That Elementary Jerk! (Jerk S...

بواسطة billysmile13

2.6M 17.3K 1.4K

Ang lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Sky... المزيد

Prologue
Chapter 1: Mr. Peeler
Chapter 2: Time Waster
Chapter 3: His Fault
Chapter 5: Ms. Romantic Potato
Chapter 6: Mag-aaral daw?
Chapter 7: Positive Negative
Chapter 8: Lobo
Chapter 9: Acquaintance
Chapter 10: Mature Elementary
Chapter 11: F na F
Chapter 12: That Girl Part 1
Chapter 12: That Girl Part 2
Chapter 13: Gentleman
Chapter 14: Mr Peeler's Real World
Chapter 15: Peeler-Potato Syndrome
Chapter 16: Uniting Soul
Chapter 17: I Love You Negative!
Chapter 18: Playing Safe
Chapter 19: The Switch
Chapter 20: Clone
Chapter 21: Kuya Prince
Chapter 22: Careless Goofy (naCG)
Chapter 23: I Love You Positive?
Chapter 24: Chasing Goofy (naCG2)
Chapter 25: Unmutual Feelings
Chapter 26: Syncing Syndrome
Chapter 27: Hopeless
Chapter 28: Study + Hang Out
Special Chapter (with EXO)
Chapter 29: Option
Chapter 30: Dying
Chapter 31: Stick up Part 1
Chapter 31: Stick up Part 2
Chapter 32: Hot
Chapter 33: Comparison
Chapter 34: Physics Phyllis
Chapter 35: Opposite Repelling
'Epic'logue
Chapter 36: Test Him
Chapter 37: Child Way
Chapter 38: Authentic 'Peel'is Jerk!
Chapter 39: Power Rangers Tale
Chapter 40: Peelist Phyllis!
Chapter 41: Rings
Chapter 42: Gentleness or Choices?
Chapter 43: Attached
Chapter 44: Reaction Paper
Chapter 45: Phyllis?
Chapter 46: Bothered
Chapter 47: Testing Failed
Chapter 48: Hatred
Chapter 49: Troublemaker
Chapter 50: April Fools
Chapter 51: Deceiving
Chapter 52: Tell Me Why
Chapter 53: Skyllis
Chapter 54: Fiction Jerk!
Chapter 55: Kilay!
Chapter 56: Expectation Vs. Reality
Chapter 57: The Marriage
Chapter 58: Faking It! (Edited 12/5/2014)
The Jerkiest Ending (Epilogue)
'Peeler'ngeorong Mensahe + Prequel (Before Story) + New Update 1/13/2016
Facts/ Trivia about TEJ
Title Alternative Survey
That Elementary Jerk's Group
That Elementary Jerk Self-Publish Book

Chapter 4: Guilty

83.9K 781 36
بواسطة billysmile13

"Gotcha!" nagulat naman ako ng may biglang humawak sa wrist ko! Ayoko na Lord! Help me! Katapusan ko na ba ngayon? This is Mr Peeler's fault! Hindi sana ako mapapahamak ng ganito! Napapikit nalang ako sa sobrang takot ko. Ayoko na! Natatakot na talaga ako!

Patuloy ko parin pinikit yung mga mata ko sa sobrang takot ko! Pero bakit ganun? Wala siyang ginagawa sakin kundi hawakan lang yung wrist ko? Hindi ko kayang pumiglas sa kanya dahil sobrang higpit ng pagkakapit niya sa wrist ko e. Naramdaman ko naman ang paghinga niya sa tenga ko kaya naman di na ko nagdalawang isip na magsalita.

"Pabayaan mo nalang ako! Marami pakong pangarap! Natatakot nako!" di ko maiwasang maluha sa mga nangyayare ngayon. Ayoko na talaga. Hindi ko na alam kung anung gagawi-----

"Aray!" piningot ba naman yung ilong ko! Ang sakit sobra! Namumula na ata! Napadilat naman ako sa pagkapingot niya. Pinaglalaruan lang din ata ako nito e! Tawa naman siya ng tawa nung pagkadilat ko. I hate him!

"Hahahahahahaha! Mga kadramahan niyong mga babae! Hindi ko na lang ipagtanggol yung mga tulad ninyo! Hahaha" I hate him! Nakita naman niyang takot na takot ako tapos pagtatawanan niya lang ako! How dare Mr Peeler jerk is trying to tease me in the middle of this suspense moment! Grrrrrrh! Oo siya yung nakahuli sakin!

"Get lost! I hate you I hate you I hate yo------"

"There she is!" napalaki naman yung mata ko sa nakita ko. Y-yung lalakeng sumalo sakin kanina?! Nakita niya kami nitong lalakeng to? PSH! Ipaglalaban kaya ako nitong lalakeng to?

"Tara na takbo!" napabigla naman yung katawan ko sa paghila sa'kin ni Mr Peeler! Psh! Walang hiya talaga tong lalakeng to! Imbis na labanan niya yung mga lalake e pinatakbo pa niya ko ng malayo! Nakita naman niyang pinagtatangkaan na ko e!

"Y-you're not ev-even a g-gentlem-man huh huh! Y-you did-didn't f-fight b-baaaaaaaack!" sigaw ko naman sakanya! Inunahan ba naman ako sa pagtakbo! PSH! Hingal na hingal nako dito tapos binitawan ba naman ako para mauna siyang tumakbo! How useless is this guy!

"Ride on! You can do it!" at pinatakbo pa niya ko habang pinapaandar niya yung kotse niya! This is unbelievable! Pinapatakbo pa niya ko ng mabilis! Eh hindi ko na talaga kaya! Hanggang sa mejo bumagal naman yung sasakyan niya at bigla naman akong napahawak sa kamay niya at nakapasok din! Nasurvive ko y-yung gulo dun!

Napasandal nalang ako sa kotse niya at napapikit! Sobrang pawis na pawis nako! Gusto ko nang magpahinga sa dorm ko! Anu ba kasing balak ng lalakeng to sakin e! Buti nalang malamig dito sa kotse ni Mr Peeler! Kung hindi, baka naghubad na ko dito! Joke!

"Hmmmm! So now, you should thank me for saving your life Miss Romantic Thing!" kinurot naman niya yung ilong ko at kinindatan pa ako. Pasalamatan siya? Wow! Is he blind?!

"Pinabayaan mo 'kong tumakbo ng malayo, pinahabol mo sakin yung kotse mo, muntik na'kong patayin ng mga lalake dun tapos papasalamatan pa kita?! Wow! How gentleman is Mr Peeler is right?!" I said to him sarcastically! Ang gentleman niya lang naman kasi diba?

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko sa kanya kundi nilagay niya lang yung fist niya sa side ng ulo niya at nakatingin sa bintana. Habang ako, nakatitig sa kanya habang sinisigawan ko siya. "Hindi mo lang naman ako pinagtanggol sa mga lalake dun. You didn't fight back over me!" malakas kong sabi sa kanya. At nagsimula naman siyang magsalita.

"The kind of guy that you're talking about only exist on movies. Kaya kung ineexpect mong lalabanan ko yung mga lalake kanina, nagkakamali ka. You should fight back for yourself. Kaya mo naman yung sarili mo e! Pano kung hindi ako dumating don? Edi narape kana ng mga yon?" he exclaimed. Ito na naman kami e. Nagsisimula na naman sa debate since the first day I encountered him! Lagi siyang ganyan! Gusto niya lagi siyang tama! Hindi siya nagpapatalo!

Hindi nalang ako nakasagot sa sinabi niya. Tumingin nalang din ako sa bintana ng kotse niya habang yung driver niya ay parang hindi na alam kung san magbabyahe ang kotse. There's an awkward sound right now! After that argument of ours in this car, first time kong napatahimik. Siya lang ang nagpatahimik sakin sa ganitong klaseng sagutan. He got the point but it's like, there's something that is still wrong. Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi niya o hindi. O half agree ba ko sa opinion niya o not agree?

"S-Sir nandito na po tayo sa Mall. Magshoshoppi------"

"Bababa nalang ako! Hatid mo nalang tong babaeng to! Magcocommute nalang ako" bigla naman niyang sabi at deretsong bumaba ng sasakyan. Bakit ba siya ganun? Bakit ba ang pikon niya? Why is he so upset? Nagalit siya sa sinabi ko? Naguilty? Ang labo naman ng lalakeng to!

Bumaba ako ng kotse at tinawag ko siya. Ang drama drama naman kasi nito e!

"Hey! Stop!" patuloy ko padin siyang tinatawag pero hindi na siya lumingon pa. Ang drama talaga nito! Hindi ko alam kung makokonsensya ba ko o magguiguilty sa nagawa ko e. Ang drama drama niyang tao! Parang babae!

"Ma'am! Hatid ko nalang po kayo sa bahay niyo sabi ni Sir" gusto ko sanang tumanggi kay manong driver pero baka naman anu pang gawin ng boss niya sa kanya. Pero nakakahiya e! Utang na loob ko pa sa kanya to!

"Hindi sige okay lang po ako! Magjejeep nalang po ako. Hanapin niyo nalang po si Mr P---- yung boss niyo po sa loob ng mall. I'm sure hindi pa nakakalayo yun" sabi ko naman sa kanya pero kamot na kamot na siya sa batok niya e. Hindi niya ata alam kung anung gagawin niya.

Sinamahan ko nalang siya sa paghahanap kay Peeler guy! Masyado naman kasing madrama yun e! Mas babae pa ata sakin yun e! Akala mo nawalan ng kayamanan kung makapagwalk out ng ganun e!

