Instant Mommy Ako? (PUBLISHED...

By skycharm24

23.9M 386K 32.2K

(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Epilogue
Authors Note
Good news!

Part 27

375K 5.4K 336
By skycharm24

VENICE

Remember me? I’m back, at may malaki akong pasabog na for
sure ikawiwindang n’yong lahat.

I’m Venice Gail E. Rivera, Xander’s girlfriend. Umalis lang ako saglit dahil may kinailangan akong gawin para sa business namin.

Magkababata kami ni Xander. We grew up together in Cebu.
I’m his BFF, and I’m in love with him. Alam ko ang lahat ng
tungkol sa kanila ni Choleen. Mabuti nga at naghiwalay na sila.

The nerve of that woman para iwanan si Xander! I have lots of pasalubong para for him and Chloe. Kailangan ko kasing makuha ang loob ng batang ’yon. Ang maldita naman kasi, nagmana yata sa ina niya! Nang minsan kaming lumabas,
tinakasan ba naman ako? Siguro naman hindi nagkabalikan sina Xander at Choleen, ’di ba? Sure ako na malaki ang galit ni Xander sa babaeng ’yon. The last time I saw them was at
Jollibee, at nakapagtatakang kasama nila si Choleen dahil ang alam ko, nasa States pa rin siya.

Pagdating ko sa bahay nina Xander, I saw Chloe playing in
the garden. Nilapitan ko siya.

“Hello, Chloe! Did you miss Tita Venice?” bati ko sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya. “Why are you here?” Maldita
talaga ang batang ’to kahit kailan!

“I’m here to visit you and your Daddy.”

“No need. We’re doing fine, thank you.” Aba’t sinusubukan
niya talaga ang pasensya ko, ah!

“You’re funny, baby. I have lots of stuff for you from Cebu.”

“I don’t want them.” Wala talagang bait sa katawan ang
batang ’to. Palibhasa spoiled.

“Baby, don’t say that. You’re hurting Tita Venice’s feelings.
It’s not good for my baby,” sabi ko sabay itinuro ang tummy ko.
Nanlaki ang mata niya.

“You have baby in your tummy, too? Like Mommy?” Teka, ano raw? Like whom?

Nagulat ako nang biglang dumating si Choleen. Anong
ginagawa niya dito?

“Baby, may bisita pala tayo?” tanong niya kay Chloe.

“Yes, Mommy. Remember Tita Venice?”

Tumingin siya sa ’kin at ngumiti. “Hi! We meet again.
Kumusta?” At talagang kinamusta niya pa ako, ha!

“What are you doing here, Choleen?”

“Ay, hindi ako si Choleen.” Ha? E sino siya?

“Do you think I’m stupid?”

“No, I’m telling you the truth. Trisha ang pangalan ko. Right,
baby?” baling niya kay Chloe.

“Yes, Mommy.” Magiliw sa kanya si Chloe? Baliw na ba ang
batang ’to?

“Magkamukha lang kami pero hindi ako si Choleen.”

“So, who are you? Twin niya? And why are you even here?”

“She’s here because she’s my wife. At hindi sila magkaanu-
ano ni Choleen,” biglang sagot ni Xander. Ano raw? Wife?!

“Stop playing games with me. Hindi na kayo nakatutuwa!”

“We’re telling you the truth, Venice. Anyway, welcome back.
Kailan ka pa dumating?”

“Stop it, Xander! You’re can’t be married! Hindi pwede ’to!”

“At bakit hindi? Mahal ko si Trisha,” sagot niya.

“Because I’m pregnant, at ikaw ang ama!”

“What?! Are you crazy? That’s impossible!”

Duh! Gusto niya bang ikwento ko pa sa kanya kung paano
gumagawa ng bata?

“Baka nakalimutan mong may nangyari sa ’tin bago mo
pa nakilala ang babaeng ’yan!” Nakita kong sinamaan siya ng
tingin ni Trisha, saka nito inakay papasok ng bahay si Chloe.

“Wait, hon…” Akmang susundan ni Xander ang mga ito
nang pigilan ko siya.

“Anak mo ang batang dinadala ko, Xander.” Iwinaksi niya ang kamay ko. “Kung inaakala mong maloloko mo ako, then you’re mistaken. Ba’t hindi mo sabihin sa totoo niyang ama na may anak siya?”

“Ikaw ang ama nang dinadala ko. I need you, Xander. Kailangan ka namin.”

“Shut up! Hindi ko anak ’yan, at alam nating dalawa ’yon.
Now get out of my house! Magsama kayo ni Choleen!” sigaw niya bago siya pumasok ng bahay nila.

Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari. Kailangan namin
ng anak ko si Xander. Sino ba kasi si Trisha, at paano nangyaring kasal na sila ni Xander? Saglit lang akong nawala, may ibang umeksena na agad at kamukha pa ni Choleen!

TRISHA

Hindi pa nga naaayos ang problema namin kay Choleen, ito naman si Venice na nagsasabing may anak sila ni Xander.

“Mommy, don’t cry.”

Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Chloe. “Okay lang
si Mommy, anak. Doon ka na muna kay Yaya mo.”

“I want to stay here with you.” Niyakap niya ako.

Masakit malaman na may ibang babae pa sa buhay ni Xander.
Akala ko kasi ako na lang. Kahit ayokong umiyak sa harap ng
bata, hindi ko napigilan. Ang sakit kasi. ’Yong kay Choleen ay
tanggap ko pa dahil nakaraan niya ’yon. Pero itong kay Venice ngayon?

“Mommy, don’t cry na. Iiyak din ako,” sabi ni Chloe.

“Baby, can you get Mommy a glass of water? Pasama ka kay
Yaya,” utos ko para lang hindi na niya ako makitang umiyak.

Mabilis naman siyang sumunod.Pagkaalis ni Chole ay hindi ko na napigilang umiyak.

Hindiko pa ba kilala nang lubos ang pinakasalan ko? Wala kasi siyang nabanggit tungkol sa nangyari sa kanila ni Venice.

Hindi ko alam na nagkaroon pala sila ng relasyon. Bukod kay Chloe, may kapatid pa ang baby ko, pero sa ibang babae rin.
Xander then stepped into the room with a glass of water in
his hand.

“Honey, are you okay?” Inabot niya sa ’kin ang tubig pero hindi ko ’yon tinanggap, kaya inilapag niya na lang ’yon sa mesa.

Naglakad ako papuntang balcony.

“Hon, ’wag kang maniwala sa sinasabi ni Venice. Hindi ko
anak ang batang dinadala niya. Gumagawa lang siya ng kwento,”paliwanag ni Xander.

“Are you sure? Bakit, wala bang nangyari sa inyo ng babaeng
’yon?” Tiningnan ko siya nang deretso.

“Honey, that was before I met you…”Nanlumo ako sa sagot niya. So, may nangyari nga sa kanila.

“Then don’t tell me na baka hindi mo anak ang dinadala niya!

Hindi pa nga natatapos ang problema natin kay Choleen, ito na naman at may bago. Ano pa ba ang kailangan kong malaman tungkol sa ’yo?!”

“Please, hon, maniwala ka. Hindi ko anak ang batang dinadala niya.”

“’Wag mo munang itanggi ang batang ’yon hangga’t hindi ka
sigurado dahil baka pagsisihan mo lang ’yan sa huli.”

Tumalikod na ako saka kinuha ang bag ko at lumabas. Ayoko muna siyang makita.

Lumapit si Kuya Mike sa ’kin pero sinabihan ko siyang ’wag
muna akong sundan. I needed to be alone.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa buhay ko nitong
mga nakaraan na araw, at ang inakala kong masaya at maayos na buhay ay parang unti-unti nang nawawala.

