Maid Ako Ng Bad Boy Triplets

By MsDeJo

2.2M 93.3K 13.4K

Maging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Ma... More

Prologue
Chapter 1 (Alexandra Guevara)
Chapter 2 (Mga Hudas)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 ( Meet the bungangerang Hera!)
Chapter 8 (Improkritang Insekyora)
Chapter 9 ( Zyron! why o why?!)
Chapter 10
Chapter 11 (Famewhore)
Chapter 12 ( Word Of Wisdom Ni Sean)
Chapter 13 ( Zane, piggy back ride)
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Dance Performance)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 (Away Gangstah)
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27 (Finding Ziann)
Chapter 28 ( Stick-O)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31 (Ziann)
Chapter 32 (Zane)
Chapter 33
Chapter 34 (Field Trip)
Chapter 35 (Hug pa more)
Chapter 35.5
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42 (She Chosen, who?)
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 (The Truth)
Chapter 50
Chapter 51 (Bye)
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2 (Proposal)
Announcement Ng Magandang Author!

Chapter 43

36.8K 1.4K 217
By MsDeJo

Zyron's POV

Gumising ako ng tanghaling tapat na at nandirito parin sa bahay ni Kent, hindi ako pumasok kasi ......... kasi ano.

Nahihiya ako sa mga pinaggawa ko.

Lalo na kay paslit.

Nagluto ako kumain ng marami pero pabalik-balik parin sa utak ko yung mga tungkol kay paslit, napatigil ako sa pag nguya ng maalala ko ng halikan ko siya matapos ng maubos ko yung stick-O na kagat niya. Well wala naman talaga akong balak halikan siya gusto ko lang ay asarin siya pero hindi ko na alam ang tumakbo sa isip ko nung naubos na totally ang stick-O na nasa bibig niya at namalayan ko na lang na hinalikan ko siya.

Nabigla ako sa ginawa ko pero wala akong pinagsisihan dun at ang saya saya ko pa nga eh.

Nakita ko sa salamin dito sa dining ni Kent ang itsura ko at ang creepy ko shet! Bat ba kaso may salamin dito eh dining room kaya 'to!

Binilisan ko na lang ang pagkain at naligo na. Aalis ako, magpapahinga muna ako at mag iisip para maliwanagan ang utak ko.

I want to clear all my mess na nagawa ko.



***



Tanghaling tapat nasa isang park ako dito at nakaupo, ang daming mag kasintahan, mga bata, pamilya ang narito. Ako isang dakilang loner na gwapo.

Nakaupo ako sa isang upuan at nagpapahangin, nabalitaan ko yung pumunta daw mag isa sa Ospital si paslit pagkatapos ng ginawa ko. Ang sama ko talagang tao, may lagnat pala siya ng araw na yun kaya napansin ko ang pamumutla at yung mga mata niya ay matamlay. Pero bakit siya di nagpasama at mag isang dinala ang sarili niya sa Ospital? baliw talaga siya. Paano na lang kung may nangyaring masama sa kanya diba?




Konsensya: di mo kakayanin, kailangan mo pang humingi ng tawad sa kanya. Di mo kakayaning mawala siya.




Pa extra tong konsensya na'to ba. Edi ikaw na!




Tumayo ako at ibinaba ang suot kong cap para walang makakita sa akin at umalis.



Pumunta akong school pero di ako pumasok, nasa labas lang ako at inaantay siya. Oo siya, si paslit inaantay kong makalabas ng school. Pero di muna ako lalapit sa kanya titignan ko lang siya muli dito sa malayo, ng may lumabas ng estudyante binaba ko ang cap ko para takpan ang mukha ko.



Ang tagal naman lumabas ng isang yun. Sa pag aantay ko napatingin ako sa katabi kong ice cream vendor. Makabili nga.


"Kuya pabili nga po" sabi ko.



Tinignan ko yung mga color nung ice cream.


