My Enchanted Tale

By RenesmeeStories

6M 117K 11.2K

MY ENCHANTED TALE EDITING AND REVISING. "Ayisha Ryleen Heartlock a simple girl who dares to defy fate. Will... More

WARNING
Prologue
1 ❀ Charm World
2 ❀ Believe
3 ❀ Brand New Life
4 ❀ First Day
5 ❀ Mind Reader
6 ❀ Charm Five
7 ❀ Fire
8 ❀ Bipolar
9 ❀ Flame
11 ❀ Her Power
Charm 12 ❀ Those Eyes
Charm 13 ❀ Training
Charm 14 ❀ Eyes of Fire
Charm 15 ❀ Twisted Power
Charm 16 ❀ More Complicated
Charm 17 ❀ Sweet Side
Charm 18 ❀ Mortal World
Charm 19 ❀ Enchanted
Charm 20 ❀ Idiot
Charm 21 ❀ Great Day
Charm 22 ❀ Khyra's Dare
Charm 23 ❀ Game Twist
Charm 24 ❀ Stranger
Charm 25 ❀ Unjust
Charm 26 ❀ Upshot
Charm 27 ❀ Rival
Charm 28 ❀ Strange Feelings
Charm 29 ❀ Sorry
Charm 30 ❀ Stalker
Charm 31 ❀ Sapphire
Charm 32 ❀ Training
Charm 33 ❀ Certified
Charm 34 ❀ Training
Charm 35 ❀ Official
Charm 36 ❀ Feelings
Charm 37 ❀ Solution
Charm 38 ❀ Happiness
Charm 39 ❀ Wedding
Charm 40 ❀ Key of Hearts
Charm 41 ❀ Unexpected
Charm 42 ❀ Traitor
Charm 43 ❀ Pain
Charm 44 ❀ Light of Death
Charm 45 ❀ Lost Princess
Charm 46 ❀ Twisted Identity
Read: Summary
Charm 47 ❀ Fairytale
Charm 48 ❀ The Book
Charm 48 ❀ What Jealousy Can Do
Charm 49 ❀ Liahnna and Fiona
Charm 50 ❀ Fairies
Charm 51 ❀ Say It Again
Chapter 41* Academy's Festival [Part3]
Chapter 42* The Masquerade Ball
Chapter 43* Surprise Surprise
Chapter 44* Broken into Pieces
Chapter 45* My Happy Ending
Chapter 46* Breaking Up
Chapter 47* Will Cry No More
Charm 48 ❀ Hypnotism
Charm 49 ❀ Right Here in My Arms
Charm 50 ❀ Blazing Anger
Charm 51 ❀ Twisted Reality
Chapter 52* Shit Happens
Chapter 53* Her Power
Chapter 54* Truth Revealed
Chapter 55* The Start
Chapter 56* Tame the Monster
Chapter 57* She'll be Back
Chapter 58* Final Assail ( Part 1 )
Chapter 58* Final Assail ( Part 2 )
Chapter 59* Ever After
Chapter 60* Last Pages ( Part 1 )
Chapter 60* Last Pages ( Part 2 )
Epilogue
Please Read
SC: Louie's Reaction
SC: Bella & Kyle

10 ❀ When It's Raining

95.8K 1.9K 136
By RenesmeeStories

Why can't you remember me?

***

"Run, run away from your cruel fate." Matinding pagtataka ang nangyari sa'kin dahil sa mga katagang iyon.

"Your charm will be yours, just wait and the time will come." Pagsasabi naman ng isang boses na pinagtaka ko. Mas malinaw at mas nangingibabaw kasi ito, kaysa sa narinig ko kanina.

"Run, Ayisha. Don't go near the flame!" Lalo akong nagtaka noong marinig ko ang boses nanaman na iyon, kilala ko ang malabong boses na iyon, na nagsabi kanina lang na tumakbo ako at nagsasabi pa din ngayon na tumakbo ako. Si mama iyon. Si mama.

"Just wait and the time will come." I heard again the powerful voice.

"Run Ayisha! Don't go near the flame, or you will experience the pain!" Nag-echo ng mabilis ang boses na iyon, hanggang sa parang hinigop nanaman ako ng isang dimension, at dahil sa nangyari iyon ay mabilis kong naimulat ang mata ko.

