Alas Tres ng Madaling Araw (C...

By misterdisguise

156K 4K 573

Minsan na ba kayong nagising nang alas tres ng madaling araw o kilala bilang 'Devil's Hour'? Aktibo ang mga d... More

BOOKSIGNING
Alas-Tres ng Madaling Araw
Ang Sikreto ni Diego
Bakasyon (Part 1)
Bakasyon (Part 2)
BANAL-BANALAN
Segunda Mano
Buntis
Mumunting Regalo
Bintana (Part 1)
Bintana (Part 2)
Huwag Kang Lilingon
Jealous (Part 1)
Jealous (Part 2)
Doppelganger
Children's Party
Itim na Tao
Antisocial
Pagkain
Kagandahan (Part 1)
Kagandahan (Part 2)
Pangitain
Katok
Kalaro
Our Father
Maniwalang May Diyos (PART 2)

Maniwalang May Diyos (PART 1)

2.5K 50 0
By misterdisguise

Maniwalang May Diyos

written by: misterdisguise

Pakaripas na tumakbo si Alyssa sa theatre ng kanilang paaralan matapos mapag-alaman na may isa na namang estudyante ang sinapian. Habol-hininga siyang nakipagsiksikan sa kumpol ng tao habang pinapanuod ang apat na lalaki na may bitbit sa kaibigan niyang si Christine.

"Ano na naman ba ang nangyari?" kinakabahan niyang tanong matapos makita ang kaawa-awang kalagayan ng kaibigan. Namumula ang bilugan nitong mata at halos pumutok ang mga ugat sa leeg dahil sa matinding pagsigaw habang hawak-hawak sa magkabilang mga kamay at paa.

"Sinapian daw," sagot naman ni Leo na nasa kanyang harapan.

"Pangatlo na 'yan ngayong buwan, ah. Nakapagtataka naman dahil mga taga-teatro lang ang naaapektuhan," saad niya habang hindi pa rin maikubli ang takot at awa na nararamdaman.

"May mga haka-haka nga na nabuo dahil sa mga trahedyang nagaganap.Ang sabi ng ilan, ang sinumang gumanap bilang Minda Mora ay sasapian ng babaeng nagmumulto sa teatro," paliwanag nito.

"Ang sinasabi mo bang babae ay 'yong babaeng gumanap sa karakter ni Minda Mora na ginahasa at napatay? Pati ba naman namatay ay sisihin na rin? Malay mo ay dala lang ng gutom ang nangyayari," depensa niya.

Tumango naman si Leo na animo'y nag-iisip lang ng ibabato na tanong kay Alyssa. Napahawak itosa kanyang baba bago nagsalita. "Lahat ng babaeng sinaniban ay gumanap bilang Minda Mora.Paano mo ipapaliwanag iyon? Hindi naman siguro nagkataon lang ang lahat," saad nito.

Pero bago pa man masagot ni Alyssa ang tanong, tumigil sa pagwawala si Christine. Napuno ng katahimikan ang buong lugar.Walang gustong umimik, walang gustong huminga. Ang lahat ay inaabangan ang susunod na eksena.

"Ayos na kaya siya?" tanong ng isang usisero. Ngunit ang lahat ay nagimbal nang biglang sumigaw ng napakalakas si Christine at bumulwak sa bibig nito ang napakaraming dugo. Ang lahat ng mga nakakita ay nagsitilian dahil sapandidiri at kilabot.

"Isugod na natin siya sa ospital," suhestyon ng isang lalaking may hawak sa kamay ni Christine. Sumang-ayon naman ang iba dahil may tyansa pang lumala ang nangyayari at baka ito pa ang ikamatay ng dalaga.

Nahawi ang kumpol ng mga tao sa pagdaan ng nagwawalang si Christine. Lahat ay takot na takot dahil sa kaawa-awang dalaga. Matapos mahatid ay nagsibalikan na rin sa kanya-kanyang gawain ang mga usisero at nagpanggap na walang nangyari.

Bago umalis ay hinawakan ni Alyssa sa balikat ni Leo. "Ako ang susunod na gaganap bilang Minda Mora.Papatunayan ko sa inyo na hindi totoo ang mga haka-haka," lakas-loob niyang sabi.

Seryoso namang tumingin sa kanya si Leo na may bahid ng pag-aalala sa mata. "Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak sa gagawin mo. Hindi man tayo sigurado ay kailangan mo pa ring mag-ingat."

