Losing My Mind

By xxakanexx

3.5M 114K 21.3K

Hala! Nahulog-log-log-log si Alerica Bernadette nang unang beses niyang makita si Achilles Sanz Vejar. Her yo... More

Losing My Mind
Prologue: Helpless
LMM.01 - From the moment the lights went off everything had changed
LMM.02- In my head it all feels the same
LMM.04 - The dampness of tears that left a stain where you had wept
LMM.05 - No need to cry about it, I cannot live without it
LMM.06 - Why do you do this to me? You penetrate right through me
LMM.07 - If I took you for granted, I apologize for acting tough
LMM.08 - You're my reason for living and there's no way I'm giving up oh!
LMM.09 - Why would I? How could I?
LMM.10 - It's so hard to find you, I'm standing right behind you
LMM.11 - But now I got my freedom, don't I?
LMM.12 - And after all this time I finally found a way to be alone
LMM.13 - I'm terrified to think that I may be losing my mind
LMM.14- Not speaking lets me know everything
LMM.15 - You got me completely in my own game you beat me
LMM.16 - Before I let you go...
LMM.17 - Tearin' up my heart when I'm with you
LMM.18 - How to get away? You can't.
LMM.19 - This is how we do it
LMM.20 - Thanks for the memories
LMM.21 - Angel in disguise
LMM.22 - Mind Games
LMM.23 - Too much feels
LMM.24 - We will stand tall. Face it all together
Epilogue: Summer

LMM.03 - Like the taste of the day you left that still lingers on my breath

127K 4.2K 617
By xxakanexx

Six years...

"Pol, Pol, kinakabahan ako, Pol..."

Mangiyak-ngiyak ako habang kausap ko si Apollo Simoun Vejar sa phone. Kalalabas ko lang ng airport noon para pumunta sa bahay nila sa Tagaytay at kausapin si Sir Hades. Hindi na kasi siya pwedeng magpakita sa bahay nila dahil na rin sa katotohanan na pinahahanap siya ni Achilles sa mga pulis. Ganoon na silang dalawa ngayon.

Ilang taon na rin ang lumipas mula nang makilala ko ang magkakambal. Ang akala ko ay mawawala na ako ng tuluyan sa buhay nila nang umalis ako sa buhay nila dahil na rin gusto kong mag-move on. Hindi dahil sa nasaktan ako dahil kay Achilles o kung anuman, pero hindi ko naman binalak na maging katulong na lang habambuhay. May pangarap naman ako sa buhay.

Nang umalis ako ay naging napakahirap nito sa akin. Maliban sa napamahal na sa akin si Yohan – ang alaga ko, at maliban sa katotohanan na mula noong sixteen years old ako ay minamahal ko na si Achilles at nagkataon na noong twenty-one na ako ay nagka-girlfriend naman siya at naging napakasakit sa akin noon – ay nakayanan ko. Kinailangan kong umalis, para sa sarili ko, para sa pamilya ko, para sa mga pangarap ko.

Hindi naging madali para sa akin ang pagsisimulang muli. Nang umalis ako sa mga Consunji ay nagtrabaho ako bilang promodizer sa isang mall. Pagod kung pagod ang labanan. Papasok ako ng alas ocho, uuwi nang halos hatinggabi na. Namayat ako sa pagod at puyat. Isang araw habang nagtatrabaho ako ay nawalan ako ng malay. Isinugod ako sa ospital at nang magisig ako, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin – si Apollo. I knew that it was him when I didn't see a scar. He was smiling.

Tanda ko pa ang una niyang sinabi sa akin noon. Long time, no see.

Mula noon ay hindi na ako nawala sa radar ni Apollo. Tinulungan niya akong makapag-aral muli. Nang maka-graduate ako ng Business Administration ay ni-hire naman niya ako para maging assistant niya sa Compostela. Hindi lang iyon, pinag-aral niya rin ako ng iba't ibang lengwahe dahil na rin sa iba't ibang klase ng investors at kliyente namin.

At ngayon, nandito na naman ako sa siyudad. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa oras na makaharap ko siya. Hindi naman kasi malayong mangyari ang bagay na iyon lalo na at sa bahay nila ako pupunta.

Halos anim na taon na rin ang nakalipas mula nang huli ko siyang makausap. Tanda ko pa nga iyong nangyari noon. That was the moment he broke my heart.