"Kuya pwede yung itong black na'to ang cool eh" turo ko sa black na ice cream na ....umm mukhang ewan ang itsura pero nakaka curious kasi yung lasa diba?




"Sige po" sabi nung vendor.





Inabot sa akin ng vendor yung ice cream ko at dinilaan muna ito sabay kinain. Ang sarap naman pala.



Alex's POV




"Sige mauna na kayo susunod na lang ako!" hiyaw ko at lumabas ng school.


Nakakita kasi ako ng ice cream na nagtitililing kaya gusto kong bumili. Tumakbo akong parang bata doon at bumili.



"Kuya ano flavor?" tanong ko.




"Eto ija" sabi nung nagtitinda at pinakita sa akin.

Lah?! May itim na ice cream, ayos tong si Kuya huh.

"Kuya ito pong itim, nakaka curious eh" sabi ko at tinuturo pa yung astig na bagong color ng ice cream. Ano kaya lasa nito?




"Sige, may kagaya ka ng flavor ah. Bihira kasing piliin itong black ng mga ibang nabili sakin kesyo daw di kaaya-aya tignan. Pero kayong dalawa ng lalaki kanina pinili niyo 'to, ayos ah" sabi ni kuyang tindero, kumunot ang noo ko at tinignan siya.




"Talaga po? Sino?" tanong ko.




"Yun oohh yung lalaking naka sumbrero ng black, parehas na parehas ang napili niyo" turo niya sa lalaking nakatayo sa gilid at naka cap nga kaya di ko makita yung mukha pero ang cute niya kumain ng ice cream.




"Thank you po" giit ko kay Manong bago umalis.




Syempre na curious ako kung sino yung lalaking yun kaya nilapitan ko, parehas kami ng napiling ice cream, tama nga si Kuya. Kaso di ko makita yung mukha niya eh kaya lumapit ako lalo sa kanya at yumuko ng unti para silipin ang mukha niya at......




Myghaadnesss.

"Zyron?" giit ko, nakayuko siya at pinagmamasdan akong sumisilip sa mukha niya at tumigil siya sa pagkain ng ice cream.



Parehas nanlaki ang mga mata namin at bigla na lang niya akong niyakap na ikinagulat ko ng sobra!



Nung niyakap niya ako nagpalit kami ng pwesto, nakatalikod siya sa mga taong nalabas ng school at ako ang nakakakita ng mga taong nalabas. At nadatnan ng mata ko si Ziann.




"Ssssshhh ayokong makita niya ako, kaya payakap muna" dinig kong sabi niya.



Para akong kinilabutan sa posisyon namin, namiss ko ang abnormal na'to.



Ilang minuto na din siguro na ganun ang posisyon namin kaya nagwawala talaga yung hart ko. Nang kumalas na siya ng yakap nakatulala lang ako pero hindi siya magawang tignan.



Nabigla nalang ako ng may nilabas siyang panyo at dinala yun sa kamay ko, at nakita kong tumutulo at natutunaw na ang ice cream ko waaaaaahhh!!



"Sayang yan kung matutunaw lang, masarap pa naman" sabi niya na busy sa pagpunas sa kamay ko na nakahawak sa ice cream na natutunaw na.




Bakit yung ice cream ang natunaw? Diba dapat ako kasi niyakap niya ako? Ang epal ng ice cream na ito ba.




"Oh yan kainin mona meron pa yan" napatingin na ako sa mukha niya ngayun na nakikita ko na kasi medyo tinaas niya yung cap niya.




Nakangiti siya sa akin! Waaaahh.





Kinain ko yung ice cream ko para di naman sayang at ang sarap nga! Naeenjoy ko na ata ang pagkain nun kaya lumalabas naman ang pagiging bata kong arte.



"Ang kalat mo naman" nanlaki na lang ang mga mata ko ng punasan niya ang nakakalat na ice cream daw sa labi ko.




Myghoodness! Diba galit siya sa akin? Bakit ang sweet niya naman ngayun yung tipong sasabog na ako dito?




