My Best Friend's Girlfriend

Por pressedlemon

185K 4.7K 1.1K

Are you willing to give up your friendship with your long-time best friend so you can finally pursue the very... Más

2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
Author's Note

1

20.8K 307 67
Por pressedlemon

Napatingin si Bea sa babaeng nakaupo na mag-isa dun sa may gilid ng bar. Kanina niya pa siya napapansin ever since she entered the club and every now and then, nakukuha nung girl yung full attention niya. Mukhang di pa nga sure si ate girl nung una kung papasok ba siya sa loob pero after a minute or two, dumeretso na din siya sa bar at um-order ng drink. Pinanood naman ni Bea kung pano siya nilagpasan nung ibang mga customers para sila yung unang maka order.  Mukha naman hindi minasama nung girl at hinintay lang yung drinks niya.

Bea admired her for that. If that had been her, baka uminit na agad ulo niya sa mga taong yun!

Nung inabot na nung bartender yung drinks niya, pumunta naman si girl sa may dulong table na walang masyadong tao para umupo. Hindi siya nakikipag usap kahit kanino at nilagay lang niya yung drinks niya sa table pero hindi niya iniinom. Mukhang nakatulala pa nga siya.

Napakunot-noo si Bea in curiosity at tinitigan niya ng matagal si ate girl.

It's just... something about her captivates Bea.

Baka kasi wala sa itsura niya yung pumupunta sa mga ganitong klaseng club. She looks so out of place and yet, siya talaga yung stand out for her from all the girls na nandoon ngayon.

Or maybe it's because she looks as though she's about to start crying any minute.

"Are you even listening to me?"

Lumingon agad si Bea sa kausap niya at nagpanggap na nakikinig. Hindi niya namalayan na nawala na pala siya sa sarili at nakalimutan na may kasama nga pala siyang iba babae.

"Sorry, what were you saying again babe?"

Mukhang nainis naman yung kasama niya at tinitigan siya ng masama. Honestly, hindi maalala ni Bea yung name nitong babaeng 'to. She thinks it's Bella or something? Basta letter 'B' yung start. She just met her here dahil nagkabungguan sila sa dance floor. Being the player that she is, she immediately used her charm at nakipag flirt dito kay Beth. Nung una pa nga, she thought na hindi gagana yung charisma niya dahil mukhang mas straight pa sa ruler si girl pero after ng konting pambobola, mabilis din siya nahulog at iniwan agad yung mga friends niya para sumama kay Bea sa bar.

Hindi na rin sigurado si Bea kung ano ba yung pinaguusapan nila bago siya na-distract nung malungkot na girl. Hindi na rin kasi siya nag pay attention dahil masyadong maraming sinasabi 'tong si Brandy.

Ang gusto lang niya nung una is maka one-night stand si Bianca dahil, she has to admit, ang hot niyang tignan at mukhang magaling sa kama. Pero hindi naman niya kaylangan ikwento yung storya ng buhay niya dahil hindi rin maaalala ni Bea yun the morning after.

Still, she pretends to listen and nods her head every time may gustong i-point out si girl.

"I said, ang init na dito. Do you want to go somewhere else?"

Napaisip siya agad. Itutuloy pa niya ba 'to? Hot nga si Becka pero biglang nawala yung interes niya dito. Nalipat na dun sa malungkot na girl na nakaupo sa may gilid. Para tuloy ayaw niya pang umalis sa lugar na 'to without meeting her first.

Bahala na.

"Uhm, actually... may hinihintay kasi ako so I think it would be better kung mauuna ka na."

Tinitigan siya ni Brenda na mukhang hindi makapaniwala sa narinig. She then laughs sarcastically, "Wow... Just -- Wow! After you flirted with me all night bigla mo na lang akong papaalisin? Because what? May hinihintay kang iba?"

Bea rolls her eyes. Ito na nga ba yung ayaw niya mangyari eh. She bruises this girl's ego and now she's making a scene.

"Babe, it's not you. May hinihintay lang talaga ako and I thought of passing the time by talking to you." pagsisinungaling niya.

Nanlaki lalo yung mata ni Brooke at akmang sasampalin sana si Bea. Buti na lang hindi niya tinuloy at inubos niya muna yung drinks niya bago nag walk out at sinabing, "It's your loss!"

