Be my Girlfriend for 100 Days

By vjlat09

13.3K 426 50

Ako si Jane, naniniwala ako na sa pagibig dapat: Walang dapat rules, kasi di mo naman kelangan diktahan ang l... More

Be My Girlfriend for 100 Days.
Chapter 1: First Encounter.
Chapter 2: Enemies
Chapter 3: The Bitches
Chapter 4: Her Past.
Chapter 5: My Hero.
Chapter 6: His Past.
Chapter 7: First Date?
Chapter 8: Punishment.
Chapter 9: In a Relationship for 100 Days.
Chapter 10: Getting to know each other.
Chapter 11: Family Bonding.
Chaper 12: Best Actress.
Chapter 13: First Night Out.
Chapter 14: Rio & Alex #Complicated
Chapter 15: The Promise Necklace.
Chapter 16: Strangers.
Chapter 18: Scavenger Hunt.
Chapter 19: Dance with Me.
Chapter 20: 1st Monthsarry
Chapter 21: The Erguiza Family.
Chapter 22: Movie Date.
Chapter 23: The Malabanan & The Erguiza Family!
Chapter 24: Mr. & Ms. Top 1

Chapter 17: Andrei & Lovely #Awkward

202 9 0
By vjlat09

(Day: 22)

Andrei's POV

"Oh buti naman Andrei nakarating ka ng maaga! Kumusta naman ang byahe mo wala bang naging problema?" Salubong sakin ni tita Cora, oo yung mama ni Jane

Nagtataka siguro kayo bakit ako nandito, siguro masasabi ko na simula ngayun dito muna ako kena Jane titira,

Nung nasa batangas ako nagtatrabaho ako sa call center eh siguro nakita nung manager namin na puspos ako sa pagtatrabaho binigyan nya ako ng mas malaking opputunity na makaipon ng mas malaki dahil mas malaki daw suswelduhin ko kung dito muna ako sa maynila magtrabaho,

Nag-stop kasi ako sa pagaaral, dahil nagkasakit si Mama, kami nalang dalawa eh kaya walang ibang aasahan si mama kundi ako lang, pero pinangako ko naman na babalik ako sa pagaaral, nagiipon lang talaga ako, pero mukhang matagal tagal pa yun,

Sa sweldo ko na 15 thousand yung half nun ay para sa gamot ni mama at sa mga check-up nya, yung half nun pambayad ng kuryente at pambili ng pagkain yung kalahati naman sa pagaaral ko nilalaan,

Pero ngayung andito na ako sa maynila na halos doble ang sweldo ko, hopefully mas mabilis ang pagiipon ko at makapagpatuloy parin ako sa pagaaral

"Jane anak andito na si Andrei" katok ni tita sa kwarto ni Jane

Pagbukas ng pinto "oh insan andito kana pala ano kumusta?"

"Ayus naman mukhang aalis ka ata ah?" Nakapang-alis kasi sya baka may pupuntahan

"Oo eh samahan ko lang si Mama mamalengke ok lang ba dito ka muna? Kung gusto mong magpahinga o maligo dito kana muna sa kwarto ko sakto bagong linis yan"

"Haha sipag insan ah! Sige sige ayus lang intayin ko kayo dito"

"Yaan mo Andrei iho padating na din tito mo intayin mo nalang sya kelangan na namin magmadali at baka maubusan ng fresh na mga isda" sabi ni tita at umalis na sila,

Pumasok ako sa kwarto ni Jane, mukhang kelangan ko nga talaga munang maligo bago magpahinga, nangamoy usok na ako sa sobrang daming sasakyan dito sa maynila, at ang init sobra kaya tagaktak na ang pawis ko,

Nakita kong may nakahanda ng tuwalya sa higaan ni Jane, kilalang kilala talaga ako ng pinsan ko haha kaya kinuha ko yun

Dumaretso na ako sa banyo at naligo, siguro maninibago ako dito, na di ko kasama si Mama, pero ayus lang andun naman si Lola di naman nya papabayaan si Mama, para sa kanya din naman to, tiis tiis nalang kahit medyo napalayo ako,

Natapos na akong maligo, shit nakalimutan ko yung brief ko at damit ko sa bag, nagtuwalya nalang muna ako, wala namang tao dito eh,

Paglabas ko ng pinto "HOOOOOY JANE!" Shit nagulat ako at bigla kong nabitawan ang tuwalya

"AAAAAAAAAAAAHHHHH" sabi ni Lovely na nakatakip ang mata

Kinuha ko agad ang tuwalya ko at itinakip ko kay junjun, nako naman nakakahiya sa kanya!

