Good morning, world! Bati na kami ni Xander. Biyayaan ka ba naman ng ganito kagwapong asawa at mabait pa—bonus na ang pagiging mayaman niya.
Napangiti ako. Tulog na tulog pa rin siya. Bakit ang yummy
niya kasi? Pinaliguan ko tuloy ng halik ang buong mukha niya.
Nagising siyang nakangiti. Waaahhhh! Why so yummy,
honey? Pinanggigilan ko naman ang pisngi niya ng kurot.
“Aray naman, honey. Masakit!” sabi niya sabay hinawakan
ang mukha niya.
“Ay, sorry! Ba’t kasi ang cute-cute mo, honey ko?”
“Ako na yata ang pinaglilihian mo, e. Ayos ’yan para kamukha
ko talaga si baby.”
Pinagkukurot ko ulit siya at kinagat ko pa ang balikat niya.
Nakagigil, e! ’Di rin naman siya nagreklamo.
Pagkabangon ay pinuntahan ko muna si Chloe para tulungan
siyang maghanda for school. Ang yaya niya na muna ang maghahatid sa kanya sa school dahil may check-up ako sa OB ko.
“Baby, be careful sa school, ha? ’Pag may kailangan ka,
puntahan mo lang si Yaya, or call Mommy or Daddy.”
“Yes, Mommy! Behave din po ako. Ingat din po kayo ni baby.”
“Ang bait talaga ni Ate,” sabi ko at saka siya hinalikan.
“Love ko po kasi kayo ni baby.” Niyakap naman niya ang
tummy ko.
“At love ka rin namin, Ate.”
Inihatid ko na siya sa sasakyan, at pinagbilinan naman ni
Xander ang bodyguard ni Chloe.
“O, baby, you call Daddy, ha?” paalala ni Xander kay Chloe.
“At behave ka sa school. Don’t go anywhere without Kuya Mike
and your Yaya Cheryl.”
“Yes, Daddy. I love you!”
“I love you, too, baby,” sagot niya bago siya bumaling sa
bodyguard at yaya ni Chloe.
“Bantayan n’yo siya. ’Wag n’yong hayaang makalapit sa kanya si Choleen.”
“Yes, Sir,” magkasabay na sagot ng dalawa.
“Bye, Mommy, Daddy, and baby!”
“Bye, Ate! Take care.”
Nakaalis na sina Chloe pero parang hindi ako mapanatag
dahil hindi ko siya nasamahan sa school today. But nevertheless, naghanda na rin kami ni Xander sa pagpunta namin sa clinic ni
Dok Jerica.
“Good morning, Dok!” bati ko sa magandang doktora pagdating namin sa clinic niya. Para kasi siyang dyosa na bumaba sa lupa.
“Good morning, Mrs. Rosales, and oh, sa ’yo rin, Mr. Rosales.
Ang sweet mo naman at sinamahan mo pa talaga si Misis.” Ang lapad ng ngiti niya sa asawa ko.
“Syempre naman, Dok. Mahal ko ang mag-ina ko, e.”Ngumiti siya.
“Okay, let’s start your check-up.”
Una niyang tiningnan ang blood pressure ko, tapos ’yong
heart rate naman ni baby. Normal naman daw lahat.
Tinanong din ako ni Dok about my lifestyle and health habits.
Nagbigay siya ng advice para mas maalagaan ko ang pagbubuntis ko.
Si Xander naman ay seryoso ring nakinig. Hindi kaya na-
mesmerize na siya sa beauty ni Dok?
“And about doon sa tinanong ni mister last time kung safe
pa ba ang sexual intercourse, it’s safe as long as everything about your pregnancy is normal. And so far, okay naman at wala
naman akong nakikitang problema.”
Umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha ko kaya napayuko
na lang ako. Ang malandi kong asawa ang may kasalanan nito, e!
“Salamat, Dok,” nakangising sagot ng asawa ko.
Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran.
“Take your vitamins regularly, misis,” dagdag pa ni Dok.
“Trisha na lang po, Dok.” Masyado naman kasi siyang
pormal.
“Okay, Trisha. Iwasan mo rin ang oily food. Eat fruits and
veggies, tapos watch your caffeine intake. It is important to ensure the safety and well-being of your baby. Ilutong mabuti
ang kinakain mo lalo na ang meat at poultry, and wash fruits and veggies thoroughly.”
“Yes, Dok. I’ll keep that in mind. Thank you.”
Mabuti at mabait ang doktor ko, hindi kagaya ni Choleen. Nagpaalam na kami at napagpasyahang magpunta sa mall. Niyaya kasi ako ni Xander na mamili na ng gamit ni baby.
Hindi naman halatang excited na siya.
“Tingnan mo ’to, hon. Ang cute, ’di ba? Bagay ’to sa anak
natin.” Hawak-hawak niya ang isang blue na onesies.
“Bakit blue? Hon, hindi pa natin alam kung baby boy siya o
girl.”
“’Di ba pwede naman sa baby girl ang blue? Sige na, bilhin
na natin.”
“Bahala ka na nga. Ikaw naman ang magbabayad.”
Kung anu-ano pa ang pinagdadampot niya pagkatapos.
Ayaw naman papigil, parang ngayon lang naging tatay. Pero ang cute niya tingnan dahil aliw na aliw siya sa pamimili.
Niyaya ko siya para bilhan din si Chloe ng mga bagong damit. I didn’t want her to feel left out. Gusto rin sana ni Xander na bilhan ako ng damit, pero niyaya na kasi ako ni Ate Marga na mag-shoping pagbalik niya from her business trip sa Cebu.
