Instant Mommy Ako? (PUBLISHED...

By skycharm24

23.9M 386K 32.2K

(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Epilogue
Authors Note
Good news!

Part 30

380K 5.1K 227
By skycharm24

TRISHA

Maaga akong gumising para asikasuhin ang asawa ko.

“Behave, Daddy, ha? No more girls, please,” paalala ko
habang inaayos ko ang necktie niya.

“I’m always behaved. Sila lang naman ang hindi,” mayabang
na pahayag niya.

“Umayos ka, Alexander.”

“Joke lang, honey ko. Alam mo namang ikaw lang ang mahal
ko.”

“Kahit tumaba pa ako?” Medyo lumalaki na kasi ako dahil sa
pagbubuntis ko.

“Kahit maging balyena ka pa.”

“Tse! Balyena ka d’yan!”

“Halimbawa lang naman, e. Kahit kasi ano ka pa, mamahalin pa rin kita.” Hinalikan niya ako at saka umalis na.

Si Chloe naman ang inasikaso ko pagkatapos. Parating na
kasi si Teacher Jen. After a few minutes ay bumababa na kami sa garden. Maaliwalas kasi doon.

“Good morning, Teacher Jen,” bati ko sa maganda niyang
teacher. Buti wala na si Xander ko dahil for sure magpapa-cute
na naman ’to.

“Good morning, Trish. You look good. Hiyang ka yata sa
pagbubuntis mo.”

“Salamat. Sige, maiwan ko muna kayo ni Chloe.” Naghanda na ako ng pagkain para sa pagdalaw ni Miggy. At maya-maya lang ay may nag-doorbell na.

“Aba, Tisang! Ang ganda ng bahay n’yo, ah? Ang yaman
naman ng asawa mo. Kaya pala,” pang-aasar ni Miggy sa ’kin
pagpasok niya ng bahay.

“Anong kaya pala, ha?” tanong ko habang papunta kami sa
living area.

“Kaya pala nagpabuntis at nagpakasal ka agad,” biro niya.

“Hayop ka talagang unggoy ka! Kaibigan ba talaga kita?”
Miggy Monkey kasi ang tawag ko sa kanya ’pag naaasar na ako
sa mga hirit niya.

“Uy, puso mo! Joke lang, Tisang. Kalma ka lang.”

“Lumayas ka na lang kaya?” Nilapitan ko siya at pinanggigilan ang mukha niya.

“Aray! Baka mapunit ang mukha ko n’yan.

“Ang cute-cute pala ng mukha mo, unggoy!”

“Hoy! Baka pinaglilihian mo ako, Tisang. ’Wag naman, baka
pumangit ako n’yan.” Pumasok na rin ng bahay sina Teacher Jen at Chloe.

“Trish, pwede ba makigamit ng banyo? Rest daw muna kami
sabi ni Chloe.”

“Sure, Teacher Jen. By the way, this is Miguel, best friend ko.”
Napatingin ako kay Miggy. Aba! Nakatulala kay Teacher Jen.

“Hoy! Laway mo, Miguel,” biro ko. “Siya si Teacher Jen, guro ni
Chloe.” Hinampas ko nga siya. Para kasing tanga na nakatulala.

“Hi! Teacher Jen, ang ganda mo naman.” Inilahad niya ang
kamay niya kay Teacher Jen.

Nag-blush naman ang teacher ni Chloe. “Hello. Nice to
meet you,” sabi ni Teacher Jen.

Ganyang-ganyan din siya kapag kinikilig siya kay Xander.

“Tisang, ba’t ’di mo man lang sinabi na may anghel ka palang
kakilala?” Hala, baka himatayin n’yan sa kilig si Teacher Jen!

“Anghel talaga, ha? Baka gusto mong bitiwan na ang kamay
niya para makapagbanyo na siya?”

“Ay, sorry! Sige, go ahead,” hirit niya kay Jen.

“Mommy, who is he?” tanong naman ni Chloe. Lumapit siya
sa akin, and I let her sit on my lap.

“Anak, siya si Tito Miggy mo. Kaibigan ko siya.”

