Academy of Changes (Completed)

By BookSwaggin

16.4K 549 1.4K

The Academy of Changes By: BookSwaggin *------------* To all readers.. Sorry kung maikli yung mga chapters. B... More

Chapter #1: Mysterious box
Chapter #2: Unrequited Love
Chapter #4: The Girl behind that Face
Chapter #5: Beat of the Heart
Chapter #6: Hide and Seek
Chapter #7: The Truth behind the lies
Chapter #8: True Game starts after Losing
Chapter #9: That five seconds
Chapter #10: I'm out of my League Once Again
Academy of Changes

Chapter #3: Knight Vs Prince

1.3K 46 143
By BookSwaggin


Daniel's POV

Naiinis ako pag nakikita kong nasasaktan siya.

Eversince tinitignan ko na siya. Alam kong wala siyang gusto sakin pero minahal ko na siya.

Naaasar akong isipin na lagi na lang siyang nasasaktan ng taong mahal na mahal niya pero may mahal namang iba.

Bakit kasi di na lang ako? Matagal na panahon ko ring iniwas sa iba yung sarili ko. At ngayon na ang araw na hinihintay ko.. Ang pagkakataong ginawa ko na sana apat na taon ng nakalilipas.

Sana hindi siya nasasaktan ng ganito. Haines.. Ganun ba siya kahalaga sayo at hindi mo makita ang presensya ko?

Sa kakadrama ko nandito na pala kami ngayon sa Hallway.

Kasama ko ang grupo ni Austine. Lokong to! napakababaero. Ito namang nasa kaliwa ko si Chichi, panay ang pangungulit. Ang sarap na ngang itulak palayo eh! kaso panay lapit pa rin. Sa magnet ba pinaglihi to?

"Alam mo Daniel. Idol na kita noon pa. Hindi dahil magaling ka maggitara. Kundi dahil kahit ganyan ka kasungit, ramdam ko sa pagtugtog mo na mahalaga yung bawat lyrics ng kantang ginawa mo. Yung tipong parang may gusto kang pagsabihan ng lyri--" Bago pa niya matuloy yung kadaldalan niya, tinabig ko na siya. ASAR!!

Nahuli na naman ba ako. Tinulak ko yung mga babaeng nananakit kay Haines.

Wala akong pake kahit masaktan sila. Maligtas ko lang yung babaeng minamahal ko.

"OUCCHHHH.. bakit daniel?" Sabi nung mga babae habang naiiyak dahil sa sakit.

"Hindi ba kayo marunong makinig?! 'wag niyo na ulit subukan pang ilapit yang madudumi niyong kamay sa kanya or else, You'll recieve a reward for it." sabi ko at tuluyan ko ng hinila palayo si Haines.

Sana araw-araw kong mahawakan yung kamay niya. Sana ganito na lang palagi. Sana...

"DANIEEL TARA NA!!" Napalingon ako sa tumawag sakin, si Briel at si honey.

Bakit ngayon pa. Masasaktan na naman siya.

"Sorry I have to go. Mag-ingat ka kasi sa susunod." sabi ko, sorry kasi hindi ko matanggal yung sakit diyan sa puso mo.

Iniwan ko na siya at lumapit na ako kina Shade, ang sweet na naman nitong dalawa.

"Daniel, Bakit parang napapalapit ka ata kina Austine ah! pati dun sa chichi. baka naman, 'wag mong sabihing--"

-_-

"Ewan ko sa inyo, Diyan na nga kayo, nasan na naman ba si Wain?" Sabi ko. Palagi na lang nawawala yun.

"Ewan ko nga rin. Di ko pa siya nakikita sa room eh! baka nakatulog na naman kung saan-saan." Sabi ni Honey. Bumalik na kami ng room. Kumpleto naman silang lahat, maliban kay Lily at Wain.

Kawawa naman si Wain baka ma-rape pa siya ni Lily, pero kaya niya na 'yun. Ako naman ang kawawa dito..

Itong asungot na to! tabi kasi ng tabi sakin. As in literal gusto na nga makipagpalit kay Wain eh! pano seatmate ko si Wain.

Tinitigan ko lang ng masama kaya hindi pumayag si Wain kanina. Badtrip na talaga ako dito sa babaeng to!! Hindi ako makaalis dahil sa kanya..

Wain's POV

Nagulat ako nang makita ko yung oras.

Gutom na ako, nakatulog pala ako dito sa sulok ng music room. Hay nako.

10 minutes na lang matatapos na yung recess. Hay ayoko pa pumasok. Boring masyado.

Paalis na sana ako ng makarinig ako ng nagpe-play ng piano. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan pero. Ganyan tumugtog si Aliyah.

*-----Flashback 2 years ago..

"Wain halika dito dali!!" Sabi sakin ni Aliyah. Pinaupo niya ako sa tabi niya at tumutugtog siya ng Piano.