Kung tutuusin, he was my almost first everything...

First love, first date and my first heartache...

"Pol! Ano ba? Hindi ka ba sasagot?" Napalabi ako. Napansin ko kasi na nakatingin sa akin ang driver. Baka akala niya ay nag-away kami ng boyfriend ko. Hindi ko naman boyfriend si Pol, magkaibigan kami. Para na kaming magkapatid. Alam niya iyon. Nang minsang umuwi ako sa Baguio ay isinama ko siya. He stayed for a week. Tuwang-tuwa si Nanay sa kanya ganoon din ang kapatid kong bunso. Kaya ngayon, tuwing dadalaw sila sa aki sa Compostela o kung uuwi man ako sa Baguio ay panay silang may pasalubong para kay Pol.

Hinilot ko ang sentido ko. Nakakaramdam ako ng sakit ng ulo – lalong sumakit iyon nang huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng mansyon nila. Nakadama ako ng panginginig ng tuhod. Kailangan ko nang bumaba pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Oo nga at hindi ko alam kung nasaan si Pol pero matitingnan ko ba si Achilles sa mga mata at masasabi iyon? Alam kong hindi ako dapat makialam. Natuto na ako nang madulas ako sa alaga kong si Yohan tungkol sa pambabae ng tatay niya, nagalit sa akin noon si Alyza Mae kaya pinangako ko sa sarili ko na ititikom ko na ang bunganga kong maingay.

"Miss, baba ka ba o ano?" Tanong sa akin noong driver. Huminga na lang ako nang napakalalom saka dumikot ng two hundred para ibayad sa kanya saka ako bumaba. Hindi iisang beses na tinawag ko si Sto. Nino para gabayan ako sa misyon ko ngayong araw. Dala ko ang lahat ng papeles na kailangan ni Sir Hades para sa muling pamamahala niya sa Mining business ng pamilya nila. Praktisado na rin ang sasabihin ko. Alam kong masasabi ko iyon sa kanya sa oras na magkaharap na kaming dalawa, hindi ko nga lang sigurado kung anong mangyayari kapag si Achilles ang kaharap ko.

Lumakad na ako papasok sa loob. Ipinakita ko sa guard ang ID ko para papasukin niya ako. Nang buksan niya ang gate ay sinabayan ko iyon ng Ama Namin. Habang humakhakbang ako ay inuulit – ulit ko ang dasal na iyon.

Pero natigil ako nang makita ko si Achilles kasama ang babaeng iyon – si Wewe. Kilala ko si Wewe dahil minsan na siyang dinala ni Apollo sa bahay niya sa Compostela. Iyon ang panahon na pinakasalan ni Pol si Wewe at nagpanggap na Achilles. Ewan ko sa kanya pero bago siya umuwi sa Compostela ay tinawagan niya ako para ikuwento ang lahat sa akin.

Tatalikod sana ako pero nakita na ako ni Achilles.

"Betchay?!" He called me. Alanganin naman akong ngumiti.

"Hello, Sir Achilles. I'm so glad you're okay now..." Humanga ako sa sarili ko dahil nagawa ko siyang kausapin nang diretso at hindi nauutal. Naalala ko iyong panahon na nabalitaan kong naaksidente siya at na-comatose. Ilang baldeng luha din ang iniyak ko noon but when Apollo called me and told me that he's awake, naging napakasaya ko. Hindi ko talaga maipaliwanag sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay naloloko ako sa kanya. Wala naman na kaming pinagsamahan.

Sa totoo lang, tuwing naaalala ko iyong mga panahon na nagpapakaloko ako sa kanya at hinihiritan ko siya ng kung ano-ano ay nahihiya naman ako sa sarili ko. Nakakadiri iyong pinagagawa ko noon. Hindi ko maipaliwanag. Siguro kasi dahil bata pa ako. I was only sixteen, tapos ay may crush pa ako sa kanya. Tapos...

Yuck!

Niyakap niya ako. Nakulong ako sa mga bisig niya. Tinapik-tapik ko naman ang balikat niya. Nagulat ako nang magsalita iyong girlfriend niya

"Eherm... close kayo ano, sobrang close nakalimutan ang fiancé." Tila naiinis na siya. Noon lang bumitiw sa akin si Sir Achill. Lumingon siya kay Wewe at ngumiti.

