Just A Kiss

By yoursjulieann

10.5K 278 42

"Ano bang problema mo? I mean, bakit lagi kang nandiyan sa tuwing lumalapit sa akin ang gulo. Superhero ka ba... More

Prologue
Chapter 1 (His eyes)
Chapter 2 (Stalker)
Chapter 3 (Talking to him)
Chapter 4 (Jake)
Chapter 6 (Dahon)
Chapter 7 (Saviour)
Chapter 8 (I like you)
Chapter 9 (Dream)
Chapter 10 (New Friend)
Chapter 11 (Talking to Jacob)
Chapter 12 (Awkward)
Chapter 13 (Meeting Arianne)
Chapter 14 (Curious)
Chapter 15 (His House)
Chapter 16 (Bet)
Chapter 17 (Kuya at Bunso)
Chapter 18 (Alone)
Chapter 19 (Sunset)
Chapter 20 (A night with Jake)
Chapter 21 (A day with Lee Jacob)
Chapter 22 (Snow Globe)
Chapter 23 (Ignorance)
Chapter 24 (I almost do)
Chapter 25 (Jake is back)
Chapter 26 (Cheater)
Chapter 27 (Her first kiss)
Chapter 28 (Her bodyguard)
Chapter 29 (Boyfriend)
Chapter 30 (Runaway Soldiers)
Chapter 31 (The News)
Chapter 32 (Kahit kailan at 7th Monthsary)
Chapter 33 (Fck you)
Chapter 34 (Jealous)
Chapter 35 (The secret)
Chapter 36 (Meeting Arvin Suarez)
Chapter 37 (Psycho)
Chapter 38 (Dinner at Suarez's House)
Chapter 39 WARNING: SPG
Chapter 40 (The accident)
Chapter 41 (Runaway)
Chapter 42 (Freedom)
Chapter 43 (Rosebel)
Chapter 44 (Going to places she doesn't want to go)
Chapter 45 (Bad dream)
Chapter 46 (Use of Love)
Chapter 47 (Birthday)
Chapter 48 (Hero)
Chapter 49 (Suarez Family)
Chapter 50 (Arrest)
Chapter 51(In prison)
Chapter 52 (Reincarnation)
Chapter 53 (Just a final kiss and goodbye)
Chapter 54 (13th rose)
Chapter 55 (Justice for Jake)
Chapter 56 (The one that got away)
Chapter 57 (Finding myself)
Chapter 58 (Healing is a process)
Chapter 59 (Facing my pain)
Chapter 60 (The fall down)
Chapter 61 (Restart)
Chapter 62 (Begin Again)
Chapter 63 (Last chapter)
Epilogue
Author's Note

Chapter 5 (Jacob)

308 9 0
By yoursjulieann

"Ito ang address at cellphone number ko. Pwede mo akong tawagan o itext kapag wala kang ginagawa." Sabi niya habang sinusulat sa kamay ko ang address niya at number. Nakatingin lang ako sa sinusulat niya.

"Sana wag kang mag-isip na may gagawin akong masama sa'yo."

Sana nga wala dahil hindi ako magdadalawang isip na isalt spray ka. Masakit 'yun.

Ngumiti lang ako sa kanya at medyo nahihiya pa siyang tumingin sakin. Hindi ko naman hinihingi address at number niya, binigay nalang niya bigla.

"Ipagpaumanhin mo. Ang kapangahasan kong maging kaibigan ka." Wika niya at ang kanyang mata na natatabunan ng kanyang sumbrero ay nagsusumamong tanggapin ko. Naiilang pa ako na makausap siya kaya siguro nag-aalinlangan pa akong kausapin siya.

Bigla siyang tumayo at lumabas ng coffee shop. Sinundan ko siya ng tingin sa silag na salamin ng coffee shop hanggang makalayo na siya. Ang dami niyang sinabi sakin pero wala man lang akong naisagot. Tiningnan ko ang isinulat niya sa aking palad. Hindi ko alam ang lugar na ito at hindi ko alam kung saan.

Bumalik na ako sa aking upuan na sumalubong naman sa akin si Darren.

"Bakit ka nakikipag-usap sa kanya? Masama siyang tao."

"Paano mo naman nasabing masama siya?" Sagot ko na naikasalubong ng aking kilay.

"Dahil sa suot niya. Laging nakajacket tas nakasumbrero. Parang may tinataguan."

"Grabe ka naman, Darren. Sa suot na ba hinahatulan ang tao ngayon kung masama siya o mabuti? Gusto lang naman niyang makipagkaibigan sakin."

"Nag-aalala lang ako sa'yo. Baka kung ano gawin niya sa'yo."

"Kung may gagawin siyang masama sakin, sana nung una palang na nakita niya ako ginawa na niya kung ano mang balak niya sakin. Dalawang beses na niya akong niligtas sa tunay na masasamang tao. O? Paano mo nasabing masama siya kung iniligtas niya ako?" sagot ko kay Darren. 'Yan ang mahirap sa mga tao ngayon eh, agad-agad na hinuhusgahan ang isang tao dahil lang sa nakakaiba ang suot o ano pa mang sa tingin nila ay mali. Walang mali sa taong hinuhusgahan nila, na sa sarili nila ang mali.

Kinuha ko na ang aking bag at napagpasyahang umuwi nalang sa bahay. Habang tinutungo ang napakainit na daan papunta sa bahay naming, natatanaw ko mula sa kabilang kalsada ang dalawa kong kaklase na si Mendy at Lira na kumakaway sa akin. Hinintay kong magred light atsaka tumawid papunta sa kanila.

"O?Anong meron?" Nangingiting tanong sa kanila

"Magpapaparty ako mamaya. Punta ka hah?" sabi ni Mendy na halatang excited.

"Wag mo na akong asahan diyan. Hindi ako mahilig diyan at kung maging mahilig man ako diyan, sure akong hindi ako papayagan ni mama at papa." Kontra ko kaagad sa sinabi niya.

"Minsan lang naman tayo magsaya atsaka wala naman na tayong pasok kaya okay lang ito. Magkavillage lang naman pati tayo, sa kabilang street lang naman kami. Kaya pumunta kana." Sagot ni Mendy. Napakamot ako sa aking ulo. Party goer talaga ang dalawang ito.

"Itatry ko." Sagot ko

"Hintayin ka namin dun." Sabi naman ni Lira at tumango lang ako.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nalaigo para naman maging fresh ang pakiramdam ko. At pagkatapos ay pinatuyo ko na ang aking buhok. And then suddenly narealize kong may sulat nga pala sa kamay ko. At buradong-burado ang lahat. Ni isang letter at number ay wala man lang na akong nakikita. Nakalimutan kong ilipat sa papel, pano 'yan hindi ko na alam kung saan siya nakatira. Hayae, tatanungin ko nalang sa kanya bukas.

Nagising ako sa agingit ng nagbubukas na pinto. Si mama lang pala.

"Bakit ma?" Tanong ko habang hinihilot ang sintido kong medyo masakit. Tiningnan ko ang orasan. Ala-syete na pala ng gabi, hindi ko alam na nakatulog pala ako.

"Kakapunta lang dito ni Mendy. Punta ka daw sa bahay nila at birthday daw ng kapatid niya." Sabi ni mama habang nakapose pa sa pintuan ng aking kwarto.

Birthday party pala. Hindi man lang sinabi sa akin na birthday pala ng kapatid niya. Nakabili sana ako ng regalo kanina. Sabi niya kasi party lang eh.

"Pumunta kana. Sa kabilang street lang naman bahay ni Mendy. Magbike kana lang para hindi ka mapagod." Sabi ni mama.

At yun na nga ang ginawa ko. Nagpalit na ako ng pantalon na stretchable, para kapag nagbike ako ay hindi mahirap magpedal. Nag black v-neck shirt nalang ako at nagtsinelas. Sa kabilang street lang naman eh.

Nang makarating na ako sa bahay nila mendy, ipinark ko na ang bike sa may gilid ng kanilang gate. At pagkapasok ko. Hindi birthday party ang tumambad sa akin. May nakakahilong ilaw na paikot-ikot at ang lakas ng tugtog. Hinanap ko si Mendy at natagpuan ko siyang namimigay ng baso na may lamang alak.

"I thought it was a birthday party? Sabi ni mama birthday daw ng kapatid mo?" Tanong ko sa kanya na halos buong lakas ng boses ko ay ibinigay ko na. Napakalakas ng tugtog, halos maalis na ang tenga ko sa aking naririnig.

"'Yun lang ang sinabi ko para payagan ka!" sigaw niya atsaka binigyan niya ako ng alak. Hindi ako umiinom kaya ibinaba ko ang baso sa lamesa.

"Uuwi na ako." Sabi ko kay mendy habang sinusundan siya sa pag-aabot ng alak. Ibinaba ni mendy ang tray at hinawakan ako sa braso higit-higit papunta sa living room. Kung saan nakikita kong nandoon ang iba pa naming kaklase. Dumaan pa muna kami sa mga nagsasayawan sa ilalim ng disco light na talagang enjoy na enjoy sa tugtog. Pati yata taas ng bahay nila mendy ay may nagsasayawan.

"Kazrine..himalang nandito ka." Sabi ni Maxx sabay inom ng alak pero ngumiti lang ako ng pilit. Actually, gusto ko ng umuwi.

Dumaan lang kami sa pwesto ng mga kaklase namin. Hinigit niya ako papalabas ng living room patungo sa may swimming pool.

"Jake!" Jake? Lumingon ako at hinanap si jake pero wala naman akong nararamdamang presensya niya. I mean, 'yung titig niya sakin na nakakakilabot. 'yun ang ibig kong sabihin. Papalapit kami sa lalaking nakaupo sa gilid ng pool habang ang paa ay nakalubog sa tubig.

"Jake.." lumingon na 'yung lalaki. Umahon siya sa tubig at lumapit samin.

"Jake si kazrine..kaklase ko."

Nangingiting inilahad nung Jake ang palad niya sa akin at inabot ko naman 'yun.

"Nice to meet you." Sabi ko atsaka tumingin kay Mendy. Kinindatan naman niya ako at alam kong plano niya ang ng ito.

"Maiwan ko na muna kayo." Sabi niya habang malawak na nakangiti at wala naman akong nagawa kundi magpaiwan. Napakagat ako sa aking labi at isa na namang estranghero ang nakilala ko. At magkapangalan pa sila ni Jake.

"I'm glad to meet you." Sabi ni Jake at inabot-an niya ako ng basong may lamang alak pero tumanggi ako.

"Jake ba talaga ang pangalan mo?" Tanong ko. Seriously? Nakatakda ba talaga sa akin na makatagpo ako ng dalawang Jake?

"Lee Jacob ang totoo kong pangalan. But my friends call me Jake for short." Sagot niya. Umupo kami sa bench sa gilid ng swimming pool habang nakatingin ako sa reflection ng buwan sa tubig. Hindi naman masyadong madilim sa kinauupuan namin dahil sa ilaw na nagmumula sa tubig.

"Bakit mo naitanong?" dagdag niya

"ahmm, Dahil..gusto ko lang tanungin." Sagot ko at bigla naman siyang ngumiti.

"Alam mo..familiar ang mukha mo sa akin." Sabi niya habang nangungunot ang kanyang noo. Parang inaalala kung nakita na niya ako. Nakatingin lang ako sa kanya. At inalala din kung nakita ko na siya dati pero wala akong matandaan. Tanging ang buwan lang siguro ang nakakaalala kung nagkita na kami.

"Basta. Nakita na kita dati, hindi ko lang alam kung saan."

"Wag mo ng alalahanin, baka sumakit lang ang ulo mo." Sagot ko at ngumiti lang siya sabay ubos ng alak.

"Uh, next week pupunta kami ng mga kaibigan ko sa beach. Gusto mong sumama?"

Napakagat ako sa ibaba kong labi.

"Summer na kaya time to go out of town naman." Dagdag pa niya

"Hindi..kasi ako mahilig sa ganyan eh. "

"Sige na, kazrine." That voice na kinokonsensya ka. Lagi kong nararanasan 'yan eh, lalo na kapag ang mga kaklase ko ay may pupuntahan. Ang KJ ko daw kuno. Alam niyo 'yung feeling na, ang hirap tumanggi. Let's say for instance, bumili ka ng pagkain dahil gutom na gutom ka na tapos biglang may hihingi sa'yo. Ang hirap kayang tanggihan lalo na kung ang reflect sa iyo nun ay kadamutan.

So, ako..laging nasa ganyang sitwasyon.

"Baka..magpunta kaming Marinduque nila mama kasi..holy week. Maganda daw ang moriones festival doon." Sabi ko at nalungkot naman siya sa sinabi ko.

"Sila mendy nalang yayain mo." Dagdag ko pa.

"May ibang lakad 'yan kasama ang boyfriend niya."

"Maghanap ka na lang ng ibang makakasama."

"Gusto ko ikaw ang kasama."

"Hindi nga ako pwede at may pupuntahan kami nila mama..atsaka marami pa akong gagawin next week." Sabi ko. Ang kulit din ng lalaking ito. Nagsinungaling na ako lahat-lahat ayaw pang maniwala. Hindi naman ka ganoon kaclose para yayain niya akong mag out of town. Sa bagay, ano bang ikinababahala kong sumama sa mga hindi ko pa totally nakikilalang lalaki.?

"Please?" sabi niya na talagang nagmamakaawa pa.

"Okay, okay. Ita-try kong makasama." Sagot ko and I don't even think na sinabi ko 'yan.

"YES!" sagot niya at nabigla ako sa bigla niyang pagyakap sa akin.

"W-wag ka masyadong l-lumapit sa akin." Nauutal kong sagot. Why did he do that?

"S-sorry." Sagot niya at nahihiya pa siyang ngumiti sa akin.

///////

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 117 17
Kapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-art...
12.8K 585 52
What happens when you accidentally bumped yourself into the idol of your dreams who was secretly following his girlfriend that was cheating on him? O...
67.6K 1.2K 61
STACEY GARNETT. mabait, matalino, masayahin, at higit sa lahat malambing sa mga kapatid niyang sila ARTHUR GARNETT at NASH GARNETT. pero meron siyang...
483K 1.3K 5
Eden Ralattores is not a fan of arrange marriage, kaya naman nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na siya ay magpapakasal sa anak ng busin...