"A-Ah thank you!" giit ko at umiwas ng tingin sabay pinunasan gamit ang braso ko ang labi ko kaya ndumihan ang uniform ko, diko pa naman suot blazer ko at puting long sleeves lang kaya namantyahan!



Kasi naman Zyron eh! Ikaw eh!




"Ang dugyot mo talaga" komento niya.



"Maganda naman" napa gasp ako sa sinabi ko at napatigil sa pagkain ng ice cream at ng tignan ko ang reaksyon niya padahan dahan.





Naka smile lang siya. As in smile!




"Talaga maganda ka? Where?" napalitan ang pagkagulat ko ng poker face, nang aasar naman siya ngayun.

"Dito sa peslak" turo ko sa mukha ko at umirap at kinain na lang muli ang ice cream ko. Hmp.




"Saan di ko makita?" sambit niya kaya hinarap ko siya pero wrong move kasi ang lapit pala ng mukha niya sa akin.



"Ayan kita ko na" giit niya habang titig na titig sa mukha ko at sobrang lapit niya! Kaya napalunok ako sa sarili kong laway.




Siya nakangiti na yung ngiting halata mong nang uurat at pinagtitripan ka -_-





"Chee" sabi ko at umiwas ng tingin at lumayo sa kanya.





"Hahahahaha ang epic mo!" at ngayun tinatawanan na niya ako.

-______- - ako.

^_________^ - siya.



Ang abnormal talaga niya kaya nagtataka ako bakit sa kanilang tatlo sa abnormal pa ako na in love? Hudas na nga abnormal pa.



"Alam mo kung tatawanan mo lang ako lalayas na ako" giit ko at nagsimula ng maglakad ng hawakan niya ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Usap tayo" maikli niyang sabi at titig na titig sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango tango bilang sagot.




**

Para kaming ewan dito na naglalakad sa tabi ng kalsada at walang nagsasalita. Nauuna ako sa kanya at nasa likod ko siya kaya diko alam kung ano bang ginagawa niya. Naglalakad lang ako at minsan nasagi sa isip ko na gusto siyang lingunin kaso nahihiya ako.


Naahh malingon na nga lang siya! Malay mo wala pala siya sa likod ko at inawan ako.

Kaya nilingon ko siya at tumigil sa paglalakad. Tumigil din siya sa paglalakad at nadatnan kong nakangiti lang siya habang sinusundan ako. Problema niya?

"Bakit ka ba nasa likudan ko?" kunot ang noo kong nagtanong sa kanya. Tinignan niya muna ako at nagsalita.



"Gusto mo tabi tayo? Sige" at naglakad siya palapit sa akin.



"Hin---------" natigilan ako ng nasa tabi ko na siya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Zyron......anong?" nagugulumihang kong sabi at inangat ang ulo ko para tignan siya.



"Halika na bilis" sabi niya lang at nginitian ako.



Bigla naman siyang tumakbo at hawak parin ang kamay ko kaya tumakbo na din ako at nagtatakbuhan kami dito sa tabi ng kalsada.




Kakaiba 'to, holding hands while running. Eh diba dapat holding hands while walking yun?


**

Tumigil kami sa isang park na wala ng tao dahil mag gagabi na. Juskoo hingal tuloy ang inabot ko!

"Nako naman kasi Zyron! Napaka isip bata at baliw naisipan ba namang tumakbo sa gilid ng kalsada?! Paano pag nabundol tayo!" reklamo ko habang nahingal at nakalagay ang dalawa kong kamay sa mga tuhod ko.



"Hahahahaha enjoy kaya! Tska nasa gilid po tayo ng kalsada wag kang bobo" pang aasar niya. Kaya inirapan ko sya.



"Ano na bang pag uusapan natin? Makabobo eh" sabi ko at naupo sa isang upuan at pinaypay ang sarili ko gamit ang isa kong kamay. Init naman kasi!