Kasalukuyan kaming namimili ng damit for Chloe nang
nag-ring ang cell phone ni Xander.
“Hello? What?! Paano?! Find my daughter now!” sigaw niya.
“Hon, what happened?” tanong ko pagkababa niya sa tawag.
“Chloe’s missing.”
“Ha? Paano? Mahigpit ang security sa school nila at kasama niya ang bodyguard niya!”
“I don’t know. Kailangan kong pumunta doon, pero ihahatid
na muna kita sa bahay. Just relax, okay?”
“No! Sasama ako sa ’yo.” Paano ako magre-relax gayong
nawawala ang bata?
“Pero hon, delika—”
Hindi ko na siya pinatapos magsalita. “Basta sasama ako! I
need to make sure she’s safe.”
Wala na siyang nagawa kundi pumayag. Nagmamadali
kaming pumunta sa school.
“Ayos ka lang?” tanong ni Xander habang nasa byahe kami.
Naiiyak na ako.
“I’m worried,” pag-amin ko.
“Mahahanap natin si Chloe. Please don’t cry. Makasasama
kay baby ’yan.” Pinahid ko ang mga luha ko.
Pagdating namin sa school ay naabutan naming nagkakagulo
ang guards pati na ang ibang mga guro.
Agad kong nilapitan si Teacher Jen. “Paano nawala si Chloe?”
“She said she had to pee. Gusto ko siyang samahan pero
tumanggi naman siya. Tapos umalis ako saglit at nagpunta sa library. Pagbalik ko ay wala pa rin siya kaya pinuntahan ko na
siya sa CR. But I couldn’t find her. Tinawag ko ang yaya niya at hindi naman daw nagpunta sa kanya si Chloe,” alalang-alalang
kwento ng guro.
“Saan naman kaya napunta ang bata?” ’Wag naman po
sanang may mangyari sa kanya.
Sumama ako kay Teacher Jen para tumulong maghanap. Si
Xander naman ay sa guards sumama. Wala naman daw kasing senyales na nakalabas si Chloe ng school kasi sarado naman ang gate, kaya siguradong nasa loob lang siya ng school.
Napunta kami ni Teacher Jen sa may playground, pero wala
siya doon. Naglakad-lakad ako papunta sa may lumang locker, at doon ako may narinig na batang humihikbi.
“Mommy ko…” Mahina lang ang boses ng bata pero alam ko
agad na si Chloe ’yon kaya nabuhayan ako ng loob.
“Baby, nasaan ka?”
“Mommy, I’m here!”
Nakarinig ako ng pagkalabog ng isa sa mga locker.
Posible kayang nakulong siya? Nilapitan ko at binuksan ang
pinakadulong locker kung saan ko siya natagpuan, pawis na
pawis at umiiyak.
“Baby! Paano ka napasok d’yan?” tanong ko, pero iyak lang siya nang iyak. Binuhat ko na siya palayo sa lugar na ’yon, at sinalubong naman kami agad ni Xander.
Kinuha niya sa ’kin si Chloe na putlang-putla na. Dinala
namin siya sa clinic nila para matingnan siya. Ang sabi ng school doktor, muntik nang ma-suffocate si Chloe dahil walang hangin na pumapasok sa loob ng locker.
Nilagyan siya ng oxygen, at pagkatapos niyang makapagpahinga ay pinauwi na rin kami.
Pinaimbestigahan ni Xander ang nangyari. May mga CCTV sa school kaya sila na raw ang bahala mag-review noon.
Ipaaalam na lang nila ang kalalabasan ng imbestigasyon nila.
Pauwi na kami at kalong ko si Chloe habang nasa byahe kami.
“Baby, how do you feel?” tanong ko sa kanya.
“I’m okay na, Mommy.”
“Baby, tell Mommy what happened. Paano ka napasok sa locker na ’yon?”
“May isang babae po. Sabi niya she’d give me cotton candy if
I played hide and seek with her. Kaya nagtago po ako sa locker
tapos ’di na ako nakalabas.”
“Naaalala mo ba ang mukha niya?” tanong ni Xander.
Umiling si Chloe.
“She was wearing a mask, Daddy.”
“Magkasingtangkad ba kami, baby?” tanong ko. Mukhang
alam ko na kasi kung sino ang may gawa nito.
“Yes, Mommy. She also put something in my pocket.”
Kinapa ko ang bulsa niya at nakitang may papel nga doon.
Binuksan ko ’to at binasa.
Let's play, Trisha!
Anong gusto mo,
taguan o agawan?
Hinablot ni Xander ang papel.
“Nagawa niya ’to kay Chloe?
Nasaan ang konsensya ng babaeng ’yon?” Galit na galit si
Xander.
“That woman! Hindi ko na ’to palalampasin.”
“Do you know her, Daddy? Why did she do that to me?”
Niyakap ko na lang si Chloe.
“Don’t worry, baby. Nandito na
kami ni Daddy kaya hindi na siya makalalapit ulit sa ’yo.”
Ano ba ang gusto ni Choleen? Bakit niya ginagawa ’to sa
sarili niyang anak?
CHOLEEN
Laro tayo?
Nagsisimula pa lang ako. Level 1 pa nga lang ’yon, e.
Sisiguraduhin kong sa larong ito, ako ang mananalo. Wala akong
pakialam kahit madamay pa si Chloe. I could still have another
child with Xander. Basta ngayon, kaming dalawa lang muna ang
mahalaga. I need to get rid of that bitch Trisha. Humanda ’yang mang-aagaw na babaeng ’yan!