The Ways Of Love (The High Sc...

MarshmallowLoverX által

8.1K 149 15

High School...Ang napakagandang stage nang pag-aaral kasi, dito mararanasan mong mahalin at magmahal. Abangan... Több

~DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82 ~ Bonus Chapter
~WRITER'S NOTE
~WRITER'S NOTE 2

Chapter 69

23 1 0
MarshmallowLoverX által

(Fred's POV)

Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Bakit hinintay pa niyang malaman ko sa iba? Hindi ko na alam kung ano gagawin ko.

"Bro, why are you so down on the dumps? Are you okay?"-Greg.

Tumingin ako kay Greg at pinunasan ko luha ko. Ayoko makita niya ako na umiiyak. Asarin lang ako niyan.

"Are you crying? Bro, you sucks. Babae lang yan."-Greg.

Sinamaan ko siya ng tingin at agad naman siyang nag-peace. Umiwas ako ng tingin sa kanya at pumikit ako at hinawakan ko ang ulo ko.

"Hindi lang babae si Kirei bro. Buhay ko siya. Hindi ko makakaya kung mawawala siya."-Me.

Hinawakan ni Greg ang balikat ko at tiningnan ko siya. Kitang-kita ko ang pag-aalala ng mukha niya.

"Sorry bro. Pero naiintindihan kita. Sana mapatawad na din ako ni Mirei."-Greg.

"Kausapin mo kaya bro. For sure, maiintindihan ka niya kapag narinig niya explanation mo. Sige bro. May pupuntahan lang ako."-Me.

"Sama ako. Ang boring dito eh."-Greg.

Umiling ako sa kanya at nagpatuloy na ako'ng maglakad palabas. Kinuha ko yung kotse ko at nag-drive ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko lang mapag-isa.

Hininto ko yung kotse ko sa may park at bumaba ako dun. Umupo ako sa may bench at napatingin na lang ako sa paligid ko. Medyo magga-gabi na kaya tumingin ako sa langit at napaiyak na lang ako. Hindi ko alam pero inilabas ko na lang lahat kasi, parang hindi ko kakayanin.

Rrrrrrriiiiiinnnnnnggg

Biglang tumunog phone ko at nakita ko ang tumatawag. Nagulat ako at sinagot ko na lang.

"Hello. Kirei?"-Me.

"Uhmm Fred. May dapat ka malaman. Tungkol sa'kin. Sorry tinago ko sayo. 3 days ago ko lang nalaman eh. Hindi ko alam na may brain cancer ako. Sorry talaga."-Kirei.

Narinig ko na umiiyak siya. Hindi ko alam pero nanghihina ako. Siguro kapag narinig ko si Kirei na umiiyak, nanghihina ako.

"I already knew, Kirei. You don't have to say it."-Me.

Medyo nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang alam yung sakit niya. Kaya siguro siya na-late dun sa pagpunta kala Toll dahil dun.

"Sorry sa lahat Fred. Sorry."-Kirei.

"Hey, don't cry. Sige ka, baka magalit si Mr. Chicky kapag nakita ka niyang umiiyak."-Me.

Si Mr. Chicky ang imaginary friend namin ni Kirei. Naisipan lang namin yung pangalan na yun. Para kaming sira diba?

Narinig ko siyang tumawa pero mahina lang. Medyo nalungkot ako kasi, alam ko hirap na hirap siya sa condition niya ngayon.

"Ahh Kirei, mahal mo ba ako?"-Me.

Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Siguro, gusto ko lang na makasigurado na mahal niya ako.

Bakit hindi siya nagsasalita? Ano kayang problema?

"Naiintindihan ko Kirei. So, I guess we have to mov..."-Me.

Umiiyak siya? Bakit na naman siya umiiyak?

"Mahal kita Fred. Gustong-gusto kita. Pero baka sa kondisyon ko, masaktan ka lang kapag namatay ako. Mawawala ako sa tabi mo pag nangya..."-Kirei.

"SINONG NAGSABI NA MAMAMATAY KA?!? GUSTO MO NA BA TALAGANG MAMATAY?!?"-Me.

Hindi ko na talaga napigilan ang damdamin ko kaya nasigawan ko siya. Natahimik na lang siya at narinig ko na naman ang hikab niya sa pag-iyak niya kanina.

"Pasensya na Kirei. I did'nt mean to... na sigawan ka. Nandito lang ako Kirei, huwag mo ko alalahanin. Kahit na mamamatay ka bukas wala akong pakialam. Basta makasama lang kita kahit na sa kahuli-huli mo'ng hininga. Ok na sakin yun."-Me.

