Be my Girlfriend for 100 Days

Por vjlat09

13.3K 426 50

Ako si Jane, naniniwala ako na sa pagibig dapat: Walang dapat rules, kasi di mo naman kelangan diktahan ang l... Más

Be My Girlfriend for 100 Days.
Chapter 1: First Encounter.
Chapter 2: Enemies
Chapter 3: The Bitches
Chapter 4: Her Past.
Chapter 5: My Hero.
Chapter 6: His Past.
Chapter 7: First Date?
Chapter 8: Punishment.
Chapter 9: In a Relationship for 100 Days.
Chapter 10: Getting to know each other.
Chapter 11: Family Bonding.
Chaper 12: Best Actress.
Chapter 13: First Night Out.
Chapter 14: Rio & Alex #Complicated
Chapter 15: The Promise Necklace.
Chapter 17: Andrei & Lovely #Awkward
Chapter 18: Scavenger Hunt.
Chapter 19: Dance with Me.
Chapter 20: 1st Monthsarry
Chapter 21: The Erguiza Family.
Chapter 22: Movie Date.
Chapter 23: The Malabanan & The Erguiza Family!
Chapter 24: Mr. & Ms. Top 1

Chapter 16: Strangers.

177 9 0
Por vjlat09

(Day: 16)

Sunday ngayun, at pabalik na kami ng Manila, umalis na sina Nicole at Andrei, kami naman eto pasakay na ng kotse pero ang weird ni Mark nakatitig lang sa kotse na nasa tabi namin at biglang kinuha ang cellphone,

"Hello Ma, nasan kayo?" Tinawagan pala ang mama nya, "sure ba kayo? Bakit parang andito yung kotse nyo?" Huh? Napatingin tuloy ako sa kotse na yun, sa Mama nya yun? Ibig sabihin andito sila? "Ah ganun po ba baka nga katulad lang sige ma bye" at binaba na nya ang tawag

"Andito Mama mo?" tanung ko

"Hindi daw sa kanga yan baka katulad lang daw"

"Ah baka nga"

"Pero di ako pwede magkamali kay Mama yan eh"

"Diba nga sabi ng mama mo katulad lang, tsaka kayo kang ba may karapatan na magkaganyan ng kotse dito sa pilipinas?"

"Babe oo may iba ding tao na may ganyan na kotse pero imposible na parehas magkaparehas pati ang plate number" ay oo nga may poin sya pero kasi...

"Haaay tamang hinala ka talaga Mark"

"Babe hindi ako pwede magkamali malakas ang pakiramdam ko na may iba"

"Alam nyo kotse lang yan baka magLQ pa kayo umalis na kaya tayo? Haha" sabi ni Rio, ay oo nga pala may kasama nga pala kami hahahaha

Eh pano kasi tong si Mark tamang hinala, eh ano naman kung andito ang Mama nya -.-' haayy ewan ko sa kanya kaya umalis nalang kami

End of Jane's POV

Mark's POV

Pagkatapos ko ihatid sina Jane umuwi na ako ng bahay, 8pm na din ako nakarating ng bahay,

"Hi kuya!"salubong sakin ni Thea at nilapitan ko sya at kiniss sa forehead,

"Where's Mom?"

"I don't know kuya kahapon pa sya wala hindi nga dito natulog eh"

"Talaga? Eh anung sabi ni Daddy?

"Wala parang alam naman nya nasa si Mommy eh, wait lang kuya ha I'll finish first my homework" at tumango lang ako

San naman kaya pumunta yun? Tanda tanda na hilig pa maglakwatsya kaya tinawagan ko sya ulit "Hello Ma nasan kaba? Di ka daw dito natulog sa bahay sabi ni Thea?"

"Oo nak andito ako sa hmmm sa Bicol kasama ko mga kaibigan ko pauwi na din ako anak"

"Bicol? Eh sabi mo kanina nasa Pampangga kayo?"

"Ha? Wala akong sinabi panpangga, anak naman bingi kana ba, basta pauwi na ako ha sige na bye!" At pinagbabaan ako ng cellphone,

May kakaiba talaga kay Mama, kung anu man yun panigurado malalaman ko din yun

*kinabukasan

"Babe san kayo mamaya?"

