I Heard You

By UnknownHeartbeats

939K 39.9K 12.6K

{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected b... More

Prologue
Chapter 1: Savanna
Chapter 2: Trust
Chapter 3: Angel
Chapter 4: Talking
Chapter 5: Cute
Chapter 6: Valentine's
Chapter 8: Satisfied
Chapter 9: Backed out
Chapter 10: Family
Chapter 11: So proud
Chapter 12: Okay
Chapter 13: Upset
Chapter 14: Prom
Chapter 15: That's me
Chapter 16: Infinitely
Chapter 17: Article
Chapter 18: Chance
Chapter 19: Lesson not learned
Chapter 20: I like you
Chapter 21: Past, Present and Future
Chapter 22: Permission
Chapter 23: Gift
Chapter 24: Pag-iisipan
Chapter 25: Apart
Chapter 26: Odd
Chapter 27: Why
Chapter 28: She who left
Chapter 29: Call
Chapter 30: Architect
Chapter 31: Nothing
Chapter 32: Carolina
Chapter 33: Hired
Chapter 34: Contract
Chapter 35: Boss
Chapter 36: Closet
Chapter 37: Stay
Chapter 38: Scare
Chapter 39: Sick
Chapter 40: Distance
Chapter 41: Birthday
Chapter 42: Lies
Chapter 43: Begin again
Chapter 44: Strength
Chapter 45: Peace
Chapter 46: Haunted
Chapter 47: Agony
Chapter 48: Accept
Chapter 49: Face
Chapter 50: Salamat
Epilogue
Constantine Series

Chapter 7: Basketball

17.8K 775 221
By UnknownHeartbeats

"Paturo mag-basketball."

Agad na napatingin sa akin sina Nico at Will. Nakaawang ang kanilang bibig sa gulat sa sinabi ko. Uwian na namin at dalawang oras pa bago ang uwian ni Sav kaya naman uubusin ko muna ang oras ko sa pagtetrain.

"Sino ka?" Tinuro ako ni Nico.

"Nasaan ang kaibigan namin?" Dagdag naman ni Will.

Umismid ako, "Is it really surprising that I want to learn how to play your sport?"

Humalakhak si Nico at tinapik ako sa balikat, "Sa totoo lang, nakakagulat talaga! You, of all people, hate basketball. Tapos ay magpapaturo ka ngayon."

"I don't hate it. Hindi ko lang talaga feel."

"Eh bakit ngayon? Feel mo na?" Ani Will.

"Tsaka diba ayaw ni Lady Kiana ng mga nagbabasketball. Kaya nga nag-badminton ka eh." Singit naman ni Nico.

It's partly true. Narinig ko kasi na may naging issue si Lady Kiana noon sa basketball team kaya ayaw niya na sa mga basketball players. So hindi rin ako nageeffort na mag-aral.

"Can't you just teach me how?" Masungit kong tugon saka hinablot ang bola mula kay Will. Paano ba paikutin ito sa daliri?

"Dude, seriously? What's up with you?" Tawa ni Nico.

Si Will naman ay ngumisi, "Sav loves basketball, remember Nico? Lagi siyang kasama nina Velvet at Reina tuwing may game tayo."

Bumilog ang labi ni Nico saka ako tinapik-tapik sa balikat, "Iba na 'yan ah!"

"We're friends." Tinry kong paikutin sa daliri ko ang bola and I failed.

"Lady Kiana o Savanna?" Asked Nico.

Matalim ko siyang tinignan, "Drop it, Nico. Savanna and I are just friends."

"Pinapapili ka lang eh!" Sipol niya saka tumawa. I rolled my eyes and focused on the ball.

"Uy, si Ada!" Will beamed habang tinuturo si Adaleah na nagpapalobo ng bubblegum sa kanyang bibig.

"Ganda talaga ng pinsan mo." Bulong ni Nico.

Binatukan ko na siya, "She's just thirteen, Nico. Saka may girlfriend ka na."

"Crush lang naman." He snatched the ball from me at pinaikot ito sa tip ng daliri niya ng walang kahirap-hirap.

One day, I'll master that trick.

"May kaaway ata si Ada, p're." Will nudged me kaya nilingon ko ang aking pinsan. Pinalilibutan siya ng apat na Juniors but as expected, she remained calm and bitchy.

"She can handle herself." Naglakad na ako palayo. Magagalit lang iyon kapag pinakealaman ko siya.

Nagkibit na lamang ng balikat si Will saka pinigilan si Nico na sugurin ang mga kaaway ni Ada.

Isumbong ko kaya ito kay Reina. Hindi loyal eh.

We went inside the gym. Nandoon na ang mga kateam nina Will at Nico. Their coach approached us, "New recruit?"

"Ay, hindi, coach. Saling ketket lang po. Mag-aaral mag-laro para makapagpasikat." Nico laughed.

Coach Jackson grinned, "Cryd Constantine, am I correct?"

"Yes, coach." Ngumiti ako.

"You want to train with the team o sina Nico at Will nalang?"

"Sila nalang po muna. Ayos lang po ba 'yon?" I'm sure the two need to train with the team later.

"Sure. I'll give you an hour tapos ay kukunin ko na ang dalawa. Sa outdoor court nalang kayo dahil gagamitin ang indoor ng team." Ngumiti si Coach at tinapik ako sa balikat, "Good luck. Just inform me if you want to join the team."

Ngumiti na lamang ako kahit wala akong plano. Graduating na kami so what's the use of joining?

My main agenda here is to impress Sav. Why impress her? Dunno. Feel ko lang magpasikat sa kanya.

Nagpalit muna kami ng damit bago lumabas para makapagstretching saglit at magsimula na.

"Nakakapanibago ka talaga, Cryd." Halakhak ni Nico habang tinuturuan ako ng tamang pagdribble. Si Will naman ang nagsasabi ng mga do's and dont's sa loob ng court.

I'm a fast learner so nagets ko agad ang mga tinuturo nila. After thirty minutes, they told me to do two point shots. Out of ten, pito ang nashoot ko. Not bad for a beginner.

"Bakit ba ngayon mo lang nakilala si Sav? May potential ka eh!" Ani Will. Ngumisi nalang ako at umatras para makasimula sa three points shots.

"Ka-team niyo si Bruce, diba?"

"Arellano? Oo, bakit?" Nico answered.

"Wala. Magaling ba?"

"Oo naman! Captain namin iyon eh!" Will said proudly. Ngumuso ako. Kaya naman pala crush ni Sav eh.

I gripped the ball tight at umayos ng posisyon para makashoot ng three points. Kaso natigil ako nang makita si Savanna kasama sina Reina at Velvet.

"Babe!" Nico shouted.

"Velvs!" Sigaw naman ni Will.

Samantalang ako ay ngumiti at tumakbo patungo kay Sav. Well, she can't hear me so shouting her name's no use.

"Akala ko ayaw mo ng basketball?" Kunot-noo niyang tanong. She was holding a can of Coke tsaka burger. Nakasuot ang bag niya sa likod.

Pinanlisikan ako ng mata ng dalawang babaw. Tinaasan ko lang sila ng kilay saka hinila si Sav sa bench sa gilid.

"Maaga kaming pinauwi dahil walang teacher. Itetext sana kita kaso namataan ko sina Reina kaya sumama muna ako sa kanila." She explained voluntarily. Napangiti ako roon saka kinuha ang hawak niyang Coke.

"Hey!" She protested nang buksan ko ito at inumin, "That's mine. Bumili ka ng iyo!"

Kinuha niya itong muli sa akin at nilayo. Napahalakhak ako sa kacute-an na pinakita niya. Everything about her is so, so cute!

"Hoy, Constantine. Alis! Pwesto ko 'yan!" Masungit na sabi ni Reina.

Tumayo ako at nag-bow sa kanya, "Pasensya na po, mahal na Reina."

"Aba!"

Bago niya pa ako mahampas ng makapal niyang kamay ay nagtungo na ako kina Nico.

"Bruh, kaibigan lang talaga?" He teased. Kinuha ko sa kanya ang bola, "Ilang three point shots ba?"

"Sampu lang muna. Diretso na kami sa training pagkatapos." Ani Will.

Tumango ako at pumwesto na. Sumulyap ako kay Sav at nakita kong nakangiti siya sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin nang makaramdam ng kung ano sa aking tiyan.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mabuti ang bola. Kabado akong ishinoot ang pang-unang shot kaya kumapos ito.

"Butata! Wala kwenta!" Reina trashtalked.

Umismid ako at nag-try pa ng isa. Shit. Nadidistract talaga ako dahil nakatingin si Sav!

I bit my lower lip and tried my best to shoot. Out of ten shots, isa lang ang na-shoot ko.

Tsamba pa!

Natatawang umakbay sa akin si Nico, "Better luck next time, dude."

"Whatever." Irap ko saka nagtungo kay Sav. Mabuti at wala na sa tabi niya si Reina dahil baka sa kanya ko mabunton ang inis ko.

Sumalampak ako sa tabi ni Sav. Kumuha ako ng bimpo at pinunasan ang sarili ko.

Kinalabit ako ni Sav kaya napatingin ako sa kanya. She showed me her phone.

Sav: You did great. Smile na :)

Ngumuso na lamang ako at nag-tanggal ng shirt. Napalayo siya sa akin dahil doon, nanlalaki ang kanyang mata.

Humagalpak ako at kinurot ang ilong niya bago isuot ang pamalit ko. Nakahinga siya ng maluwag at hinampas ako sa braso. She typed something on her phone and showed it to me.

Sav: DON'T DO DAT AGAIN!

I borrowed her phone.

Cryd: Why? Are u bothered kasi I'm so hawt?

Sav: No. Mahiya ka lang. I'm a girl!

Cryd: Nah.

Sav: What 'nah'? Tssssss

Cryd: You're not a girl.

She looked at me oddly.

Cryd: You're an angel. My angel.

"You are such a..." Hindi niya tinapos dahil tinakpan niya ang mukha niya.

I made her blush! Again!

Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinagmasdan siya sa pagtakip ng kanyang mukha. She peaked at me and covered her face again.

Natawa ako at hinawakan ang mga kamay niya. I gently pulled it away from her face. Kitang-kita ko ang namumula niyang pisngi.

"I hate you." She murmured saka tumayo, "Let's go home."

Natatawa nalang akong sumunod sa kanya.

"You played basketball." Manghang-mangha na sabi ni Mommy when I told her what I did earlier.

"Uhuh."

"Why?" She asked habang sinusuklay ang buhok ni Daddy.

"For a change?" I shrugged. Ini-swipe ko ang screen ng iPad. Naghahanap ako ng videos na makakapagturo sa akin ng basic sign language.

"I thought your crush hates basketball players?"

"Yeah. But I want to try something new."

Tumahimik saglit si Mommy bago magsalita ulit, "Savanna likes basketball players, doesn't she?"

I glanced at her, amused that she can easily figure out someting. Naiiling na lamang si Mommy, "Naku, Cryd. I can see how you'll be given a hard choice in the future. I hope you'll choose the best."

"Take it from the expert, Cryd." Dad chuckled saka hinila si Mommy paupo sa lap niya, "Your mom chose the best."

"Actually..." Ani Mommy, "Namali ata ako ng desisyon."

"You're hurting me." Dad acted hurt.

"Kidding." She giggled at sumandal sa dibdib ni Dad.

Napailing nalang ako. Mabuti nalang nandito si Genieva kundi third wheel nanaman ako kina Mommy't Daddy.

"Dalhin mo siya dito one day, okay?" Mom said, "I want to meet your Savanna."

"Sure, Ma." Ngiti ko saka itinuon ang pansin sa aking ginagawa.

After finding the perfect tutorial ay nag-good night na ako sa kanila at umakyat sa aking kwarto. I spend my night watching the tutorial vids. I'm so thankful that I get to learn lessons fast.

Matapos manood ng limang magkasunod na videos ay tumigil na muna ako. I checked my accounts at napuno agad ito ng notifications. Everyone's so curious kung ano ang meron sa amin ni Savanna dahil dalawang beses na akong nag-post ng picture niya.

I ignored the comments and checked the multiple friend requests. Inaccept ko ang mga kakilala ko hanggang sa mamataan ko ang pangalan ng mommy ni Sav.

Shanty Carol Esquivel
[ accept ] [ ignore ]

Of course, I accepted it. Napangiti ako na parang baliw bago tinignan ang profile ni Sav. She's still not accepting my request so I grabbed my phone and texted her.

To: Angel
Accept mo naman ako sa FB :(

Mabilis ang naging reply niya.

From: Angel
Okay.

Sumipol ako at chineck ulit ang FB ko. Nakareceive ako ng notif mula sa kanya. Nangingiti kong binuksan ang Messenger ko para mag-send sa kanya ng message.

Savanna Esquivel
active now

Cryd: Thank you sa pag-accept sa friend request ko. Pa-like naman ng profile picture ko. Tnx.

Seen 9:34 pm

Cryd: Joke lang! Hahaha. Wat u doin'?

Savanna: Reading.

"Hmm." Naglaro ang daliri ko sa tapat ng screen. Pinalitan ko ang nickname niya ng "Angel" at ang emoji ng angel emoji (👼)

Angel set your nickname to Constantino

You set your nickname to Gwapo

Angel set your nickname to Constantino

Angel: 'Wag mo na palitan ulit!

Constantino: Fine. Anong binabasa mo?

Angel: Wattpad.

Constantino: Oh? Anong plot ng Wattpad? Sino author?

Angel: I mean, sa Wattpad ako nagbabasa!!

I laughed and hugged my pillow habang nagtatype.

Constantino: Tinatanong ko po kasi kung ano binabasa mo po hindi po kung saan ka nagbabasa.

Seen 9:45 pm

Constantino: Highblood.

Angel: You're annoying.

Constantino: And handsome.

Angel: Matulog ka na nga.

Constantino: Ano ba 'yang binabasa mo?

Angel: None of your biz.

Angel set the emoji to 🏀 (basketball emoji)

Constantino: Why basketball?!?!?! I love the angel emoji!

Angel: *evil laugh*

Constantino: *cries*

Angel: 🏀 (basketball emoji)

Constantino: *cries a lot*

Inimute ko ang ilang mga babae na chat ng chat sa akin. Istorbo eh.

Hinintay kong mag-reply si Sav pero dalawang minuto na ang lumipas pero wala na siyang inireply.

Constantino: Angel, u there?

Constantino: yuhoo, u asleep?

Constantino: ?!?!??!!?!

Constantino: Active now tapos 'di nangchachat? :(

Constantino: I'M CRYING.

Ngumuso ako at tinitigan ang screen ng phone ko hanggang sa may mag-pop out da ibaba.

Angel set the new high score of 39 points playing basketball  play

Angel: Ang oa mo. I'm just playing. See my high score? Beat that!

Constantino: What's on me?

Angel: Dunno. Maybe I'll go to prom with you if you can beat my high score....

Seen 10:03 pm

"Shit." Napaupo ako nang mabasa iyon. Parang napatalon pa ang puso ko dahil doon.

Constantino: Ha! Wait for your defeat, Angel.

Angel: Ha! I doubt that.

Angel: I must sleep now. Good night, loser.

Constantino: Sweet dreams, your highness ❤️

Seen 10:06 pm

Napangiti ako bago humiga muli sa kama. I tapped the play button and tried my best to beat her high score.

Continue Reading

You'll Also Like

349K 13.9K 32
Alluring Series #2 Ivann Remus Francisco III Started: June 02, 2020 Ended: August 04, 2020 All Rights Reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the co...
10.6K 642 63
Amoureux Series #1 A life full of love and happiness that's the life of Elijah Manalo, a life that everyone wants to get, a life with a solid squad a...
1.4K 181 13
He was once my best friend, and I fell in love with him. Now that we are strangers, I still love him. The first person I felt a fast connection with...
990K 31.4K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...