Love Next Door

391 8 9
                                    

Yay! Here you go! This is my second story. I hope you like it and ......enjoy reading. TEEHEE! ^.^

(Song: Youth by Daughter

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Nandito ako ngayon sa isang restaurant ng isang mall, naghihintay sa boyfriend kong 15 minutes ng late.

Alam naman niya na ayaw kong pinaghihintay ako. Ang tagal na kaya ng 15 minutes para sa isang babae.

Hindi rin siya sumasagot sa mga texts and calls ko.

Ano na kaya nangyari dun? Kahapon lang magkausap pa kami. Ang sabi ko pa tatawagan ko siya ngayon.

Napaka special pa naman ngayon ng occasion na 'to. Ngayon ang 2 year anniversary naming dalawa pero ni text o paramdam wala.

Naiirita na ko kasi hanggang ngayon wala pa rin sya. 

UGH.

"Ma'am, ready na po kayong umorder?" pangalwang beses na akong kinukulit ng waiter para umorder na.

"Konting hintay pa kuya. Wala pa yung boyfriend ko eh."

"Okay po." agad naman siyang umalis sa harap ko para puntahan naman yung ibang customer.

At this point, nang gigigil na ako sa boyfriend kong walang kwenta na hanggang ngayon wala pa rin.

Habang naghihintay may narinig akong babaeng nagsalita bandang  likuran ko. 

“Babe, let’s sit over here?" ang arte naman nung babaeng nasa likuran ko. Bukod sa napaka squeaky ng voice niya lalo pang inaartehan yung pagsasalita niya. Nakakadagdag ng inis.

Lumingon ako para makita kung anong itsura ni girl. Tinignan ko rin kung sino yung kasama niya wagas kung maka 'babe' eh. Baka naman shonget din si boy, eh naloko na. Hindi bagay! :3

Nanlaki yung mga mata ko sa sobrang gulat.

Akala ko yung boyfriend ko ang masu-surprise ngayong gabi. Ako pala ang masu-surprise niya. Siya pala si 'babe'!

 ヽ(o'皿′o)ノ

Kaya pala hindi niya sinasagot yung mga tawag ko kasi may iba siyang kasama.

Napaharap ako ulit sa table ko. Mukhang di pa naman nila ako nakikita.

Out of the blue napagdesisyunan ko na magmasid muna. Ginamit ko yung reflexion ng phone ko para makita kung anong ginagawa nila.

Kahit parang tanga akong nagmamasid sa kanila at harap harapan akong niloloko ng boyfriend ko hindi ko magawang umalis.

Hindi ako makapaniwala na kayang niyang gawin sa 'kin 'to.

Not to mention na ipinagpalit niya ako sa isang pangit na nilalang. 

(▼へ▼メ)

After kong ma-convince yung sarili ko na nangyayari talaga yung mga nakikita ko at totoo nga na niloloko ako ng boyfriend ko, tumayo na ako at nilapitan yung table nila.

"Hey, BABE!" I put so much emphasis on my endearment to make it more sarcastic.

Nawala sa mga mukha nila yung mga ngiti nila. Pareho silang hindi makapagsalita.

Yung chakang sqeaky-voiced girl nakatungo at hindi magawang iharap yung pagmumukha niya.

Halatang GUILTY.

Si Charles, ang manloloko kong boyfriend, mukhang tanga lang nakanganga at nanlalaki rin yung mga mata sa sobrang gulat.

"Ay, nakakaistorbo ba 'ko? Mukhang kanina lang masayang masaya kayo ah. Ang sweet niyo pa nga eh." I smirked.

Love Next DoorWhere stories live. Discover now