Dinala ako ng mga paa ko sa simbahan. I knelt down
and prayed na sana malagpasan namin ang problemang ’to.
Nagpasalamat na rin ako para sa buhay na nasa sinapupunan ko.

Bigyan Niya sana ako ng lakas para sa ’min ng baby ko. Wala
kasi akong kakampi sa panahong ito.

Paglabas ko ng simbahan, may tumawag sa akin.

“Tisang!” tawag sa akin nito.
Nanlaki ang mata ko nang nakilala ko kung sino ang
tumawag sa akin.

“Miguel?” Ang best friend kong mahal na mahal ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

“Aray naman, Tisang! Kung makayakap ka, wagas.” Sa wakas ay nakakita ako nang kakampi.

“Na-miss kita.” At tuluyan nang bumagsak ulit ang mga luha
ko.

“Halata nga. May paiyak-iyak ka pa, e. Natulo na ’yang uhog
mo, e.” Kaya gustong-gusto ko siyang kasama dati dahil lagi niya akong napapatawa.

“Teka, bakit ka ba nandito? ’Di ba nasa
Manila ka?” tanong ko sa kanya.

“’Di ba nasa harap mo na nga ako?” Hinampas ko siya.

“Puro ka talaga kalokohan!”
Sinamahan ko muna siya sa loob ng simbahan at pagkatapos
ay niyaya niya ako pumunta sa mall para kumain. Mayaman
’yan, madalas kong taga-libre. Best friends na kami since high
school. Actually apat kami pero siya lang ang nag-iisang lalaki.

“Bakit ka nga nandito?” kulit ko sa kanya habang kumakain
kami.

“Magtatayo kasi kami ng branch dito kaya I’m here to
supervise.” The business he was referring to ay ang travel
agency nila.

“Magtatagal ka ba dito?”

“Bakit, gusto mo bang magtagal ako?”

“Oo sana. May ipakikilala ako sa ’yo. Pero ’wag muna ngayon.”

“Sino ’yan, ha? Boyfriend mo? Hahaha! Sa wakas may
boyfriend ka na rin.” Adik talaga siya!

“Hindi lang boyfriend,” pagmamalaki ko sa kanya.

“Ano pa? Nasindak mo ba at pumayag maging asawa mo?”

“Tse! Oo, asawa ko nga!” Ipinakita ko sa kanya ang wedding ring ko.

Nanlaki ang mata niya at parang nalungkot. “’Di nga,
Tisang? Totoo?” Para siyang nalugi, ah.

“O, bakit ganyan ang mukha mo? Actually, I’m three months
pregnant. At ninong ka!”

“Talaga? Congats! Ipakilala mo nga sa ’kin ’yang maswerte
mong asawa.”

“Oo naman! One of these days.”
Ngumiti na siya ulit.

“Kaya pala ang takaw mo e, buntis ka. Hindi ba maselan ang pagbubuntis mo?”

“Hindi naman.”

“Nasaan ang asawa mo? Bakit mag-isa ka lang?”

“May trabaho siya, e,” palusot ko.

“Ah, okay. Tara, hatid na kita. Medyo hindi maganda ang
panahon, baka umulan at makasama pa sa inyo ng baby.”

“Sige, salamat.” Lumabas na kami ng mall. Hawak-hawak niya ang kamay ko kagaya noong nakasanayan na namin, kaya madalas kaming napagkakalamang magkarelasyon ni Miggy noon.
Ang kulit pa rin niya.

Ang dami niyang hirit kaya tawa lang ako nang tawa.

“Let go of my wife!”



Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

52.3K 2.3K 75
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never lov...
3.1M 41.9K 36
My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP. Available on different bookstores nationwide. Visit my...
23M 402K 89
*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY...
9.5M 298K 72
PUBLISHED "Hey, buddy! Massage mo nga ako! Faster!" Utos ko sa butler ko. Wala lang, gusto ko siyang asarin. "Gawin mo mag-isa mo. Hindi ako utus...