Pianist kasi siya eh! Siya yung nagtuturo kay Honey.

"May tutugtugin ako sayo" Sabi niya sakin, yung kanta parang malungkot pero maganda. Kasing ganda ng mga mata niya.

[Heart beats fast colors and promises.

How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall but watchin' you stand alone.

All of my doubts suddenly goes away somehow.

One step closer... ]

At gaya ng dating gawi. Sinabayan ko siya sa pag awit.

[I have died everyday waiting for you.

Darlin' don't be afraid, I have loved you for a thousand years

Loved you for a thousand more..]

Nagkangitian kami. Naging masaya kaming dalawa.

Kahit bata pa kami, alam kong siya na yung taong papakasalan ko. At akala ko perfect na ang isang love story kapag pareho kayo ng nararamdaman.

Pero, mali pala ako. Akala ko lang pala yun.

"Standby, standby. 10 minutes na lang magsastart na yung concert please. Switch off your phones" sabi ni manager. Kinuha ko yung phone ko at tinext si Aliyah.

[Pray for me liyah! this is for you]
Pagkasend ko, in-off ko na.

1 am na natapos yung concert namin. Pagbukas ko ng phone.

45 missed calls
90 messages

Pagtingin ko. Kina tita halos lahat galing, sa mommy ni Liyah, at isang Unknown number.

Nagulat ako ng biglang nag ring ang phone ko. Galing duon sa Unknown number. inAccept ko yung call.

[hello? who's th--]

[you freaking guy. Go to the hospital.. and make sure she's okay.. Kapag may nangyari sa bestfriend ko.. Hindi ko alam magagawa ko sayo]

... I can hear that this caller is crying.

[hello? sino ka tsaka anong hospi--]

[STOP TALKING..I'LL SEND YOU THE ADDRESS OF THE HOSPITAL AND DON'T WASTE ANY SINGLE SECOND. GET IT?!]

[wait .. who are yo--]

[toot-toot--toot]

Kainis sino ba yun. Nakarecieve ako ng message and ito ang pang-91 na message.

[**** st. ph 3 blk 5A lot 3 ******* hospital.. Please save her. Save liyah]

Pagkakita ko ng last word, LIYAH. Napatakbo ako ng di oras. I went there as fast as I could

but, It's too late.

Niyakap ako ni tita. Tuluyan ng bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Yung katawan niya puro dugo. But I can see her smiling.

Bakit? p-paano? Bakit, Bakit.

Napaluhod na ako sa sakit... why?

"Y-you're 1 hour late Wain. Hi-hinintay ka niya. lumaban siya. It was a car Accident. P-pupunta dapat siya sa concert niyo pero. A dog goes by.. iniwasan niya at..." hindi na natuloy ni tita yung mga sasabihin niya dahil tuluyan ng bumuhos ang luha niya.

"she was holding this picture ng matagpuan siya and gusto niyang ibigay namin to sayo" sabi ng doctor.

I looked at the picture. It was us. Nung una ko siyang nakilala. I started crying.

Mula nuon. Hindi na ako kailanman na-late not even 1 second.

Hindi na din ako nagmahal pa.

'Coz I hate the feeling na Huli ka na..

*--- end of flashbacks...

Nandito pa rin ako sa sulok. Nananatiling pinakikinggan yung tugtog sa piano.

Parang siya, kung paano nya tugtugin yung kanta. Ganun na ganun yung pagtugtog ni Aliyah.

Tumayo ako at naglakad ng dahan-dahan.. palabas sa pinagtulugan ko...

I saw a girl na nakatalikod at tumutugtog ng piano. Tinigil niya saglit at iniangat ang ulo niya, wait!

LILY? that flirt. How come alam niya kung pano tumugtog si Liyah? Nagulat na lang ako nung napalingon siya sakin. Kahit siya mismo gulat ng makita ako.

"Bakit ka nandito?" Sabi niya.

"Are you stalking me?" dugtong niya pa.

"tsssss. Nakatulog lang ako dito that's why, kaya wag ka kaagad mag-assume." Sabi ko sa kanya. akala ko maiinis siya sa sinabi ko pero ngumiti sya habang papalapit sakin.

Bawat hakbang niya, yun namang atras ng paa ko hanggang sa wala na akong maatrasan pa.

Nilapit niya na naman ang mukha niya sa'kin.

"I can be yours baby" sabi niya habang nakalapit pa rin sakin. Siguro sa lahat ng babae dito. Ito yung nakakatakot. I hate her yet I'm scared kapag nakikita ko siya.

The way she smiles, she talks and everything. She's kind of a Weird one.

"I'm sorry. Pero rejected ka." sabi ko ng walang halong kaba man lang. Ngumiti na naman siya at kinabahan na naman ako.

"Ganun, rejected ako? Tignan natin kung hanggang kailan mo maitatago yung kaba mo." sabi niya habang nakangiti at naglakad palayo.

"SINO KA BA TALAGA LILY?! ANO BANG PROBLEMA MO?!" sigaw ko kasi inis na inis na ako sa kanya. Humarap ulit siya sakin ng nakangiti.

"Ako si Lily. Ang number 1 hater ng banda niyo." Inulit niya lang ulit yung sinabi niya samin na mas lalo pang nakapagpakaba sakin.

"Sakit ka sa ulo. Sino ka ba talaga?" mahinang sabi ko pero may halong inis.

"Hindi mo naman kailangan malaman kung sino ako, ay teka mali. Hindi mo PA kailangan malaman kung sino ako. Sige na Wain. Alam kong ayaw mong ma-late. May 2 minutes ka pa para tumakbo." sabi niya sabay bukas ng pinto. Natahimik ako.

Paano niya nalaman na hindi ako nale-late? napatakbo ako sa pinto.

"LILY PAN---" napahinto ako sa pagsasalita kasi hindi ko na siya nakita. Tumakbo na ako papunta sa room. Swertehan kasi wala pa yung teacher. Hinanap ng mata ko si Lily. Nandun siya sa dulo. Naglalaro ng phone niya.

Ano bang meron sayo?

"LILY! Si Jane, nasa rooftop!" sabi nung kaklase namin. Kinabahan ako. Lahat ng mga kaklase ko napatakbo sa rooftop. Pati sina shade.

Bago ako sumunod sa kanila nilingon ko si Lily. Nakaupo pa rin siya habang nilalaro yung cp. wala ba siyang pakialam. haiisst.

Tumakbo na ako sa rooftop. Nakita ko si Jane na parang magpapakamatay. Diba yun yung binubully ng mga kaibigan niya. Umiiyak si Jane. Lahat kami sinabihan niyang wag lumapit.

"WALANG LALAPIT.. SI LILY LANG ANG GUSTO KONG MAKAUSAP.. GO AWAY!!" sigaw niya samin, napalingon kaming lahat sa babaeng kadadating lang. May hawak siyang icecream na kinakagat niya.

Diretso siyang nakatingin kay Jane. Bigla siyang ngumiti at lumapit ng konti sa kinatatayuan ni Jane.

"B-BAKIT ANG HILIG MO MAGLARO? BAKIT ANG HILIG MO MANIRA? PINANGANAK KA BA PARA MANIRA NG BUHAY NG TAO? O SADYANG PAKIRAMDAM MO.. NAG-IISA KA KAYA GUSTO MONG NAPAPANSIN KA NG LAHAT!!" Sigaw ni Jane habang umiiyak. Nilapitan siya ni Lily at nginitian. Nilabas ni Lily ang phone niya at iniharap kay Jane.

Nanlaki yung mga mata ni jane. Kung ano man ang pinakita niya, sigurado akong masama dahil humahagulgol na si Jane ngayon habang nanginginig sa galit at yun naman ang nagpangiti ng todo kay Lily.

Kinikilabutan ako sa tuwing ngumingiti siya. Tila ba isang anghel na madaming tinatago.

"Wag mo subukang isisi sa ibang tao ang kasalanang ginawa mo. Dahil una sa lahat, hindi ako ang gumulo ng buhay mo. Ayoko ng sayangin ang oras ko, ay teka lang. Jane right?

Please wag kang gumawa ng eksena dahil hindi ka kasali sa larong ginawa ko. At alam mo kung bakit nasira ang buhay mo? Kasi, nagtiwala ka!" Nginitian niya si Jane at umalis na siya.

Bumaba si Jane at lumapit sa boyfriend niya at sinampal ito. Nagulat naman kaming lahat.

"Player, Timer. Sampal ko sa'yo yung mga mukha ng babaeng hinalikan mo nung wala ako." Sabi ni Jane. lahat kami gulat pa rin. Umalis na siya. Sa pag-alis nila.

Lahat ng tao dito sa rooftop. Iba-iba ang mga naging reaksyon. Sina Austine nilapitan yung boyfriend ni Jane. At ngayon kasama ko naman sina Briel, Honey, at Daniel.

"Minsan talaga naguguluhan ako sa kung anong nangyayari dito sa school eh!" Sabi ni Honey at yun din ang nararamdaman ko.

"Ako rin naman eh! pero hindi ko alam kung ako lang nakakapansin pero bakit lahat si Lily ang tinitignan at pinaguusapan?" Sa sinabing yun ni Daniel, pakiramdam ko may kung anong mangyayari.

"Lily? Wain. Sigurado ka bang hindi mo kilala yun?" Sabi ni Briel.

"Hindi talaga, Pero kikilalanin ko siya." Sigurado ako sa sinabi ko. Lily maghintay ka. Makikilala rin kita.

-------------------------------------

End of chapter #3

Continue Reading

You'll Also Like

21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...