Naupo din siya pero nakatigilid at nakaharap siya sa akin.

"Kasi ano" pabitin niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya ng yumuko siya at nilalaro ang mga daliri niya.

"Ano, sorry" giit niya pero nakatitig lang ako sa kanya na nakayuko.



"Alam mo paslit dapat di na ako nagso-sorry sa iyo eh. Alam mo kung bakit? Diba nag sorry na ako sa iyo noon at sinabi kong di ko na ulit gagawin ang ginawa kong yun? Pero ngayun heto ako at nag sosorry ulit sa kagag*han ko. Para saan pa ang sorry kung patuloy paring gagawin diba? Pero sana mapatawad mo ako kahit unti lang"



Nanahimik saglit ang paligid at di ako nagsalita.

Inangat niya ang ulo niya mula sa pagkakayuko at hinarap ako.

"Okay lang kahit hindi mo na lang din ako mapatawad. Kasalanan ko naman kasi talaga, masyado akong mapanisi. Pero sorry parin kahit di mo man ako mapatawad" giit niya, tinignan ko siya sa mata at parang ewan na nangungusap yun.



Hindi ako nagsalita pero, dahan dahan akong gumalaw sa pwesto ko at niyakap siya. Paanong hindi mo mapapatawad ang taong mahal mo? Kahit anong ginawa niyang malaking kasalanan papatawarin mo pa rin siya kasi nga mahal mo siya.




Zyron's POV



Biglang napalaki ang mata ko ng yakapin niya ako, yung dalawa niyang kamay ay nakayakap sa leeg ko dahil pandakekang nga si paslit kahit nakaupo pa kami.

Shet ang puso ko.


Hindi ako makagalaw at parang nablanko ang utak ko pero biglang gumalaw ang dalawang kamay ko at niyakap din siya. Ibinaba ko ang baba ko sa balikat niya at napangiti.


Mahal ko nga siya, hindi ko lang siya gusto. Mahal ko siya.




"Okay na sa akin yun basta makipag bati ka sa mga kambal mo hah at humingi ng sorry" dinig kong sabi niya at magkayap parin kami.



"Oo na po Yaya" mapangutya kong sabi kaya kumalas siya sa yakap at sinamaan ako ng tingin.



"Cheeeee" sabi niya at umayos ng upo, kaya napatawa ako ng malakas pero nakatingin parin sa kanya at nakatagilid ang pag upo ko para makaharap talaga ako sa kanya.

"Nga pala" basag niya ng katahimikan, buong katahimikan na yun nakatingin lang ako sa kanya pero siya parang may iniisip kaya di napansin ang mga tingin ko sa kanya.




"Oh?" tugon ko at nakatingin parin sa kanya habang nakangiti.




Yumuko siya na ikinakunot ng noo ko at nagsalita na siya.




"M-May girlfriend k-ka na pala? C-Congrats hah!" sabi niya habang nakayuko.



"Hahahahahaha!!!" tinawanan ko lang siya ng pagkalakas lakas kaya nakita ko ang pagharap niya sa akin.

"Anong nakakatawa?" tanong niya.

Pinigilan ko ang tawa ko pero lumalabas talaga eh, di ko matigilan!

"Tsk" sabi niya at umayos ulit ng upo kaya tumigil ako at umayos din ng pag upo at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa park. Walang katao tao pero may apat na mga bata ang naglalaro pa dito.

I remember something nung bata pa tuloy ako. Pero mamaya ko na iisipin yun kasi tumayo na si paslit.



"Saan ka pupunta?" tanong ko at nakatingala sa kanya.



"Uuwi na? Gabi na oohh" harap niya sa akin at nakaturo pa sa langit. Baliw talaga.




Tumayo din ako at magkaharap lang kami.




"Maaga pa" sabay pisil ko sa pisngi niya.

"Bulag ka ba? Gabi na kaya madilim na. Tska ano na naman bang ginawa sa iyo ng pisngi kong Hudas ka!" reklamo niya. Namiss ko tuloy ang tawag niya sa amin, Hudas pfftt.