"Fiancé ko, si Wewe."

Ngumiti na lamang ako.

"What are you doing here? Buti at nadalaw ka! Wala na akong balita sa'yo nang umalis ka kina Yael."

"Ay! Ano po... Nasa Compostela po kasi ako. Kay Sir Apollo ako nagtatrabaho. Pinaaral niya ako..." Malumanay na pagppapaliwanag ko. Napansin kong na-freeze ang ngiti ni Sir Achill habang nakatingin sa akin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay napailing.

"Where is he, by the way?"

"Hindi ko po alam, Sir..." Iyon naman ang totoo. Hindi ko alam. Ang alam ko ay aalis siya pero hindi ko alam kung saan siya pupunta. Hindi ko alam kasi hindi niya sinabi sa akin. Kahit na gusto kong malaman kung nasaan siya ay hindi naman niya ipinaalam. Ang sabi niya ay mas maigi na wala akong alam para hindi naman ako makapagsinungaling sa iba.

"Sir, kakausapin ko po ang Daddy ninyo. Kailangan ko po kasing ibigay sa kanya ang mga papers na ito. So, if you'll excuse me, Sir." I smiled at him. I politely exited. Hindi ko na sila nilingon. Nagtuloy ako sa loob at nagtanong sa mga maid kung nasaan si Sir Hades. Itinuro nila ang opisina nito sa itaas ng bahay.

Doon agad ako nagpunta. Habang paakyat sa hagdanan ay natigilan na naman ako nang makasalubong ko si Hera Consunji. She was looking almighty and royal with her red dress and those shining, shimmering diamonds on her ear and around her neck. Tiningnan niya ako. Iyong tingin na parang gusto kong mapatalon sa hagdan.

"Good morning, Queen..." Nagyuko ako ng ulo. Huminto siya.

"I know you, you're Bangenge." Sabi niya. Napalunok ako.

"Betchay po." Magalang na sabi ko.

"Huh? Sino si Betchay? Anyway, what are you doing here, Bangenge?"

"Ano po. Hinahanap ko si Sir Hades."

"I see..." Tumango naman siya at nilagpasan ako. Akala ko ay aalis na siya pero bigla na naman niya akong tinawag.

"Ursula, sa susunod na makita kita kailangan naka-maids uniform ka. You're working for me, you're a maid in this house. You should follow the dress code."

Hindi na ako nakasagot na hindi ako si Ursula at si Bangenge at hindi niya ako maid kasi umalis na siya. Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon at umakyat na para mapuntahan ko si Sir Hades para magkausap na kami.

Ibibigay ko lang naman ang mga pirmado nang papek ni Pol. Kailangan iyon ng mga Japanese investors sa susunod na araw. Kumatok ako nang apat na beses bago ako pumasok sa loob. Nakita ko si Sir Hades na may pinipirmahan. Nang tumingin siya sa akin ay agad siyang ngumiti.

"I am expecting you, Alerica." Tumayo siya para kamayan ako. "Natagalan ka yata?"

"Nasalubong ko po kasi ang Reyna. Akala niya Bangenge ako."

Tumawa si Sir. There was so much fondness in his eyes.

"She's not really good at remembering names. Anyway, where are your papers?" Ibinigay ko agad sa kanya ang mga papel na iyon. Pinaupo naman niya ako habang binabasa niya iyon. Pahapyaw lang siguro tapos ay tumingin siya sa akin.

"I'll be sending Achilles in Compostela and I am expecting you to assist him sa mga bagay na may kinalaman sa business namin doon, Alerica. Apollo speaks highly of you lalo na pagdating sa trabaho mo."

Napanganga ako. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya kundi iyong pangungusap na I'll be sending Achilles in Compostela and I am expecting you to assist him...

Kulang ang sabihin na natulala ako. Kung ano-anong naiisip ko. Paano na kapag naiwan kaming dalawa sa iisang lugar? Ano? Maghuhubad na ba ako? Oh! My! God! Hindi ako dapat mawala sa sarili ko! Tinatandaan ko na nakakahiya ang mga pinagagawa ko noong teenager pa ako.

"Sir, diba ayaw niya pong nadudumihan? Baka po hindi siya masanay sa trabaho doon."