Napa buntong hininga na lang si Bea nung nakaalis na si Bettina. Now she remembers na Bettina nga pala yung name niya all along. She takes her tequila shot and downs it in one go.

Kahit kaylan talaga ang mga babae, nakaka stress.

Lumingon na siya uli kung nasaan yung mysterious girl kanina at nakita niyang nakatingin na 'to sa kanya. She must've seen the whole exchange with Bettina. Nakita niyang hindi pa rin iniinom ni girl yung inorder niyang drinks and she still looks like she's upset over something.

Tatayo na sana si Bea para lapitan si ate girl pero napa upo siya uli dun sa stool nung makita niyang may isang guy na lumapit sa table at umupo sa harap nito.

She watches them with interest. Mukhang may sinasabi yung guy dun kay ate girl pero hindi siya interesado. After a few minutes, tumayo na rin yung guy na mukhang dismayado pero dinaan na lang sa ngiti.

Bea knows that reaction too much. Classic case ng isang fuckboy na na-reject ng isang babae sa club.

Lumapit naman siya agad sa table ni girl nung nakaalis na yung guy.

"Can I buy you a drink?"

Bea rolls her eyes and mentally scolds herself for asking a stupid question. Yung drink kasi na in-order ni girl ay hindi pa nababawasan so malamang sa malamang hindi niya kaylangan pa ng isa. Yun lang kasi yung opening na una niyang naisip nung lumapit siya at usually nag wowork naman yun sa iba niyang nilalapitan before.

Mukhang nag tense up naman si ate girl dun sa boses niya at tumingala 'to para titigan siya bago yumuko uli.

"Meron na 'ko, salamat." cold niyang sagot.

Natigilan si Bea nung nakita niya yung mukha ni girl ng malapitan. She doesn't look like most of the girls that she meets but she has a certain beauty na nakakaagaw ng pansin. She feels her stomach flutter and she subconsciously licks her lip while staring at her. Medyo nagsikip naman yung dibdib niya nung napansin niyang mugto yung mata nito at mukhang kagagaling lang sa iyak.

"How about another one?" tanong niya uli.

Pinanood niya habang pinaikot ikot ni ate girl yung daliri niya sa gilid nung baso na mukhang malalim ang iniisip.

"Effective ba talaga yan sayo?" bigla niyang sabi.

"Huh?"

"Yung mag-aalok ka ng free drinks in the hope that they'll drop their panties for you later?"

Binitiwan ni girl yung baso niya at dumeretso ng upo para titigan si Bea. "Oh baka naman ikaw yung type na kahit sa bathroom na lang ng bar niyo gagawin para makaraos?"

Hindi maiwasan ni Bea na hindi ma-offend sa sinabi ni ate girl. Hindi pa nga siya kilala, mukhang nahusgahan na siya agad. Feeling niya tuloy hindi maganda yung first impression sa kanya ng babaeng 'to and she wants to correct her.

She doesn't want this girl to think badly of her

"I buy somebody a drink to be nice."

"Siguro may magkaiba tayong definition ng word na nice."

"Okay, you know what, since clearly all you think I want is sex, why don't I play by your rules? Ayaw mo naman ibili kita ng drink so how about I use a pick up line on you instead?"

Umupo na si Bea sa harap ni girl. She's expecting that she would turn her away pero hindi niya ginawa. Tinitigan lang niya uli si Bea na mukhang naa-amuse at hinihintay yung susunod niyang sasabihin.

"Shall we start with a funny one? I'm no Fred Flinstone but I can make your bed rock." Hindi ngumiti si ate girl dun pero hindi susuko agad si Bea. "Maybe you'd prefer cheesy, did it hurt when you fell from heaven?"

Still no reaction but obvious na pinipigilan niya yung sarili niya na mapangiti. "How about this, Are you related to Yoda? 'Cause Yodalicious."

Nagulat na lang siya nung biglang natawa si ate girl dun sa last pick up line. Hindi niya yun inaasahan dahil akala niya may pagka cold hearted talaga si ateng. Napansin agad ni Bea na ang ganda niyang tumawa. Yung tawa niya na mukhang mas malakas pa sa actual speaking voice niya. She can't help but find it cute tuloy.

"Ang corny nun ha?"

