Love Next Door

By butterflywithme

1K 24 15

Nagumpisa ang lahat sa isang break up. Hindi akalain ni Zoe Lazarro na magiging magulo ang buhay niya lalo na... More

Love Next Door
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 2

109 5 0
By butterflywithme

Salamat sa mga votes ang comments. Lalo akong ginanahan. Hehe

Enjoy reading! 

(Song: Still Into You by Paramore)

~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_

Wala sana akong balak sabihin 'to sa brother ko kaya naisip kong humingi ng tulong sa fiancée niya.  Pareho silang doctor besides I'm sure pwede ko siyang pakiusapan na 'wag munang sabihin. 

"Ah....Ui....Okay ka  pa ba?" hindi ko kasi alam yung pangalan niya kaya 'Ui' na lang. Baka mamaya kapag tinawag ko siyang 'kuya' mas matanda pa pala ako kaya Ui na lang talaga.

Ang rude ko lang (+_+) 

Patuloy pa rin ako sa pagddrive nang sumagot siya.

"Ace yung pangalan ko, hindi 'Ui'. Yeah, just drive nang makarating agad tayo sa hospital at ng matapos na 'to." sungit ah.

Sabagay sino nga ba ang hindi magsusungit kung napilay ka.

 "Okay. Ako nga pala si Zoe." sumulyap ako sa loob ng kotse para tignan kung nasa maliit na compartment sa tabi ng radio yung cellphone ko.

Nang makita ko na nandun nga kinuha ko yun ng hindi inaalis yung tingin ko sa kalye.

Inabot ko kay Ace yung cellphone ko, "Favor naman oh. Pwede mo bang hanapin sa contacts ko yung pangalang Ate Alexi. Tapos paki pindot na rin yung call. Please," ayaw pa sana niyang kunin pero kinuha rin naman niya sa kamay ko yung cellphone ko at hindi na rin nagsalita.

After a few seconds, iniabot na niya pabalik yung cellphone sa 'kin. 

"Nagri-ring na," sabi niya.

"Thanks."

Luckily, nag red lights. Makakausap ko ng  maayos si Ate Alexi.

"Hello, Ate Alexi."

"Hello, yes, Zoe?"

"Nasa hospital ka ba ngayon? Nandiyan din ba si kuya?

"Ay, walang duty si Zac ngayon pero susunduin niya ko mamayang off duty ko ng 2am. Why? May kailangan ka ba sa kanya? Hindi mo ba siya ma-contact?"  yes, buti na lang nandun pa siya sa hospital kahit hinulaan ko lang kung nandun pa siya.

"Ah, no. HIndi siya yung kailangan ko. Uhm.. ganito kasi yun. Please don't freak out. Pwede mo ba 'kong tulungan? May nabundol kasi ako eh. I need your help."

"Ha?!" nagulat pa siya before she composed herself, "Oo naman. A-Anong condition niya ngayon? Unconscious ba siya? Nasaan ka?" ang bait talaga ng mapapangasawa ng kuya ko. 

"We're 5 minutes away from there. Hindi naman siya unconscious. Kaya lang yung paa niya masakit daw."

"Okay. Sige, sa emergency na kayo dumiretso, dun ko na lang din kayo hihintayin."

"Thanks, Ate Alexi. And, please 'wag mo munang sabihin kay kuya. Ako na lang magsasabi sa kanya."

"Okay, sige. We'll deal with him later. Magingat ka sa pagddrive,"  she hung up.

Unti-unti na rin nagsisiandar yung mga kotse sa harap. Hindi rin nagtagal nakarating na rin kami sa hospital.

Pagkadating namin nakastand by na rin yung wheelchair na para kay Ace. Agad din kami sinalubong ng mga nurse at tinulungan si Ace na makalabas. After nun dinala na rin agad nila si Ace sa loob ng ER.

"Zoe, kami nang bahala sa kanya. Maghintay ka na lang muna sa Waiting Area," sabi sa 'kin ni Ate Alexi. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. 

 15 minutes seems like forever, lumabas na rin si Ate Alexi mula sa isang room. 

"Zoe, ikaw? Kamusta?" a look of concern crossing her face. "No offense.You look like a mess."