Noong maimulat ko iyon. Nagulat ako noong nakita ko ang mata ni Louie na nakatitig ng mabuti sa mga mata ko.

In those eyes, I saw a blazing flame, which causes a troubled feeling inside and I unconsciously said strange words.

"Don't get burn by the blazing fire, from his eyes." And everything went black.

***

"Ayisha! Ayisha!"

"Yisha!"

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, noong marinig ko ang pagtawag sa'kin ng iba't-ibang boses. Noong una ay malabo ang paningin ko, ngunit unti-unti naging malinaw din ito.

Nakita si Bella at Emerald, ganun din si Kyle, Vien at Charlene. Nagtaka agad ako dahil doon.

"Omygosh, okay ka na ba Ayisha?" Nag-aalalang tanong ni Bella. Marahan akong umupo at napahawak sa ulo ko. Medyo kumirot kasi ito. Tiningnan ko ng nagtataka si Bella.

"Eh?"

"Omygash! May amnesia ka?!" Nag-hyhysterical na tanong ni Bella. Muntik ko na siyang batukan dahil doon. Ang oa din talaga minsan ng kaibigan kong ito. Mana sa'kin, kaya't nagkakasundo kami.

"Sira ka talaga, Bella. Wala nagtataka lang ako bakit andito ako sa-- ah teka, asan ba ako?" Takhang tanong ko sabay tingin sa paligid, puro kulay puti kasi ang nakikita ko.

"Andito ka sa healing room, nahimatay ka daw kanina kaya't sinugod ka dito ni Louie." She explained, napatango at napa-'ahh' na lamang ako doon. Agad akong napalingon sa paligid at hinanap si Louie ngunit wala siya. Napabuntong hininga na lang ako, asa naman akong andito iyong kupal na iyon.

"Bakit ka ba na himatay?" Nag-aalalang tanong ni Bella.

"Ha? Ahh. Baka kasi hindi ko kinaya yung force na naramdaman ko kanina." Pagdadahilan ko. Alam ko lahat ng nangyari kanina, at nagtataka pa din ako bakit ganun ang sinasabi sa'kin ni mama. Anong meron sa flame? Bakit kailan ko lumayo doon? Bakit nakakita ako ng apoy sa mata ni Louie? Dahil ba fire charmer siya? Marahil ay ganun na nga.

"Sigurado ka?" Bella queried further. I just nodded.

"Oo." Plain na sagot ko. Napabuntong hininga na lamang siya doon. Saka ako napatingin kayna Kyle. Ngumiti sila sa'kin at tumango.

"Huwag ka na kaya muna mag-training ulit." Charlene suddenly suggested. "Mag-pahinga ka na muna, baka lalo kang manghina niyan." Dagdag pa niya, napatango na lamang ako doon.

Nag-stay muna sila sa clinic o healing room dito, para sa'kin, pero may parte sa'kin na si Louie ang hinahanap. Bakit? Anong meron? Simula pa noong una kong nakita si Louie, may kakaiba na sa'kin kaya nga naging crush ko siya, hindi kaya nag-iilusyon na ako? Bakit ba naman kasi ganito ang nararamdaman ko? Tsk. Nababaliw na ata ako.

Hindi nag-tagal umalis na din sina Bella, dahil may klase sila. Naiwan ako doon at pilit na iniisip ang mga katagang narinig ko kay mama. Noong bata pa kasi ako noong mamatay sila, hindi ko iyon ganung natandaan dahil sa sakit na dinanas ko sa pagkawala nila. At ngayon lamang ulit ako naremind sa mga katagang iyon.

Flames? Bakit?

Nanatili akong nakahiga at nakatitig sa puting kisame, patuloy na iniisip kung ano bang ibig sabihin noon. Naalala ko din na sinabi noon ni mama na, nakaguhit na ang tadhana ko. Hindi ba't tayo ang gumuguhit ng sarili nating tadhana? Nasa choices natin ito? Pero... bakit ganun ang sinabi sa'kin?

Napa-iling na lamang ako ng marahas. Nag-oover think na siguro ako. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, nagulat ako noong may pumasok dito at umupo sa tagiliran ng kamang hinihigaan ko.