"It made you laugh though."

Umiling lang si girl na mukhang pinipigilan nang tumawa, "Sobrang corny kasi."

Bea smiles at tinitigan si ate girl. She's pretty, she thinks. Especially pag naka ngiti siya. Dapat lagi na lang siya nakangiti. Hindi yung katulad kanina na sobrang lungkot niya. Whatever the reason is of why she's sad, Bea wants to know so that may konting idea siya kung paano niya siya papangitiin uli.

"Hindi mo pa ginagalaw yung drink mo. Why is that?" she finally asks her.

Mukhang napansin na ni girl that Bea is staring kaya yumuko uli siya para umiwas. "I don't drink kasi."

Bea wants to ask her why she bought an alcoholic drink she has no intention of drinking. She decides against it. Kanya kanyang trip naman kasi yan. Kung gusto ni ate girl na pumunta mag-isa sa isang club at bumili ng drink, it's up to her.

Besides, okay na din na pumunta siya dito, otherwise hindi siya makikilala ni Bea.

"How about I buy you a juice instead?" she offers.

The girls snorts at that, "Hindi ka pa rin sumusuko?"

"I'm very persistent if I want to be." sagot niya na medyo confident.

Ngumiti si ate girl pero mabilis lang. Naging seryoso uli yung itsura niya at hinintay lang ni Bea kung ano yung next niyang sasabihin.

"Ang dami mo na siguro naging babae no?"

Natawa lang si Bea. "Ganun ba kalala ang first impression mo sakin? That's twice you've assumed something about me eh."

"So hindi ka babaero?"

Hindi agad naka sagot si Bea. Hindi naman kasi siya talaga babaero. Ano lang, friendly lang siya talaga. Believe it or not, siya pa nga yung madalas nilalapitan kesa siya yung lumalapit. What can she do? She just can't say no.

"Oh ano? Hindi ka makasagot kasi totoo diba?"

"I'm not in a committed relationship so siguro naman it's okay to have fun with different people every once in a while." she defends herself. She's really bothered that this girl thinks she's not a good person or something.

Tumawa lang si ate girl dun. "Alam mo yung reasoning mo ay typical reasoning ng isang babaero."

Napakunot noo lang si Bea. Naiinis na kasi siya. Kung ayaw talaga ni ate girl sa kanya eh di ayaw! Hindi naman siya pinipilit. Kung tingin niya babaero si Bea at puro sex lang ang gusto then so be it.

"Ayaw mo talaga sakin no? Just say the word and I'll leave you alone." She says coldly at akmang tatayo na sa upuan niya.

"Pikon agad? Wait!" Mukhang na-guilty naman si ate girl. Umayos uli ng upo sa Bea at hinarap siya, "Sorry, di ko dapat sinabi yun. It's your business and I don't have the right to judge you."

Bea sighs, "It's okay. Minsan talaga di yun maiiwasan. Buti na lang you're pretty or else..."

Nakita niyang medyo nag-blush ng konti si ate girl. Hindi ba 'to sanay na nasasabihan ng pretty? She's pretty naman kasi talaga.

"Masyado ka din bolera eh no? Kaya di na ko magtataka kung ang bakit ang dami nahuhulog sayo."

Bea frowns at that. Yan na naman po siya sa mga assumptions niya.

"How did you know na madami nahuhulog sakin?"

"Sus, obvious naman. Gaya nung girl na kausap mo kanina. Masyado mo ata pinaasa. Kulang na lang ibalibag yung baso niya sa inis."

"Sabi na nga ba nakita mo yun eh." Bea chuckles, "Wala, ano lang, she's too aggressive for me and she doesn't stop talking so nawalan na din ako ng interes."

Tinaasan siya ni ate girl ng kilay, "So kapag nawalan ka ng interes iiwan mo na?"

"You're overanalyzing me again. Yung totoo?" Bea pouts. Nakakarami na talaga 'to sa kanya. Kung di lang talaga attracted si Bea dito baka kanina pa niya winalk-outan.

"Anyway, alam ko naman from the start that she's straight and she's just probably gonna use me to experiment or something. I don't like being used pa naman. Besides, may iba kasing nakakuha ng interes ko."

"So, since nandito ka sa table ko, it's safe to assume na ako yung nakakuha ng interes mo?"

