CHASING DREAMS

By ysang_aiza

934 358 118

Hanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa mga pangarap mo? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Note

Chapter 9

35 21 3
By ysang_aiza

Chapter 9

Emmy

Nagulat nalang ako sa biglang pagtawag sa akin ni Anna. Mukhang may importante siyang sasabihin dahil dama ko yung urgency sa boses niya. Hindi ko inaasahan 'yung ipinakita niya sa aking picture nila Ramin at Natalie.

"Ha? Hindi kayo sabay na umuwi kahapon ni Ramin?" tanong sa akin ni Anna.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Iniwan ka ni Ramin?" tanong niyang muli sa akin.

Paano ko ba sasabihin na umuwi ako mag-isa? Na iniwan ako ni Ramin? Na naholdap ako? Na may nagligtas lang sa akin? At hindi 'yon si Ramin. 'Yong nag-iisang taong inaasahan ko ay wala kung kailan mas kailangan ko siya.

Naikuyom ko na lamang ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kirot sa dibdib ko habang nakatingin ako sa picture nila Ramin at Natalie.

"A-ah Anna. M-May nakalimutan pala ako." nanghihinang sabi ko kay Anna tsaka ako tumakbo papalayo sa kanya.

Bakit ganon? Bakit mukhang masaya pa si Ramin habang kasama niya si Natalie? Bakit pakiramdam ko bagay sila? Eh ano namang pakialam ko kung bagay sila ng bestfriend ko? Wala namang masama kung maging sila ni Natalie. Maganda naman siya, bagay sila.

"Oh!" sambit ko ng may bigla akong nabangga. "Sorry." hingi ko ng paumanhin dito.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Saan ba ako pupunta? Lumalabo na ang paningin ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Nagdadagsaan na 'yong mga estudyante sa corridor dahil malapit ng magsimula ang klase pero wala na akong pakialam. Kailangan kong makalayo sa mga tao. Ayokong makita nila akong mahina. Ayokong makita nila akong umiiyak.

Oo. Umiiyak na pala ako kaya nanlalabo na ang paningin ko habang tumatakbo. Bakit ba ang daming tao dito? Agad kong kinuha 'yong panyo ko sa bulsa nang may biglang nahulog mula rito.

Matagal pa akong nakatitig sa bagay na nahulog sa bulsa ko tsaka ko lang naalala ang lahat.

'Yong susi sa may Music Room. Nasa bulsa ko parin pala 'to? Buti hindi nawala? Bakit ko ba nakalimutan?

Bigla namang nag-flashback sa akin 'yong araw na natuklasan namin ni Anna 'yong music room sa may second floor ng building. Naalala ko 'yong biglang pagtugtog ng piano kahit na wala namang tao doon sa loob dahil nakalock 'yon.

Doon nalang kaya ako pumunta? Buti pa doon walang makakakita sa akin. Pwede ko naring makita 'yong kabuuan ng music room. Malalaman ko narin kung may tao ba talaga doon o wala.

Pinulot ko ng muli 'yong susing nasa harap ko. Hinawakan ko 'yon ng mahigpit. Buo na ang desisyon ko. Pupunta ako sa music room. Naku-curious narin kasi ako kung anong mayroon doon sa loob.

Dali-dali akong nagtungo sa kabilang side ng building kung nasaan nakatapat 'yong music room na nasa tabi lang ng hagdan. Dahan dahan akong bumaba papunta sa second floor. Pasulyap sulyap naman ako sa paligid ko dahil baka may makakita sa akin.

Paano pala kung bawal pumasok sa music room? Paano kung may makakita sa akin? Paano kung may magsumbong at mapagalitan ako?

Napailing iling nalang ako sa naisip ko. Lalong humigpit ang kamay ko sa susing hawak ko.

Titingnan mo lang naman saglit 'yong loob ng Music room Em. Wala namang masama doon e. Sisilip ka lang saglit tapos babalik kana sa classroom mo.

"Tama. Madali lang ako doon." bulong ko sa sarili ko.

Determinadong lumapit ako sa tapat ng pinto ng music room. Napabuntong hininga ako habang nananatiling nakatitig sa susi na nasa kamay ko.

Titingnan mo lang naman saglit 'yong loob ng Music room Em.

Pagkumbinsi ko sa sarili ko ng may marinig akong ingay mula sa kabilang dulo ng building. Natatarantang sinusian ko 'yong pinto ng music room at dali-daling pumasok dito.

"Whoa! Muntik ng may makakita sa akin." I sighed.

