Message Sent

By heimao

1.6K 62 81

The best things in life happens unexpectedly - somewhere between your laughs, casual talks and lame jokes... More

Foreword
[1]
[2]
[3]
[4]
[5]
[6]
[7]
[8]
[9]
[10]
[11]
[12]
[13]
[14]
[15]

[16]

91 3 6
By heimao

-JERIC-

We headed straight to a Chinese Temple after attending mass at Baclaran Church.

Habang busy sila, I sought advice right away from one of the monks who happens to be a family friend already sa dami ng tulong na bigay nya sa amin ever since.

"Vague. Tingin ko kelangan nyo mag-usap para magsimula ulit at saka mo aminin ang feelings mo para sa kanya." Sabi nya.

"Paano kung ayaw magpakita?" I asked back.

"Hindi mo makikita kung di mo hahanapin. Alam mo, ang tao, nawawala kapag hinahanap nila ang mga sarili nila. She might be doing that. Baka kailangan mo din gawin dahil kahit anong payo bigay ng monks o kahit idasal mo sa Catholic Church, dapat kilala mo muna ang sarili mo para maintindihan mo ang sagot galing sa taas."

Siguro nga. Siguro nawala na yung totoong ako dahil nagpakain ako sa estado ko. Hindi naman sa nagyayabang na ako... Pero baka nga pakiramdam ko lagi, ako yung hinahabol, yung hindi na ko mahihirapan dahil sila na ang lalapit. I forgot that love is a two-way process.

"Lagi nyo tandaan, Jeric and Jeron, that fame, talent, money are all temporary. It is better to invest in people who will be there even if you lose everything." Paalala ng monk bago kami umalis ng temple.

To: Francis Tiempo
Kamustahin mo nga si Gab pag may chance. Hindi ako nirereplyan eh. Please?

Hindi ka talaga rereplyan kasi di mo naman tinetext. Gago lang?

From: Francis Tiempo
Balitaan kita.

Hindi ako masyadong nagsasalita the whole time I was with the family. Hindi rin naman ako masyadong pinapansin nila Mommy kasi alam naman nila na pikon ako kung aalaskahin nila ako kagaya nung ginawa ni Achi kanina.

Inaantay ko lang yung message ni Francis pero wala na kasing sumunod sa text nya.

I went on with my life. Hindi ko na namalayan na nakadalawang panalo na kami at Globalport na yung kalaban namin sa isang araw.

"Busy talaga yun, Ji. Isang beses lang ako nireplyan eh."

"Anong sabi?"

"Magulo daw schedule nya sa office eh. Wag kang mag-alala sigurado namimiss ka rin nun."

"Niyaya mo manood kahit practice?"

"Lagi. Kaya lang di daw sya sure kung kelan."

"Pinilit mo na?"

Napakamot ng ulo si Francis. Pakiramdam ko napipikon na sa pagiging demanding ko when it comes to Gab.

"Ji, wag kang magagalit sa akin ha. Kaibigan ko si Gab at syempre pamilya na ang turing ko sayo... Kaya lang, kung idadaan nyo ng idadaan sa akin, baka mas lalo kayong di magkaintindihan. Bakit di kayo mag-usap na kayo lang?"

"Kelan ba ko mineet nun na walang kasama?"

"E di pakiusapan mo. Baka kasi yun lang inaantay nun."

Nakakakaba pero pwede naman itry siguro.

Can we talk?

Ilang beses ko binura at niretype pero di ko kayang isend.

Nandun ako sa point na naguguluhan kasi bigla nalang umabot sa ganito.

Yung hindi ko akalain na aabot pala sa ganito.

Can we talk?

Bahala na. Wala namang mawawala kung hindi man sya magreply. At least, I tried. Hindi ako nagsayang ng chance.

Message. Sent.

-GAB-

"Sarap sabunutan! Masyado ka ng maganda." Hirit ni Rich kasi nakita nyang si Gelo yung naghatid sakin.

"Nung minsan Terrence Romeo... ngayon Gelo Alolino ulit. Ibang levels ka magkaroon ng manliligaw eh." Dagdag pa nya.

"Manahimik ka nga." Saway ko sa kanya.

"Baka may makarinig, maniwala pa sayo." Sabi ko pa.

"Tigilan na natin ang pagka-humble teh. Kung walang intensyon yung mga yun, di na magtatyaga yun ihatid at sunduin ka dito sa office."

"Mababait na kaibigan lang talaga sila." I defended and earned rolling eyes from Rich.

"Kaibigan mo ko di ba?" He asked.

"Malamang. Ano ba namang tanong yan!"

"At alam kong mabait akong kaibigan. Pero di naman kita pinag eeffort-an ihatid. Get mo yung logic, beks?"

"Hindi nga. Kasi ako naghahatid sayo eh. Prinsesa ka eh." Natatawa at pabiro kong sagot.

"Pero nadethrone mo na ko. More of Reyna ka pa. May King Tiger ka, King Tamaraw, King Bulldog. Sayong sayo ang korona kahit sino piliin mo eh."

"Ang kulit mo rin eh. Paano pipili, wala namang nanliligaw." I said.

Pero natahimik ako ng maalala yung pinag-usapan namin ni Gelo. Sa kanila ni Jeric, parang sya naman talaga yung malapit-lapit sa reality. Yung mas naaabot pa.