Hindi ko na din napigilang umiyak. Alam ko mali akong magpakita ng kahinaan kay Kirei lalong-lalo na sa kondisyon niya.

"Stop crying Fred. Pati ako naiiyak na ako eh."-Kirei.

Pinunasan ko yung luha ko tapos inilagay ko sa tenga ko yung cellphone ko.

"Sinong nagsabi sayo na umiiyak ako? Kirei, hindi mo pa ako nakikitang umiyak. Haha."-Me.

Pinagtitinginan na ako dito nang mga tao kasi para akong sira. Umiiyak ako tapos tumatawa pa.

"Kilala kita Fred. Naging boyfriend kaya kita. Kaya kilala ko every emotions mo."-Kirei.

Tama ba narinig ko? NAGING?!? Bakit naging?

"Nagbreak ba tayo? Bakit 'naging boyfriend?' Kirei?"-Me.

Hindi ko siya maintindihan? Kasasabi pa lang niya na mahak niya ako. Tapos ganito sasabihin niya?

"Hindi. Magbre-break pa lang Fred."-Kirei.

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit madali niyang sabihin na break na kami? Ganun lang ba kadali na itapon lahat ng pinagsamahan namin?

"Bakit Kirei?!? Bakit?"-Me.

Gusto ko sanang sumigaw pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko sigawan siya lalo na at ganun ang kondisyon niya. Baka makasama pa sa kanya yun.

"Pupunta akong states for my surgery. Gusto kong makalimutan mo ko kasi more than 6 months ako dun. We need to make a closure so hindi na tayo masasaktan at pwede ka ng makahanap ng ibang mamaha..."-Kirei.

"HUWAG MO KO DIKTAHAN!!! HINDI MO MADIDIKTAHAN ANG PUSO KO!!! AKO LANG ANG PWEDENG MAGDIKTA DITO AT ANG IDINIDIKTA KO AY IKAW LANG ANG MAHAL KO. WALA NG IBANG PWEDENG GAWIN PARA MAPALITAN YUN!!!"-Me.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Sumigaw na ako ng sumigaw hanggang sa lakas na makakaya ko. Bakit siya ganyan?

"Sorry Kirei. At sorry din kasi, hindi ko mapapagbigyan ang gusto mo. Ikaw ang mahal ko. At wala ng pwedeng umagaw ng puwesto mo sa puso ko. Dahil hinding-hindi na magbabago yun."-Me.

"Pero Fred. Ayoko masaktan."-Kirei.

"Bakit ka ba masasaktan? Wala ka bang tiwala sakin. Iniisip mo na pagbalik mo, meron na akong ibang mahal? Ganyan ba kababa tingin mo sakin. Porket may advantage ako, I will take it over to you and take the risk just because you have cancer? Isa na lang akong malaking tanga kapag pinakawalan pa kita!"-Fred.

Narinig ko siya umiiyak at hindi ko na rin napigilan ibuhos ang luha ko. Naiintindihan ko siya. Pero wala ba talaga siyang tiwala sakin? Sa bagay, binasag ko na yung tiwala niya sakin dati eh. Akala ko naman kasi, totoo ang sinabi ni Louise. Hindi naman pala. Hindi man lang ako nagdalawang-isip.

"FRED!!!"-Gregory.

Nakita ko si Greg na papunta sa direksyon ko kasama si Toll. Pinunasan ko agad luha ko tapos tiningnan ko ulit sila. Malapit na sila sakin tapos tumingin sa akin si Greg. Agad ko in-end ang call ni Kirei.

"What the heck bro. Umiiyak ka na naman?!? Babae lang yan! Wag mong iyakan! Mukha kang ga..."-Greg.

Biglang binatukan ni Toll si Greg.

"Ano ka ba Gregory Chan! Wala namang nagsabi na masama umiyak eh. Tumigil ka nga diyan Greg. Hindi lang babae ang tingin ni Fred kay Kirei. Mahal niya yun. Tsaka wag ka diyan magpanggap na hindi mo pa mahal si Mirei. Halatado ka. Naku!!!"-Toll.

Biglang nanahimik si Greg at namula. Tsk, bilib talaga ako dito kay 'insan. Takot na takot sa kanya si Greg. Pati nga ako takot dito sa pinsan ko na to eh.

"Bibili lang ako ng pagkain dun. Balik na lang ako."-Greg.

Umalis si Greg at pumunta sa may bilihan ng fishballs. Tinuruan kasi kaming kumaon ni Toll ng fishballs nung bata pa kami. Kaya ayan si Greg, paboritong-paborito niya ang fishballs.

Tumabi sakin si Toll sa bench at tumingin sa langit.

"Alam ko mahal na mahal niyo pa ang isa't-isa. Gusto mo ba makausap si Kirei? O gusto mo ako kumausap sa kanya?"-Toll.

"Nagkausap na kami 'insan. Gusto niya ng closure. Pupunta kasi siya ng states para magpagamot. Susulitin ko na lang ang last minute na pagsasama namin hanggang sa graduation."-Me.

Tumingin sakin si 'insan na gulat na gulat. Hinawakan niya balikat ko at parang iniwas niya ang tingin niya sakin. Bigla akong kinabahan.

"Fred, bukas na ang flight ni Kirei papuntang states. Sabi kasi ng doctor, kailangan daw mapagamot na si Kirei ASAP."-Toll.

Bigla akong natahimik at parang naging blanko ang mukha ko. Kaya siguro gusto niyang tapusin na namin ang relasyon namin kanina sa call.

"Ganun ba? Sayang 'insan. Sayang."-Me.

Naiyak na naman ako. Wala akong pakialam kung nakikita ako ngayon ni Toll. Hindi ko na talaga kayang pigilan.

"Ok lang yan Fred. Iiyak mo lang yan. Unti-unti na lang mawawala ang sakit niyan. Minsan, kailangan din natin umiyak para mabawasan ang sakit na dinadala natin."-Toll.

Tumingin ako kay Toll at malungkot ang mukha niya. Siguro ayaw niya kami ni Kirei magkasiraan.

Tumingin sakin si Toll at seryoso ang mukha niya. Nakakatakot.

"Alam ko sinaktan mo si Kirei. Pero alam ko rin na may dahilan ko din. At sinabi na sakin ni Louise lahat-lahat. Kaibigan ko si Kirei kaya ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan. Pero alam ko hindi mo naman ginusto yun. Pinangunahan ka lang ng takot. Takot na baka pinagpalit ka na ni Kirei."-Toll.

Tama si Toll. Yun ang naiisip ko nung mga oras na yun. Pero huli na. Aalis na siya bukas. Wala na akong magagawa dun.

Biglang tumunog ang cellphone ni Toll at tiningnan yun. Nag-buntong hininga siya na parang sigh of relief. Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko at tumingin sa langit na parang nag-iisip. Maya-maya lang ay biglang ngumiti si Toll at tumingin sakin.

"Gusto mo ba maka-date si Kirei?"-Toll.

Nanlaki ang mga mata ko pero agad ko din iniwas kay Toll.

"Gusto ko sana. Pero, aalis na siya bukas eh. Tsaka nasa hospital pa siya."-Me.

Ayoko umasa. Ayokong umasa na magkakaroon pa kami ng magandang ala-ala hanggang sa pag-alis niya.

"Fred. Nadischarge na siya ngayon. Nag-text sakin si Mirei. Tapos, bukas pa ng gabi ang flight niya. GABI! Ano? Ayaw mo? Tutulungan sana kita eh."-Toll.

Nabuhayan ako sa sinabi ni 'insan. Totoo ba lahat yun? Sobrang saya ko ngayon.

"Oo 'insan. Gusto ko!!! Gustong-gustong-gustong-gusto ko."-Me.

Biglang dumating si Greg at binigay sakin yung isang fishball.

Tumingin sakin si Toll at tumingin siya sa fishballs na hawak ko.

"I have a plan."-Toll.

❤❤❤❤❤❤❤❤♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥❤❤❤❤❤❤❤❤
HALA! AALIS NA SI KIREI PAPUNTANG STATES. MATATANGGAP KAYA NI FRED ITO? AT TSAKA AKO YUNG PLANO NILA TOLL AT GREG PARA SA DATE NILA NI KIREI. ABANGAN SA NEXT CHAPTER.

~END OF CHAPTER 69~

Olvasás folytatása

You'll Also Like

271K 7.5K 53
Siya si Audrey Sofia Sandoval, na Ayaw sa salitang Gangster . Or sabihin na lang natin na pinaka Ayaw na ayaw nya sa Lahat eih. Yung mga taong Gangs...
1.4M 56.5K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
16K 912 81
Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. Lalakeng ubod ng yabang at kaartehan sa ka...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...