Chapter 7

43 2 3
                                    

CHAPTER 7

"Is Kuya Zac coming over with Ate Alexi?" lumapit sa 'kin si Zab sa kabilang sofa habang hawak hawak niya yung Lalaloopsy doll niya.

"Yes," hindi naaalis yung tingin ko sa cellphone ko.

Ka-text ko kasi si Miguel. Ang sabi niya on the way pa lang siya papunta sa amin.

Hindi ako mapakali. Ngayon na kasi ang huling araw ng palugit ni Ace.

Any minute darating na rin sina Kuya Zac at Ate Alexi.

Hindi nagtagal may sumigaw ng....

"We're home!" bumukas yung front door at pumasok na si Kuya Zac at Ate Alexi.

"Kuya!!" sigaw naming dalawa ni Zab ng makita naming may mga dala siyang pasalubong.

"Kaya niyo lang naman ako sinalubong kasi may dala akong pasalubong," pagtatampo niya.

"Of course not! Na-miss ka talaga namin ni Zab," sinalubong ko din si Ate Alexi na may dala namang box ng doughnut.

"Your favorite," sabay abot niya sa 'kin nung box.

"Thanks Ate! You're the best!" niyakap ko siya.

"You're very much welcome. Sina Tito and Tita nga pala?" hinanap niya agad sina Mom and Dad.

"Si Mommy nasa kitchen tapos si Daddy naman nasa study room may important phone call lang daw siya then baba na rin," sinundan namin si Zab at Kuya Zac na nauna na pumunta ng kitchen.

Nadatnan namin yung magkapatid na si Ace at Beau na nasa kitchen din tinutulungan si Mommy.

Nahiya naman ako. Ako yung anak pero 'di ako tumutulong. 

"Nakakahiya ka Zoe, bakit hindi mo tinutulungan si Mommy pero yung dalawang boys dito ang abala," pang aasar ni Kuya.

"Hay nako! Sinabi mo pa," segunda naman ni Mommy.

Napangiti naman si Beau. Nung nakita niyang nakasimangot ako sa kanya biglang nawala rin yung ngiti niya.

 Takot naman pala eh. Ang bully ko.

"Zoe, di ba siya yung..." bulong ni Ate Alexi habang patagong tinuturo si Ace.

"Errr.....come here. I'll explain," bulong ko rin sa kanya at hinila palabas ng kitchen papuntang dining room kung saan wala pang tao.

"Pst! Anong pinagbubulungan niyo dyan?" bigalang sulpot ni Kuya sa likod namin.

"Wala. Girl talk. Halika na nga. Tulungan natin si Tita," hinila na lang ni Ate Alexi si Kuya pabalik ng kitchen. Lumingon naman siya ulit para sumenyas na mamaya na lang kami mag usap.

Tumango na lang ako sa kanya at bumalik sa living room.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Aaminin ko medyo  uneasy ako kapag kasama namin si Ace. Naiinis rin ako kapag nandiyan siya. 

Minsan napapairap ako ng wala sa oras buti na lang walang nakakapansin. 

Akala niya pinakikisamahan ko siya dahil okay kami? Pwes, nagkakamali siya.

Para 'to sa parents ko. Para naman kahit malaman nila yung about sa paa niya kung bakit napilay at least they know pinakisamahan ko siya ng ayos dito sa bahay.

After all it was just pure accident.

I guess this will be my worst summer vacation ever. Nandito pa naman si Kuya Zac.

"I still can't believe na magkapatid kayo ni Zoe," nagk-kwentuhan kaming lahat sa pool.

Nagyaya kasi si Zab na mag swimming since nandito si Kuya Zac at mayroong magtuturo sa kanya.

Kasama na rin namin ngayon si Miguel na nakikipaglaro kay Zab sa kabilang dulo ng pool.

"Beau, hindi naman lahat ng magkakapatid kailangan magkakaugali. Parang kayo ni Ace, ikaw madaldal tapos siya tahimik lang," sabi ko sabay salo ng beach ball. Naglalaro din kasi kami eh.

Kaming dalawa ni Kuya Zac ang magkakampi laban dun sa dalawang magkapatid din tapos si Ate Alexi naman nakikinuod lang.