"Wala baka tumambay lang kami nina Lovely"

"Sama kaba Mark?" Tanung ni Lovely

"Dun nalang kayo tumambay sa coffee shop namin"

"Sige tara para naman makalibre kami!" Sabi ni Lovely

Paalis na kami nina Jane sa school, habang naglalakad kami kinakausap ko si Jane sina Lovely naman nasa naglalakd sa una namin kaya di kami rinig

"Kung sakali man na may lumalit sayobat tinanung ang tungkol sakin alam mo na sasabihin mo diba?"

"Oo alam ko na, eh sino ba yung mga yun?"

"Basta, kelangan lahat makaalam na tayo na kahit mga hindi mi kilala dahil malay ko kilala pala ako ng kausap mo tapos sabihin mo hindi tayo"

"Bat ba may ganan Mark? Iligal ba yan at may susunod sakin ha!? Naku sinasabi ko talaga sayo!"

"Hindi nga ang kulit ko naman eh makinig kana lang!"

"Ewan ko sayo puro ka utos" at naglakad ng mabilis para maabutan sina Lovely

Haaay nako ang girlfriend ko talaga mukhang may dalaw naman, wagas ang pagkasungit eh!

End of Mark's POV

Lovely's POV

"Babe dito muna kayo may aasikasuhin lang ako" sabi ni Mark

"Sige" sagot naman ni Jane

Andito kami sa coffee shop nila, grabe ang ganda talaga at nakakarelax ang itsura, halatang halatang pang mayaman, ngayun ko lang nalaman na may coffee shop pala si Mark, sa itsura nya kasi mukhang puro kalokohan kang alam pero nagkamali ako matalino na masipag pa at may patatanguhan ang buhay di tulad ng ibang mayayaman dyan, puro sa maling bagay nilalaan ang pera nila,

"Oh my God girl, ang dami dami nating tinatambay eh pwede naman pala dito" sabi ko

"So alam nyo na kung saan tayo lagi tatambay? Haha" sagot ni Jane

Nagkwentuhan lang kami, si Mark naman nagpaalam na may pupuntahan lang daw saglit,

"Tayo ba pinipicturan nun?" Tanung ni Alex na nakatingin sa nasa likod ko

May isang babae na nakabalabal nanagpipicture samin, di namin makita ang mukha kasi nakashades pero mukha syang mayaman, maputi sya at ang ganda ng porma yun nga lang parang nagtatago sya

"Tingin ko Jane ikaw ang pinipicturan nya?" Sabi pa ni Alex

"Huh? Bakit naman ako?"

"Girl sikat kana ata eh" sabi ko

Parang napansin na nung babae na sya ang pinaguusapan namin kaya nagmamadalu syang umalis, parang takot mahuli?

"Anu kayang problema nun? At nagmamadali umalis?" Tanung ni Alex

"Baka naman nagpipicture lang dito sa coffee shop nagkataon lang na satin nakaharap" sabi ni Jane

"Hindi eh parang may mali"

"Yaan mo na Alex umalis na naman sya eh" sabi ko

Pero curious nga ako dun ah!? Haha may stalker si Jane? Pero parang hindi naman, kasi medyo matanda na yung babae, at mukha namang mayaman anung kelangan naman nun kay Jane?

End of Lovely's POV

Mark's POV

"Ok lang kayo dito?" Tanung ko sa kanila

"Hmm yeah medyo strange lang kasi kanina may nagpipicture kay Jane siguro stalker nya" si Jane may stalker?

"What do you mean Lovely?"

"Ah nothing forget about it baka nagkamali lang kami, by the way una na kami ni Alex salamat nga pala sa libre namin" at tumayo na sila ni Alex

"No problem balik nalang kayo kung gusto nyo" at nagpaalam na sila, ng makaalis sila umupo ako sa harap ni Jane

"Anu yung sinasabi ni Lovely?"

"Ah kanina kasi may nakaupo dun na babae tapos may hawak na camera pero baka blogger lang sya na pinipicture yung coffee shop mo nagkataon lang samin nakaharap ang camera"

Napaisip ako sa sinabi nya, sino kaya yung babae na yun? What does she want? Bakit nya inistalk si Jane?

"Basta Jane if someone ask you tungkol sa kung anung merun sabihin mo I'm your boyfriend kahit di mo kilala ok?"

"Huh? Eh bakit naman?"

"Jane may mga hindi ka kilala na tao na kilala ako ok? Kelangan natin mag ingat kung hindi someone will know that we were just pretending, naiintindihan mo ba? We need to be extra careful when we're talking to strangers speacially you! Baka mahuli tayo!" At tumango lang sya

Kelangan kong malaman kung sino yung babae na yun? Malakas ang kutob ko there's something on that lady kung bakit nya ginagawa to! I hope my family have nothing to do with this.

End of Mark's POV

Jane's POV

Andito ako sa may convenient store malapit sa bahay,bnagutom ako kaya bumili ako ng meryenda ko, kukunin ko na sana yung chichirya na gusto ko pero may biglang kumuha nun

"Ahhmm sorry" sabi nung babae, napatingin ako sa kanya, parang nakita ko sya?

"Nagkita na po ba tayo?" Tanung ko sa kanya, medyo matanda na sya pero maganda sya at mukhang mayaman

"Aahh eeeh di pa siguro hehe" sabi nya at tinitigan ko parin sya, at namukaan ko na din

"Aaah kayo po yung sa coffee shop tama po ba?" Tanung ko sa kanya

"Ahh oo nga ikaw ba yun? Hmm sorry"

"Kayo po yung kumukuha ng pictures samin diba po ba? Blogger po ba kayo? Mukhang pini-feature nyo po yung coffee ni Mark"

"Ah kilala mo si Mark?"

"Bakit kilala nyo din po ba si Mark?"

"Ah hindi! Ano kasi narinig ko na si Mark yung mayari ng coffee shop gusto ko sana sya makausap para matanung ko sya about sa coffee shop nya kasi tama ka ano blogger nga ako oo blogger ako!" Sabi nya na medyo natataranta

"Ganun po ba gusto nyo po pwede ko po kayo tulunga na makausap si Ma...."

"WAG!" Biglang nyang sinabi na dahilan kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko "ano kasi wag na salamat nalang hehe nakausap ko na kasi yung waiter dun sa coffee shop ok na nasagot na nya lahat ng tanong ko" at napalunok sya

"Ah ganun po ba sige po una na ako" sabi ko sabay ngiti paalis na sana ako pero....

"Teka! Pwede bang sayo ako magtanung?"

"Huh? Anu po yun?"

"Mukhang kilalang kilala mo na si Mark ah!?" Ano mo ba sya kaibigan? Close friend o ano?" Huh? Ang weird naman ng tanung nya, kasama ba sa isusulat nya ang relasyon ko kay Mark?

"Aahhmmm" di ko alam isasagot ko pero naalala ko yung sinabi ni Mark kanina eh "boyfriend ko po si Mark"

"Boyfriend mo sya? Kelan pa? Paano? Bakit?"

Ano daw? Sunod sunod ang tanong nya

"Ah sorry! Kasi kasama talaga yun sa pagre-research hehe sige na alis na ako salamat!" Sabi nya at sabay alis

Medyo weird si tita ah!? Oo tita kasi mukha naman syang nanay na! Pero ang ganda nya sobra, siguro kahit may edad na sya madami parin sya followers sa blog nya, ganda siguro ng lahi nila,

Umalis na din ako dun umuwi na ako ng bahay, nadatnan ko si Mama na umiinom ng tubig sa kusina

"Oh Ma? Bat gising pa po kayo?"

"Ikaw saan ka galing? Gabi na oh?"

"Bumili lang po ako neto" at pinakita ko sa kanya yung dala ko

"Kumusta naman ang school mo?"

"Ayus lang naman Ma, wag po kayong magalala nakapagadjust na naman po ako"

"Haaay buti naman kung ganon, at buti nalang din naging boyfriend mo si Mark

"Huh? Ma? Bakit naman?"

"Kasi simula nung pinakilala mo samin si Mark naging kampanti na ang loob namin na totoong maayos ka sa school nyo, dahil andun si Mark para protektahan ka! Kahit siguro nabigla kami ng Papa mo na malaman na may boyfriend kana naging panatag na din ang loob namin, dahil nakita namin kung gaano kabuting bata si Mark, nakikita naman sa'yo na masaya ka! Kaya masaya na din kami"

Sabi ni Mama, nakakatuwa lang isipin na pinagkakatiwalaan nina Mama si Mark, totoo naman sinabi ni Mama eh, andyan si Mark para protektaha ako, para tulungan ako, kahit napasungit nun ayus lang sanay na ako sa kanya,

Sabay hawak sa necklace na bigay ni Mark at napangiti ako. :)

............

PLEASE VOTE & COMMENT GUYS!!

FOLLOW NYO NA DIN AKO HAHA

SALAMAT ^_^

Seguir leyendo

También te gustarán

2.6M 102K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
141K 5K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
65.5K 2.2K 55
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.