Halos nilibot na namin ang buong paligid pero hindi padin namin siya nahanap. Hindi ko na alam kung maiinis ako o magaalala e! Ang drama drama naman kasi nun!

"Kuya wala talaga siya! Nasan naba yung boss mo?" pagaalala kong tanung kay kuyang driver. Eh kasi naman e! PaVIP naman tong lalakeng yun! Hindi naman siya Big Bang para maging fandom ng VIP!

"Siguro po nakauwi na yun o nakasakay na ng taxi. Iuuwi nalang po kita Ma'am. Bilin niya po kasi sakin yun e!" wala akong nagawa kundi tumango nalang. Ang labo naman kasi ng lalakeng yun e! Masyado talagang madrama!

Sumakay na kami sa sasakyan nang magsimula nang magdrive si kuyang driver. Bakit ba parang alalang alala ko dun sa lalakeng Peeler na yun? Malaki nanaman yun? Pero bakit ba parang nagaalala na ako sakanya nung hindi namin siya nahanap?

"K-kuya. Ganon ba talaga yung alaga niyo? Bakit ba parang ang sungit sungit nun?" tanong ko naman sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Ah si Sir Phil? Tahimik lang po talaga yun! Sa totoo nga po ngayon lang yan sumigaw e. Ngayon ko lang din po narinig na nagalit yun e. At sayo lang po siya nagalit ng ganun" nagulat naman ako sa narinig ko. Siya? Sa 'kin lang siya nagalit ng ganun? Parang hindi naman halata?

"Sa totoo nga lang po, masayahin po yan si Sir Phil e. Mababa po yung pasensya tapos tahimik lang po talaga. Mabait po yun! Minsan nga siya pa nagdidrive pag may pupuntahan kami e habang ako nakaupo lang po" mabait nga siya. Pero bakit ganun? Bakit ba hindi halata? Pero pag sakin ang harsh niya. Tapos pinabayaan niya lang akong patakbuhin kanina gamit ang kotse niya. Hay! I need some answers that questions my brain!

Nakarating na kami sa Sparluke ng wala sa oras. Mabilis naman kaming nakarating kaya naman nagpaalam nalang ako at nagpasalamat. Quarter to 9 nadin ang oras ngayon kaya naman pumunta agad ako sa dorm para gumawa ng assignments at homework ko. P-pero yung gamit ko nasa restaurant pa! At nandun yung mga gamit ko! Iba na talaga pag tanga!

Since 1 block away lang naman yung restaurant, nilakad ko nalang siya. P-pero pagkarating ko, s-sarado na! Nakababa na yung bakal e! Wala na! Nasa loob yung uniform at bag ko! Pano ako makakapagaral niyan? Pano ako papasok? Eh 9 o'clock pa naman ng umaga yung bukas nun!

Nag-ayos nalang ako ng sarili ko pagkapunta ko sa dorm ko. Isang kwarto lang naman siya. Studio type lang pero makalat sobra! Hindi pa kasi ako nakakapagligpit e! Sobrang busy ko na. Bugbog kasi ako sa trabaho at sa pag-aaral lately. Pero mabubugbog talaga ko bukas nito sa restaurant, patay!

---

Pumunta ako ng restaurant ng maaga. Hindi ko na pinasukan yung first period class ko kasi wala nga akong uniform! Isa nga lang to e! Tapos araw araw ko pa siyang nilalabhan! Napaupo nalang ako pasandal sa bakal ng pagsarado ng restaurant habang hinihintay ang magbubukas nito. Papikit pikit yung mata ko dahil inaantok pako. Grabe naman kasi e!

"K-Ky! Huy gising!" tapik naman ng guard sakin ng restaurant. Si kuya guard. Magkavibes kami kaya siguro pagbibigyan ako nito na pumasok muna sa loob para kunin yung uniform at bag ko.

"Kuya guard! Papasukin mu muna ko ah? Naiwan ko kasi yung bag at uniform ko e. Wag mo nalang sasabihin kay boss na dumaan ako dito ha?" tumango na lamang ito at nagmadali akong pumasok sa restaurant. Hinanap ko yung bag at uniform ko sa locker room pero bakit wala? Nandito lang yun sa locker ko e!

"Um kuya guard! Nakita mo ba yung gamit ko kahapon sa locker room? Wala kasi dun e!" pagtatanong ko naman ng mabilis. Late na kasi ako e. Ayokong ring masigawan ng boss ko at baka kung anu pang gawin sakin nun!

"Hindi e! Pero kung alam mo lang Ky, nako! Galit na galit si Ma'am kahapon! Parang sasabog na ata!" kinabahan naman ako sa narinig ko. Baka tinapon na sa basurahan? Wag naman po sana! Bahala na nga!

"Sige salamat nalang po!"

Tumakbo ako papunta sa dorm ko para kumuha ng pera. Oo mayaman ako ngayon! Kukuha nalang ako ng pera sa alkansya ko! Bibili nalang muna ko ng uniform! Imbis na ipapadala ko nalang to. Sayang naman talaga! Si Mr Peele----

"Hay di ko alam kung kasalanan ko ba to o yung lalakeng yun"

Pumunta ako sa hallway namin para pumunta sa room 300. Dun kasi yung bilihan at sukatan ng uniform e. Kaya dumeretso na ako dun kahit na pinagtitinginan na nila ako na iba yung suot kong damit at kakaiba ako. Hay!

"Uniform nga po! Yung whole set" sabi ko naman sa babaeng nagbabantay doon at kinuhanan ako ng isang set duon.

"That will be Php 3,550.00" napanganga naman ako bigla. Grabe ganyan pala kamahal yung uniform dito sa Sparluke! At nakita kong bagong bago talaga. Iba yung neck tie, yung pin nito tapos may panyo pa siyang kasama. Old version na pala yung sakin.

Kahit na sobrang nanghinayang ako, binili ko padin yung uniform ko. nagbigay naman ako ng 4 thousand sa babae para bayaran ang uniform ko. Ang 4 thousand na pinagipunan ko ng anim na buwan sa paghuhugas lang ng plato! Biglang sumakit yung kamay ko! Naramdaman ko yung pagkahinayang!

Sinuot ko na siya sa dressing room at umalis naman agad agad. Late na kasi ako e. Nagayos na rin ako ng buhok ko pero bakit parang iba? Nakatsinelas lang pala ako! Bakit ganoon!

"Skype Tenefrancia, Come with me in the office right now!" pagsasalubong naman sakin ng isang babae nang makita niya kong papalabas ng room 300. Nagsumbong kaya yung lalakeng yun sa nagawa ko sakanya? O maeexpeled na ako ng tuluyan? Eto nanaman yung kaba ko!

Pumasok ako sa office nang umupo nanaman ako sa harapan ng head na kinausap ako tungkol sa scholarship ko kahapon. You're in a big trouble Skype!

"Hello again Ms Tenefrancia" nagbow nalang ulit ako bilang pagbati sakanya. Kinakabahan talaga ko. Hindi ko alam ang igagalaw ko ngayon.

"I heard some of the rumors yesterday that you had an argument with Mr Rocke at the library. Can you tell me why did you do that?" maayos naman yung pagkasabi niya sakin. Very calm and somewhat like she talks to me like she need to hear my side eventually! Kinabahan naman agad ako sa narinig ko. Pero rumors? Ang bilis mo naman kumalat!

"Uhm! Sorry about that but he's playing jokes on me Ma'am. Hindi po kasi siya nagseseryoso kahapon nung tinuturuan ko siya. Alam niyo naman po kung joke time o hindi diba?" ang bastos ata ng pagkasabi ko! Patay kana talaga Skype! Sa kalye kana titira!

"I know! But please understand his side. Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa niya sayo. But------ Hindi kasi talaga siya marunung sa elementary algebra and he doesn't write easily so all I need is your help okay? I want you to be patient and calm okay?" at nagbigay naman siya ng sign na pwede na akong lumabas para bumalik sa klase ko. Nagguiguilty ako sa ginawa ko sakanya! Bakit ba hindi ko naisip na seryoso naman pala siya kahapon? Bakit inisip ko kaagad na niloloko niya lang ako? Na he's trying to make some jokes on me. Bakit?

Para ka talagang ewan Skype! Naguguilty ako sa nagawa ko! Buti nalang may pasensya pa yung head dito kung hindi, wala na ulit akong scholarship at hindi na ulit ako makakapagaral! Oh why?

---

Eh hala naguilty nadaw siya! haha eh wala e! hindi daw muna siya nakapagisip! haha so ayun ang update taran! haha kung may nagbabasa man! ayun langs!

Dedicated to Lady and cher! honey and bears yeah wooo! Ay Sonny and cher pala yun at Ladycher pala! haha kasi siya gumawa nung covir ko at supportive siya sakin yay! salamat ulit!

--KB

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

154K 5.4K 48
Crush is paghanga, iyon ang sabi nila. Oo, nagsisimula ang lahat sa paghanga hanggang sa lumalalim. Paano kapag malalim na? Crush pa rin ba ang tawag...
859K 2.6K 7
THIS STORY WILL BE REMOVED FROM WATTPAD SOON :(
397K 16K 40
✨PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE✨ - Genevieve Hutton's life is almost perfect. She couldn't ask for more because she has everythi...
25.5K 519 32
"Mahal naman kita ah! Ikaw nga lang sandalan ko kasi dalawa ang likod mo." Hay! Si Doom yan. Boyfriend ko. Ay---EX na pala. Masyado kasing LAITERO eh...