Ni hindi man lang ako nito tingnan at para lamang akong hangin. Hindi pa ako nasanay ganito namang makatingin ang lalaking ito. Nanatili ang mahabang katahimikan sa'min hanggang sa nagsalita siya.

"You're seriously a trouble." Agad naman akong napataas ng kilay doon. Yabang talaga, lakas maka-trouble trouble. Kasalanan ko bang mawalan ako ng lakas at parang nawalan ako ng hinga noong makita ko iyong mata niyang may apoy?

Inirapan ko na lamang siya, pero nag-salita pa din siya. "I hate you for making me feel worried." Mahinang bigkas niya sabay ang pag-buntong hininga. Pero ako naman ay natigilan. Te-teka... Ano daw? Pwede paki-ulit?

Omg! Bigla akong na touch! Hindi ko alam ang mararamdaman ko! Totoo ba iyong naririnig ko? Totoo ba? Gosh, kung ito panaginip lang, huwag nyo na ako gisingin, syempre joke lang. Haha.

"E-Eh?"

Agad niya akong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko. "Tss." Asar na banggit niya habang nakakunot ang noo. Pero unti-unti lumambot ang facial expression niya saka napabuntong hininga.

"Why do I feel like you are deeply connected to me?" He suddenly asked that surprised me.

Nanlaki ang mata ko doon at napa-awang ang labi. "H-hindi kaya magkapatid tayo?" Gulat na tanong ko. Agad niya akong binigyan doon ng death glare niya, kaya't itinikom ko ang bibig ko.

"Tss."

"Hindi nga?" Pangungulit ko sa kaniya.

"Tss, don't make me repeat it." He coldly retorted. "And another one, why can't you remember me? Tsk." Agad naman napataas ang kanang kilay ko doon.

"Eh?"

Agad siyang napa-hilot sa sintido niya sa pagkaasar sa pagiging slow ko. Natawa naman ako doon, ang cute niya talaga asarin kahit kailan. Pero teka? Anong sabai niya ulit? Why can't you remember me? Bakit?

"Bakit?" Matinong sagot ko na sa tanong niya kanina. Actually, hindi pa din matino dahil sinagot ko ng tanong iyong tanong niya, aish! Nakakahawa ang pagiging moody niya!

"Nevermind." Matapos niyang sabihin iyon, umalis na siya ng basta basta. Habang ako ay naiwang nagtataka at nakatulala. Ibang klase, iniwan ako namay pala-isipan sa utak ko. Ang garapal talaga ng ugali kahit kailan. Kailangan ko na talaga dapat masanay.

Hindi nag-tagal umalis din ako doon, dahil uwian na. Nag-kita kami ni Bella at Emerald at matapos noon umalis na kami at umuwi.

* * *

"Bye! Ayisha, mag-ingat ka na sa training mo ha?" Pag-papaalala ni Emerald at Bella sa'kin, tumango tango naman ako doon at saka kumaway upang mag-paalam. Saka ako dali daling tumakbo sa meeting place namin ni Louie, para sa training ko.

Noong makarating ako doon, nakatingin siya sa wrist watch niya. "Just on time." He said with his monotone voice, agad naman akong napangiti doon. Mabuti na lang at on time ako, baka mamaya gawin nanaman akong thrall nito.

"Paano training natin ngayon?" I asked. Katulad ng inaasahan, hindi niya ako pinansin at nag-simula na ulit siyang mag-lakad. Snob talaga. Sinundan ko na lamang siya dahil wala akong magagawa.

Habang nag-lalakad kami hindi ko maiwasan mailang, dahil pinag-titinginan kami ng mga estudyante, hindi lamang iyon ang dami dami din nilang sinasabi. Kesho, girlfriend daw ba talaga ako ni Louie, ang chaka ko naman daw para maging girlfriend ng kupal na ito. Argh. Mga charmers nga naman na ito. Lakas din maka-panghusga. It's a nature in human being though, I mean speacial human beings pala sila.

Nagulat ako noong tumigil si Louie sa pag-lalakad kaya't napatigil din ako. Mas nagulat ako noong bumalik siya sa'kin saka hinawakan ang kamay ko at inintertwined iyon. Hala?