Tumugon na lamang ng ngiti si Alyssa at dumiretso na sa pag-uwi. Nilalakad lamang niya ang daan patungo sa kanilang bahay dahil malapit lang naman ito. Habang naglalakad ay hindi pa rin niya maiwaksi ang itsura ng kaibigan na laging rumirehistro sa kanyang isipan.

"Totoo kaya ang sinasabi nila?Imposible naman siguro iyon dahil walang multo. Gawa-gawa lang ng malalawak na imahinasyon ng tao ang kanyang mga nakikita," pangungumbinse niya sa sarili.

Hindi niya namalayan na ilang hakbang na lang pala siya sa kanilang bahay. Napansin niyang tahimik ang bahay mula sa labas. Pinihit niya ang doorknob ng pintuan at nakitang walang tao sa loob.

"Ma?" tawag niya sa kanyang ina ngunit wala siyang narinig na sagot. "Ano pa nga bang aasahan ko? Napakatanga ko talaga. Ako nga lang pala mag-isa dito," saad niya sa sarili.

Tatlong taon ng nakalilipas nang iwan sila ng kanyang ama para ipagpalit sa ibang babae. Labis niya iyong pinagdamdam at ipinangako na hindi niya mapapatawad ang sariling ama. Pero higit pa roon ang sakit na kanyang naramdaman nang isisi sa kanya ng kanyang ina ang paglayo ng ama.

Muli niyang tinitigan ang nag-iisang larawan nila bilang isang buong pamilya.Iyon na siguro ang huling pagkakataon na naging masaya sila.

"Nakauwi ka na pala." Halos tumalon ang kanyang puso dahil sa pagkabigla nang may magsalita.

"M-ma..." kinakabahan niyang sabi.

"Tinitingnan mo na naman ba 'yan?" bungad na tanong nito sa kanya.

"A-ahhh... e-eehh..."

"Hindi na babalik ang ama mo. Hindi na siya babalik nang dahil –" Hindi na nagawang magsalita ng kanyang ina nang bigla siyang sumingit.

"Nang dahil sa akin! Hindi ko naman kasalanan kung nambababae si Papa. Ginusto niya 'yon!Ayoko namang maging tanga ka habambuhay, Ma. Lagi na lang tayo bumabalik sa senaryo kung saan ako ang lagi niyong sinisisi sa pag-alis ni Papa," naiiyak niyang sabi.

Hindi na naman niya napigilan ang kanyang emosyon. Marupok siya bilang babae pero natuto siyang maging matalas dahil sa kanyang ama na siyang nang-iwan at nag-abandona sa kanila.

"Kung binigyan mo lang siya sana nang pagkatataon, edi sana..."

"Edi sana ano?Buo pa tayo?! Hindi lahat ng tao ay dapat na bigyan ng second chance. Ayokong umabuso si Papa at ulitin na naman niya ang pambababae." Naramdaman na niya ang likidong dumadaloy sa kanyang mga mata. Kahit ilang beses niyang sabihin na hindi na siya iiyak, para pa ring sariwa sa kanyang isipan ang mga masasakit na alaala.

"Magpapahinga na po muna ako," saad niya at saka tumalikod sa kanyang ina. Umakyat siya sa kanyang kwarto at doon ibinuhos ang hinanakit sa ama at ina.

Marahil ay kaya siya nakapasok sa teatro ay dahil magaling siyang umarte lalo na sa pagtatago ng tunay niyang nararamdaman. Hindi alam ng nakararami ang pighating kanyang nararamdaman sa likod ng matatamis na ngiti.Isang masayahing Alyssa kasi ang gusto niyang malaman ng iba.

"Wala ba akong karapatan na maging masaya? Bakit lagi akong pinapahirapan?" tanong niya sa Diyos. May mga pagkakataon na hindi na siya naniniwalang may Diyos dahil sa patung-patong niyang problema. Sunod-sunod na lang kasi ang mga pighati at ni isa ay wala pa ring nasosolusyonan.

"Siguro ay panahon na para maniwala akong walang Diyos," saad niya sa sarili.

***

Kinabukasan ay maagang pinapasok ang mga karakter na gaganap sa dulaan na Minda Mora. Kumpleto ang lahat maliban na lang sa tatlong babae na nabalitang sinapian kamakailan.