"Wala naman" sagot ko at nginitian siya ng napapikit na ang mata ko at labas ang mga ngipin ko.


"Nga pala, wala akong girlfriend tanga!" pag iba ko ng topic.




Bigla naman siyang humarap sa akin.




Alex's POV



Wala daw siyang girlfriend? Eh sino yung Andrea?



"Hah? Eh sino yung babaeng taga Deston na maganda at sinabi mong mahal mo?" tanong ko.

"Mahal ko? Hahahahaha!" aba't tinawanan na naman ako ng Hudas.

"May mahal ako pero hindi siya yun" pag sagot niya ulit.


Awwwtcchh shaket.


"Ah ganun ba?" mahina kong sabi at napatingin sa ibaba at ngumiti nalang.

Okay lang sa akin kahit di niya ako mahal, anong magagawa ko?


"Oo ganun na nga" masaya niyang sabi nakangiti pa nga siya eh ng inangat ko ulit ang ulo ko. Buti pa siya masaya.


"Halika na uwi na tayo-------" natigil ako ng hilain niya ang kamay ko para mahapaharap ulit sa kanya ng maglakad ako.



"Bakit?" tanong ko sa kanya.





Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na ikinabigla ko at nakayuko lang siya. Kaya sinilip ko ang mukha niya pero nakangiti naman siya? Sinasapian ba ito?

"Gusto mo malaman kung sino mahal ko?" giit niya at nanatiling hinawakan ang dalawa kong kamay ng dalawa niya ding kamay at nanatiling nakayuko.


Eh kung sabihin ko kaya sa kanya na ayoko kasi masakit sa hart ko diba? Tss.

"S-Sino?" nauutal kong tanong. Tinignan niya na ako pero hawak padin ang kamay ko kaya medyo napalunok ako ng laway ng tinignan niya ako.

T-Teka nga.........

Palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa mawalan na ng space at ......


Waaaaaahhhhh!!!! Hinalikan niya ulit ako.









Sa noo nga lang hihihi! Pero kilig parin sakin yun lalo na kay heart ko.



Lumayo siya ng unti pero malapit parin siya sa akin at amoy ko ang hininga niya dahil nakatapat lang ito sa ilong ko, maliit nga talaga ako :3



"Ikaw"










Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at lumakas ang kabog ng dibdib ko sabay napadiin ang paghawak ko sa mga kamay niya.





"Mahal mo .............. ako?" mahina kong sabi, yumuko naman siya at tinignan ako at nakangiti sya.


Shete naman! Zyron ihhh.



"Oo bakit bawal?" pagtatanong niya pero di ko na pinakelaman pa at parang natudo sa kinatatayuan ko.


Naramdaman ko na lang na nilapit niya ang sarili niya sa akin at niyakap ako, hinawakan niya ang mga kamay ko at inalalay itong makayakap din sa kanya at sumunod lang ako.

Naramdamanan ko naman ang pagyakap niya din sa akin kaya napatingkayad ako dahil sa matangkad siya sa akin at nilagay ang baba ko sa balikat niya at ganun din ang ginawa niya pero hinaplos haplos niya ang buhok ko.


"Mahal kita kahit bobo at tanga ka pa" dinig kong sabi niya.





A-Ano bang dapat gawin? Di ko na alam. Mamatay na ata ako dito. Help me awtor.





A/n:

Sorry po sa matagal na update .... Uwaaaahhh :< sorry talaga T^T.




Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
15.7K 834 61
Hindi lahat ng gangster ay sobrang sama.
38.9K 1.9K 33
She dies and that she is reincarnated in a book she just read and unfortunately she is able to possess the body of the villain Dalmea destined to die...
658K 13.5K 82
*- BoOk 1 and 2 na ito... maiksi lang pero sana magustuhan nyo poh... vote and comment din po sana ... Thanks poh -*