Yung di ka mahihirapan makibagay dahil di anak mayaman. Yung kahit maglakad kayo sa mall, UAAP Season lang may lalapit at magpapapicture. Yung kahit sa carinderia kayo kumain, di ka matatakot na tatamaan sya ng food poisoning. Yung di ka na mag-iisip ng isusuot mo the day before mag meet kayo. Yung hindi ka mako-conscious sa mga sasabihin mo kapag magkausap kayo kasi walang mga mata at tenga na nasa inyo ang focus. Yung hindi ka ikukumpara sa mga naging girlfriends noon. Yung hindi ka hinahanapan ng mali ng mga tao.

Yung mas madaling ipakita yung totoong ikaw. Walang pretensions, walang adjustments.

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kahit mas magiging madali ang lahat, andun pa rin ako sa point na, ready akong mahirapan, ready masaktan, ready mapagod. Yung ok lang makita na baka nakahanap na sya ng match nya, at putangina malamang hindi ikaw yun. O worst, akala mo naconsider ka pero akala mo lang pala yun.

Oo na, ang tanga ko talaga. Ang tanga ko when it comes to Jeric Teng.

-JERIC-

"Ang lalim naman ng iniisip mo." Sabi ni Auntie nung di ko sya namalayang kumatok at pumasok sa kwarto.

Nakatulala na naman ako dun sa bigay na digital art ni Gab eh.

"Alam mo gandang-ganda ako dyan sa artwork na yan." Auntie said and looked at Gab's artwork too.

I smiled as reply.

"Saan mo pinagawa yan? Pagawan mo din ako para dun sa kwarto ko." Natatawang hirit ni Auntie.

"Bigay lang po sakin yan eh."

"Pakilala mo naman sakin yung nagbigay!" Medyo may pang-aasar na hirit sakin ni Auntie.

Inassume nya na babae talaga yung gumawa? E pano pala kung dun galing sa mahilig mag edit sa Bayan ng RoS? E lalaki yun eh.

"Di ka na talaga mabiro, oo." She chuckled. She might've noticed how blankly I stared at her.

"Pero special sayo ito no?" Usisa ni Auntie.

"Lahat naman po pag binigay satin, we should be appreciative of it. So, opo, special sakin yan."

Nilapitan ni Auntie yung artwork.

"Alam mo totoo nga yung kinwento ni Francis sakin nung minsan. Na napakatyaga nung gumawa nito. Mas maganda pala sya pag nilapitan mong mabuti. Mas mararamdaman mo yung puso nya sa paggawa. Babae sya ano?"

I nodded and gave her a faint smile.

"O, bakit ganyan ka kung makareact. May hindi ba ako alam?"

Pinilit ako ni Auntie magkwento about Gab. Naramdaman ko ulit yung simple happiness na nakakataba ng puso just by looking back how we met and how far we've gone through from a Wattpad story.

"Siguro ilalagay ko din yan doon sa tablet na binigay ni Susan sakin. Mapaglilibangan ko yan pag nagpapalakas ako pagkatapos ng chemo." Pati si Auntie magwa-Wattpad na.

"Nagkikita pa ba kayo ni Gab? Nanonood rin ba sya ng mga laro nyo?" Tanong ulit ni Auntie.

"Busy daw po sa trabaho eh. Matagal-tagal na rin nga kaming di nagkikita."

"Ipakilala mo sakin sa susunod. Gusto kong magpagawa sa kanya ng ganyang nasa frame na yan. Isama mo ako sa game mo pag andun sya." Masayang sabi ni Auntie.

Hindi ko alam kung magkikita pa nga ba kami. If she chose to take me out of her life, kahit ayokong mangyari, hindi ko naman mapipigilan yun di ba?

But how can I do the same? With all the support I felt from her, she will never be a nobody. Hindi sya simpleng fan na kaya kong idaan sa "Hi, hello" basis.

-GAB-

"Are you for real?" Pabulong kong sabi at muntik ko pa mabitawan ang phone ko nung nabasa ko yung message.

Can. we. talk.

Kung kelan sinusubukan mo na bumitaw saka aarangkada ng ganito. I really wanted to seek advices from Rich and our other friends pero ayoko kasi marinig yung reality na, walang romantic intentions si Jeric. Asang asa na ko eh.

"O sige, dun nalang sa McDo sa tapat ng office mo para di ka na lumayo." Kuya Francis said after I called him and asked to meet up.

"Hindi ako nagmamaganda o nagpapapilit Kuya. Alam kong alam mo yan. Pero andun kasi ako sa sitwasyon na wala akong mahingan ng payo. Ayoko kasing marinig na asyumera at ilusyunada ako kahit totoo naman. Nahihirapan ako kasi umasa ako na dahil may oras at attention na binibigay si Jeric sakin, akala ko pwede na. Kaya ngayong naglalabasan yung mga taong para sa kanya, hirap na hirap akong tanggapin. Nasasaktan at affected ako at alam kong wala namang pakialam si Jeric dun."

"Hindi mo malalaman kung di kayo mag-uusap."

"Wala ka ba talagang idea kung bakit sya nakikipagkita?" Iling lang ang sinagot nya sakin.

"Kahit clue wala talaga?" Pangungulit ko pa kay Kuya.

Continue Reading

You'll Also Like

224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
39.5K 1.3K 77
Compilation of Vhoice stories.
342K 7.7K 33
Bored ako
74.1K 3.1K 50
In which Izana and Y/N have been academic rivals since their freshmen year. Both of them are competitive and are out to destroy one another. But what...