Chapter X.

147 13 3
                                    

[In the picture: Doña Luisa.] 

[Doña Luisa's POV]

TITIG na titig sa monitor ng laptop niya si Doña Luisa. Sa tabi niya ay may nakatambak na mga papeles na nangangailangan ng kanyang pansin pero parang wala pa siyang lakas na simulan ang pagbabasa ng mga iyon.

Sa halip, ang company profile ng Gold Mix ang binabasa niya. Mga litrato noon at nang mapatingin siya sa portrait shot ni Don Cito ay nagtagis ang mga bagang niya. Oh, how she hated the man.

They had been business rivals for a long time now. Iyon ay magmula nang maging halos magkapantay na sa antas ang kompanyang pag-aari nito at ng asawa niyang si Felix. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa mga labi niya sa ideyang iyon.

Akalain mo, sa loob-loob niya.

Base sa kuwento ni Don Cito, hindi ito katulad ni Felix na nagmula sa isang mayamang pamilya. But he came into some money because of an inheritance and he used that to play the stock market at the time when the market was very, very bullish.

Inheritance, my ass! Matanda man siyang naturingan ay kaya pa rin niyang umusal ng mga ganoong salita. Alam niya at sigurado siya, hindi galing sa mana ang perang napunta rito.

Pero ayun sa press release ni Don Cito, hindi nito hinahayaang nakatengga sa bangko ang pera nito. He invested it and he seemed to have the knack of knowing when and where to invest it. Lumago raw nang lumago ang pera nito hanggang sa makapagpundar ito ng sariling kompanya.

He was the one who fired the opening salvo that started their rivalry. May bibilhin dapat siyang lupa para pagtayuan ng factory ng Royalty Foods. Ano ang ginawa ng tinamaan ng magaling? Inunahan siya nito sa pagbili niyon. That irked her at doon na nagsimula ang lahat.

Namatay ang asawa niya maraming taon na nag nakalilipas. At dahil ang nag-iisang anak na ibiniyaya sa kanila ay mas nauna pang yumao kaysa kay Felix ay napilitan siyang siya ang magpatakbo ng kompanyang pag-aari nito.

Nangilid ang mga luha niya nang maalala ang masasaklap na pangyayari sa buhay niya. Her only son, Luis, along with his wife Carla, and their son died in a boating accident. They went sailing and something must have gone very wrong. Natagpuan na lamang na nakataob ang sailboat. Ilang araw pa ang lumipas ay ang katawan naman ng mag-anak ang isa-isang nahango.

Masyadong naapektuhan ng pangyayari ang kanyang asawa. He was never the same after that. Hindi na rin nito tinangkang makaahon. Malamang na noon pa ay nagsimula na ang panghihina nito hanggang sa dumating ang panahong bigla itong na-stroke. It was a fatal one. Husto lang na naibaba ito sa ER ng ospital bago ito binawian ng buhay.

She had been alone since then. Para ding nawalan ng saysay ang buhay niya. May punto nga na ang pakikipagpaligsahan na lang niya sa Gold Mix ang nagiging dahilan ng pagbangon niya sa umaga. That gave her some purpose, a reason to go on living.

Nayayamot na pinalis niya ang luhang bumalong sa mga mata niya. Isa lang ang dapat niyang pagtuunan ng pansin nang mga sandaling iyon: ang pagtiyak na sa kanya ibebenta ni Mr. Peters ang kompanya nito at hindi sa Gold Mix. Nang malaman niyang interesado roon ang apo ni Don Cito ay nagpadala kaagad siya ng sugo para kausapin ang dayuhan.

She made and offer he would find difficult to refuse. Acquiring the company would make her own one, Royalty Foods, more profitable. At mararamdaman din niya ang matinding satisfaction na dulot ng kaalamang nalamangan na naman niya si Don Cito.

Kaalis lang niya sa Web page ng Gold Mix nang tumunog ang telepono niya.

"Ma'am, Mr. Yanga is here to see you," anang sekretarya niya.

Magandang Biro Ng TadhanaWhere stories live. Discover now