Magandang Biro Ng Tadhana

By denysawrrr

2.2K 151 22

A Romance Novel written by: Laurice Del Rio "It would be so, so hard, almost impossible even, to have a happ... More

Introduction:
Chapter II.
Chapter III.
Chapter IV.
Chapter V.
Chapter VI.
Chapter VII.
Chapter VIII.
Chapter IX.
Chapter X.
Chapter XI.
Chapter XIII.

Chapter I.

288 14 4
By denysawrrr

[In the picture: Ram.]

[Ram's POV]

PAGBABANG-PAGBABA pa lamang ni Ram mula sa chopper ay sinalubong kaagad siya ng mga naghihintay niyang tauhan.

Naunang lumapit sa kanya ang assistant niyang si Christy. Iniabot nito sa kanya ang isang folder. "Sir, here's the fax you've been waiting for."

"Thanks Chris," sabi niya.

"Sir, here's the contract Mr. Forres sent this morning. He needs to have it signed before his board meeting after lunch," sabi ni Al. Ang isa namang executive niya.

Bago pa man niya maabot ang ibinibigay nito sa kanya ay nag-ring ang cellphone niya. Dinukot kaagad niya iyon mula sa bulsa ng polo niya.

"Mr. Peters!" masiglang bati niya sa tumatawag. Ito ang may-ari ng Merry Food. Mga health foods ang mina-manufacture ng kompanya nito. Nabalitaan ng lolo niya mula sa reliable source diumano nito na nagbabalak si Mr. Peters na ibenta ang kompanya nito.

Their company, Gold Mix Corporation, was a work in progress. Iyon ang madalas sabihin ng lolo niyang si Don Ramoncito Castillanes. Ram begged to disagree. Noon pa natapos ang work at napakaprogresibo na ng Gold Mix. In fact, it was nearly a giant. Pero hindi makontento roon ang lolo niya.

Semi-retired na ito at iniwan na nito sa kanya ang pamamahala sa kompanya---in theory, pero kung tutuusin ay napakalaki at napakabigat pa rin ng impluwensiya at opinyon nito sa pagpapatakbo ng Gold Mix.

Don Ramoncito was a workaholic. Typical Type A personality ito na kina-career ang pagiging achiever. At saksakan ng taas ang standards nito.

Ang papa niyang si Ramoncito Jr. ay sumunod diumano sa yapak ng lolo niya. His father graduated cum laude from the University of the Philippines and was instrumental in sealing deals that pushed the company's earnings off the charts.

Hindi na siguro kataka-takang inatake ito sa puso sa edad na kuwarenta y singko. Maybe the stress got too much for his heart to take. Nakadagdag pa siguro doon ang paghihiwalay nito at ng mama niya.

And then shortly after the breakup of their marriage, his mother died from a vehicular accident. Aksidenteng maituturing iyon pero ayon na rin sa bali-balita ay mukhang lasing na lasing ang mama niya kaya bumangga ang kotse nito sa malaking puno.

Naapektuhan siya ng husto ng mga pangyayari. Kahit kasi may ideya siya sa gulo ng pagsasama ng mga magulang niya ay mas gusto pa rin niya kung magkasama ang mga ito. And then, almost in the blink of an eye, he lost them both.

Ang lolo niya ang tumayong father figure niya. And what an awesome father figure he was. Natatakot siya rito na namamangha na humahanga. Ibinigay nito ang lahat ng kailangan niya, maging ang ilang mga luho niya. Ang hinihingi lang daw nitong kapalit ay ang ibigay niya ang best niya sa lahat ng bagay.

At iyon nga ang ginawa niya. Gaya ng papa niya ay cum laude siya nang mag-graduate siya sa UP. Business Administration ang kinuha niyang kurso, pagkatapos ay nag-masters pa siya.

He forced himself to become a go-getter because he felt he had no choice. Wala sa bokabularyo ng lolo niya ang mga salitang "relax," "chill," o "slow down". Ram knew no other way of life so he could do nothing but follow in his grandfather and father's footsteps. 

Maganda naman ang kinalabasan niyon. Hayun nga at sa ilalim ng pangangalaga niya ay patuloy pa ang paglago ng Gold Mix.

"I hope you'll be telling me we have a deal," sabi niya kay Mr. Peters. Habang nakikinig siya rito ay panay ang pirma niya sa mga papeles na ibinibigay sa kanya ng sekretarya niyang si Maris. Mga standards documents iyon na hindi na niya kailangang basahin nang mabuti ang nilalaman kaya puwede siyang pumirma lang nang pumirma kahit pa nakikipag-usap siya.

"I would want to say 'yes' but, well, another company has made me an offer and it's too tempting to refuse." ani Mr. Peters.

Natigil siya sa pagpirma. Itinulak niya palayo ang mga papeles na nakaumang sa kanya at saka tumalikod at iniwan ang mga nakaumpok sa kanya.

"What do you mean?" tanong niya na pinipilit huwag ipahalata rito ang iritasyon.

"Well, there's nothing definite, of course. It's just that company has sent me some feelers. They're offering so much more for Merry Foods than Gold Mix."

Kabisado na niya ang mundong ginagalawan niya kaya may ideya na siya kung ano ang ginagawa nito.

"How much more?" tanong niya.

"Oh, about ten million more."

"I see." Mabilis siyang nagkalkula sa isip. Kaya niyang palusutin ang sampung milyon pa, pero hindi rin siya dapat kara-karakang pumayag. Walang ipinagkaiba ang pagbili ng kompanya sa pagbili ng tsinelas sa Divisoria---one must know how to haggle. Ang hindi marunong makipagtawaran ay hindi lang talo kundi mukha ring katawa-tawa.

"What are you planning to do?" tanong niya, kunwari ay medyo tinatabangan na siya.

"Well, that's up to you."  sabi ni Mr. Peters. "It's just out of courtesy that I informed you about this. I mean, considering the fact that we have almost a done deal."

"Yes, we have almost a done deal," saad niya. And you are the one who is turning your back on it. Iyon ang ipinapahiwatig ng tinig niya. Pero suwabe lang ang panunumbat niya. Hindi tamang magkaroon ng kaaway lalo kung hindi pa naman huli ang lahat. Isang mahalagang kaalaman iyon na natutuhan niya sa lolo niya.

"I haven't said 'yes' to them yet. I gave you priority so I'm giving you the options right now. You have a week to think about this. I'm leaving for the Netherlands this afternoon so I called you up," paliwanag nito.

"Thank you Mr. Peters. I'll give you a call as soon as I have made a decision," sabi niya.

"Do that."

"Have a safe trip." Pinutol na niya ang koneksiyon nila. Sa sobrang diin nga ng pagpindot niya sa buton, kulang na na lamang ay lumubog ang keypad niyon.

He was pissed off. Tiyak na hindi matutuwa ang Lolo Cito niya kapag nalaman nito ang pangyayari.

Ipinagyabang pa naman niya rito na done deal na ang negosasyon nila ni Mr. Peters. He and his big mouth.

Maisasalba pa naman iyon. All he needed to do was to shell out more money. Pero kabawasan ng puntos iyon para sa lolo niya.

I hate this. I really hate this. In fact, he was starting to hate his life. Parang parati siyang nagmamadali, tila palaging aabutan ng kung anong halimaw na hindi niya mailarawan kung ano.

Sa paggising pa lang niya sa umaga ay umaarangkada na siya. Babangon siya na animo may spring ang likod niya. Maliligo siya sa loob lang ng tatlong minuto, magbibihis, hihigop lang ng kape, pagkatapos ay diretso na siya sa kanyang sasakyan.

He would work all day almost non-stop. Pagkatapos ay may mga social obligations pang naghihintay sa kanya.

Pagdating ng weekends ay hindi pa rin siya makapag-relax. Bahagi na ng negosyo ang pakikipagsosyalan. Sa mga ganoong pagakakataon siya nakakabuo ng koneksiyon, nakakapagsara ng mga deals, at nagkakaroon ng mga allies. It was a rat race and he sometimes wondered how he could have a break, even just a short one. Para kasing nalo-lowbatt na siya.

"Sir..." tawag sa kanya ng isa pa niyang tauhan nang bumalikwas siya.

"Not now," sabi niya rito. Nilagpasan na niya ang mga ito.

"But, Sir..."

"I said not now!" singhal na niya rito, kapagkuwan ay mabilis na siyang naglakad palayo. He was losing it. And he didn't want to. For him, losing it was a sign of, well, losing.

Dapat ay kontrolado niya ang emosyon niya. Kaysa masakal niya ang empleyado niyang ginagawa lang naman ang tungkulin nito ay lumulan na siya sa elevator na sadyang naghihintay para sa kanya. Dumiretso iyon sa palapag na kinaroroonan ng opisina niya.

He went straight to his office, closed the door, and locked it. Kapagkuwan ay pabagsak na umupo siya sa swivel chair niya. 

Pumikit siya at napabuntong hininga.

The phone rang, the intercom buzzed, but he didn't give a damn. Pagod na pagod siya kaya magpapahinga siya kahit ilang minuto lang.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comment. Vote. Like. Be a fan. Support lang po natin ang story ni Laurice Del Rio. :) Isa po siya sa mga favorite author ko. Hindi niyo po pagsisihan ang pagbabasa ng story niya. :) 

A romance novel written by Laurice Del Rio. 

Next: Chapter II.

Continue Reading

You'll Also Like

191K 4.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
400K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.6M 101K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
183K 5.9K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...