Chapter VIII.

103 13 1
                                    

[In the picture: Ram.]

[Ram's POV]

NAKADAMA na siya ng kaginhawahan. Kanina pa talaga siya naiihi. Hindi nga lang niyal malaman kung paano gagawin iyon. Ramdam niya sa katawan niya ang panghihina. Kaya nga hindi na siya nagpilit na bumangon para tugunin ang tawag ng kalikasan.

Mabuti na lamang ang nakaisip ng paraan ang dalaga. Ang problema nga lang, dalaga ito kaya ganoon na lang ang hiya niya sa gagawin niya.

Wala lang talaga siyang mapagpipilian kaya sa bandang huli ay kinailangan niyang tapangan ang kanyang apog. Gayunman, may naramdaman din siyang pagkakiliti ng imahinasyon sa ideyang kapag nagkamaling lumingon ang dalaga ay masisilayan nito ang hindi dapat.

You have other more important things to think about, naisip niya. Natigilan siya. His thoughts were in English. Mukhang sanay siyang gamitin ang naturang lengguwahe.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Marami pang masakit sa katawan niya pero mukhang malayo naman siya sa bingit ng kamatayan. Kanina nga ay napalakas na ang kain niya. Kaya na niyang igalaw ang mga braso't binti niya at nabawasan na rin kahit paano ang pananakit ng ulo niya. He would live. If only he could remember what happened to him.

Maya-maya lang ay bumalik sa kuwarto ang dalaga. May dala itong baso ng tubig.

"Baka nauuhaw ka," anito.

Tumango siya.

Lumapit ito, bahangyang iniangat ang ulo niya at saka idinaiti sa bibig niya ang baso. Sa posisyon nila ay halos katapat lang ng mga mata niya ang dibdib nito. Maluwang ang blusa nito kaya sa pagtungo nito ay bahagya niyang nasilip ang itinatago nito. Ibinaling kaagad niya sa iba ang paningin niya. Pero ang hindi niya napigilan ay ang pagkakiliti ng kanyang imahinasyon.

Hindi lang naman kasi ang nasilip niya ang gumising sa kanyang mga pandama. That close to him, he could smell her. Kakaiba ang nalanghap niyang amoy. Parang napakapresko niyon, malayo sa mamahaling pabangong nakasanayan na niya.

Natigilan siya sa piraso ng alaalang kumudlit sa kanyang isipan. He seemed to know how expensive perfumes smelled like. Nakadama pa nga siya ng bahagyang pagkadisgusto sa naturang alaala.

Nasamid siya sa paglunok niya. Kaagad namang inilayo ng dalaga ang baso mula sa bibig niya. Lalo rin nitong itinaas ang ulo niya. Hinagud-hagod pa nito ang likod niya. The sensation was quite pleasant, he realized.

Bumaling siya rito. Payak na kagandahan ang taglay nito. Kompara sa ibang mga babaeng  kilala niya, masasabing malayo sa mga iyon ang hitsura, kilos, at pananamit nito.

Napatda na naman siya. Isa uling piraso ng alaala ang naglaro sa diwa niya. Mukha at eksena iyon ng mga babaeng nakasalamuha niya. They all seemed pretty. Mukhang mga edukada at sopistikada ang mga iyon. Siguro ay hindi ganoon kasama ang tama sa utak niya. Hayun nga at sandaling panahong nagkamalay siya ay unti-unti na siyang may naaalala.

He looked back at the woman. Pakiramdam niya, kahit siguro noon niya ito nakita ay mapapatingin siya rito. Malayo man ito sa mga babaeng wari niya ay nakasanayan niyang pakitunguhan ay may taglay rin itong pang-akit. It was a refreshing kind of beauty that appealed to him a lot. Nang umalis na ito ay nakadama siya ng panghihinayang. Well, there would be plenty of time to be with her later.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comment. Vote. Like. Be a fan. Support lang po natin ang story ni Laurice Del Rio. :) Isa po siya sa mga favorite author ko. Hindi niyo po pagsisihan ang pagbabasa ng story niya. :) 

A romance novel written by Laurice Del Rio. 

Magandang Biro Ng TadhanaWhere stories live. Discover now