"Good guess."

The girl takes a deep breath before looking at Bea again, "Sorry pero you're just wasting your time. I don't do one-night stands."

"Who says one-night stand yung habol ko?"

"Eh ano ba? Gusto mo makipag friends? Ganun?"

"Why not?" Bea genuinely wants to know her more.

"If I know, after this night, hindi na rin tayo magkikita ever." the girl just says, "Saka tingin ko, we won't work out as friends. Masyado tayong opposite ng isa't isa. Di tayo magkakasundo."

"Oh why you so pessimistic? Meron tuloy akong naisip na bagay na nickname for you."

Tinignan siya ni ate girl na mukhang nagtataka. "Ano?"

"Ice Queen." she states with a smirk, "Parang ang cold hearted mo kasi. Ganyan ka ba sa lahat ng tao?"

The girl glares at her. "Hindi. Sa mga katulad niyo lang na babaero!"

"Ouch. May hugot ba yun? Is that the reason why you're here tonight? Someone cheated on you with another girl?"

Hindi sumagot si ate girl pero nakita naman agad ni Bea na bumalik yung lungkot sa mga mata niya kaya baka tama yung hula niya. Someone cheated on her kaya nandito siya ngayon mag-isa. Whoever that bastard is, ang tanga naman niya para hindi makuntento sa isang katulad ni ate girl.

Nagbuntong hininga siya. "Kung sino man yan, hindi siya worth it ng luha mo. Kung nagawa niyang mag cheat sayo, hindi niya deserve ang pagmamahal mo. Forget about him."

"Ayoko siyang pag-usapan." sabi lang niya at nagulat naman si Bea ng biglang ininom niya yung isang baso ng gin na kanina pa niya hindi ginagalaw.

Mukhang nabigla naman si Ice Queen at naubo. Hindi nga siya talaga sanay uminom.

Natatawa si Bea pero pinipigilan niya, "You okay? Inubos mo yung isang baso sa isang inuman ha?"

"Shi—! Now I remember kung bakit hindi ako umiinom. Ang pangit ng lasa!"

"Sanayan lang yan."

"Well, hinding hindi ako masasanay. Never again."

Napaisip bigla si Bea, "So... dahil nainom mo na yung drink mo, can I buy you a new one now? Juice lang, promise!"

The girl sighs and finally, she nods, "Fine, dahil mapilit ka."

Tumayo agad si Bea mula sa upuan niya para um-order ng drinks sa counter. Nililingon niya si Ice Queen every once in a while just in case she decides to leave and ditch her. Hindi naman niya siya mapipigilan umalis if ever but Bea really hopes that she won't leave muna. She pays the bartender, tells him to keep the change and goes back to the girl's table.

"Here," she says sabay abot nung mango juice that she ordered for her. She ordered a glass of margarita for herself. "By the way, we haven't properly introduced ourselves and we've been talking for a while. I'm Bea!"

"Jhoana." she smiles.

Jhoana. The name suits her. She's been referring to her all night as "ate girl" or "Ice Queen" and now that she has a name, Bea can't help but feel fascinated once again.

Ibang iba talaga yung nararamdaman niya sa girl na 'to compared sa naramdaman niya sa ibang girls na nakikilala niya before. She really hopes that Jhoana will let her get to know her better.

Screw the boyfriend! She's willing to help Jhoana forget him if she has to.

"Uh, Jhoana... can– can I invite you over to dinner some time?"

Mukhang nag-hesitate si Jhoana at umiwas siya ng tingin kay Bea.

"Di ko sure, sorry. I just met you kasi and I'm still..."

Tumango lang si Bea pero meron siyang dissapointment na naramdaman. Parang ito yata yung first time na na-reject siya ng isang babae. What makes it worse is she really likes her kahit bagong magkakilala pa lang sila.

Bigla naman nag ring yung phone ni Jhoana and Bea is relieved kasi medyo naging awkward sila dun. Jhoana excuses herself and stands up to answer the call. Pinanood lang siya ni Bea habang papalabas siya ng establishment dahil medyo malakas yung music sa loob.

