Chapter 2

109 5 0
                                    

Salamat sa mga votes ang comments. Lalo akong ginanahan. Hehe

Enjoy reading! 

(Song: Still Into You by Paramore)

~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_

Wala sana akong balak sabihin 'to sa brother ko kaya naisip kong humingi ng tulong sa fiancée niya.  Pareho silang doctor besides I'm sure pwede ko siyang pakiusapan na 'wag munang sabihin. 

"Ah....Ui....Okay ka  pa ba?" hindi ko kasi alam yung pangalan niya kaya 'Ui' na lang. Baka mamaya kapag tinawag ko siyang 'kuya' mas matanda pa pala ako kaya Ui na lang talaga.

Ang rude ko lang (+_+) 

Patuloy pa rin ako sa pagddrive nang sumagot siya.

"Ace yung pangalan ko, hindi 'Ui'. Yeah, just drive nang makarating agad tayo sa hospital at ng matapos na 'to." sungit ah.

Sabagay sino nga ba ang hindi magsusungit kung napilay ka.

 "Okay. Ako nga pala si Zoe." sumulyap ako sa loob ng kotse para tignan kung nasa maliit na compartment sa tabi ng radio yung cellphone ko.

Nang makita ko na nandun nga kinuha ko yun ng hindi inaalis yung tingin ko sa kalye.

Inabot ko kay Ace yung cellphone ko, "Favor naman oh. Pwede mo bang hanapin sa contacts ko yung pangalang Ate Alexi. Tapos paki pindot na rin yung call. Please," ayaw pa sana niyang kunin pero kinuha rin naman niya sa kamay ko yung cellphone ko at hindi na rin nagsalita.

After a few seconds, iniabot na niya pabalik yung cellphone sa 'kin. 

"Nagri-ring na," sabi niya.

"Thanks."

Luckily, nag red lights. Makakausap ko ng  maayos si Ate Alexi.

"Hello, Ate Alexi."

"Hello, yes, Zoe?"

"Nasa hospital ka ba ngayon? Nandiyan din ba si kuya?

"Ay, walang duty si Zac ngayon pero susunduin niya ko mamayang off duty ko ng 2am. Why? May kailangan ka ba sa kanya? Hindi mo ba siya ma-contact?"  yes, buti na lang nandun pa siya sa hospital kahit hinulaan ko lang kung nandun pa siya.

"Ah, no. HIndi siya yung kailangan ko. Uhm.. ganito kasi yun. Please don't freak out. Pwede mo ba 'kong tulungan? May nabundol kasi ako eh. I need your help."

"Ha?!" nagulat pa siya before she composed herself, "Oo naman. A-Anong condition niya ngayon? Unconscious ba siya? Nasaan ka?" ang bait talaga ng mapapangasawa ng kuya ko. 

"We're 5 minutes away from there. Hindi naman siya unconscious. Kaya lang yung paa niya masakit daw."

"Okay. Sige, sa emergency na kayo dumiretso, dun ko na lang din kayo hihintayin."

"Thanks, Ate Alexi. And, please 'wag mo munang sabihin kay kuya. Ako na lang magsasabi sa kanya."

"Okay, sige. We'll deal with him later. Magingat ka sa pagddrive,"  she hung up.

Unti-unti na rin nagsisiandar yung mga kotse sa harap. Hindi rin nagtagal nakarating na rin kami sa hospital.

Pagkadating namin nakastand by na rin yung wheelchair na para kay Ace. Agad din kami sinalubong ng mga nurse at tinulungan si Ace na makalabas. After nun dinala na rin agad nila si Ace sa loob ng ER.

"Zoe, kami nang bahala sa kanya. Maghintay ka na lang muna sa Waiting Area," sabi sa 'kin ni Ate Alexi. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. 

 15 minutes seems like forever, lumabas na rin si Ate Alexi mula sa isang room. 

Love Next DoorWhere stories live. Discover now