"I'm fine. Yung lalaki, kamusta? Malala ba? Kailangan ba ng surgery? Ate Alexi...." hindi ko nanaman mapigilang mag alala. Bukod sa nakakaawa yung Ace, I'm also in a very deep sht. 

"Sa ngayon hindi ko pa alam. Maya-maya lang lalabas na rin yung results ng x-ray."

Mga ilang saglit lang tinawag na rin kami ng isang nurse. Pumasok kami sa office ng isang pa doctor. Nanduon na rin sa loob si Ace pagpasok namin.

"Okay, may isang good news at may isang bad news," sabi agad ni Doc. "Ang good news hindi naman natin kailangan ng surgery. In fact, sprained lang ang nangyari sa kaliwang paa mo, hijo. And, the bad news is kailangan mong magcrutches for 3-5 weeks and kailangan natin i-cast yung paa mo."

Pagkasabi ni Doc ng ganun para na rin akong na nabunutan ng tinik. Nakahinga hinga rin ako ng maluwag.

"So, ready ka na?" tanong ni doc kay Ace.

Napatingin kami lahat kay Ace. Napansin kong laging neutral lang yung expression ng mukha niya. .

Para ngang hindi siya nagaalala na kailangan niya magcrutches.

Tsk. Ang gwapo pala talaga niya. Parang may half-something siya eh.

Parang.....half German Sherperd. Hahaha. Fil-Am siguro 'to.

"Half-British ako , hindi aso. And, are you done checking me out? Kung hindi pa, take a picture it will last, " nagulantang ako nung nagsalita siya.

Hala! Nasabi ko ba ng malakas? Hindi ko rin napansin na nasa kabilang room na rin si doc at may kausap naman si Ate Alexi sa phone niya.

Tsk. Nakakainis. Mga gwapo nga naman kung hindi conceited masungit naman.

 Ang tagal ko na palang nakatitig. Meh  :3

Tinignan ko siya ng masama, "Ah..Talaga naman..." kinuha ko nga yung phone ko at pinicturan ko talaga siya. Mukhang nagulat di siya sa ginawa ko.

"Akala mo hindi ko gagawin no? FYI, Photography ang hobby ko :P" childish na kung childish. "buti na lang gwapo ka," sabay bulong ko. Then, he smirked at me. 

Psh. Sabi ko  na eh, hindi ko alam pwede palang dalawa. Conceited na masungit pa.

Tapos ang pandinig. Winner!  Siguro nga may lahing German Shepherd. Meh.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

10:30pm na nung hinatid ko siya sa isang hotel na pamilyar na pamilyar ako. Yup, sa hotel siya nagpahatid. Hindi na lang din ako nag usisa kung bakit. Nung nandun na kami sa harap nung hotel, tska ko lang naisip na kuhanin ung contacts niya.

"Give me your phone." utos ko sa kanya

"Why?" kunot noo niyang tanong

"Duh. Ilalagay ko yung number ko. Para ma co-contact mo 'ko kapag magpapacheck up ka na. Ako bahala sa medical expenses mo di ba?"

"No need. Ako na lang bahala," after niyang sabihin yun binuksan na niya yung pinto.

"Wait!" sinara naman niya ulit yung pinto pero kalahati lang. "Okay, ganito na lang. Ibibigay ko sa'yo yung number ko pero you will call or text me kung okay na yang paa mo. Ayoko magkaroon ng cargo de conciencia. "

Nagisip pa siya ng kaunti tsaka sinabing, "Fine." iniabot din naman niya yung iPhone niya na latest model.

Wooh. Big time. Sosyaling bata. Hindi nagpapahuli sa kung anong latest.

Pagkasave ko nung number ko, ibinalik ko na rin agad sa kanya yung phone niya. Inabot naman niya at binuksan na ng todo yung pinto.

HIndi ko na rin siya natulungan bumaba dahil mukhang kayang kaya naman niya. Hindi na nga siya lumingon sa 'kin at tuloy-tuloy na lang siya sa paglalakad.

Hinayaan ko na lang at nagdrive na ako pauwi para makapag pahinga na. It has been a long day.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Pagdating ko sa bahay. Inabutan ako ni daddy. Past 11pm na rin siya nakauwi. Kinakabahan ako nung lumapit siya. 

"Oh, Zoe. Bakit ngayon ka lang? It's already late." pagkakiss ko sa cheeks niya, hindi pa siya umalis agad sa harap ko. Usually kasi dire-diretso na yun sa kwarto nila. That's new.

"Ah. Eh. Kasi dad, late na rin natapos yung party tapos hinatid pa namin si M-Miguel sa bahay nila." pagsisinungaling ko.

"Ahh. Ganun ba? Oo nga pala kapag nagkita ulit kayo ni Miguel, please send my regards to his parents," ginulo pa niya muna yung buhok ko bago siya umakyat ng hagdan.

Si Miguel ang childhood bestfriend ko. Magkakilala rin yung family namin. Naging magkapit bahay din kasi kami nung mga bata pa kami. Buti nga hindi nawala yung friendship namin kahit lumipat na kami ng bahay.

"Will do. Good night, Dad."

"Good night, princess," oh wow, mukhang nasa good mood ata si daddy. Ang tagal na rin niya 'kong hindi tinawag na princess.

Wooh! Feel na feel ko ang pagka tense. Paano ba naman, nakakahiya mang sabihin pinagpawisan yung armpits ko. Eeek!

Pagpasok ko ng kwarto ko, dun ko lang naramdaman yung pagod. And everything flashed back mula sa break up namin ni Charles hanggang sa problem ko kung paano ko sasabihin kay kuya yung nangyari ngayon. Bahala na si Batman.

Nagtext muna ako kay Miguel saying, "We broke  up. Don't worry I'm fine. See you -Z"

Alam kong tulog na yun at bukas pa niya mababasa yung text ko sa kanya. Bigla naman pumasok sa isip ko si Ace. Tulog na kaya siya o hindi kaya siya makatulog ng maayos?

Nakatulugan ko na rin kakaisip sa kanya.

*~*~*~*~*~*~*~*

Nagising ako sa ringtone ko. Ang aga aga naman tumawag nun. Habang nakapikit pa rin kinapa ko yung cellphone ko sa  side table ko at tska sinagot yung tawag.

"Hello?" I croaked

"Gusto mo puntahan ko yang si Charles? Fck. Sino ba siya sa tingin niya? Makakatikim talaga sa 'kin yung kumag na yun eh." bungad niya agad sa 'kin

I yawned, "Good morning din sa 'yo Migz. Relax, ang aga pa para magalit." sabay upo ko sa kama medyo inaantok pa 'ko.

"Anong maaga? Z, walang maa-maaga sa 'kin pagdating dun sa t*r*nt*d*ng yun. Binalaan ko na siya ah. Malinaw na sinabihan ko siya na 'wag na 'wag ka niyang sasaktan o paiiyakin."

"Hayaan mo na yun. Tsaka na lang natin pagusapan kapag kaharap na kita."

"Bakit parang okay lang sa 'yo? Tsaka bakit kagabi mo lang sinabi kung kailan alam mong tulog na 'ko." pagtataka niya

"Hindi okay yun noh. Naiiyak ko na rin naman na kahapon. Ang dami rin nangyari kahapon kukwento ko na lang sa 'yo kapag nagkita tayo."

"O sige. Kaya lang busy ako hanggang next week. Okay lang ba sa 'yo next week na lang tayo magkita?"

"Oo, naman. Huwag ka mag alala. Ikaw pa rin ang una kong pagkkwentuhan. Oo nga pala, baka makalimutan kong sabihin sa'yo ginamit ko nga pala ung pangalan mo kay Daddy. Hehehe" tumawa muna ako bago ko itinuloy yung sasabihin ko, "Sabi ko sa kanya kaya na late ako ng uwi kagabi kasi late na natapos yung party tsaka hinatid pa kita sa inyo. And regards daw pala kina Tito and Tita sabi rin ni Daddy"

"Ay nako, ako nanaman dinahilan mo kay Tito ah. Sige, see you soon. Bye!" 

"Thanks! Yup, see you soon. Bye!" I hung up.

After my phone call with Miguel, nagayos na 'ko para magbreakfast. Pagbaba ko sa dining area ang daming tao. I mean kumpleto kami lahat except for Kuya Zac kasi hindi na siya dito nakatira.

Nasa dining table si Daddy, that's weird. Usually, laging umaalis yun ng sobrang aga. Si Mommy naman nagkakape lang yan kapag umaga pero ngayon may hawak siyang sandwich.

Anong nangyayari sa family ko? :O

Ang palagi ko lang naman kasabay kumain eh si Zab, my 5 year old sister.

"What's going on?" tanong ko agad sa kanila at umupo na sa usual spot ko kaharap ni Zab.

"Good morning, Princess." bati sa 'kin ng parents ko with smile on their faces.

Weird.....

"Good morning. Uhm, Dad, why are you still here?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"May announcement kasi ako sa inyo. Yesterday, I met up with your Tito Harold. You probably don't know him hindi ka pa pinapanganak nung bumalik sila sa London. Harold is an old friend of mine, he's actually my bestfriend kaya lang we had this huge misunderstanding and believe it or not yesteday lang kami nagkabati," kumakain lang ako habang nakikinig ako sa kwento niya

"It has been a long time. And I also found out na wala silang permanent address dito sa Philippines. They just usually rent a house or live in hotels. Ayaw niya sana kasing maiwan yung mga anak niya by their own kaya they would also transfer with him anywhere. I suggested, bakit hindi na lang sila dito magstay in our house?"  nagulat ako sa sinabi niya

"What? here? Dad, are you sure about that? Mommy, did you agree with this?" tinanong ko kaagad si Mommy, tumango lang siya at uminom ng coffee sabay tumingin kay Daddy.

"At least we could use some company, right?" ang lapad na ng ngiti ni Daddy ngayon."Besides mababait naman yung anak ng Tito Harold mo, the oldest one is the same age as you. Aanhin ko pa ba yung mga guest rooms natin kung hindi naman magagamit," I can't believe it! 

Ngayong gusto ko sanang mapagisa. Tska pa magkakaroon ng ibang tao dito sa bahay. Hindi ko na tinapos yung breakfast ko kasi nawalan na ako ng gana.

"Zabrina, don't play with your food," saway ni Mommy kay Zab. Pagtingin ko sa kanya halo lang siya ng halo sa cereals niya hanggang sa natatapon na yung milk. Kaya pala kanina pa tahimik.

Na-curious ako kung anong sasabihin ni Zab tungkol dito. Kaya tinanong ko siya. Makahanap lang  lang ako ng kakampi. 

"Zab, how do you feel about all these things? Did you know some strangers will live in our house? Don't you think it's scary and creepy?" matalinong bata si Zab i'm sure sa tono ng boses ko maiintindihan niya ako.

"Really? How come they will live with us?" she looked at me confused.

"I also don't know. Ask, Daddy. Daddy is weird," tumingin naman kami ni Zab kay Dad.

Si Mommy na sumagot sa tanong ni Zab dahil si Daddy busy sa kakangiti I'm sure hindi may iniisip yan at kaya hindi niya narinig na may kumakausap sa kanya, "Zab, they need to stay in our home so that we could take care of them. No one takes care of them in their old house. Kawawa naman," paliwanag ni Mommy.

"Yay!" bigla naman sumigaw si Zab. " I'll have more playmates. Can I make them my playmates? Mommy? Daddy? I need new playmates because Ate Zoe fights me all the time," nagpout pa.

"Yes, Zab only if they want to. " sagot ni Mommy

*SIGH

 Akala ko pa naman si Zab na magiging kakampi ko. Playmates lang pala gusto. Kasi naman eh, ang layo ng age gap namin. Alangan naman ubusin ko oras ko para sa isang fake tea party. :3

It's not that I hate my sister. Nakikipaglaro rin naman ako sa kanya kapag hindi ako busy sa school. 

Nawalan na ako ng interest sa pinaguusapan nila at kumain na lang. Hindi ko na tinanong kung kailan lilipat yung mga yun. Hindi ko na rin nga tinanong kung sino-sino o anong mga pangalan nila.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Sunday morning nandito ako sa loob ng kwarto ko nagkukulong and at the same time 'nagtatrabaho'. Nakakita ako ng online photo contest. Kaya napagisipan kong sumali para na rin maging distraction at makalimutan ko na si "He-who-must-not-be-named".

