[15]

52 2 7
                                    


-GAB-

"Ano? Sakin?!" I surprisingly reacted, went out of room and stared at Gelo.

"Oo. Magkaibigan naman tayo kaya naisip ko, bakit ko pa itatago, bakit di ko pa aminin."

Aaminin kong kinakabahan ako sa mga sinasabi nya, pero damage control nalang. Wag mag-isip ng kung ano-ano.

Hindi ako nagsalita... All this time, my blank stare was at Gelo.

He sighed.

"Gab, I like you... The moment Katrisse and Glenn introduced you sa barkada, I started hoping na ikaw yung pinagdadasal ko.

Tapos, nung nakikilala na kita lalo kong hiniling na kung pwede ikaw na nga."

"Alam mo, Gelo, nabibigla ka lang. Nadadala ka lang ng sitwasyon mo at nung girlfriend mo."

"Ex na, Gab. Ex na."

Matagal naman ng break si Gelo at yung girlfriend nya na yun. Ang alam ko, noong birthday ni Tita Gina (mama ni Katrisse), malabo na sila nun at nag aantayan nalang ng closure. Dun ko rin sya nakilala personally.

Alam ko kung paano tinry ni Gelo na makipagbalikan dun sa girl pero ayaw na yata talaga. Paiba-iba ng rason kesyo ayaw daw ng parents nya kay Gelo kasi puro basketball lang, mahihirapan magprovide ng magandang future.

Pero kung mahal naman sya nung girl, di ba ilaban nya dapat?

Kaya lang sabi nga ni Gelo noon, iba na kasi ang usapan pag pamilya na yung kumukontra.

Later on, napapadalas ko na syang kasama. Hindi ko naman nilalagyan ng meaning kasi ayoko mag-assume. At saka sobrang inorient na ni Glenn yan tungkol sa pagiging mapangaraping faney ko kay Jeric.

Vocal din ako kay Gelo na umaasa ako na magkakaayos sila kasi alam ko at nakikita ko kung gaano nya kamahal yung girl eh.

"Alam mo, nalilito ka lang. Kain tayo after grocery. Treat ko! Para mahimasmasan ka." I said.

"Gab, alam kong alam mo naman eh. Alam ko rin na ayaw mo lang lagyan ng kulay kahit na obvious na obvious namang nagpapa-good shot ako sayo. Ramdam ko rin na alam mo naman kung bakit ako laging nandyan kapag nalulungkot at nawawalan ka ng pag-asa kay Teng - the same way na sinuportahan mo ko na kumapit at lumaban pa. Pero sana di mo pinigilan yung sarili mo na makita na sa gitna nung mga casual eat outs natin, mga biruan, kulitan, I wasn't even aware that I have developed my feelings for you."

Honestly, hindi ko maprocess lahat ng sinasabi sakin ni Gelo. May bumubulong sa utak ko na baka pwede akong magconsider... Pero mas nabibingi ako sa sinasabi ng puso ko na wag akong padalos-dalos.

Mas matalino yata yung puso ko ngayon, no?

"Gab, I'm telling you this hindi para pilitin ka na papasukin ako sa buhay mo in an entirely new level." He told me and held my hands.

"Andito ako at umaasa na maiintindihan mo ko as a friend." He said.

"Hindi ko alam kung paano kita iintindihin kung ikaw mismo, ginugulo mo ang isip ko. Alam mong hindi ko kayang pag-isipan ng negative ang mga kaibigan ko, at alam ko na alam mong kasama ka dun. Direchahin mo na ko, Gelo."

He bowed his head in confusion. Nararamdaman ko yung lahat ng tanong na tumakbo sa utak nya just by how tight he holds my hand. I started to tremble too kasi nahihirapan akong makakita ng tao na nagkakaganito dahil sakin, dahil sa kung ano mang nagawa ko.

He wasn't saying any word but I felt how heavy his emotions were.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko, Gelo. Di ko alam kung thank you kasi ang tapang mo para sabihin sakin 'to lahat. Thank you, kasi da dami ng babae ako pa talaga." I told him and gave him a tight hug.

Message SentOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz