Instant Mommy Ako? (PUBLISHED...

By skycharm24

23.9M 386K 32.2K

(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Epilogue
Authors Note
Good news!

Part 25

378K 5.6K 365
By skycharm24

TRISHA

Nagising ako sa hindi pamilyar na kapaligiran. Parang nangyari na ’to, ah? I looked around hoping na makita ko ulit ang gwapong anghel ko. Pero nakalipas ang ilang sandali at walang Xander na
lumabas.

Where was I?

Ang alala ko, nasa mall ako kanina kasama si Ate Marga.
Tapos nahilo ako at… Oh, my God! Napatingin ako sa bintana.

Umaga na!

“Nasaan na ba ako?” tanong ko sa sarili ko.

“Ospital po, Ma’am.” ’Di ko napansin na may pumasok na
palang nurse sa kwarto ko.

“Ah, Miss Nurse, anong nangyari?”

“Nurse Ally po, Ma’am. Dinala raw po kayo dito kahapon
nang walang malay.”

“Sino raw ang nagdala sa ’kin dito?”

“Isang ale raw po. Sabi nga po bantayan daw po kayo at
susunduin lang niya ang mommy n’yo.”

“Hala! Mommy ko? Nagkakamali lang siguro siya. Wala dito
ang pamilya ko, Nurse Ally.”

“Ay, ganoon po ba, Ma’am? Baka nga po.”

“Pwede na ba akong lumabas? Baka nag-aalala na ang asawa
ko, e.”

“Sige po, Ma’am. Hintayin lang natin mag-rounds si Dok.
Maya-maya ay nandito na rin ’yon,” sagot ng nurse.

“Salamat. Napansin mo ba kung nasaan ang bag ko?
Kailangan ko na kasing tawagan ang asawa ko at malamang
nag-aalala na ’yon sa akin.”

“Nandito po, Ma’am.” Iniabot niya sa ’kin ang bag ko mula
sa drawer.

Dali-dali kong kinuha ang cell phone ko. Ay, ’takte naman!
Battery empty na pala ako.

“Nurse Ally, pwede bang makigamit ng phone? Kailangan ko lang talaga tawagan ang asawa ko.”

“Sige po, Ma’am. Ito po, o,” sabi niya sabay abot ng cell phone
niya.

“Salamat, Ally.” Tinawagan ko agad si Xander. Nakadalawang
ring pa lang nang sagutin niya agad ang tawag.

“Hello?”

“Honey, ako ’to.”

“Trisha? Nasaan ka? Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa
’yo?” Sabi na, e. He was worried.

“I’m fine. Nandito ako sa Watty Hospital,” sagot ko sa kanya.
Buti na lang nandito si Nurse Ally, nalaman ko ang pangalan ng ospital na ’to.

“Paano ka naging okay kung nasa ospital ka? Kumusta si
baby?”

“Okay na ako. Don’t worry, the baby’s safe. Lalabas na rin
ako, Hon. I’m so sorry at hindi ako nakatawag agad.”

“Thank God you’re safe! ’Wag kang aalis d’yan at pupuntahan
kita, okay? Wait for me. I love you.”

“Okay. Nasa Room 143 ako. I love you, too.” Pagkababa ko ng
tawag ay nakita kong nakangiti sa akin si Nurse Ally.

“Ang sweet n’yo naman ni Sir, Ma’am.”Ngumiti na lang din ako.

“Salamat sa phone, Ally,” sabi ko sabay abot sa kanya pabalik ng cell phone niya.

“Walang ano man, Ma’am.” Nagpaalam na siya pagkatapos.
Babalik na lang daw siya mamaya para samahan si Dok.
’Di nagtagal at dumating na rin si Xander.

“Honey, alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa ’yo?” He
held me tight. Mukhang wala siyang tulog. Pero kahit ganoon, ang gwapo pa rin ng kapreng ’to.

“I’m sorry. Hindi ko rin alam. Kagigising ko lang din, hon.”

“Please don’t do this again, honey. Mamamatay ako sa pag-
aalala sa ’yo.” O.A. rin ’to. Pero pwede rin namang kiligin, ’di ba?

“Promise. Hindi ko talaga sinasadya, honey.” Bakit kasi
nahimatay ako at tama bang umaga na talaga ako nagkamalay?

“I know. But I’m glad you’re safe. May masakit ba sa ’yo?
Anong sabi ng doktor?”

“Okay na ang pakiramdam ko. Pero wala pa si Dok… Hey!”
Hinawakan ko ang mukha niya.

“I’m so sorry pinag-alala kita.
For sure pati sina Ate.”
He held my hand na nakahawak sa mukha niya.

“Hindi mo naman kasalanan, hon. Mas mag-ingat na lang tayo. Hindi ko kakayanin ’pag nawala ka.”

“Si Chloe, how is she?”

“Iyak siya nang iyak kagabi. Hindi nga mapatahan nina
Mommy at Ate, e. She wants you. Buti na lang nakinig sa ’kin.
She’s already awake noong umalis ako. Gusto nga sumama para makita ka na agad.”

“Kawawa naman ang bata.”

“Ang mahalaga ay ligtas kayo ng baby natin.” Hinalikan niya
ako sa labi.

“Uhm…”

Pareho kaming napalingon sa nagsalita. Si Dok Jerica pala, at
kasama niya si Nurse Ally.

“Sorry for interrupting. This won’t take long. Mabuti at duty
ko today dito sa ospital na ’to,” sabi ng maganda kong doktora.

“Trisha, pangalawang beses mo na ’tong nahimatay at hindi
magandang sa ospital lagi ang bagsak mo. ’Di ba’t ang sabi ko sa ’yo ay mag-iingat ka?”

“I’m so sorry, Dok. Napagod lang po siguro ako kahapon.”

“Bawal sa ’yo ang mapagod nang sobra. Nasa ikatlong buwan
ka na ng pagbubuntis mo. You have to be extra careful.”

“Yes, Dok. Sorry po talaga.”

“May dinagdag ako sa vitamins mo. Makatutulong ’yon para
maiwasan ang madalas na pagkahilo mo. Plus, you need to rest.”

“Salamat, Dok.”

Nagpaalam na rin siya pagkatapos niya akong tingnan ulit, samanatalang si Ally ay naiwan muna. Sabi ni Dok, pwede na raw akong lumabas.

“Ma’am, ang gwapo ni Sir, ah!” kinikilig na sabi ni Nurse Ally.
Natawa ako.

“Sige na nga! Tama ka na, Ally. Salamat ulit, ha? Hon, she’s Nurse Ally. Sa kanya ang cell phone na ginamit ko pantawag sa ’yo.”

“Salamat, Nurse Ally.” Kinilig naman si Ally. Haissst… “Bagay kayo ni Ma’am, Sir.”
Pagkatapos noon ay nagpaalam na rin siya.

After magbayad ni Xander, umuwi na kami. May nadaanan kaming convenient store kaya binilhan namin ng ice cream si
Chloe.

Naalala kong nagbilin nga pala siya kahapon. Kawawa
naman kasi ang bata, umiyak nang dahil sa ’kin.

Hindi pa man kami nakapapasok ng bahay, sinalubong na
agad kami ni Chloe.

“Mommy, you’re here!”

“Be careful, anak. Baka madapa ka naman,” sabi ko.

“I miss you, Mommy. Saan ka po galing?”

“May pinuntahan lang si Mommy, anak.”

“Let’s go inside, baby. Mommy needs to rest,” sabi ni Xander.

Sumunod naman ako sa kanila.

“Is Mommy sick, Daddy?” Napansin siguro niyang
namumutla ako.

“No, baby. Mommy’s fine na,” sagot ko sa kanya.

Tumabi siya sa ’kin sa sofa. “Mommy, I thought you left me.”

“Baby naman, alam mong hindi gagawin ni Mommy ’yon.”
Niyakap ko siya.

“’Di ba promise ko ’yon sa ’yo?”

“Basta Mommy, don’t ever leave me. Isama mo po ako ’pag
pumunta ka sa malayong place.”

“Promise, baby.”
Dumating na rin sa living area sina Ate Marga at Mommy.

“Saan ka ba galing, Trisha? Pinag-alala mo kami,” tanong sa akin ni Ate Marga saka niya ako niyakap.

“I’m so sorry, Ate. Nagising na lang ako kaninang umaga na nasa ospital na ako. Hinimatay daw ako. Mabuti at may nagdala sa ’kin doon.”

“Ang mahalaga ay ligtas ka.”

“Salamat, Ate.”

“Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?” tanong naman ni
Mommy Sandra.

“Okay naman na po ako. Sorry po at pinag-alala ko kayo.”

“Natural lang na mag-alala kami sa ’yo. ’Wag mo nang isipin
’yon.”

“Salamat po talaga.”

Nilapitan na ako ni Xander. “She needs to rest. Hali ka na sa
kwarto, hon.”

“Mommy, Ate, akyat na po muna ako.”

“Sige na, anak,” sabi ni Mommy.

“Baby, pasama ka kay Tita Marga. Ibinili kita ng ice cream,” sabi ko kay Chloe bago kami umakyat sa kwarto.

“Yehey! Let’s go, Tita,” yaya niya. Tinulungan pa ako ni Xander maglinis ng sarili ko at
magpalit ng damit. Ang sweet talaga ng husband ko.

“Hon, kaya ko naman,” sabi ko.

“Let me do this for you. I’m happy you’re here with us. Please, ’wag mo kaming iiwan.” Ayan na naman siya, e.

“Hon naman… Hindi ko gagawin ’yon, okay? Mahal na
mahal ko kayo.”

“And I love you more.” He then kissed me.

Ipinulupot ko naman ang kamay ko sa batok niya. Sino ba ang
gugustuhing iwan ang tulad niya? Tanga lang talaga si Choleen para pakawalan siya. Kaya hinding-hindi ako papayag na kunin niya sa ’kin si Xander.

“You need to rest, honey, habang kaya ko pang magpigil.”

“Ikaw talaga, Alexander!” Pinagkukurot ko siya.

“Aray naman, hon! Payakap na nga lang.”

Continue Reading

You'll Also Like

23M 402K 89
*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY...
50K 1.6K 14
* "You know, Sin. You don't need to wash me everyday." I, Synthia Lyrr Ulysses Tway, an adopted child of the filthy rich - Monte Lierro family...
24.4K 857 46
Rona Serene or Rose is a daughter of a famous business tycoon in the country. Despite being the rich girl everyone envies and wants to be, she remain...
23.2K 377 73
Akira Ross Marie Zamora Montefalco, one of the seven children of Alba and Adam Montefalco. A ruthless, fierce and a cold lady that can devour someone...