It has been more than 3 weeks since the break up and the incident. Hindi pa rin ako kino-contact nung guy. The worst part is hindi ko pa rin nasasabi kay Kuya Zac.

Ilang beses na rin akong sinabihan ni Ate Alexi na sabihin ko na kaya lang hindi ko magawa. Ang sabi ko na lang sa kanya I just need more time kung paano ko sasabihin.

Buti na lang naiintindihan naman niya kasi hindi nga naman biro ang isang aksidente lalo na kung hindi nagiingat.

Nakikinig ako ngayon sa kanta ng Paramore. LSS na nga ako eh. Hindi ako bitter ah. Isa talaga sa favorite bands ko ang Paramore, nagkataon lang na nagbreak kami ni "He-who-must-not-be-named".

♪ ♫ I should be over all the butterflies

But I'm into you (I'm into you)

And baby even on our worst nights

I'm into you (I'm into you) ♩ ♬

*Ding *Dong *Ding *Dong

Bakit walang gustong magbukas ng gate? Bumaba ako para tignan kung nasaan ba yung mga helper namin. Nakasuot pa naman ako ng T-shirt na doble ang size sa akin. Para sana comportable ako habang ginagawa ko yung 'trabaho' ko. 

Ang dami ko pa namang ginagawa. Naglilipat ako ng mga pictures sa computer ko. Argh. Mag e-edit pa ako ng mga pictures.

Sinilip ko muna sa bintana kung nabuksan na ba yung gate. Nakita kong nagkakagulo yung dalawang helper namin tska yung driver namin. May mga ibinababa silang mga gamit sa van.

Nagtaka ako kaya naman napagpasyahan ko na tanungin kung kanino yung mga gamit.

I unlocked the front door at pagbukas ko...

"WOAH!" sa sobrang gulat ko napaatras pa ako. 

Paano ba naman ako hindi magugulat eh may lalaking napakatangkad na nakatayo mismo sa harap ng pinto at hindi lang yun kung bakit ako nagulat. Hindi ko sila kilala! Bakit pinagbuksan 'to nung guard namin?

"Hello! Nice to meet you! Ang ganda mo pala sa personal. ;)" Aba! kumindat pa. Mukhang bata pa pero pakindat kindat na.

"Excuse me? Sinong kailangan nila?" I asked him. I'm so confused right now. Ano ba nangyayari?

"Ikaw. Pwede ka bang ligawan?" 

That's it! Tinawag ko kaagad yung guard namin.

"Mang Rene!" sigaw ko sa kanya

Tumatakbo naman siyang lumapit sa akin, "Bakit po, ma'am?"

"Diba ho pinagbilinan kayo ni Kuya Zac na wala kayong papapasukin na kahit sinong gustong manligaw?"paalala ko sa kanya

"Opo, ma'am." sagot niya

"Eh, bakit pinapasok niyo 'tong isang 'to?" turo ko dun sa baby faced na lalaki

"Eh, ma'am sabi po ng daddy niyo sila daw po yung lilipat dito sa bahay niyo," naguguluhang sagot niya.

"Haaaa?" I blushed.

Bigla naman tumawa yung lalaki at nagpakilala,"Haha. You're so funny nagblush ka pa. Ako nga pala si Beau (bo). Nice to finally meet you,"

Pahiya ako dun ah.

Bakit kasi nakalimutan ko pa na may lilipat nga pala sila dito?

"Ui, bro you made it!" sabi ni Beau sabay tingin sa likod ko.

Bro? Sinong bro naman 'to?

Tumalikod ako para makita ko kung sinong 'bro' yung nasa loob.

:O OH MY GULAY!! Ang liit nga naman ng mundo.

"Ikaw?!" sabay naming sigaw.

TO BE CONTINUED........

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Hmm? Hindi ko pa rin alam kung sinong character ang ilalagay ko o kung maglalagay pa ba ako. Suggest naman kayo oh. Feel free to comment below. :) 

Dont forget to VOTE and COMMENT !!!

TEEHEE! 

Continue Reading

You'll Also Like

26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
146K 2.6K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...