Chapter IV.

168 13 2
                                    

[In the picture: Ram.]

[Ram's POV]

IT SEEMED Ram's wish not about to be granted any time soon. Iyon ang palagay niya habang papunta siya sa roof deck para lumulan sa chopper. 

Inauguration ng isang subsidiary ng Gold Mix sa Cebu at isa siya sa mga dapat na dumalo. Kaibigan niya ang guest of honor na magsasagawa ng ribbon cutting at may proyekto raw itong gustong i-discuss sa kanya.

Pagdating niya sa roof deck ay umiikot na ang elise ng chopper na lululanan niya papunta sa Cebu. 

"Good Morning, Sir," bati sa kanya ng piloto.

"Good morning, too," ganti niya. Kapagkuwan ay napatitig siya rito. "Are you alright?" tanong niya rito. Para kasing medyo maputla ito.

"I'm fine, Sir," paniniyak nito.

"Are you sure? You don't look well," saad niya.

"Siguradong-sigurado, Sir."

Ilang sandali niya itong pinagmasdan. Imagination lang ba niya iyon? Baka.

"Okay, let's go," pagpapasya niya.

Sa palagay niya ay mas natagalan kaysa sa normal ang paghahanda ng piloto sa paglipad nito. Tatanungin sana uli niya ito kung ayos lang ba ito pero naunahan siya ng pagtunog ng cell phone niya. Naka-vibrate mode iyon kaya naramdaman niya iyon.

"O, Lolo, napatawag kayo?"

"Have you spoken to Peters?" tanong kaagad nito.

Oh, brother. Ngalingali niyang itirik ang mga mata. He was hoping to postpone the inevitable for just a little while longer.

"I have." 

"Anong kalokohan iyong narinig ko? May isa pang naghahabol sa kompanya niya?"

"Yes, but he promised to keep an open mind."

Napamura ito.

"Fix this as soon as you get back," paanas na utos nito.

"I have every intention of doing that," aniya. "I have to go. The chopper is about to take off."

Ilang sandali pagkalipas niyang ibigay sa piloto ang signal ay nagsimula na silang umangat mula sa ere. Sumandal na siya sa backrest ng upuan.

He felt so drained.

At gaya ng madalas na mangyari kapag wala siyang ginagawa, ilang sandali lang lumipas ay pumikit na ang mga mata niya.

Kung gaano siya katagal na naidlip ay hindi niya namalayan. Nagising na lang siya ng maramdaman niya ang malakas na paggiwang. Napamulat kaagad siya.

What he saw shocked him. Nakita niya ang piloto niya na nakalugmok sa controls.

"Dennis!" tawag niya rito. Inabot niya ang balikat nito at niyugyog ito, ngunit nananatili itong walang malay.

Posibleng inatake ito sa puso, naputukan ng ugat, o basta na lang nawalan ng malay. Hindi niya malaman kung ano ang dahilan at hindi na muna mahalagang alamin niya. Ang importanteng malaman ay kung paano  niya maililigtas ang sarili niya.

And then there was no more time to think of even saving himself. The chopper tilted. 

Parang binayo iyon ng biglaang hampas ng hangin. Nagpaikot-ikot iyon sa ere, pabilis nang pabilis habang pababa nang pababa ang lipad niyon.

Nakita niya sa bintana ang karagatang babagsakan niya.

Alam niya ang mangyayari.

He was going to die.

Ilang sandali pa ay bumulusok na ang chopper sa karagatan. Malakas na malakas ang pag-alog niyon.

Kinalas niya ang seat belt niya at saka niya binuksan ang pinto. Naghanda siyang tumalon pero biglang gumiwang muli ang chopper.

A few seconds later, there was a terrifying thud.

And then everything went black.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comment. Vote. Like. Be a fan. Support lang po natin ang story ni Laurice Del Rio. :) Isa po siya sa mga favorite author ko. Hindi niyo po pagsisihan ang pagbabasa ng story niya. :) 

A romance novel written by Laurice Del Rio. 

Next: Chapter V.

Magandang Biro Ng TadhanaWhere stories live. Discover now