Pagkatapos niyang gawin iyon, nagsimuka na ulit kaming maglakad. Samantalang ako dumbfounded nanaman sa ginawa ni Louie. Bakit baga ang unpredictable at ang hirap basahin ng taong ito. It's like he'll do anything which will please him.

"Don't mind them, babes." He suddenly whispered near my bear ear, and I suddenly felt my cheeks heated. Say whut?! Bigla-biglang gumaganon? Sa totoo lang? Ibang klase ka talaga! Hindi ko alam mararamdaman kapag kasama ka!

Hindi nagtagal tumigil kami sa pag-lalakad, at nagulat ako sa kung saan kami tumigil. Nasa labas kami ng "Bibliothece." O ang library o archieve dito. Binuksan niya ang pinto doon, saka kami pumasok.

Agad akong namangha sa nakita ko, dahil ito iyong parang lumang library sa mortal word, iyong tipong sobrang tataas noong mga book shelves at mayroong mataas na ladder upang maabot ito. Mayroon ding mga glass display na parang mga artifacts o pinaka-lumang libro na sibrang importante. Nakakatuwa itong pag-masdan para akong dinala sa ibang era. Nakakamangha lamang.

Hinila ako ng hinila ni Louie hanggang sa mapunta kami sa dulong parte ng bibliothece kung saan mayroong mga upuan at lamesa kung saan pwede kang magbasa.

"Mag-aaral ka ngayon, huwag ka na muna mag-training physically dahil baka masaktan ka lamang." He said. Agad akong napatango tango doon.

"Stay here." Mahinahong wika nito, at saka siya umalis. Nag-hintay lamang ako doon na bumalik siya. Noong makabalik siya, nalaglag ang panga ko.

"Seryoso?" Tanong ko sa kaniya. Agad siyang tumango doon. "Seryoso." Pagsasabi pa niya. Hala? Parusa din ito! Sobrang dami niyang dalang libro. Alam niya bang hindi ako ganun katalino at marunong lamang? Bakit niya ako pinapahirapan. Ang sama talaga ng ugali.

"Bakit ang dami?" I inquired.

"Kasi hindi maunti." Ay walangya. Magaling nga din pala mambara ang kupal na ito. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin doon at saka padabog na kinuha iyong librong dala dala niya. Marahas kong binuksan ang pahina noon.

"Ingatan mo iyan. Baka gusto mong mag-bayad dito." Nag-make face na lamang ako sa sinabi niya. Nakakainis siya. Hindi nga ako magpapakahirap mag-training ng pisikal, ganito naman. Nakakatamad kaya magbasa minsa, kung hindi naman story ang binabasa mo tss.

Nag-simula na akong mag-basa samantalang siya ay tumabi sa'kin at umub-ob. Mukang matutulog pa. Hinayaan ko na lamang siya, saka ako nag-basa. Medyo naging interesado din ako sa binabasa ko dahil about ito sa iba't-ibang kaoangyarihan ng charmers, ang history ng mga nangyari sa charm world, pati na din ang Beelzebub World.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag-babasa doon, minsan nag-skip ako dahil may mga pictures naman, minsan naman tutok na tutok akong nagbabasa dahil nakakamangha iyong mga nababasa ko.

Hindi ko namalayan na halos nakaka-limang libro na din ako. Pero sa mga librong iyon, inis-scan ko lamang iyong iba, kaya't mabilis. Wala naman kasing interesting doon sa iba.

"Tapos mo na ba?" Nagulat ako noong biglang mag-salita si Louie, gising na pala itong kupal na ito, hindi ko namalayan dahil masyado akong focus sa binabasa ko ngayon.

About kasi ito sa "fate" na kung paano, hindi makawala ang mga iginuhit na ang tadhana sa malupit na kakaharapin nito. Habang nababasa ko nga iyon, nalulungkot at bumibigat ang pakiramdam ko. Ang lupit naman kasi noong mangyayari sa kanila.

"Siguro." I retorted, pagkatapos ay nag-basa ulit ako.