"Eh, hindi naman yan tahimik. Kunwari lang yan," sabay batok ni Ace sa kanya.

"Pinagti-tripan mo ba 'ko?" pananakot ni Ace pero parang may konting ngiti sa lips niya.

"Hindi na. Hindi na PO! Natanggal lang yang cast mo sa paa, ang bully mo na ulit," sabi niya habang nakataas yung dalawang kamay ready na para sa kung anong gagawin sa kanya ng kapatid niya.

Natanggal na yung cast ni Ace sa paa. Pinatanggal na niya kahapon dahil okay naman na daw yung paa niya.

"Oo nga, pare. Balita ko nga nakasaklay ka pa nung lumipat kayo dito. Buti gumaling agad at natanggal na kahapon marami kasi tayong gagawin na kailangan ng lakas at mabilisan," he said  sabay ngiti ng parang tanga.

"Nakaka swim na nga agad eh. Buti na lang talaga hindi ka napuruhan ni Zoe," siniko pa niya ng mahina si Ace sa balikat habang tumatawa.

My head snapped at Beau's direction, good thing I didn't get a whiplash at para din akong napako sa gitna ng pool.

Hanggang sa napansin ni Beau na siya na lang yung tumatawa, nakuha naman niya agad kung bakit.

"Ehe. he. he.....ehem!" tinapos niya sa ehem yung tawa niyang nakakainis pakinggan.

Pahamak ka talaga Beau!!

Unti-unti naman akong lumingon kay Kuya Zac na unti-unti ring nagbabago yung expression ng mukha niya.

"....WHAT?" nakasimangot na siya ngayon at inulit yung tanong niya kay Beau."Beau, can you please say that again? Anong ibig mong sabihin? Akala ko ba accident yung nangyari sa kanya pabalik ng hotel niyo, anong kinalaman ni Zoe?" naguguluhan yung mukha niya

"Ahh....Ehh...." sabay kamot ng ulo niya.

Nang hindi makasagot si Beau bumaling ulit sa 'kin yung atensyon niya,"Explain this Zoe, anong ibig sabihin ni Beau na may kinalaman ka sa nangyari?" 

Hindi ako makasagot at this time nakayuko na lang ako at hindi ko matignan sa mata si Kuya Zac.

"What's going on?" tanong ni Zab sa amin.

Napansin na rin siguro ni Miguel na parang tumataas na yung boses ni Kuya kaya lumapit na siya sa amin. Mukhang nakikiramdam pa siya kung anong nangyayari.

"Miguel, can you please do me a favor? Pwedeng paki pasok muna si Zab sa loob," utos niya kay Miguel. Si Miguel kasi kasama ni Zab.

"Ako na lang," pagvo-volunteer ni Ate Alexi at tumayo na rin para kunin si Zab.

Ate Alexi don’t leave me! Gusto kong isigaw.

Pero wala naman mangyayari dahil alam kong hindi siya mangingielam lalo na’t kaming dalawa na ni Kuya Zac ang nag uusap. Kailangan ko ng tagapagtanggol.

"I know that look, Zoe. Tell me, what did you do?" umahon na kaming lahat mula sa pool.

Hindi pinaalis ni Kuya si Ace at Beau. Walang nagsasalita sa amin ng biglang sumingit si Ate Alexi.

“It was just pure accident. Wag mo naman pagalitan si Zoe ng ganyan,” pagtatanggol sa ‘kin ni Ate Alexi.

Napa angat yung ulo ko saglit.

Thank you Ate Alexi! Pero hindi ko masabi ng malakas dahil yumuko na lang ulit ako.

Ganitong moment ang ayoko kapag kasama si kuya. Nakakatakot 'tong side niya na 'to.

Kahit close kami takot pa rin ako sa kanya. Mas matanda kaya siya sa 'kin ng 7 years.

~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~

Happy 2014!!!!!

Dun.Dun.Dun.Dun!! Paanong explanation kaya ang gagawin ni Zoe? Nakakatakot naman si Zac. Daig pa ang parents. 

Eh, paano na kaya kung yung parents pa nila ang magalit? mas nakakatakot kaya?

Love Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon