Sweet Lies (Sweet Series Book...

By vanessabree

185K 4.7K 2.6K

Book 2 of Sweet Series More

Sweet Lies
Simula
Sweet Lies 1
Sweet Lies 2
Sweet Lies 3
Sweet Lies 4
Sweet Lies 5
Sweet Lies 6
Sweet Lies 7
Sweet Lies 8
Sweet Lies 9
Sweet Lies 10
Sweet Lies 11
Sweet Lies 12
Sweet Lies 13
Sweet Lies 14
Sweet Lies 15
Sweet Lies 16
Sweet Lies 17
Sweet Lies 18
Sweet Lies 19
Sweet Lies 20
Sweet Lies 21
Sweet Lies 22
Sweet Lies 23
Sweet Lies 24
Sweet Lies 25
Sweet Lies 26
Sweet Lies 27
Sweet Lies 28
Sweet Lies 29
Sweet Lies 30
Sweet Lies 31
Sweet Lies 32
Sweet Lies 33
Sweet Lies 34
Sweet Lies 35
Sweet Lies 36
Sweet Lies 37
Sweet Lies 38
Sweet Lies 39
Sweet Lies 40
Sweet Lies 41
Sweet Lies 42
Sweet Lies 43
Sweet Lies 44
Sweet Lies 46
Sweet Lies 47
Sweet Lies 48
Sweet Lies 49
Sweet Lies 50
Sweet Lies 51
Sweet Lies 52
Sweet Lies 53
Sweet Lies 54
Sweet Lies 55
Sweet Lies 56
Sweet Lies 57
Sweet Lies 58
Sweet Lies 59
Sweet Lies 60
Bonus Chapter
Wakas

Sweet Lies 45

2K 58 33
By vanessabree

45



"On my way to Busan, ma."

"Busan? And you're alone?" May pagpapanik sa kanyang tono.

The traffic light went to green light. Pinaandar ko ang aking kotse.

"Ma... I can handle it. That was years ago. Don't worry too much. I memorized all the streets and roads already." I giggled.

Iniisip pa rin niya iyong nagpasya akong magdrive ng mag-isa noon at sa hindi inaasahang pangyayari, naligaw ako. Mabuti na lang at alisto noon si Aldrev.

That day is one crazy day. I had fun getting lost in the streets of Seoul, though.

Suminghap siya ng malalim. Mukhang wala na siyang magawa kundi pakawalan ako.

"Alright. If you must say. What are you going to do in Busan? Are you meeting friends?"

"No, ma. Miko and Yumi is not in Busan today. Soft opening ng Lunace Kiosk. I'll check if operations are going well."

"Paris, there are people in Lunace who can do that. You're one with the Luminance Board so you can just sit in your office and wait for papers to sign yet you are there..."

Blah... Blah... Blah... She's been ranting about this for months.

Sinabi ko na kasing ibalik niya ako sa Copywriting Company ng Luminance sa States ngunit ayaw niya. Gusto niya raw ay nakikita niya ako lagi sa main building. Dito kasi sa Korea ang pangunahing gusali ng Luminance.

Five months ago, I was in America.

Naging Chief Operating Officer ako ng Luminance San Francisco sa loob ng tatlong buwan dahil nirequest ko sa kanyang gusto ko ay nasa copywriting line ako. Gusto ko ay iyong nasusubsob ako sa trabaho.

But here I am right now, escaping to do outdoor work. Kahit hindi naman talaga kailangan.

I know, alright? I'm still as stubborn as I was four years ago.

Naboboring kasi ako kung nasa opisina lang ako. Pakiramdam ko ay hindi ka karapatdapat sumweldo ng malaki kung nakaupo ka lang.

FG's a whole different workplace. Kahit nasa opisina ako noon maghapon ay marami akong ginagawa.

"Ma, I'll just call you when I get to Busan. Alright?"

"Alright. Just— Paris, I might call Aldrev to follow you there."

I rolled my eyes. Gusto ko agad magprotesta ngunit sa tingin ko ay hindi ko siya makokontra ngayon.

"Bahala po kayo..." sabi ko na lang. Ibinaba ko na agad.

I don't mind driving around Busan with him but Aldrev also has his own life. Sa Lunace Bachelor pa rin siya nagtatrabaho ngunit ngayon ay dini-date niya ang isang modelo galing Italya.

That would be a big NO if he's going to Busan with me. I know how much of a jealous girl his girlfriend is.

Fours years outside the Philippines was a big challenge. And you know what's fulfilling about challenges? When you surpass it.

Noong lumabas ang result ng DNA ay inayos agad namin lahat ng kakailanganin upang maging permanenteng residente ako ng Korea.

I'm not an Agravante anymore. I embraced the blood of being a Cua. My real mom did everything to turn me into one. Ngunit nanatili ang isang bagay sa pagkatao ko.

Ako pa rin si Julia Parisha. Only that my surname is already Cua. I asked her to just leave my name as it is. Hindi ko kayang magalit ng tuluyan sa mga nagpalaki sa akin, kahit nasaktan pa nila ako.

Some life principles stayed the way they were. Ilan lang siguro ang nabago sa loob ng apat na taon.

I accepted the fact that people will always tell lies. Pero hindi mo kailangang malaman lagi ang rason sa likod ng mga kasinungalingan.

You are not burdened to understand the reasons behind their lies. Maaaring may malalim na basehan, o gusto lang talaga nila.

And either ways, you'll get hurt in the end. Iyon lang ang kailangan mong pagtuunan ng pansin.

Masasaktan ka. Pero piliin mong bumangon mula sa sakit na idinulot nila sa'yo.

You can just either invite them inside your life again, or cut the ties. In my case? There isn't enough reason for me to invite liars again.

If I cut you off my life, chances are you handed me the scissors.

He handed me the scissors.

"Are you sure? I can drop Zafina off their headquarters. Susunod ako dyan sa Busan."

He's talking about his girlfriend. Tinawagan ako ni Aldrev at sigurado akong inutusan siya ni mama.

"No, 'Drev. Just stay with Zafina. Uuwi na rin ako maya-maya. Dadaan lang ako sa isang mall. Bye! See you soon!"

Ibinaba ko agad. Sigurado akong mamimilit pa siya kung hindi ko puputulin ang linya.

Niliko ko ang aking kotse sa isang tagong kalye dito sa syudad ng Busan. Napangiti ako. Ilang buwan na rin mula nang huli akong dumalaw dito.

Sayang dahil nasa Jeju ngayon si Miko at Yumi. Taga-rito sila sa Busan. They're my new found friends here.

Pilipino sila ngunit pareho silang lumaki rito. Nakilala ko sila dahil pareho silang writers sa Lunace. Most of our employees are Filipinos.

Pandemic Gardens Café.

One thing that will never ever change? Iyong pagmamahal ko sa mga bagay na makikita sa isang hardin.

Hinanap ko talaga sa internet kung saan may ganitong lugar dito sa South Korea. Maswerte ako dahil nandito lang sa Gangnam District itong Pandemic.

Inabot ako ng alas-syete ng gabi. Saka pa lang ako nagpasyang bumyahe pabalik ng Seoul. Binasa ko ang mga mensahe na naabutan ko sa aking message board.

From Mama : Paris, are you on your way home?

From Mama : We will wait you for dinner.

From Mama : Drive home safely. Did you bring your coat?

Napangisi ako at napailing. I'm in my mid-20's but my mom still treats me like a seventeen year old kid. I can't blame her, though.

Ibababa ko na sana ang handbrake ngunit naramdaman ko uli na nag-vibrate iyon. Dinukot ko agad mula sa aking bag.

Unknown number : .

Kumunot ang aking noo. Isang tuldok lang ang laman ng kanyang mensahe. Galing iyon sa isang unknown number na nakaregister dito sa Korea.

Napangiwi ako dahil doon. Last year ay ilang beses akong nagpalit ng number. Ilang beses din kasing may di kilalang numero na nagti-text. 'Pag tatawagan ko naman ay walang sumasagot.

Pinagbuksan ako ng isa sa mga kasambahay. Iniabot ko agad sa kanya ang mga paper bags laman ang mga pinamili ko sa Busan.

"Magandang gabi ho, Miss Paris." Ngumiti sa akin si Chyna.

She's one of the Filipina maids.

"Maganda gabi naman! Nasaan sila mama?" Ngumiti ako pabalik.

Tinanggal ko rin ang aking coat.

Itinali ko ang aking buhok na ngayon ay naka-ombre na ng gray. Umaalon na ito ngayon, hindi katulad noon na kulay itim at tuwid na tuwid.

"Nasa multimedia room po. Sa second floor."

Kumunot ang aking noo pero tumango rin sa kanya. Bakit nandoon sila? Mom usually opens the multimedia room when we're expecting for visitors.

Umakyat ako sa second floor. Kumatok muna ako. Bubuksan ko sana. But then it's locked. My eyebrows furrowed.

"Ma? Sid?" Halos maisigaw ko na sa kanila.

Hanggang sa unti-unting umawang ang pintuan at sumilip doon ang mukha ng aking kapatid.

"Ate. Nandyan ka na pala?"

It's Cassiedy. Marunong na siya magtagalog pero naroon pa rin ang accent ng Korean language. She's turning twelve next month. Nagdadalaga na.

"Nope. This isn't me. Multo ko lang ito." I said sarcastically.

Napairap siya sa kawalan. Hindi pa rin niya tuluyang binubuksan ang pintuan. Pasilip-silip siya roon at may kung anong sinisenyas sa loob.

"Open it. Let me in. Where's mama?" Tumaas ang dalawa kong kilay.

Umatras ang kanyang mukhang nakasilip sa pintuan. She's still not letting me in. Kumunot ang noo ko.

"Cassiedy Floren... Open this or I am not buying that camera you saw online," pagbabanta ko sa kanya.

Nilingon niya ako agad. Her face is priceless. Halos matawa ako.

"God, unnie. Is blackmailing your surname?" Ngumiwi siya.

I raised my left eyebrow. Sinusubukan kong dungawin ang nasa loob ngunit madilim kaya hindi ko maaninag.

"Put this on then."

Iniabot niya sa akin ang isang telang itim. Kunot-noo akong napangisi. Kinuha ko iyon sa kanyang kamay.

"Isusuot ko?"

"Yes just cover your eyes with it. Make it fast!"

Nataranta ako kaya minadali kong isuot iyon. Umiiling ako habang tinatali ko iyon para takpan ang dalawang mata ko. Ano na naman bang pakulo ito?

"Now what, Sid? Nakalagay na. What's next?" Humalukipkip ako kahit nakapiring na ang aking dalawang mata.

Narinig ko siyang humagikhik sa aking gilid. Kinuha niya ang aking dalawang braso at inalalayan ako sa paglalakad. I think we're heading inside the room already.

"Okay. Okay. Careful. One more step. Perfect! Don't take that thing off yet until you heard my signal. Okay?"

"Fine..." tamad kong sabi kahit natatawa ako sa pakulo nila.

Ilang sandali pa akong tumayo doon. Matapos ang nasa dalawang minuto ay nagsalita na ang aking kapatid.

"Take it off now!"

Unti-unti kong kinalas ang pagkakapiring. Sumalubong sa akin ang sobrang dilim na paligid at halos mainis ako dahil doon.

"What the—"

"Surprise!"

Bumukas ang maliwanag na ilaw. Hindi ko naituloy ang aking reklamo at agad nasapo na dalawa kong palad ang aking bibig.

Nangilid agad ang luha sa aking dalawang mata dahil sa sobrang tuwa.

"Oh, bawal magdrama 'te baka gusto mong umuwi na lang kami?" Allan teased me.

"Oo nga, ang layo ng byahe tapos iyakan lang?" Jaycee added.

"Naku naman! Kung uuwi tayo, sayang ang Korean potential boyfriend!" Tumili si Debbie.

Nagtawanan silang lahat. Napailing ako at napangisi sa kanila.

Vidette, who is such a cry baby when it comes to reunions like this is just staring at me. Napailing ako uli.

"Halika nga dito!" Tinawag ko siya.

Para siyang bata na lumapit dahil may iaabot kang candy. Niyakap niya ako agad. She's literally crying. Napasinghap na lang ang iba naming kaibigan.

It's been two long years since the last time she visited me. Ang huli ay kasama niya si Teacher Loidel. Dati ay constantly siyang dumadalaw every six months. Masyado na siyang busy ngayon dahil sa expansion ng farm nila.

I cupped her face.

"I missed your loud voice." Ngumisi ako. Umirap siya.

"Namnamin mo 'tong loud voice ko for two weeks!"

Naghalakhakan kaming lahat.

Yes, fine. I was surprised. Too surprised, actually dahil nandito rin sina Allan at Jaycee. Si Debbie ay dinalaw ako sa San Francisco last year. Masaya akong nadalaw niya ako uli rito sa Korea.

Sayang nga lang talaga at wala si Teacher Loidel ngayon. My mom and her turned out really close.

Kilala na ng lahat ng kaibigan ko sina mama at Cassiedy. In fact, they know the whole story why I'm now based in South Korea.

The long night full of chitchats and laughs pushed through.

Narito kaming lahat sa multimedia room. Mom gave us three bottles of Novellino wine.

I'm not surprised if none of them gets drunk. Hindi yata kahit kailan tatamaan ang mga ito sa wine. Si Vidette ay parang ginagawa niya lang itong juice.

"Aldrev? Seriously?" Vidette asked curiously.

Hindi sila makapaniwala sa kwento kong may girlfriend si Aldrev na Italyana.

"You can see it for yourself. Dadalhin ko kayo bukas sa Lunace para makita niyo." I shrugged.

"No way." Umiling si Debbie. "I thought he's pursuing you again?"

"Yea." Sumabat si Allan. "After your break up with—"

"With the boy who must not be named." Jaycee teased me. Pinaalon niya ang kanyang dalawang kilay pagkatapos.

Napailing ako at napayuko. Ngumiti ako sa kanila pagkatapos.

"Ako naka-move on na. Kayo? Kailan kayo magmomove-on?" panunuya ko.

Nagtinginan silang apat. Bumaling sa akin si Vidette. Tumaas ang dalawa kong kilay.

"Have you really moved on?" Seryoso ang tono niya.

Natigilan ako ng ilang segundo. Bigla akong nakaramdam ng pitik sa loob.

"Oo naman. Ano ka ba?"

Kunot-noo akong napangisi. Umiwas ako ng tingin at uminom mula sa baso ng wine.

"Wala kaya kayong proper closure. Bigla nalang nawala." Sumabat si Debbie.

I saw Allan and Jaycee nodded their heads. Sumasang-ayon sila sa sinabi ni Debbie.

Alam nila ang buong pangyayari. Who else would comfort you at times like that? Syempre ay sinabi ko sa kanila ang buong detalye.

Na oo, may mga litrato akong nakita sa facebook. At oo, may mga sinend sa aking pictures sa viber.

Those reasons are enough for me to cut him off my life.

Wala nang paliwanagan.

I changed my number. I blocked him. Sa lahat ng social media accounts. Even his close friends. Para walang lusot.

"Kailangan ba talaga ng closure para maka-move on?" Halos matawa ako.

"Syempre naman ano! That's the most essential part of breaking up with someone. Proper closure." Sumingit si Vidette.

Ngumiwi ako pero tumawa rin. I'd like to take what they are saying in a light way.

Hanggat't maaari sana ay ayaw kong pag-usapan ang mga nangyari noon pero mukhang hindi ko na matatakasan.

"Malay mo naman girl, hindi ba? Sinet-up lang siya ng kung sino. Malay mo si Andrienne." Allan said while he sips on his glass of wine.

"Hayaan niyo na. Si Lord na ang bahala dyan..." Nagkibit-balikat ako.

Ayaw ko na talagang gawing big deal iyon. Sinet-up man siya o hindi, ginawa pa rin niya.

Natulog pa rin siya sa isang kama katabi si Andrienne. Ng nakahubad. Ng magkayakap.

Pero okay na ako doon. Ang sabi ko nga kanina, piliin mong maging maayos sa kabila ng sakit na idinulot nila sa'yo.

Pinipili ko iyon. Araw-araw. Ng paulit-ulit.

And then it eventually gets better. One day you will wake up, and without any sort of explanation, you already feel numb about the pain.

Tumayo ako mula sa pagkaka-squat.

"Washroom lang," paalam ko sa kanila.

Habang naglalakad patungo sa washroom ay binasa ko ang mga text messages na natanggap ko.

From Aldrev : I heard your friends are here. Are you home already?

From Cher Loidel : Pasensya ka na kung hindi ako nakasama ngayon. I'll make it up to you next time.

Yumi: You went to Busan today!? Sayang! Saw your IG post!

Unknown number: .

Kumunot ang aking noo sa huling mensahe. It was the same unknown number who texted me this morning.

Nagpasya akong ilipat iyon sa clipboard. I dialed it.

Nagring iyon agad ngunit sa pangatlo at pangapat ay walang sumagot.

Ibababa ko na sana sa panglima ngunit natigilan ako. Someone answered.

"Hello?"

Wala akong marinig sa kabilang linya. I checked if the call is still running. Active pa rin iyon. Ibinalik ko sa aking tainga.

"Yoboseo?" I spoke Korean. In case isang Korean ang tumatawag.

Inalis ko sa aking tainga. Suminghap ako ng malalim at agad pinutol ang tawag.

I'm definitely changing my line tomorrow.

Continue Reading

You'll Also Like

690K 12K 22
She fell in love with him. She got rejected. He fell in love with her. She already have someone else. Book Cover by @Thirty_Celsius
3M 62.2K 50
Wylene found herself in the outskirts of Cebu with only 500 pesos in her wallet. She's supposed to go home to their province from Manila, but because...
326K 10.9K 35
[Gaya ni Agnes sa teleseryeng Forevermore(ABS-CBN)] Naniniwala si Alia na sinumang dalaga at binata ang kumain ng kambal na strawberry ay magkakatulu...
3.2K 214 56
Ang sarap malunod sa pagmamahal ng taong mahal mo... Ngunit walang kasiguraduhan kung hanggang kelan ka malulunod o kaya ay ) sobrang pagkalunod mo s...