Si Miguel naman parang gulat. Siguro nagtaka siya kung
paano ko naging anak si Chloe.

“Miguel, this our baby Chloe. Anak siya ni Xander.”

“Hi, Chloe. Ang cute-cute mo naman.”

“Thank you po. Matagal na po ba kayong magkaibigan ni
Mommy?”

Tumango si Miggy. “’Di ka pa yata naipanganganak ay
magkaibigan na kami niyang mommy mo.”

“Close po ba kayo?” Ang kulit yata ngayon ni Chloe, ah.

“Medyo,” sagot naman ni Miggy.

“May gusto po ba kayo sa Mommy ko?” Ano raw? Si Miguel naman parang namutla bigla.

“Baby, magkaibigan lang kami ni Tito Miggy mo.”

“He won’t take you away, Mommy?” Ay, kaya pala!

“Anak, hindi. Bakit naman gagawin ni Tito Miggy mo ’yon?”

“Okay.” At ngumiti na siya kay Miggy.

Nakabalik na rin si Teacher Jen at niyaya na si Chloe para
mag-aral ulit.

“Pwede akong tumulong sa inyo, if you want,” sabi ni Miggy
kay Teacher Jen.

“Hindi na. Okay lang kami,” sagot naman ni Teacher Jen, at
bumalik na sila sa garden.

Tatayo na sana si Miggy pero pinigilan ko siya. “’Wag kang
manggulo doon.”

“Hay, Tisang! Ang ganda niya talaga. Single ba siya? Pahingi
naman ng number niya.”

“Ang alam ko may boyfriend siya. Ewan ko lang kung sila
pa rin.”

“Magkaka-love life na yata ako, Tisang. Makaka-move on na
rin ako sa ’yo.”

“Anong sabi mo?”

“Wala. Sabi ko, ang higpit naman ng instant anak mo. Mana
yata sa ama, e. Pero cute siya, may hawig pa sa ’yo.

“Sabi nga nila. Kahawig ko kasi ang bruhildang nanay noon.”
Tapos ikinuwento ko na kay Miggy ang mga nangyari.

“Grabe naman pala ang mga kontrabida sa buhay mo! Pang-
teleserye lang.”

“Sinabi mo pa. Dumadami na nga sila, e. Buti na lang ako
lang ang mahal ni Xander.”

“Mahal na mahal mo talaga siya, ’no?”

“Oo. At mahal na mahal niya rin naman ako.”

“Ang swerte niya sa ’yo, Tisang. ’Pag pinaiyak ka noon, sabihin mo sa ’kin at uupakan ko.”

“Hindi naman maiiwasan ’yon, pero handa akong unawain
siya para na rin sa baby namin at kay Chloe.”

Nagkwentuhan na pa kami at binalikan ang mga masasayang
alaala namin. Tawa ako nang tawa nang sumulpot bigla ang
asawa ko.

“Hon, bakit ka umuwi? May nangyari ba?”

“Wala. Na-miss lang kita agad,” sabi niya saka hinalikan ako
sa labi. Sa pa harap talaga ni Miggy, ah.

“Pare, kumusta?” bati ni Miggy sa kanya.

“Ayos lang, pare. Kanina ka pa ba?”

“Hindi naman, kadarating ko lang,” sagot ni Miggy.

Biglang hinilot-hilot ni Xander ang ulo niya.

“Masakit ba ang ulo mo, hon?” Hinawakan ko ang noo niya.
’Di naman siya mainit.

“Medyo masakit lang, hon. Sige, akyat muna ako sa kwarto.”
Ipinagpatuloy na namin ni Miggy ang pagkukwentuhan, pero ’di na ako mapakali. Tingin ako nang tingin sa taas, baka
kasi masama ang pakiramdam ng asawa ko.

“Puntahan mo na siya. Doon muna ako kina Teacher Jen,”
malungkot na pahayag ni Miggy.

“Pasensya ka na, ha? Titingnan ko lang ang asawa ko,”
paalam ko sa kanya.

Umakyat na ako sa kwarto. Naabutan ko si Xander na
nakahiga sa kama at nakabihis na. Nakatakip sa mga mata niya ang braso niya.

“Hon, gusto mo bang uminom ng gamot?”

Tumango lang siya.
“Sige, ikukuha kita ng gamot.” Pero nagulat ako nang bigla
niya akong hinila. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya.

“Hindi na. Yakapin mo na lang ako at mawawala rin ’to.”

“Hon, nasa baba pa si Miguel. Nakahihiya naman.”

“Psh! Sige, iwan mo na lang ako. Puntahan mo na siya.”

Tumagilid na siya ng higa.
“Alexander naman, e. Para ka namang bata.”

“Bumaba ka na,” sabi niya.
Nakakainis siya! Ba’t ganyan siya? Minsan nga lang kami
magkita ni Miggy, e. Nakahihiya naman kasi kung hindi ako
bababa ulit.

Naupo ako sa gilid ng kama, at sa inis ko, napaiyak ako.
Narinig niya ang paghikbi ko.

“Honey naman, bakit ka
umiiyak?” Nilapitan niya ako at pinahid ang mga luha ko.

“Nakakainis ka kasi. Ang arte mo.”

“’Di ba sabi ko naman, bumaba ka na.”

“Ayaw mo uminom ng gamot, e. Natural lang na mag-aalala
ako sa ’yo.”

“Pwede naman kasing ikaw lang ang gamot ko. Yakapin mo
lang ako, ayos na.”

“Ang arte mo talagang kapre ka! Ako ba e pinaglololoko mo?”

“Psh! Ba’t ’di pa kasi umuwi ang unggoy na ’yon?” pabulong
niyang sabi. Paano niya alam na unggoy ang tawag ko kay
Miggy?

“Xander naman… Pumayag-payag kang pumunta siya dito
tapos ganyan ka?”

“Sa nagseselos ako, e. Ang saya-saya mo kasi, tawa ka pa
nang tawa.” Kaya naman pala.

“Hon naman… Paulit-ulit na lang tayo. Kaibigan ko lang si
Miggy. Kahit siya, alam na mahal na mahal kita.”

Sa wakas ay gumiti na siya.

“Tara, baba na tayo. I love you.”

Hay! Kakaiba talaga ang topak nito.Bumaba na kami at naabutan naming nagkukulitan sina Miggy at Teacher Jen. In fairness, bagay sila. Si Chloe naman ay nakita kong nagko-color.

“Pwede ba kita ihatid mamaya?” tanong ni Miggy sa guro.

“Sure,” tipid na sagot ni Teacher Jen.

“Thanks.” Tapos hinawakan ni Miggy ang mukha ni Teacher
Jen. Aba! At mukhang balak makaisa agad.

Tumikhim ako dahil baka nakalilimutan nilang may bata sa harap nila. Napalingon naman sila agad sa ’min.

“Tisang naman!” reklamo ni unggoy.

“Unggoy ka! Baka nakalimutan mong nandito si Chloe,” bulong ko sa kanya, pero tumawa lang siya.

Niyaya ko na silang magmerienda. Pagkatapos nina Teacher Jen at Chloe sa session nila, nagpaalam na pati si Miguel dahil ihahatid niya raw si Teacher Jen pauwi.


Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 36.2K 86
"He's your Earth, but are you his Sky?" Hindi na bago sayo ang malamang nasa arranged marriage ka. But the thing is, hindi ka naman interested. H...
2.5M 56.2K 47
PLEASE READ FIRST THE BOOK-1 BEFORE THIS. Thank you so much... Si Andy guwapo pa rin na hindi pa rin gago. At ngayon daddy na sa triplets niyang...
5.1M 64.4K 54
[Daddy Series 1]: Book 1 of 2 ng Daddy? Published na po under LIB. Php129.75 Book 2 of 2 is also published already. Please do support. Thank you! [T...
9.5M 298K 72
PUBLISHED "Hey, buddy! Massage mo nga ako! Faster!" Utos ko sa butler ko. Wala lang, gusto ko siyang asarin. "Gawin mo mag-isa mo. Hindi ako utus...