Maya-maya pa umalis kami at nag-lunch, pagkatapos naming mag-lunch ng medyo maaga, kaya't walang tao sa cafeteria, ay bumalik na din kami dito, at nag-simula nanaman ako mag-basa.

Nag-basa lamang ako ng nag-basa hanggang sa hindi ko namalayan ang oras at hapon na pala, kaya pala dumadami ang tao dito sa bibliothece. Napalingon pa ako sa mgababaeng nag-kukumpulan na nakatingin sa'min ni Louie, dahil rinig na rinig ko ang ingay nila.

"Sa tingin mo totoo na sila na ni Louie?"

"Ang sweet naman nila, lagi mag-kasama."

"Alam nyo di sila bagay."

"Bukas gagawa tayo ng plan."

"Hayaan nyo na sila."

Kaya-kayang usapan, at mga pinag-sasabi. Hindi ko na lamang sila pinansin, para naman kasing ikakaganda nila ang pagiging chismosa nila. Hindi ba nila alam na nakakamatay ang pagiging usisera? Tss.

Umalis ako sa kina-uupuan ko at naglakad lakad dito sa library. Naniningin ako ng libro na pwede basahin kada book shelves. Nothing interesting. Wala man lang akong nakita na magandang basahin. Hays.

Nagpatuloy akong mag-lakad dahil doon. Hanggang mayroong nakapukaw sa pansin ko. Ang ganda, parang na ilaw yung libro, kaso bawal ata kunin gawa ng nasa glass display ang libor na iyon. Tapos sa bawat corner nun ay may mga susi, iyong susi may iba't ibang shape star, leaf, waves, fire. Tapos sa gitna nung libro may nakaukit na hugis susi dun. Puso na parang kwintas naman sya.

Teka parang pamilyar?

Hinawakan ko yung salamin na kinanalalagyan ng libro tapos, hinawakan ko yung kwintas na bigay saakin ni mama na nasa loob ng damit ko, saka ko dandahang inilapit ang kamay ko sa glass display na iyon, hanggang sa...

"BABES!"

"Ay babes!"

"Tinawag mo akong babes?" Agad akong napatingin sa bigla bigla na lamang tumawag sa'kin este sa nag-salit pala ng babes, agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil doon. Tss.

"Asa ka, bakit kita tatawaging babes? Mga ka-kupalan mo talaga." I retorted. He chuckled, ang lakas mang-asar noong tawang iyon. Kakaltukan ko na talaga itong bipolar na ito.

"Bakit ka ba kasi pa-wala wala?" Pag-iiba niya ng topic.

"Naghahanap kasi ako ng magandang libro, ang boring kasi noong ibang ibinigay mo sa'kin." Paliwanag ko, he nodded mutely. "Huwag na. Bukas na lamang, umalis na tayo, magsasara na rin ang academy." Casual na sabi niya, kaya't sumunod na lamang ako sa kaniya.

Noong maka-alis kami sa bibliothece, si Bella agad ang hinanap ko, ngunit hindi ko siya makita. "Asan si Bella?" Tanong ko kay Louie, baka kasi alam niya kung nasaan.

"Malay ko kay Bella." Psh. Sabi ko nga wala akong makukuhang matinong sagot sa kanya.

"K. Fine." Iyon na lang sinagot ko. Baka mainis nanaman ako sa lokong 'to. Patuloy na lang kaming nag-lakad  hanggang sa naka-salubong namin si Charlene.

"Ayisha!" Bati niya sa'kin, kaya't ngumiti ako at binati din siya. "Hello, Charlene." I cheerfully spoke.

"Pinapasabi nga pala ni Bella, sabay ka daw muna umuwi kay Louie," She said while beaming. Pagkatapos ay bumaling siya kay Louie. "Louie ihatid mo daw si Ayisha sa bahay ni Bella. May mahalaga lang gagawin si Bella. Bawal tumanggi! Bye!" Tapos nagtatakbo na sya. Wait, what, ano daw?

"Teka lang!" Sigaw ko pero dire-diretso parin si Charlene. Napa-bagsak na lamang ang balikat ko, dahil wala na akong magagawa. Aish.

"Pano yan?" Malungkot na tanong ko kay Louie.

"Ano pa nga ba," Walang ganang sabi nito, sabay kibit balikat, at naglakad ng nakapa-mulsa, kaya't sinundan ko na lamang siya, kung saan siya papunta.

Maya-maya pa naka-rating kami sa isang room. Pagkatapos parang may hinahanap siya. Naupo na lang muna ako dahil ang boring din.

"Louie, ano ba hinahanap mo ha?" Tanong ko. Kanina pa kasi siya kalkal ng kalkal kung saan saan dito sa room na ito.

"Book of charmers." Simpleng sagot niya. Hinayaan ko na lamang siya na mag-hanap ng hinahanap niya.

Tumingin ako sa labas ng binta ng room na 'to. Tsk. Mukang uulan pa, makulimlim na kasi sa labas. Wala pa naman akong payong. Saka ayaw ko ng ulan. Natatakot ako. Naalala ko iyong nangyari kayna mama at papa noon.

Ang tagal naman nitong si Louie. "Psst. Wala pa din?" Inip na tanong pero hindi niya ako pinansin o ni tiningnan man lang. Katulad kanina, pinabayaan ko lamang siya, at pinag-masdan ang kalangitan.

Unti-unti may pumapatak na na-ambon, at dumudilim ang langit. Nakaramdam ako ng panlalamig at takot doon, tila bumabalik nanaman sa'kin ang itsura ng langit noong araw na umalis kami kaya't naaksidente sina mama at papa.

Napalingon ako kay Louie, gusto ko na siyang akitin paalis, ngunit busy pa din siya. Kaya't hindi ko na lamang siya inusisa, at napayakap sa sarili ko, dahil sa nagbabadyang malakas na ulan sa labas.

Maya-maya pa ay halos mapatalon ako sa gulat at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba noong biglang mag-sara iyong pinto at gumawa ng malakas na tunog. Kasunod noong ang mabilis din na pag-sasara ng mga bintana, kaya't lalo akong nag-taka.

Biglang natigil si Louie noon sa pag-hahalungkat at mabilis na tumakbo sa pinto at saka ito kinalabog. "Open this fucking door!" He angrily yelled.

"Damn it! Open it!" He bellowed. Lumapit naman ako sa kaniya ng nagtataka. Ang laki ng galit niya sa pinto ah.

"Teka nga, bakit ba ha?" Mahinahing tanong ko habang nakayakap sa balikat ko. Ang totoo niyan kinakabahan na ako dahil nakakarinig na ako ng mahihinang kulog at malalakas na pag-patak ng ulan, idagdag mo pa ang lamig ng paligid.

Kung mayroong mga taong gustong gusto ang ulan, ayaw na ayaw ko naman nito, dahil ibinabalik noon ang ala-ala ng masamang nakaraan.

"Ano ba Ryleen, natrap tayo oh!" Nabigla ako sa sinigaw ni Louie, at napa-atras ng kauntian, napatitig ako sa kaniya dahil doon. Hindi ako makapag-salita sa kaniya, at lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ahh!" Nagulat si Louie noong bigla akong sumigaw, kasabay ng malakas na kulog. Agad akong napa-takip ng kamay sa tenga noon, at dahan-dahang napa-upo habang nanginginig.

Unti-unti nanginig ang mga labi ko. Unti-unti bumalik sa ala-ala ko ang gabing kinatatakutan ko.

Halos mapatalon nanaman ako sa gulat noong biglang lumiwanag ng sobra dito dahil sa kidlat kasabay din noon ang malakas na kulog, kaya't napayakap ako ng mahigpit sa sarili ko. Pinilit kong pakalmahin ang sistema ko.

Napansin ko si Louie na lumapit sa'kin. "Okay ka lang?" He asked. Tinakpan ko lamang mabuti ang tenga ko dahil doon.

"Hindi, hindi okay lang--" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko noong biglang kumulog nanaman, napapikit ako ng mariin doon. Naiinis ako sa sarili ko, ang simple simpleng bagay lamang nito, pero nanginginig na ako sa takot. Bakit ba ang hina hina ko? Bakit ba ang duwag duwag ko?

Patuloy ang pag-kidlat at pag-kulog. Nilalamig na din ako dahil sa lamig ng paligid. Unti-unti sumasakit na din ang lalamunan ko, naiiyak na ako dahil sa takot na nararamdaman ko.