"Masasanay siya. Kailangan niyang masanay dahil hindi naman pwedeng panay siya na lang ang komportable sa kanilag dalawa. Nagkamali na ako minsan, hindi ko na uulitin iyon."

Malaman ang mga sinabi ni Sir Hades pero hindi na ako nangialam. Ipinaliwanag niya sa akin ang mga dapat kong gawin sa oras na ilipat kay Achilles ang mga bagay-bagay. Nang matapos kami ay kaagad akong nagpaalam sa kanya. Nagmamadali ako. Ayokong magtagal doon kasi naroon si Achilles. Ayokong magkita kami kasi baka kung ano na naman ang magawa ko.

Buong pagmamadaling bumaba ako sa hagdanan. Hindi ko na nga tinitingnan ang mga steps basta gusto ko na lang makaalis sa hindi malamang kadahilan.

May takot sa puso ko. Hindi dahil itinatanong niya sa akin kung nasaan si Apollo kundi para sa sarili ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang sakit na naramdaman ko nang was akin niya ang puso ko sa simpleng paraan...

"Betchay, I know you like me but right now, all I can offer you si friendship. I'm sorry. Pero hanggang kaibigan lang ang kaya ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko na ikaw ang kasama. You make me smile, but that's that..."

Mga simpleng salita na dumurog sa bata kong puso. Mabuti na lang noon at hindi ko na siya masyadong nakikita dahil lumipat na sila Alyza ng bahay pero ilang gabi ko ring iniyakan ang katotohanan na iyon – na hindi niya nakikita na ako ang kasama niya, wala siyang binigay na dahilan pero palagay ko ay dahil sa katulong lang ako.

Hindi naman ako tanga. Mayaman sila, mabait ang pamilya nila pero alam ko ang lugar ko. He will never see himself with me because I am only a maid. At ano nga ba ang sasabihin ng Nanay niya kung ako nga ang ligawan niya – na as if naman mangyayari? Hindi niya ako liligawan dahil hindi nga niya ako nakikita bilang hihigit pa sa kaibigan niya.

"Betchay!"

Lalong napabilis ang pagbaba ko nang makita ko si Sir Achilles sa dulo ng hagdan. Nanlalaki ang mga mata ko. Halos tumakbo na nga ako at dahil sa kakatakbo ko ay gumulong ako. Sigurado akong lalagapak ako sa sahig pero hindi nangyari dahil sinalo niya ako.

Swak ako sa bisig niya. Our gazes met and my heart just beat faster and faster habang nakapalupot ang mga bisig niya sa akin.

He grinned. "You fell. Aren't you glad I am here to catch you?"

I bit my lower lip.

Tang ina, Betchay! Hindi ito Forevermore! Hindi ako si Agnes at hindi siya si Xander! Mayaman ang pamilya niya pero hindi siya magpapakababa para lang makasama ako! Hindi rin siya si Angelo na gagawin ang lahat makasama lang si Yna at mas lalong hindi ako si Yna na anak pala ni Amor Powers at bigla na lang yayaman at magiging kapantay ng mga Buenavista!

Mas lalong hindi ako si Cinderella at kahit na sinong fairytale princesses at oo, si Achill ang Prince Charming pero hindi naman ako ang hinahanap niyang prinsesa.

Isa lang akong ordinaryong tao sa kaharian na nakatanghod lang sa prinsipe habang pinapanood siyang mahalin ang ibang babae.

Masakit. Masalimuot. Pero iyon ang katotohanan ng buhay na meron ako.

No matter what I do – I will never be enough for him for he was the Prince and I am just a pauper...

And this isn't a fairytale. This is reality and in reality, fairytales are already extinct. 

Continue Reading

You'll Also Like

Deception By Cher

General Fiction

287K 13.4K 21
Lemuel and Lia's married life is perfect - it is so perfect that it seems like it's a scene taken out of a beautiful romantic movie. Everybody loves...
Once Mine By Cher

General Fiction

4.5M 143K 34
What will you do if you feel alone, afraid and vulnerable? Hyan Ysobelle Consunji - Demitri feels this way ever since the other half of her died. Sh...
5.5M 131K 26
Hera Adriana Consunji is the queen - and as the queen, she is entitled of everything that has something to do with her surname. She can have everythi...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy