya yung number niya?

Napansin kong gabi na pala at hindi pa ko kumakaen nung dumating si ate. Buti na lang may dala siyang pagkain, dahil sa totoo lang tamad na tamad na kong magluto ng pagkain ko, at nakakatamad din namang bumaba pa para bumili ng pagkain ko.

“Ano ginawa mo maghapon?” So anong drama ni ate at parang nangangamusta siya sa araw ko? Hindi ako sanay eh. Haha

“Pumasok ako kanina sa school, tapos the rest nagwa…” Bago ko pa maituloy yung sasabihin ko, napahinto ako. I was just about to say na nagwattpad ako? Whats happening to me? Nawawala na ata ako sa sarili ko!

“Nagwa? Ano naman yan ha?”

 

“Nagwa…la ako sa play kanina, haha, oo tama, ang galing ko talagang umarte, may ginagawa kasi kaming project ngayon, at may ganung part!” Muntik na ko dun. Buti na lang hindi ako nadulas kay ate!

“Haha, akala ko kung san ka nagwala eh. Oo magaling ka naman talagang umarte, man aka sa kin, pero sorry to say this, mas magaling ako sayo.” Lakas ata ng trip ng ate ko ngayon. Nahanginan ata ng hindi magandang hangin to sa trabaho niya! Pero sa totoo lang magaling siya, dahil sumasali siya sa mga play sa school niya dati. At nagpeperform sila sa ibang mga theater dito. Kaya nga idol ko yung ate ko! :)

“Ikaw na magaling ate, hindi na ko kokontra. Haha.”

 

Pagkatapos ng usapan ni ate, nagpahinga na din siya, pagod siguro sa trabaho.

“Ate akin ba tong dala mo?” Tanong ko sa kanya, na parang nagpapaawa. Haha, xempre nagtanong ako mamaya hindi pala sa kin to, magalit pa siya sa kin! :)

“Oo, kanino pa ba!” Sabi ko nga!

Kumaen ako tapos ay nagshower para mawala naman yung antok ko. Dahil magaaral ako. Mas gusto ko kasing nagaaral sa gabi, dahil mas less yung ingay at mas nakakaconcentrate ako. Malapit na din kasi matapos tong sem, so kelangan ko magaral ng mabuti.

Kahit naman tamad ako madalas, hindi ko pa din pinapabayaan yung pagaaral ko. Syempre nakakahiya sa magulang ko!

Habang nagaaral ko, chineck ko yung fone ko para tignan kung anong oras na. Paghawak ko ng fone ko, number ni Clarice yung nagappear. Hindi ko pala na-exit kanina nung sinave ko yung number niya. Napaisip tuloy ako bigla kung itxt ko siya?

Natapos akong magaral pero hindi ko siya tinext. Kasi ayoko lang! Masyado atang mabilis yung pangyayari, kelan ko lang siya nakilala, kaya ayoko din siguro ibigay ko.

Clarice POV

 

Namuti yung mata ko kakahintay ng text niya kagabi. Oo hinintay ko yung text ni Excel. Binigay ko na kasi yung number ko sa kanya. Ewan ko ba, excited akong maging close kami. Excited akong makilala siya.

Pero naisip ko din naman na hindi niya ako itetext. Nagbakasakali lang ako.

Kasi naman sa totoo lang ngayon lang ako naexcite makilala ang isang taong walang kinalaman sa buhay ko, I mean hindi ko alam kung sino siya, hindi ko alam kung anong pagkatao meron siya, ni hindi ko alam ang pangalan niya! AT hindi rin siya mawala sa isip ko! Ayoko ng ganito.

To: Excel

Goodmorning!

 

3 hours na kong pabalik-balik sa inbox ko sa wattpad pero hanggang ngayon wala pa din siyang message! Baka tulog pa siya! O kaya may pasok? Baka naman busy?

Tumunog yung fone ko!

May nagtext!

Naexcite ako!

Pero hindi galing sa kanya!

What’s happening to me? -___-

 

Continue Reading

You'll Also Like

753K 10.1K 30
Paano kung malaman mong hindi pala lalaki si boyfriend? Matatanggap mo ba siya? Kaya mo bang harapin lahat ang pag subok kasama siya? O iiwan mo na l...
624K 7.6K 84
Well ang kwentong ito ay nag umpisa sa panahong ang cherry, berry at apple ay prutas palang. Ang android hindi cellphone kundi character pa sa dragon...
231K 2.8K 45
they love calling each other stupid and they love hurting each other. E Kelan naman kaya nila magagawang mahalin ang isa't-isa.. hindi bilang magkapa...
550K 13.5K 58
Basahin mo para malaman mo.