Unexpected Love

By tintininintin888

199K 6K 970

Right kind of wrong Side Story. Jia-Jirah. More

Author's note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
New Story- A Beautiful Disaster
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 21

6.2K 178 13
By tintininintin888

AN: Ayan, sinipag na naman po ang ating magaling at mabait na author. Haha. Eto na, bawal kiligin ah. Hihi.

================================

Jirah

"Your parents like me, hindi naman nakakapagtaka yon, Jia. Masyado talaga akong lovable, kaya nga patay na patay ka sa'kin di ba?" Mayabang na sabi ko kay Jia habang nakahiga sa kama niya, pumunta kami dito kwarto niya pagkatapos ng dinner with her parents. Sayang lang wala yung mga kapatid niya.

"Ang yabang mo diyan," binato niya ako ng t-shirt na kinuha niya sa closet niya. Dito na lang daw kasi kami matutulog dahil medyo gabi na sabi ni Mamu, sinabihan pa niya kami ni Jia ng 'don't do something your Papu and I wouldn't do' na ikinapula ng mukha naming dalawa ni Jia.

"Totoo naman, impressed sila sa'kin, Jia. Gosh, ang ganda ko talaga," pagyayabang ko pa.
Lumapit naman si Jia sa paanan ng kama at tiningnan ako ng masama.

"Ano namang connect ng maganda ka kaya sila impressed? What did you say to Papu? Bakit boto siya sa'yo?"

"Your parents are charmed, just like you are, my love. Nagtaka ka pa, ikaw nga hindi nakaligtas sa akin eh."

"Napakayabang mo talagang leche ka," irap ni Jia.

Tumayo ako at mabilis na hinila siya sa akin pahiga, napasigaw pa siya ng bahagya sa pagkabigla. Niyakap ko siya ng mahigpit, inhaling her familiar scent. Home.

"Ang bigat mo, Julia," pabirong sabi ko.

Akmang tatayo siya pero natatawang pinigilan ko. "Joke lang. I love you."

She looked at me, pagkatapos ay pinitik ako sa ilong. "Hindi ako mabigat, how dare you? Kapal ng mukha mong Llaneta ka."

"Binibiro lang kita, Jia ko. Pa-kiss nga."

Pumikit ako at ngumuso saka hinintay na halikan niya ako pero ilang sandali na ang lumipas pero wala pa din so I opened my left eye and I saw my love looking at me as if memorizing every inch of my face.

"Matunaw ako niyan, sige ka," sabi ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Sungit. Sige na nga, titig lang."

"I love you, Jirah," she said after a moment. "Kaya huwag kang aalis sa tabi ko, okay? You and I forever and ever, baby."

Okay. Kinikilig po ako.

"Always, Jia."

"Yes, always," she kissed my lips softly, pero parang hindi pa din ako satisfied so I tried to deepen our kiss but to no avail because Jia's the one dictating it. Frustrated, hinawakan ko siya sa batok para ilapit siya lalo pero she pinned both of my hands above my head and continue with her soft kisses. Hala, kailan pa naging ganito kalakas si Jia? Well, I'm not complaining naman.

I was really getting into it nang biglang umulan at bigla ding ihinto ni Jia ang kiss namin, tumingin siya sa direction ng bintana.

"Jia..." I whined.

"Wait lang, baby," she said saka tumayo at binuksan ang makapal na kurtina sa kwarto niya.

Inis na tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

"Jirah, it's raining. Maligo tayo sa ulan," excited niyang sabi.

"Ayoko," walang ganang sabi ko, inalis ko ang unan sa mukha ko at tumingin sa kanya na nakasilip pa din sa labas ng bintana.

"Bakit naman?" Binalingan niya ako.

Binato ko sa kanya ang unan na yakap ko, nasalo naman niya ito ng walang hirap.

"Nabitin ako sa kiss natin, Jia, pambihira naman. How dare you, miss?"

Natawa naman ito at lumapit sa'kin, hinila niya ako patayo. "Hormones mo, Jirah. Halika na, dali. Huwag ka nang maarte."

"Paasa ka kasi, sa susunod huwag kang nambibitin," reklamo ko pa.

"Sige na lang para manahimik ka na diyan," lumabas kami at pumunta sa garden nila.

"Wohoo!" Binitiwan ni Jia ang kamay ko at excited na naglaro sa ulan.

This is the first time I saw Jia like this, madalas kasi ako ang isip bata sa aming dalawa. At masuwerte ako dahil sa akin lang siya ganito.
Naghabulan kami sa garden nila habang umuulan ng malakas. I feel so happy and contented, sana palagi kaming ganito. Nang medyo humina na ang ulan ay tumigil na din kami sa pagtakbo.

Kinuha ko ang mga kamay niya at hinipan ang mga ito. "You're cold?" Tanong ko.

Umiling siya, "let's dance before this rain stops. First dance natin."

"Jia, my love, so sweet, nagiging sweet ka na din. Kakasama mo sa'kin yan, mahal. Good influence talaga ako sa'yo."

"You sure know how to ruin a moment. Nakakainis." She rolled her eyes.

"Mahal ka naman," sagot ko.

"Mas mahal kita, huwag kang epal. Magsayaw na nga tayo. Huwag ka nang babanat diyan, babatukan na kita," banta niya. "Lapit ka na sa'kin."

"Okay, sabi mo eh," I held her close. "Gaano ka close, Jia?" I whispered into her ear.

Hinapit niya ako lalo, magkayakap kami ng mahigpit habang marahang nagsasayaw.

"Ganito, yung walang space dapat," ganting bulong niya.

"Never akong hihingi ng space mula sa'yo, babe," I said, kissing her neck.

"At never kitang bibigyan," she promised.

Tumila na ang ulan maya-maya, pero may drizzle pa din.

"You like the rain?" I asked.

"Yes, it calms me, and I like rainbows pero wala ngayon dahil gabi na."

I nodded. "Let's go inside na? Baka magkasakit ka eh."

"Okay," she agreed. "Shower tapos tulog na tayo."

"Can we make out first before sleeping? Nabitin talaga ako kanina eh."

Kinurot niya ako sa tagiliran, tumawa lang ako bago siya inakbayan papasok.

"Ang landi mo talaga, Jirah. No, matutulog lang tayo."

"Killjoy," bulong ko.

***

"Deny pa more, ate Den. Yaan mo miss ka na rin naman non. Wag mong masyadong isipin yon, okay? Basta ang isipin mo na lang, mamaya, magiging masaya ka na." Sabi ko kay ate Den. Nandito kasi siya sa dugout namin, mukhang hinahanap si ate Ly pero sabi niya hindi naman daw.

Ngayon kasi siya tatanungin ni ate Ly na maging girlfriend niya ulit, pagkatapos nitong game namin versus UP. Sakto Valentine's day ngayon. Saan kaya kami magde-date ni Jia ko?

"At bakit naman aber?" Tanong ni ate Den.

"Dahil icocover mo kami. At mananalo kami," kinindatan ko pa siya.

"Ewan ko sa'yo, baby Ji. Sige na, malapit ng magstart yung laban, dun na ako at baka hinahanap na ako ni Boom." Paalam niya saka lumabas na sa dugout.

"Hay, sa wakas, may happy ending na din silang dalawa." Sabi ni Bea na nakaupo dito sa tabi ko at kumakain ng chocolate. Kinuha lo ito sa kanya at kumagat. "Hey, that's mine, Ji, kumuha ka ng iyo," inagaw niya uli ito sa'kin at inilayo.

"Ang damot nito. Saan si beh mo?" Tanong ko, hindi kasi sila mapaghiwalay ni Jho kaya nagtataka ako na hindi sila magkadikit ngayon.

"Bakit mo hinahanap? Crush mo? Sumbong kita kay Jia." Pananakot niya.

"Sumbong ka, akala mo naman, nagtatanong lang eh."

"Ji, bakit kayo close ni Jia?"

"Eh bakit kayo close ni Jho?" Balik tanong ko.

"Ako unang nagtanong eh," parang batang maktol niya.

"Wala naman sa Saligang Batas na kailangan porket una kang nagtanong, una ka ding sasagutin. Saka bakit ang dami mong tanong palagi, Bei?"

"Excuse you? Kailan kita tinanong ng madami?"

"You're excused," tumayo ako at iniwan siya doon. Bahala siya.

Lumabas ako at pinanood ang first game na hindi pa din tapos, tumayo ako sa bandang likod lang para hindi kita sa camera.

"Well, well, well. Finally nakita din kita," lumingon ako at nakita si Nicole na naka smirk.

"Oy, Nic, kamusta?" Niyakap ko siya, huling nagkita kami nito noong nagdrama ako, kasama namin si Kianna.

"Ayos lang. Ano, brokenhearted ka pa din?"

"Of course not, kami na kaya ni Jia," I beamed.

"Talaga? Ginayuma mo?"

"Oo, yun lang pala solusyon sa problema ko eh," pakikisakay ko.

"Proud of you, mana ka sa'kin," nag-apir kaming dalawa.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano, naputol lang ang usapan namin nang may tumikhim sa likod. Si Jia.

As usual seryoso na naman ang mukha niya, nakatingin siya sa magkahawak naming kamay ni Nicole, nakasandal si Nicole sa pader habang nakatayo ako sa harap niya at hawak ang kaliwang kamay niya. Binitawan ko naman ito agad nang makalapit na si Jia sa amin.

"Hi, Jia!" Bati ni Nicole, Jia just raised her eyebrow. Sungit talaga.

"Jia, friend ko, si Nicole. Nic, si Jia, girlfriend ko." Proud na proud kong sabi.

"Hello," matipid na bati ni Jia.

Nagpaalam na si Nicole dahil tinawag na siya ng mga teammates niya. Hinampas naman ako ni Jia sa braso.

"Aray naman, miss," reklamo ko.

"Bwisit ka talaga, nalingat lang ako saglit may humahawak na iba agad diyan sa kamay mo."

"Nicole is just a friend, we're just catching up and---hey, wait!" Tinalikuran niya kasi ako at bumalik na sa dugout.

At yon na nga, kahit anong kulit ko, hanggang matapos ang game at matapos din yung super nakakakilig na proposal ni ate Ly kay ate Den eh hindi ako kinausap ni Jia. Matapos naming mag ayos sa dugout ay hinawakan ko ang kamay niya.

"What?" She hissed, medyo malayo kami sa teammates namin.

"Mag-usap muna tayo, mahal."

"Fine. Mauna na tayo sa dorm, I'll wait for you in your car," lumabas na siya pagkasabi non, ako naman ay nagpaalam muna sa mga teammates namin na mauuna na.

Wala kaming imikan ni Jia habang nasa daan, nakatingin lang kasi siya sa labas ng bintana.

Nang makarating kami sa dorm ay nauna din siyang bumaba at walang salitang nauna na sa loob. Pagkapasok ko ay nakaupo lang siya sa couch, tumabi naman ako sa kanya.

"Sorry na," simula ko. "Nag-uusap lang naman kami ni Nicole, Jia."

"Alam ko, hindi naman ako galit sa'yo, Jirah."

"Then why won't you talk to me?"

"Dahil nagseselos ako. Nagseselos ako kahit wala naman akong dapat ipagselos. Nagagalit ako sa sarili ko dahil gusto kong awayin yung kaibigan mo dahil hinawakan niya yung kamay mo."

"B-but Nicole and I are just friends, Jia."

"I know that! Kaya nga naiinis ako dahil masyado akong possessive pagdating sa'yo. Ayokong hinahawakan ka ng iba, gusto ko ako lang. Ano bang ginawa mo sa'kin ha?" Inis na tanong niya. Napangiti naman ako. "Why the hell are you smiling?"

"Wala, ang cute mo kasi."

Tatayo na dapat siya pero hinawakan ko ang kamay niya, "saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Wala kang pakialam. Bitaw." Pagtataray niya pero siyempre hindi ako sumunod, instead hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko.

"Isa, Jirah, bitaw na. Mamaya na tayo mag-usap kapag malamig na yung ulo ko."

"Ayoko nga, di ba sabi ko ayoko kapag galit ka or masama ang loob mo. Ayusin na natin 'to ngayon."

"Ayusin your face! Let go."

"No way," hinila ko siya at pilit na inihiga sa sofa tapos I climbed on top of her para hindi makaalis.

"Bwisit ka. I hate you," sabi niya pero iniyakap naman ang mga braso sa leeg ko.

"I love you, selosa kong Jia, I don't mind even if you get jealous over petty things. So what kung mabilis kang magselos at magalit kapag may ibang kumakausap sa'kin? Ganoon din naman ako sa'yo, quits lang tayo. All is fair in love and war." I winked at her.

She didn't answer, instead she cupped my face and gave me a heated kiss. Tumugon naman ako agad, inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko, sa loob ng shirt ko. I was enjoying myself and was about to kiss my way down her neck nang makarinig kami ng mga pagsinghap. We abruptly stopped at paglingon ko ay shocked na mukha ng mga teammates namin ang nabungaran ko.

Huminga ako malalim at napanguso. Ibinalik ko ang tingin kay Jia na amused na amused na nakatingin sa'kin.

"Bitin ba, baby?" Tanong niya.

I kissed her chin tapos ay pinagdikit ang mga noo namin.

Istorbong teammates.

***

"Hoy, ano na mga panget? Alam ko namang masyado kaming hot ni Jia ko pero itigil na ninyo yang pagtitig sa amin."

Paano naman kasi, makatitig itong mga teammates namin akala mo wala ng bukas, magkatabi kami ni Jia dito sa couch ngayon, nakapalibot naman sa amin itong mga teammates namin dahil magpapaliwanag daw kami sa kanila. As if. Lumingon ako kay Jia na masungit na nakatingin lang din sa mga teammates namin habang hawak ang isang kamay ko at nilalaro ang mga daliri ko.

"So Jia and Jirah, when did you start dating?" Si Jamie.

"Magdadalawang buwan na," sagot naman ni Jia.

"Ganoon na katagal? Eh bakit hindi namin alam?" Tanong naman ni Ponggay.

"Nagtatanong ba kayo? Hindi naman di ba?" Nakairap na sagot ni Jia.

"Eh, sinong nanligaw kanino?" Giz asked.

"I did," proud na sabi ko. Ikinwento ko sa kanila yung hanggang noong gabing naging kami ni Jia.

"Talaga, Jia? Ikaw ang nagpropose kay Jirah?" Tila hindi makapaniwala si Jho.

"Oo, ang bagal niya eh, nakakainis. Baka hanggang ngayon hindi pa din kami kung hinintay ko siyang magtanong." Jia shrugged.

"Ang hard mo sa'kin, mahal ah, ang sabihin mo, hindi ka lang talaga makapaghintay na mapasaiyo ako."

"Kapal," sagot ni Jia pero nakangit naman ang mga mata.

"Ate Ji, kaya pala kung ano-anong sinasabi mo sa'kin kapag nagkukwento ako tungkol kay ate Jia, nagseselos ka na pala non?" Sabi naman ni Deannang kulit.

"Oo, Deanna kaya please lang kalimutan mo na yang crush mo kay Jia, akin lang siya, bawal magka-crush sa kanya. Nakakamatay," sagot ko. Nagbelat lang sa'kin si Deanna.

"Yung kanina, balak niyo talagang diyan sa couch gawin? Inuupuan kaya natin yan lahat, hindi niyo na nadala sa kwarto, guys?" Tukso sa amin ni Maddie. I blushed.

Ayan sigurado magsisimula na silang tuksuhin kami parang noon lang kay ate Den at ate Ly.
"Shut up, Maddie, daldal mo." Sagot ko habang nakayuko. Natawa naman ng bahagya si Jia sa tabi ko, tumingin ako sa kanya and she mouthed 'cute' at me.

"Nagtatanong lang eh," Maddie pouted.

"Now that you guys know, matutulog na kami ni Jirah bilang hindi na din naman kami makakapagdate dahil gabi na." Hinila na ako ni Jia patayo. Naghiyawan naman ang mga teammates namin at nanukso na naman.

"Shut up, mga panget!" Sigaw ko sa kanila.


Continue Reading

You'll Also Like

201K 8.4K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
8.4K 271 17
AshMatt fanfic
95.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...