Unti-unti akong sumilip sa pinto para sana tingnan kung sino 'yong mga paparating. Pero parang bigla akong nagsisi na tiningnan ko pa 'yon. It was the group of Natalie and Robert. At masakit man sa mata ay kasama nila si Ramin. Natatawanan at nag-aasaran sila.

Mataman akong napatingin kay Ramin. Nakangiti siya pati narin ang mga mata niya. Masaya siya. Sabi ko sa sarili ko. Kitang kita naman 'yon sa mga mata niya e.

Agad akong napaiwas ng tingin ng lumapit si Natalie kay Ramin. Bakit? Bakit hindi ko kayang maging masaya para sa bestfriend ko? Bakit ako nasasaktan kapag nakikita kong magkasama sila ni Natalie?

Nagtatampo lang ako kasi halos hindi na kami nakakapag-usap. Lagi nalang siyang kasama nila Robert.

Sigurado ka ba? Baka iba na 'yan? Turan naman ng isang bahagi ng utak ko.

Ano namang magiging iba doon? Natural lang naman na magtampo ako dahil bestfriend ko siya.

Baka naman nagseselos ka lang?

"Ugh! Tama na nga ang kakaisip! Baka kung saan lang mapunta 'tong kakaisip ko!" sita ko sa sarili ko.

Baka naman may ayaw ka lang aminin sa sarili mo?

"Shut up!" suway ko sa makulit kong isip.

Inilibot ko na lamang ang tingin ko sa kabuuan ng music room para madistract nalang ang isip ko. Napangiti ako ng mapansin ko kung gaano ito kaganda sa loob. Para akong nasa loob ng isang theatre.

Nakapatay man ang ilaw ngunit sapat na ang liwanag mula sa mga bintana para makita ko kung gaano ito kaganda. Parang bigla akong narelax dahil doon. Nakangiting naglakad ako papunta sa stage na natatakpan ng pulang kurtina.

Para akong baliw dito na nakangiti pero umiiyak. Masaya ako dahil sa nakikita ko at the same time ay nalulungkot ako dahil naaalala ko ang tatay ko. Sabi sa akin ni Papa sa ganitong lugar daw sila nagkita ni Mama.

Pumasok ako sa loob ng backstage at nakita ko ang iba't ibang costumes na nandoon. May iba't ibang instrumento din doong nakadisplay. Nakakapagtakang napakalinis dito sa loob gayong sabi nila ay wala namang gumagamit nito.

Paano kaya naging posible 'yon? Baka naman may janitor na naglilinis dito kahit na hindi ginagamit? Pwede rin. Sayang naman kasi ito kung maaalikabukan lang.

Masaya akong naglibot libot sa backstage habang inaalala ang kwento nila Mama at Papa. Kwento ni Papa na karaniwang tumutugtog siya habang kumakanta naman si Mama.

Sana ay nagkaroon ako ng pagkakataon na marinig silang tumugtog at kumanta.

Agad kong punanasan ang mga luha ko. Everything in this place reminds me of my parents, reminds me of who I am before my father died. Somehow ay ramdam kong belong ako rito. Masaya akong nakita ko ang lugar na 'to because it reminds me of everything. Pero nakakaramdam din akong ng guilt. Dahil simula ng mawala si Papa ay kinalimutan ko na ang lahat ng 'to.

Iniwan ko ang pagkanta. Pinilit ong kalimutan 'yong mga bagay na magpapaalala sa akin na nag-iisa nalang ako, na iniwan na ako ng mga magulang ko. Nagi-guilty ako dahil sa ginawa ko. Nagsisisi ako na tinalikuran ko 'yong mga bagay na nagpapaalala sa akin sa kanila. Nagsisisi akong lumayo ako sa tunay na ako.

Dinala na ako ng mga paa ko sa entablado. Hinawi ko ang mga kurtinang nakaharang doon. Napangiti ako habang nasa gitna ako ng stage at nakamasid sa mga upuan sa harap ko. Right then and there ay napakanta na lamang ako bigla.

Think of me, Think of me fondly

When we've said goodbye.

Remember me once in a while

Please promise me you'll try.

Nakangiting umawit ako. I feel free. Napakasarap sa pakiramdam. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang uli ako nakaramdam ng ganito.

Then you'll find that once again you long

To take her heart back and be free.

If you ever find a moment

Spare a thought of me.

I was about to sing the next line of the song ng may biglang nagsalita sa likod ko. Agad naman akong napahinto.

"Anong ginagawa mo dito?"

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa boses na 'yon. Punong puno ng awtoridad ang boses na 'yon at para bang galit na galit siya sa ginawa ko. Para akong nasuway ng isang terror na teacher dahil sa konting pagkakamali ko lang.

Nanginginig ang tuhod na lumingon ako sa pinanggagalingan ng nakakatakot na boses na 'yon.

Akala ko ba kasi sisilip ka lang saglit dito sa music room? Sukat ba namang naglibot ka pa, nangalkal ka pa, at may pakanta kanta ka pang nalalaman. May nakakita tuloy sayo.

Doon ay tumambad sa akin ang isang lalaking nasa black na rubber shoes, black na pantalon, at black na jacket. Over sa black? Pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot ang hood ng jacket niya. Malamig ba?

Maigi kong sinuri ang itsura niya. Bakit parang pamilyar siya? Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang maalala.

"Anong ginagawa mo dito?"

Ulit nyang muli kaya napahinto ako sa pag-iisip. Palapit siya ng palapit sa akin kaya naman paatras ako ng paatras.

"A-ah. S-sorry.. Sor-rry po.." kinikilabutang sagot ko. Atras lang ako ng atras dahil sa takot ko ngayon sa lalaking nasa harap ko.

Baka isako niya akoo at itapon sa tulay.

"Paano ka nakapasok dito?" tanong niya.

Hindi ko maiwasang hindi mapalundag dahil sa dating ng boses niya. Nakakatakot at punong puno ng awtoridad. Para akong isang walang kalaban laban na nilalang na pumasok sa kweba kung saan mayroon isang halimaw na nagbabantay. Katapusan ko na ba?

"A-ah a-ano.. P-po.. Ka-kase ano.." patuloy akong naghahagilap ng sasabihin.

Hindi ko pwedeng sabihin na may susi ako dahil baka pagbintangan niya akong nagnakaw ng susi. Hindi ko naman ito ninakaw e. Tinago ko lang. Hm.

"Ano!?" sigaw niya na parang nawawalan na ng pasensiya.

Patuloy lang siya sa paglapit habang patuloy naman ako sa pag-atras.

Ano ng gagawin ko? Anong gagawin ko ngayong walang Ramin na tutulong sa akin. Ugh! Tumakbo nalang ka---

"Aah!!!"

Sigaw ko habang mariing nakapikit. I was expecting na babagsak ako sa sahig dahil kanina pa ako atras ng atras at nahulog na ako sa stage pero that never happened.

Ano 'yon? Bakit ang bango? Nasa heaven na ba ako? Sabi nila maraming mga bulaklak doon e. Pero bakit parang medyo matapang ata ang amoy ng mga bulaklak dito sa napuntahan ko?

I slowly open my eyes to see what happen. At ang sumalubong sa akin was a pair of cold eyes. Walang kaemo-emosyong 'yon habang nakatingin sa akin. And his strong arms are around my waist.

I took the chance to look at him intently. Nalaglag na 'yong hood ng jacket niya at masasabi kong mas nakakatakot siya ngayon. Nakakatakot sa sobrang gwapo at feeling ko nakakapaso 'yong hawak niya sa bewang ko.

Napansin niya ata ang titig ko sa kanya kaya bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. Nakakatakot. Para akong malulunod sa mga titig niya kaya naman agad ko siyang itinulak palayo.

My bad. Natuluyan ako ng pagkahulog sa stage.

"Ow." sambit ko habang nakahawak sa nananakit kong balakang.

Dahan dahan akong tumayo at sinubukang maglakad. Ang malas naman talaga. Sobrang sakit. Buti nalang nakalakad pa ako.

Tiningnan ko siya ng masama habang nakangiti parin siya sa akin ng nakakaasar. Kung wala lang ako dito sa stage ay baka nasipa ko na siya. Ang sakit kaya mahulog sa stage.

Naputol lang ang titig ko sa kanya ng biglang mag ring ang bell. Sunod naming narinig ang yapak ng mga estudyanteng nagmamadali sa pagpunta sa mga room nila.

"Tapos na ang break. Baka gusto mo ng pumasok sa next class mo?" napalingon naman ako sa kanya.

Hindi ko alam pero bakit parang bigla akong nadismaya na nakalagay nanaman ang hood niya? Hindi ko masyadong makita ng maayos ang mukha niya.

Teka? Tapos na daw yung break? Hala? Hindi ako nakapasok sa subject ko ng umaga!

Natatarantang tumakbo ako papunta sa pinto ng music room. 'Di alintana nag sakit ng balakang ko. Ngunit bago ako tuluyang lumabas ay nilingon kong muli ang stage.

Muli akong nadismaya ng makitang muli ng nakatakip doon ang pulang kurtina at hindi ko na uli natanaw 'yong lalaki kanina.

Sino kaya siya?


To be continued...

@ysang_aiza 2016

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
1.5M 51.8K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
24.6M 716K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...