End of Andrei's POV

Lovely's POV

"Lovely ikaw ba yan?" Nagulat ako sa sinabi ni tito,

Di ko sya napansin na nasa likod ko pala, andito ako sa harap ng bahay nila, sarado ang pinto eh mukhang walang tao,

"Tito may kukunin lang po ako kay Jane pero mukhang walang tao eh"

"Andyan lang si Jane sa bahay siguro nasa kwarto nya sinira lang ng Mama nya ang pinto dahil pumunta ng palengke sige pasok ka" at pumasok ako,

Hinayaan ako ni tito na dumaretso na sa kwarto ni Jane para kunin yung naiwan kong folder,

"Jane si Lovely to pabukas ng pinto" sabi ko habang kumakatok sa kwarto nya, "Jane buksan mo to sige ka sisirain ko to haha" biro ko sa kanya,

At mukha talagang walang balak buksan ang pintong to ah! Baka natutulog? O kaya naka headset,

Inikot ko ang doorknob at binuksan ng konti, oh bukas naman pala eh kaya binuksan ko ng todo ang pinto at sabay "HOOOOOY JANE!" Sigaw ko

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko! Si Andrei nakahubad sa harap ko! As in hubad na hubad

Kaya naman tinakpan ko ang mata ko at "AAAAAAAAAAAAHHHHH" napasigaw nalang ako

At tumalikod na din ako "sorry sorry lovely di ko alam andyan ka nagulat lang ako"

"Hmm sige na baba nalang ako" at nagmadali akong bumaba hanggang sa boooooooooogs shit ang sakit nahulog ako sa hagdan,

Dali dali naman pumunta sakin si Andrei para tulungan ako pero sa halip na makatingin ako sa kanya lalo akong nahirapan sa sitwasyon, nakahubad lang talaga sya at tuwalya lang ang nakatakip sa kanya

"Anung nangyari dito?" Tarantang tanong ni tito

"Nahulog po si Lovely sa hagdan tito" at binubat ako ni tito papuntang sofa

"Oh Andrei magbihis ka muna at hilutin mo si Lovely para di mamaga ang paa nya" at taranta ding umakyat si Andrei sa kwarto ni Jane

End of Lovely's POV

Jane's POV

"Ma kayo nyo po ba yan? Iwan nyo nalang po muna dito ang iba at babalkan ko nalang po"andito kami kakababa lang ng tricycle, madami dami din kasi pinamili namin eh

"Ayus kang anak kaya ko to yan lang bahay natin eh" at binuhat na naman lahat ng pinamili namin

Binaba ko muna ang dala ko para buksan ang pinto at nagulat akong nakita si Lovely na nakaupo sa sofa habang hinihilot ni Andrei ang paa nya,

"Oh Lovely anung ginagawa mo dito? At anung nangyare sayo"

"Eh kasi insan kanina sa kwarto pag bukas ko ng pint...."

"Nahulog kasi ako sa hagdan" biglang sabi ni Lovely na naging dahilan ng pgputol sa sasabihin ni Andrei

"Ha? Iha masakit paba ang paa mo? Nako naman sa susunod dahan dahan lang ah!"

"Opo tita, medyo ayus na naman po dahil hinihilot na naman po ni Andrei"

"Nako buti at andito si Andrei napakagaling maghilot nyan eh simula bata pa yan tagapaghilot ko na yan pag masakit katawan ko eh diba Andrei?"

"Haha tita tanda nyo pa po ba yun? Haha di naman ganung kalala yung pagkabagsak nya, medyo nabugbog lang po siguro to kaya medyo kumikirot pero mamaya po wala na din po to"

"Ay nako Lovely nakakadalawa kana ah! Una yung sa resort pangalawa eto nako superhero muna talaga yang si Andrei"

"Hehe mukha nga eh superhero talaga?" Alangan na sagot ni Lovely anu ba nangyare sa dalawang to at awkward sila

"Anu ba kasi talagang nangyare sa inyo"

"Kasi nga yung sinasabi ko kanina na pagbukas ko ng pinto ay...."

"Kasi nagmamadali ako pagakyat eh hindi ako nakatigin sa dinadaan ko kaya nahulog ako hehe" at isa pa ulit sabi ni Lovely at natigilan na naman si Andrei

"Bat ba nagmamadali ka? Namiss mo ba ako sobra? Haha"

"Oo miss na kita kaya excited ako tsaka kukunin ko yung naiwan kong folder kahapon"

"Aaaay oo nga pla sige sige kukunin ko mamaya"

"Aysa ako muna ay magluluto ng tanghalian natin ah! Dito kana din magtanghaluan Lovely magluluto ako ng ginataang alimango! Jane ikaw muna bahala sa kanila" at umalis si Mama

"Sige ok na Andrei" biglang alis ng paa ni Lovely kay Andrei

"Sure kaba baka masakit pa?"

"Hindi na salamat talaga di na sya masakit"

"Suus dapat nga akong magsorry dahil kung di dahil sakin hindi ka magkakaganya"

"Huh? Dahil sayo?" Tanung ko kay Andrei

"Oo kasi nga pagbukas ko ng pinto ay biglang..."

"Goodmorning!" Masiglang bati ni Mark na nasa pintuan namin

"Haaay di na nga ako magsasalita" sabi ni Andrei haha paano naputol na naman sasabihin nya

"Yes!" Pabulong naman na sabi ni Lovely

Anu ba talaga nangyayari dito? May something eh!

"Oh andito ka pala Andrei? Pati ikaw Lovely? Wag nyong sabihin sakin na?"

"Oh Mark wag OA ok? Dito na titira si Andrei kasi dito na din ang work nya sa Manila si Lovely naman may kukunin lang sakin ok gets?"

"Haha ganun ba? Mukhang destiny to ah! Diba Andrei?"

"Ah eh hahha ewan!" Sabay kamot sa ulo

Nakita ni Mark na medyo nahihirapan si Lovely maglakad "oh Lovely nabalian ka?"

"Oo eh"

"Bakit anung nangyare?"

"Kasi nga kanina pagbukas ko ng pinto biglang nyang..."

"Oh Mark iho andito ka din pala?"

"Opo tito dumalaw lang po ako"

"Sabi ko dun nalang muna ako sa taas at aayusin ko ang gamit ko" pagtatampong sabi ni Andrei hahaha naputol kasi yung kanina pa nyang gusto ikwento eh kaya lang si Papa dumating haha

Habang nagkukwentuhan sina Papa at Mark lumapit ako kay Lovely

"Hoy anu ba yung gustong ikwento ni Andrei at di nyamatuloy tuloy?"

"Aaah eeh kasi kanina ano pagbukas nya ng pinto aaay biglang may daga syang nakita oo daga na napakalaki diba takot ako sa daga edi yun tumakbo ako at bigla akong nahulog heheh oo ganun nangyari kanina"

"Daga? Eh kalilinis ko lang kanina ng kwarto ko wala naman akong nakitang daga eh? Talaga bang may daga sa kwarto ko? Ay natatakot na ako" ayaw ko pa naman din sa daga

"Nahuli naman ni Andrei at natago na nya yung daga, kaya wala na yung malaking daga hehe"

Huh? Ang weird haaay basta kung anu man yun buti at ok na si Lovely,

Maya maya nakaluto na din si Mama, dito na din kumain si Mark samin, kwentuhan at tawanan lang kami sobrang saya ng ganito

Ganito pwesto namin:

              Andrei        Mark
Mama                                  Papa
              Lovely         Jane

"Dapat pala dalasan natin ang ganito, bisita ulit kayo dito samin Mark at Lovely ha! Isama nyo din si Alex at Rio ipagluluto ko kayo ng masasarap!" Sabi ni Mama

"Grabe tita sobrang sarap po ng luto nyo request po tita puchero naman" excited na sabi ni Mark

"Babe specialty ni Mama ang puchero baka pag natikman mo di kana umuwi haha" biro ko

"Ikaw talaga anak nahihiya naman ako, sige Mark ipagluluto kita nun, ikaw Lovely anung gusto mo?"

"Ako po tita mahilig po kasi ako sa dessert eh, favorite ko po yung Letche Flan"

"Oh talaga? Si Andrei sobrang sarap gumawa ng Letche Flan tuwing Rest Day yan sa work andun yan sa bahay gumagawa ng Letche Flan para ibenta at sobrang sarap!"

"Oo nga Lovely pag natikman mo yung Letche Flan ni pinsan nako baka di mo na sya iwan hahaha" biro ko haha

"Ikaw talaga Jane!" Sabay hampas na konti sakin haha

"Sige ipaggawa kita Lovely" sabi bi Andrei sabay ngiti

Nagkakatinginan lang kami nina Mama, Mark at Papa haha para kasing may iba sa dalawang ito eh,

"Paano po tita thank you sa masarap na masarap na pagkain mag-volunteer na po ako na ako na po ang maghuhugas ng pinggan"

"Nako Mark iho wag na ako na bisita ka dito eh"

"Tita ok lang po baka isang araw anak nyo na din po ako kaya masanay na po kayo!"

"Ikaw talaga sige mapilit ka eh hehe"

"Sige Babe tulungan na kita" kaya inayos na namin lahat ng pinggan at dumaretso sa lababo

Habang naghuhugas ng pinggan "bakit ka nga pala nandito? Di kaba kelangansa coffe shop mo?"

"Hindi andun naman si Erik eh kaya na nya yun"

"Eh sa bahay nyo di kaba hinahanap?"

"Jane bakit parang ramdam ko di ako welcome dito sa inyo?"

"Di naman sa ganun pero baka magalit mama mo na lagi nalang tayong magkasama?"

"Ok lang naman kay Mama yun tsaka busy din sila sa mga negosyo nila, yaan mong maging busy naman ako sayo!" Sabay kindat

"Ikaw talaga" sabay hampas ng malakas sa balikat "magseryoso ka nga"

"Seryoso naman ako eh" sabay harap sakin ng seryosong mukha at nakatingin sa mata ko ng daretso "seryoso ako sayo!"

Nababaliw na ba tong lalaki na to? Lakas ng trip neto ah! Tumira ba to ng bato kanina

Kaya ginawa ko pinitikan ko ng sabon sa mukha nya "lakas ng trip mo hahaha"

"Aray Jane yung mata ko" biglang nyang sabi habang nakahawak sa mata nya "pumasok yung sabon sa mata ko Jane"

"Nako nako sorry sorry mark" sabi ko habang hinahawakan yung mukha nya "idilat mo yung mata mo" eh hinaharang kasi yung kamay sa mata nya

"Masakit nga kasi" ayaw talagang tanggalin eh

"Ikaw kase eh akin na nga hihipan ko nga"

"Kasalanan ko pa eh nilalambing na nga kita"

"Haay nako ang dami kasing alam akin na" at inalis ko ang kamay nya sa mata at dinilat ang mata nya at hinihipan ko to "ano ok na ba?" Hinihipan ko parin "masakita pa ba?" Tuloy tuloy lang paghipan ko habang napansin ko nakangiti na tong loko na to kaya tinulak ko sya "haaay nako Mark anu bang trip mo haaaays" sabay walkout

"Hoy di pa tayo tapos dito andami pang huhugasan!" Sigaw nya sakin

"Ewan ko sayo ang landi mo" at nagdaredaretso ako naglakad palayo haha bahala sya dun maghugas magisa daming kasing alam ang landi landi pa!

............

PLEASE VOTE & COMMENT GUYS!!

FOLLOW NYO NA DIN AKO HAHA

SALAMAT ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
29.1K 1.3K 19
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...