"Alam niyo naman siguro na nabakante na naman ang posisyon para sa karakter ni Minda Mora at kailangan na kaagad nating mapunan 'yon dahil sa susunod na buwan na ang pagtatanghal," paliwanag ng kanilang theatre adviser. "So hahanap ako ng papalit kay Christine. May gusto bang pumalit?"

Buong kumpyansa na itinaas ni Alyssa ang kanyang kanang kamay. "Ako po, Mr. Quiambao!"

"Good, Alyssa. Ibibigay sa 'yo ni Luisa ang script mamaya. So that's for now. Later, we will have our rehearsal. Pag-aralan mo muna Alyssa ang script, okay. Thank you, guys," saad ni Mr. Quiambao at pumunta na sa backstage.

Agad na lumapit si Leo kay Alyssa matapos ang meeting. "Sigurado ka ba d'yan?" nangangamba nitong tanong.

Tulad lang ng dati, laging may ngiti ang kanyang tugon upang itago ang kanyang tunay na nararamdaman. "Ayos lang ako. Kaya ko 'to. Papatunayan kong mali ang inyong haka-haka."

"Sige. Basta tandaan mo ang sinabi ko. Mag-iingat ka," nag-aalala nitong sabi.

"Ako pa? Sige, aaralin ko na muna 'to. Mauna na ako sa 'yo." Matapos 'yon ay tinalikuran na niya ang kaibigan upang maupo sa hilera ng silya malapit sa sulok ng teatro at doon ay pag-aralan ang kanyang skrip.

Isa-isa niyang binuklat ang bawat pahina at pinag-aralan ng mabuti ang bawat sasabihing linya.

"Marami-rami rin pala ito.Napasubo 'ata ako," saad niya.

Natigilan siya ng biglang may maupo sa kanyang tabi, dalawang upuan ang pagitan mula sa kanya. Nakasuot din ito ng uniporme tulad ng sa kanya ngunit gusot-gusot iyon na tila hahabulin ng plantsa kapag nakita. Hindi niya makita ang mukha nito dahil bahagyang nakayuko ito at nahaharangan ng malagong buhok ang mukha.

"Miss?" tawag niya rito ngunit hindi ito sumagot.

"Miss?" tawag niya muli rito ngunit ganoon pa rin ang naging tugon.

Pilit niyang inabot ang babae upang kalabitin nang bigla siyang tawagin ni JP, isa sa mga kasamahan niya sa teatro.

"Alyssa, sinong tinatawag mo at 'Miss' ka ng 'Miss' d'yan?" pagtataka nito.

"Siya!" turo niya ngunit parang nawala ng parang bula ang babae sa kanyang tabi nang balikan niya ng tingin. "N-nandito lang siya kanina, e" pagpupumilit niya. Tumayo pa siya upang hanapin ang babae kung umalis ba ito.

"Baliw ka na ba?Kanina ka pa kaya walang katabi d'yan. Pero in fairness, ang galing mong umarte doon. Bagay talaga sa 'yo ang role," saad nito.

Hindi na nag-abala pang sumagot si Alyssa dahil bigla siyang pinangunahan ng takot. Halos tumakas mula sa kanyang dibdib ang kanyang puso dahil sa bilis ng pagkabog nito. Nagsitayuan rin ang kanyang mga balahibo sa katawan.

"Sino kaya 'yon?" tanong niya sa sarili. Hindi siya mapakali sa tuwing maaalala ang babae. Hindi rin niya magawang makapag-isip nang mabuti dahil sa takot.

Ilang oras pa ang nakalipas ay tinawag na muli sila ni Mr. Quiambao para sa rehearsal. Agad naman itong lumapit kay Alyssa upang kumustahin siya sa progreso ng kanyang pagsasaulo.

"Ayos ka na ba, Alyssa? Unang parte palang naman ng dulaan ang ipapraktis natin.Huwag kang mag-alala dahil hindi naman kita pinipressure," paliwanag nito.

"Ayos lang po ako, Mr. Quiambao," tugon niya.

Nang malamang handa na ang lahat ay nagsimula ng magsiakyatan sa stage ang magsisiganap sa unang eksena. Naroong umakyat sina Alyssa at JPsa stage. Hinintay na lang nila ang magiging hudyat ni Mr. Quiambao sa pagsisimula ng praktis.

Napadako ng tingin si Alyssa sa lahat ng taong nasa loob ng teatro. Ito kasi ang unang pagkakataon naniya na gaganap bilang bida sa isang dulaan kaya walang pagsidlan ang kaba sa kanyang dibdib. Habang nililibot niya ng tingin ang lahat, napukaw ang kanyang atensyon ng isang babaeng tahimik na nakaupo, ilang distansya ang layo sa kanyang mga kasamahan.

"Let's start na," sigaw ni Mr. Quiambao. Dahil abala sa pagtingin sa misteryosong babae, hindi narinig ni Alyssa ang hudyat ng theatre adviser.

Nilapitan siya ni JP para kalabitin. "Alyssa, magsisimula na raw tayo." Doon lamang bumalik sa realidad si Alyssa. Nang balikan niya muli ng tingin ang babae ay agad din itong nawala tulad ng kanina.

"Kanina ka pa 'ata wala sa sarili. Sino bang pinagkakaabalahan mong tingnan?" tanong ni JP at saka tiningnan ang kaninang tinitingnan ni Alyssa.

"Wala iyon," pagsisinungaling niya.Matapos 'yon ay pumwesto na siya para makapagpraktis. Pero hindi pa rin niya maiwaksi sa isipan ang babae kanina. Kinakabahan siya sa tuwing maaalala na bigla itong nawawala at tanging siya lang ang nakakakita.

Naging maayos naman ang takbo ng pagpapraktis. Likas na kasi kay Alyssa ang pagiging magaling sa pag-arte kaya walang gaanong naging problema maliban na lang sa ilang linyang kanyang binabato. Nakakalimutan niya kasi ang kanyang mga linya dahil may pagkakataon na sumisingit sa kanyang isipan ng babae.

"Ang galing mo kanina, ah," papuri sa kanya ni Pamela, isa rin sa mga aktres sa dulaang Minda Mora.

"Wala iyon.Siguro ay dahil kailangan ko rin talagang husayan dahil nalalapit na ang pagtatanghal," mapagkumbaba nitong sabi.

"Sige, maiwan na muna kita. Ililigpit ko lang ang gamit ko para makauwi na," saad ni Pamela at dumako na sa backstage.

Ipinikit na lamang muna ni Alyssa ang kanyang mga mata at isinandal ang katawan sa upuan para makapagpahinga. Medyo napiga rin kasi ang kanyang utak kaya kailangan niya ring mag-relax pansamantala bago umuwi.

Naramdaman niya na biglang may dumaan sa kanyang likod pero hindi na niya iyon pinagkaabalahan na tingnan.

"Napagod ka 'ata.Ang galing mo pala kanina," narinig niyang sabi ng isang babae.Hindi niya makilala ang boses nito at ayaw niya rin kasing imulat ang kanyang mata. "Gusto mo bang hilutin ko 'yang ulo mo?"

Hindi na sumagot pa si Alyssa dahil biglang hinawakan ng babae ang kanyang namimintig na ulo. Napakasarap no'n sa pakiramdam dahil malamig ang kamay ng babae na siyang nagpapaalis ng kirot sa kanyang ulo.

"Ang galing mo namang manghilot," aniya sa babae.

Pero pakiramdam niya ay unti-unting dumidiin ang mga kamay nito na animo'y bubutasin ang kanyang ulo. Idinilat niya ang kanyang mata ngunit nasindak siya sa kanyang nakita. Isang babaeng namumutla at puno ng dugo ang mukha ang bumungad sa kanya.

Napabalikwas siya ng bangon at nanlalaki matang binalikan ng tingin ang babae ngunit nawala rin 'to kaagad.Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib. Maging ang kanyang kamay ay namamawis dahil sa takot na nararamdaman.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ni Leo nang makita siyang takot na takot.

"A-ayos l-lang a-ako. Kailangan k-ko lang s-siguro magpahinga. Mauna na ako," saad niya at saka nauna na sa pag-uwi.

Sinapo niya ang kanyang dibdib na kanina pa malakas ang kabog. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Ngayon lang siya natakot uli ng ganito. Pakiramdam niya ay kilala niya ang babaeng nagpakita.

"Hindi kaya siya 'yong babaeng sinasabi nila?" tanong niya sa sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 391K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
2.4K 159 6
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
13K 434 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
2.2M 74K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...