CHASING DREAMS

By ysang_aiza

934 358 118

Hanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Note

Chapter 16

20 5 0
By ysang_aiza

Chapter 16

Emmy

Nakangiti akong gumising ngayong umaga. Lunes nanaman pero ang ganda at ang gaan na ng pakiramdam ko. 'Yong tipong mapapakanta ka ng 'Oh What A Beautiful Morning' sa sobrang goodvibes ko ngayon.

Naging maayos naman 'yong jogging namin ni Ramin kahapon. Nakakainis lang kasi ako naliligo na sa pawis samantalang siya no sweat. Tapos pinagtatawanan niya pa ako sa daan. Akala niyo nakakakilig? Hindi din! Nakakapikon talaga kasi siyang mang-asar.

Bandang hapon naman kami nagsimba. Eh parang mula umaga ata hanggang gabi eh magkasama kami. Okay narin naman sila Mama at Papa. Nag-over acting lang sila, well pati naman ako nagulat, kasi ang paranoid nila at ang lawak masyado ng imagination.

Si Ramin? Ayon balik sa dati. Natatawa parin talaga ako kapag naaalala ko 'yong mukha niya nung kung ano anong paratang 'yong pinagsasabi sa kanya nila Mama. Priceless. Kung hindi lang din ako nagulat non baka kinuhanan ko pa siya ng picture.

Hm. Ako? Ito inlove sa bestfriend ko. Haha. Ang cliché 'di ba?

"Em! Nandito na sa baba si Ramin!" dinig kong sigaw ni Mama.

I automatically smiled. Tumayo na ako tsaka isinukbit ang bag sa balikat. Alam niyo 'yong feeling na inspired ka? 'Yan ang nararamdaman ko ngayon.

Sumalubong naman sa akin ang bestfriend kong kung makangiti ay parang wala ng bukas. Para nanaman akong kinikiliti at hindi ko nadin mapigilan 'yong labi ko sa pag ngiti. 'Yong pilit mong pinipigilan kaso talagang kumakawala.

Yumuko nalang ako. Nakakahiya eh baka kasi mahalata niya? Pinanood ko nalang ang bawat hakbang ko. Mas nakakahiya kung magpagulong gulong ako bigla dito sa hagdan. Ay naku!

"Morning Em!" masiglang bati niya sa akin.

I just nod and smile. Wala eh. Pabebe ang lola niyo. Haha.

Nagpaalam na kami at ngayon ay nasa daan na kami, naglalakad na papunta sa school. I gasped ng bigla niya akong akbayan.

"Em, sali tayo sa audition ha?" tanong niya sa akin.

I looked down. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ganon? Dati naman na niya akong inaakbayan ah? Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Once na nainlove ka daw magsisimula ka ng umasa at mag-assume. 'Yong tipong bawat sweet gesture niya ay bibigyan mo ng meaning.

"Aah. Nakakahiya." sagot ko sa kanya.

"Hindi 'yan Em. Mag-o-audition din naman ako eh tsaka si Anna daw." nakangiting pilit niya sa akin.

Si Anna? Napaiwas ako ng tingin ng may bigla akong maramdamang sakit. Bakit hindi ko naalala? Paano ko nakalimutan? Naikuyom ko ang kamay ko. Anong klase akong kaibigan?

May gusto si Anna kay Ramin at pareho ko silang kaibigan. Ayoko man ngunit bigla nalang nag-flashback sa akin 'yong araw na nakita kong umiyak sa cr si Anna dahil kay Ramin.

Napailing iling nalang ako. Ayokong makita pa ulit na umiiyak siya ng ganon. Ayoko siyang malungkot.

"Bakit ayaw mo Em?" sabi ni Ramin na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Ha?"

"Umiiling ka eh. Ayaw mo bang mag-audition?" nag-aalalang tanong niya.

I forced a smile.

I live with you through music.

Naalala ko 'yong sinabi ni Papa sa panaginip ko. Bakit Papa? Gusto mo ba akong kumanta?