***********************************

Hindi na nakita ni Bea si Jhoana after siya lumabas. Mukhang umalis na ata dahil naging awkward na sila nung huli. Baka nga ginawa niya lang excuse yung tawag na yun para makatakas kay Bea. Sobrang dismayado tuloy siya ngayon. Ganito ba ang feeling ng binabasted?

Nasa bar counter na siya uli at um-order ng tequila. She'll just enjoy the rest of the night kesa magmukmok siya.

Besides, babae lang naman yun. Madami naman diyan iba. Yung hindi cold-hearted katulad ni Jhoana.

It's almost one in the morning when Bea decides to call it a night. Madami dami din siya nainom at hindi siya sigurado kung makakapag drive pa siya ng maayos. Baka mahuli pa siya for drunk driving. She'll just leave her car sa parking lot and take a taxi instead.

She staggers on her way outside the club. Bad idea ata na nagpa-iwan siya sa mga kasama niya kanina. Ngayon pati pagpara ng taxi mahihirapan siya.

Once outside, hindi niya maiwasan na hindi mapansin yung nakaupo sa may bench sa harap ng club. It's Jhoana and she hasn't left yet.

Lumapit si Bea at ngumiti sa kanya. "Kala ko umuwi ka na. What are you doing here?"

"Hindi kasi ako makapig-isip ng mabuti sa loob." sagot ni Jhoana.

"So, like..." tumingin si Bea sa relo niya to estimate the time. "You spent the rest of the two hours just sitting here outside?"

Hindi naman yun sinagot ni Jhoana at tinitigan lang siya. Napansin ni Bea na mukhang kakatapos lang niya umiyak uli.

"Can I ask you a question?"

She just nods.

"Allowed naman tayong maging selfish every once in a while diba?"

"Yes, of course." Bea answers truthfully, "Hindi naman pwedeng puro ikaw na lang yung nagbibigay at nagpaparaya. You have to think of yourself, too. You also deser—"

Bea didn't finish what she's about to say dahil hinalikan na siya ni Jhoana. Tumugon naman agad si Bea and she puts her arm around her waist. She smiles to herself as they continue to kiss and she feels Jhoana lifts her arms to put it around her neck.

They stay like that for quite some time just kissing each other. Buti na lang medyo madilim dun sa area na yun at wala ng masyadong tao sa labas ng club.

Bea doesn't want to stop yet pero bigla ng lumayo sa kanya si Jhoana.

"What's wrong?" she asks her.

"Sorry, hindi ko dapat yun ginawa." Jhoana looks so conflicted.

No. That kiss was wonderful. Hindi yun pwedeng pagsisihan ni Jhoana. Hindi pwede.

"It's fine..." Bea is about to lean again for another kiss but Jhoana's hands stop her.

This time, tinitigan ni Bea si Jhoana sa mata at nakita niyang she's about to cry again.

"Please don't cry."she reaches out to caress her face.

Umiling lang si Jhoana at dahangdahang tinanggal yung kamay niya.

"Sorry."

Yun lang yung sinabi niya bago siya tumayo mula sa bench at naglakad papalayo sa kanya.

Napatulala lang si Bea habang pinapanood siyang umalis. Wala na rin siyang nagawa dahil isa, lasing siya at pangalawa, si Jhoana na mismo ang pumigil sa kanya.

Pero bakit ganun? Kakakilala pa lang niya kay Jhoana pero parang ang sakit sakit na naiwan siya?

One thing's for sure, hindi siya papayag na yun na yung huli nilang pagkikita. She'll look for her if she has to. Whatever happens, kaylangan makita niya uli si Ice Queen.

She just knows Jhoana we'll be worth finding for.

***********************************

A/N: hi. new story! sa mga nagbabasa nung "Migraine", sorry pero baka hindi ko muna siya ma-update ng matagal. I want to focus on this first kasi mas solid yung plot na meron ako dito. Once a week po ako mag-update kasi busy schedule so asaahan niyo na mabagal! LOL!

Ciao!

Seguir leyendo

También te gustarán

489K 9.6K 92
Since I lost my other story 'forgive and forget' I decided to make this one but its not exactly the same.I hope you enjoy 😊
43.4K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
444K 9.1K 53
FanGirl sigurado ako isa ka sa mga to? paano pag ang minahal nating nanay kurba ay isang fan girl na katulad natin? maging bet kaya siya ni Itay? Paa...
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...