"Ryleen?" I heard Louie say, as I felt his arms draped around me.

"L-Louie." Nauutal na banggit ko sa pangalan niya, saka tumulo ang isang luha galing sa kanang mata ko. Hindi ko mapigilang maiyak dahil bumabalik sa ala-ala ko iyon.

"Shhh..." He comforted, while hugging me tightly. "Don't cry I'm here." Pag-papakalma niya sa'kin. Hinahagod na din niya ang likod ko. Kahit papaano, nawala iyong panginginig ko doon, pero bigla na lamang kumulog ng malakas, kaya't nagulat ako at napasigaw.

"Keep calm." He uttered, ngunit naiiyak pa din ako. Nararamdaman ko nanaman iyong sakit noong makita ko si mama na marahng pumikit noon at bawian ng buhay.

"Louie, pwede mo bang gamitin ang charm mo dito, para makalabas na tayo?" I asked.

"Gustuhin ko man, hindi nagana ang charm ko dito." Ramdam ko sa boses niya ang panginginig, marahil ay nilalamig din siya.

"Huh?"

"Ang room na to ay espisyal, hindi nagana dito ang kahit anong uri ng charm, special ito, para sa mga naparusahang mga pasaway na charmers." Mahinang banggit niya, napa-tungo ako lalo doon at lalong pinanghinaan ng loob. Hindi na rin ako nakapag-salita dahil doon.

"Mukang mag-iintay pa tayo hanggang bukas ng maga." Nanlumo ako sa narinig ko. Pano na? Takot na takot pa man din ako sa ganto. Pagkatapos ang lamig lamig pa, at ang lakas lakas ng ulan at kulog.

Lumipas ang oras at imbis na tumila ang ulan ay mas lalo pa itong lumalakas dahilan upang mas lumamig ang paligid namin.

"Louie?" Mahinang tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Wala wala." Tanging nasabi ko na lamang kahit gusto ko sana magkwento o magsalita sya, para naman kahit papano, mawala yung takot ko.

Nagitla na lamang ako sa biglang kidlat. At bigla kong naramdaman iyong kamay niya bigla hinawakan yung kamay ko. Iniwas ko ito, at tinggal ang pagkakahawak niya ng bigla siyang magsalita.

"Malamig, Ryleen."

"Pero-"

"Nilalamig din ako." Pagkatapos ay niyakap niya ulit ako gamit ang isang kamay niya at inayos niya pagkakaupo ko, inilagay niya rin iyong ulo ko sa balikat niya. Nakakailang man, naging kumportable ako sa ginawa niya.

Medyo, hindi na ko nilamig dahil sa ginawa niya. Ramdam ko sa bewang ko iyong isang kamay niya na mahigpit na nakayakap sa'kin. Pakiramdam ko namula ako ng dahil doon. Pagkatapos nilaro laro pa niya iyong buhok ko, at ramdam na ramdam ko din ang hininga niya. Nagkaroon tuloy ako ng kakaibang pakiramdam, nararamdaman ko nanaman iyong kakaibang connection, at ang bilis bilis nanaman ng tibok ng puso ko.

"Let's stay like this for a while." Noong sabihin niya ang mga katagang iyon. Hindi ko alam, pero naging sobrang gaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko safe ako dahil sa lalaking ito.

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 100K 83
What's dead should stay dead. When you mess with the natural order, things could go horribly wrong. Having a six-hundred year old rotting soul, for e...
41.1K 2.4K 22
𝐁𝐨𝐨𝐤 # 𝟏 𝐨𝐟 𝐓𝐡𝐞 𝐑𝐚𝐚𝐳 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬. Love or betrayal? Consumption of betrayals. Internal betrayal? Yes! Will they be overcome? Or W...
68.3K 3.4K 24
Janelle, an obestric&gynecology doctor crosses paths with an uprising athelete, Nehemiah Love, who is a Quaterback for the Red Bull Stallions. The pa...
114K 2K 13
When the Volturi attack, Hermione and Bella stand together. Both sides shocked by the others' secret lives, battles are fought and friendships are ma...