"Hindi ko pa alam Ramin." tanging sagot ko sa kanya.

He just smiled and said, "Nandoon naman ako Em. Hindi ka naman namin iiwan tsaka kukulitin kita sige ka." he said playfully.

Natawa naman ako sa inasta niya. Talagang alam niya na mapapapayag niya ako once na nangulit siya. Sino bang makakatanggi sa kanya?

"Baliw!" sabi ko sabay batok sa kanya. Napahawak naman siya sa ulo niya.

"Aray naman Em. Nagiging brutal ka na ah?" nakangiting tugon niya pa.

"Wow ah?! Hindi ka naman mukhang nasaktan eh! Nakangiti kapa nga oh!" sabay pisil ko sa pisngi niya.

Bigla naman siyang sumimangot.

"Ayan. Mukha na ba akong nasaktan?"

"Pfft! Hahahaha! Hindi!" sa sobrang tawa ko ay halos maubo ubo na ako. Napahinto lang ako ng mapansin kong nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.

Hala? Nagmukha ata akong tanga? Nakaka-conscious naman kasi 'yong tingin niya. Baka nagulo 'yong buhok ko?

Ngumisi lang siya sabay gulo sa buhok ko gamit 'yong kamay niyang kanina pa nakaakbay sa akin.

"Emmyyyy! Ramiiiin!"

Pareho kaming napalingon sa likod at nakita namin ang tumatakbong si Anna. Papunta siya sa amin at hingal na hingal nanaman siya ng maabutan niya kami.

"G-good.. Morning.." habol ang hiningang bati niya sa amin.

"Haha. Buti ka pa Anna takbo ng takbo. Exercise 'yan." sabi ni Ramin. "Iyong isa kasi dito wala pang one minute nag-jogging suko na agad. Haha." tawa niya habang nakatingin sa akin.

"Haha! Grabe ka sa kanya Ramin." lingon naman sa akin ni Anna.

Inirapan ko lang silang dalawa sabay batok muli kay Ramin. Nagpatuloy na kami sa paglalakad sa hallway. Natatanaw ko na 'yong building namin.

"Uyy bakit daw ayaw mong mag-audition?" biglang tanong sa akin ni Anna. "Yhh! Sali na tayong tatlo para masaya. Malay mo tayo 'yong mapili 'di ba?" excited na dagdag niya pa.

"Ugh! Bakit ba nagsama pa kayong dalawa sa pangungulit sa akin?" I sighed.

"Haha. Siyempre naman. Sisiguraduhin naming sasali ka rin." nakangising sabi naman ni Ramin.

"Magpalista na kaya tayo?" kitang kita ang excitement ni Anna habang sinasabi 'yon.

"Hmp. Kayo magpalista na kayo. Ako pag-iisipan ko pa." sabi ko naman sa kanila.

"Ayy." sabay naman nilang sabi.

Ilang sandali lang ay napatitig ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam pero bigla nalang bumagal ang mga hakbang ko. Pinapanood ko na sila ngayon na nag-uusap tungkol sa audition.

I smiled sadly habang nasa likod nila. They look good together. Napakibit balikat ako sa sarili ko. Kaya ko naman 'tong pigilan eh. Noon pa man ay sanay na ako sa pagpigil ng feelings ko. Hindi naman sa pretender ako pero ayoko lang na malaman nila 'yong nararamdaman ko.

Hindi naman siguro ako mahihirapan 'di ba? Kasi kakasimula palang naman nitong feelings ko kay Ramin. Madali ko lang din itong mapipigilan at mapipigil.

Napahawak ako sa dibdib ko bigla. Ito ba 'yong sinasabi nilang selos? Hindi naman daw masamang magselos kahit walang karapatan, basta may nararamdaman. Ang sakit palang makita silang dalawa na masaya at nagtatawanan tapos ako nandito lang sa likod nila. Taganood.

Napigil ko ang hininga ko ng biglang lumingon sa akin si Anna. Humawak siya sa braso ni Ramin sabay kindat sa akin. I sigh. Mas masakit parin na makita ko siyang umiiyak kaya naman pinilit kong ngumiti at nag-thumbs up sa kanya.

Mula noon palang ako na lagi ang pinagbibigyan. Siguro ngayon it's time para ako naman ang magbigay. Nakakatawa lang isipin na kanina ang saya ko. Buhay na buhay 'yong diwa ko tapos ngayon biglang nawala lahat. 'Yong kakaunting saya at liwanag kailangan ko na agad patayin.

Bagsak ang balikat na napatingala ako. Pilit kong pinipigilan 'yong luha ko.

Napakaiyakin mo talaga Emmy! Nakakainis ka!

Ngunit bigla akong napahinto nang may mahagip na pamilyar ang mga mata ko. Sa second floor. May lalaking nakatayo sa may bintana at nakatingin... Sa akin?

Ilang minuto din kaming nagtitigan bago siya lumingon kila Ramin at Anna. Pagkatapos ay inilagay niyang muli ang hood ng jacket niya.

Gerard!

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nataranta habang naglalakad siya palayo sa bintana.

Naiwan akong nakatitig sa bintana kahit na wala na siya doon. Bakit bigla nalang akong nataranta? Hindi ko alam ang gagawin ko. At 'yong mga titig niya parang tumatagos hanggang sa kaluluwa ko.

Naramdaman kong nauubusan na ako ng hangin dahil kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Napaka-intimidating talaga ng dating niya.

"Uyy! Natulala ka diyan! Ano bang tinitingnan mo?"

Natigil lang ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang pag-alog ni Anna sa balikat ko. Nakatingin siya ngayon sa direksiyon kung saan ko nakita si Gerard kanina. Napakunot-noo siyang humarap sa akin.

"Ano bang tinitingnan mo sa second floor? Wala namang tao ah?" tanong niyang muli.

Pero hindi ako makasagot. Nanunuyo ang lalamunan ko at hindi ako makagalaw.

"Em, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong naman ni Ramin sa akin.

"Para siyang nakakita ng multo eh. May third eye ka ba?" dagdag naman ni Anna.

"W-wala." tanging nasabi ko.

Napabuntong hininga lang ako matapos kong ubusin ang tubig na ibinigay ni Ramin. Pumunta muna kami sa canteen para painumin daw ako. Para mahimasmasan ako.

"Huwag mo ng uulitin 'yon Em ha. Pinag-alala mo kami." sabi ni Ramin habang pinupunasan ang pawis ko sa noo.

"Oo nga. Pero ano ba talaga 'yong tinitingnan mo? Nakaka-curious ah." sabi naman ni Anna na iniipit ang buhok ko.

"W-wala 'yon. Bigla lang talagang sumama ang pakiramdam ko."

Buti nalang ay unti unti ding bumalik sa dati ang pakiramdam ko. Noong nagsimula na ang klase ay ayos na ako. Pero hindi ko parin talaga maalis sa isip ko 'yong itsura ni Gerard habang nakatingin siya sa akin kanina mula sa bintana.

Nakakatakot parin siya kahit na magkaibigan na kami. Ibang iba 'yong titig niya kanina eh. Ang mas kinakatakot ko pa eh 'yong tingin na parang alam niya 'yong nararamdaman ko. Na para bang alam niya 'yong sitwasyon ko.

Parang alam niya lahat at wala akong maisesekreto sa kanya.

-

Nasa labas palang ako ng music room ay dinig na dinig ko na 'yong musika sa loob. Parang ang lapit lapit lang sa akin. Parang katabi ko lang 'yong piano.

Parang bulang biglang naglaho lahat ng takot ko kanina. Napalitan 'yon ng excitement. Parang tinatawag ako ng musika kaya naman agad kong kinuha 'yong susi sa bulsa ko at pumasok sa loob ng music room.

"My angel."

Napapikit ako sa pagtawag na sumalubong sa akin. Ang layo pa ng stage na kinaroroonan niya pero parang nasa tabi ko lang siya. Parang ang lapit niya at bumubulong sa tainga ko.

My angel..

My angel...

My angel?

My father used to call me that.

"Gusto kong kumanta." sambit ko pagkaakyat na pagkaakyat ko pa lamang ng stage.

Nakangiting lumingon sa akin si Gerard.

"Pwede akong tumugtog para sayo." sabi niya habang naglalakad ako papalapit sa kanya.

"Gusto kong kumanta." ulit kong muli.

This time ay napakunot noo na siya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko na para bang binabasa ang nasa isip ko.

I gulp. Pinipilit kong magpakatatag habang nakatitig sa mga mata niya. Papayag kaya siya?

"Sumali tayo sa audition." kabadong sabi ko sa kanya.

Ilang minuto pa siyang napahinto bago siya dahan dahang naglakad papalapit sa akin. Hindi ko alam pero bigla nalang naghina ang mga tuhod ko at wala akong magawa kundi ang humakbang paatras.

Pinagpapawisan nanaman ako ng malamig. Konting atras nalang ay mahuhulog na ako sa stage pero patuloy parin siya sa paghakbang papalapit sa akin.

I closed my eyes sa isiping babagsak na naman ako sa semento ngunit bigla kong naramdaman ang malakas na brasong pumulupot sa baywang ko.

"What did you say?" he whispered to my ear.

Kinilabutan naman ako dahil doon pero pinilit kong imulat ang mga mata ko at magsalita.

"Ma-mag-audition tayo." lakas loob na sabi ko.

Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko magawang salubungin ang mga titig niya.

"A-ang ga-galing mo kasing tumugtog.. B-baka gusto mong iparinig din sa i-iba?" nag-aalangang dagdag ko.

Napatunganga ako ng bigla siyang tumawa. Tawang unti unting nagiging kapangipangilabot. Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko lalo na ng kusang matanggal ang hood niya.

Everything in him scream danger.

Gusto ko nalang maglaho sa kinatatayuan ko dahil sa takot.

"Iparinig sa iba? So ibig sabihin gusto mo ring iparinig sa iba 'yong boses mo? Hah! Gusto mong madiscover ka? Ganon ba?!"

He said na parang isang malaking joke ang lahat ng sinabi ko. Hindi ko alam na naikuyom ko na pala ang palad ko dahil sa sinabi niya. Somehow ay nainsulto ako dahil doon.

Ano bang masama sa pagkanta? Pangarap ko 'yon. Pangarap kong maging katulad ng mga totoo kong magulang, na theatrical/opera singers. Ano namang masama doon?

"Anong nakakatawa doon?" nanggigigil na tanong ko sa kanya.

"Haha! Lahat! Lahat nakakatawa!" sabi niya tsaka siya bumalik at umupo sa harap ng piano niya.

Ugh! Nagsisisi akong naisip ko pa siya. Na naisip ko pa 'yong tugtog niya! Bakit ko pa nga ba siya inalala?!

"Walang nakakatawa sa pangarap ko." mariin kong sabi sa kanya.

"Kaibigan mo ako." sabi naman niya.

"Oo kaibigan kita. Kaya nga naisip ko na baka gusto mong sumali 'di ba? Magaling ka kasi eh! Pero hindi 'yon sapat para insultuhin mo 'yong pangarap ko."

Para mo naring ininsulto 'yong pagkatao ko, gusto ko sanang idagdag.

Nagulat ako ng bigla niyang tabigin ang piyesang nasa ibabaw ng piano niya. Nakatangang pinanood ko lang ang pagkalat ng mga papel.

"Ano bang problema mo?!" naiinis na tanong ko. Napaka-bipolar niya talaga!

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" bulyaw naman niya pabalik sa akin.

"Wala akong ginagawa sayo!"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Pilit naman akong kumakawala dahil nasasaktan na ako.

"Tumutugtog ako para sayo." malumanay na sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ko na maintindihan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Tumutugtog siya para sa akin? Bakit ako?

Napailing iling ako sa kanya. Ang malumanay at malungkot niyang mga mata ay unti unting napalitan ng pagkainis at galit at.. Selos? Hindi ko alam.

"Tumutugtog ako para sayo kaya kakanta ka lang rin para sakin."

Nanalalaki ang mga matang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"You'll only sing for me." ulit niya pa.

"Sino ka para utusan ako ha? Para diktahan ako sa dapat kong gawin?!"

Unti unting lumuwag ang kapit niya sa akin kaya naman kumawala narin ako sa kanya at naglakad papalayo sa kanya.

"I am your angel of music.."

Nasa tapat na ako ng pinto ng music room kaya naman hindi ko na narinig ang sinabi niya. Pero alam kong may sinabi siya kaya lumingon ako sa kanya.

Tiningnan ko siya ng masama. Nakakainis siya. Sino siya para utusan ako? Psh!

The he smirked na biglang nagpakilabot sa akin.

No Emmy! Galit ka at hindi mo dapat ipakita sa kanya sa natatakot ka. Ugh! Tumalikod na ako at akmang lalabas na ng music room.

"Hah!" napalundag ako sa gulat dahil dinig na dinig ko ang boses niya sa tainga ko.

Katulad ng bungad niya pagpasok ko dito. Parang nasa tabi ko lang siya. Parang ang lapit lapit lang niya.

"Kakanta ka o hindi matatanggap sa audition ang mga kaibigan mo? Madali lang naman akong kausap."

Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Nanggigigil na hinawakan ko ang pinto at tuloy tuloy na lumabas. Dinig na dinig ko parin ang nakakaloko niyang tawa.

--

Unti unti ay napapatawa narin ako kay Ramin habang pinaghahampas hampas ko siya ng unan.

"Dali na kasi Em! Hahahaha!" pangungulit niya sa akin.

"Tumigil ka nga! Bitawan mo na nga yan!" sabi ko naman sa kanya sabay hampas uli ng unan sa mukha niya.

"Ang pabebe naman nito. Haha!" tukso niya pa sa akin.

Napasimangot naman ako.

"Bawal ang sad. Dapat happy!" nakangising sabi naman niya.

"Huwag mo nga akong utuin Ramin. Bitawan mo na 'yang cellphone nayan."

"Ito naman naglalambing lang." nakapout na sabi niya.

Pigil ang ngiting napatingin ako sa kanya. Hala siya? Nagpapacute. Haha. Teka kinikilig ako.

"Dali na kasi. Kunwari daw mag-o-audition kana tapos i-vivideo kita para remembrance." kumbinsi niya sa akin.

Hindi ko naman napigilang mapatawa sa inasta niya. Hay naku. Matitiis ko ba naman 'tong paisip bata na 'to?

"Para kang bata. Oo na nga!" ngingiti ngiting pagpayag ko.

"Game!" masigla niyang sabi sabay tutok sa akin ng camera ng cellphone niya.

I sighed the smiled. Tumayo ako ng diretso tsaka nagsimulang kumanta.

- Play the song above. Think of me by Emmy Rossum :) [Sorry sa quality ng video. Hahaha. Nag-uumpisa palang kumanta niyan si Emmy. The video was taken noong 2004 pa.] -

Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos nun. Talagang kinabahan ako kahit na si Ramin lang ang nakikinig sa akin.

"Haha. Para kang baliw diyan." natatawang sabi ko sa kanya.

"Okay lang Em. Hahaha! Audition tayo ha? Siguradong matatanggap tayo." masayang sabi niya.

I smiled. Parang bigla akong naexcite sa audition ah.


To be continued...

@ysang_aiza 2016

Continue Reading

You'll Also Like

163K 12.2K 36
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
13.1M 496K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...