Chapter VI.

89 13 1
                                    

[In the picture: Ram.]

[Ram's POV]

NARAMDAMAN niyang may bumuhat sa kanya at dinala siya sa kung saan. Pero sandali lang siyang natauhan. Nakita niya ang anyo ng isang babae. Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito habang nakatunghay sa kanya.

Sumasabay rin ito sa paglalakad sa kung sino mang nagdadala sa kanya. Hindi nagtagal ang panunumbalik ng ulirat niya. Maya-maya lang ay nagdilim na uli ang kanyang diwa...

Mas klaro na nang bahagya ang isip niya nang muli siyand dumilat. Muli ay ang babaeng una na niyang nakita ang tumambad sa paningin niya. Nahinuha rin niya na nakahiga siya.

Umakma siyang babangon pero kahit isang pulgada yata ay hindi niya maiangat ang kanyang katawan sa sobrang panghihina niya

"Huwag ka munang maggagalaw. Hindi mo pa kaya." malamyos ang tinig na nagmula sa bibig ng babae. Kasabay ng pagsasalita nito ang banayad na pagpigil nito sa tangka niyang pagbangon.

"A-anong nangyari?" nagtatakang tanong niya. "Nasaan ako?" Sinubukan niyang igala ang paningin sa paligid. Pero sa ginawa niyang iyon ay para siyang nahilo.

Sinubukan din niyang alalahanin ang mga pangyayaring naghatid sa kanya sa puntong iyon pero hindi niya iyon mahagi-hagilap sa kanyang isipan.

Nakadama siya ng kaba at lalong sumidhi iyon nang matukoy niya na ni hindi niya alam kung sino siya. Umakma uli siyang babangon.

"Huwag muna sabi," pigil uli sa kanya ng babae. "Baka makasama sa iyo. Pinuntahan na ni Inay iyong nag-iisang doktor sa ibayo pero wala siya. Hindi ka naman namin maibyahe dahil ang pinakamalapit na pagamutan dito ay sobrang layo. Hindi rin naman kompleto ang pasilidan doon," paliwanag nito. "Mas mabuti sigurong magpahinga ka muna at magpalakas nang kaunti. Mukhang hindi  naman malala ang lagay mo."

Anong hindi malala? Paano mo nasabi iyon, eh, wala nga akong maalala? Nakaambang lumabas ang mga kataga sa bibig niya pero ni wala siyang sapat na lakas para sambitin ang mga iyon.

"W-wala akong maalala," nagawa niyang sambitin.

"Wala kahit ano?" tanong nito.

Umiling siya.

"Ano ang pangalan mo at tagasaan ka?" tanong nito.

"Hindi... ko... alam..." Parang mas mahina pa siya kaysa sa bagong panganak na kuting.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comment. Vote. Like. Be a fan. Support lang po natin ang story ni Laurice Del Rio. :) Isa po siya sa mga favorite author ko. Hindi niyo po pagsisihan ang pagbabasa ng story niya. :) 

A romance novel written by Laurice Del Rio. 

Next: Chapter VII.

Magandang Biro Ng TadhanaWhere stories live. Discover now