[14]

50 4 7
                                    

-GAB-

"Alam mo ang ganda ng pagkakagawa dito sa unit mo." Terrence said while he was surveying my place.

"Hindi naman ganyan yung original nyan. Pinagtulungan namin ng friend ko para maging worth it naman." I told him.

"Ilan kayo dito?"

"Dalawa lang. Sayang kasi nung isang bedroom and since nasa province naman yung family nung friend ko, ito na rin daw muna yung ituturing nyang bahay nya dito sa Manila." I explained and handed him a glass of juice.

"Salamat." He smiled and took the glass from my hand.

"Yung pa-condo kasi ng GP, fully furnished pero hindi ko na rin na-maintain na bisita friendly eh." Kwento pa nya.

"Bisita friendly talaga ah."

"Eto kasing pagkakaayos nyo, kahit parentahan mo to ng mahal meron at meron talagang kukuha siguro."

After we ate, nagtanong si Terrence kung pwede nya icheck yung rooms kasi nagagandahan daw sya sa ayos sa labas palang at papagaya nya daw sa place nya.

"Kung bukas yung kay Nels wala namang problema. Yung sakin, magulo yan kasi hindi ko pa tapos iligpit yung mga kalat." Hindi ko alam kung anong ibig kong sabihin talaga eh. Pero naramdaman ko na parang may pinanggalingan. Haha.

Alam kong may nililigpit talaga ako at di ko lang matapos... Kasi hindi ko kayang madaliin eh. Mahirap madaliin.

"Okay. So alin yung kay Nels?"

Terrence gladly checked out Nels' room. Natutuwa daw sya kasi space saving yung pagkakaayos at kahit sa mga furniture na nasa loob.

I kept myself busy after noticing that he went to my room na.

"Ok lang ba magtanong?" He asked the moment he stepped out of my room.

"Nagtatanong ka na kaya." Pambabara ko sa kanya.

"Isang tanong pa."

"Eto, di na mabiro. Ano ba yun?" I asked back after I washed the dishes.

"Sya ba yung kalat na nililigpit mo?" He asked and handed me a polaroid photo of Jeric and I.

Hindi ako sumagot. I'm not even sure if I reacted the moment he handed the photo. Wala akong maramdaman.

"Kaya pala familiar ka. Sinasama ka nya sa games eh."

"Correction. Humihingi ako ng ticket para manood. Hindi nya ko niyayaya at sinama." I told him in the most witty way I could and took the photo, placed it back and closed my room's door.

Huminga ako ng malalim. Ang OA naman kung mag iinarte ako kay Terrence. Ano bang malay at pakialam nya sa one-sided at hopiang hopiang feelings ko para kay Teng?

Bumalik ako sa couch at naupo habang pinipilit na ibalik yung patay malisya kong mood.

"Sorry. Hindi sa pakialamero ako. Nakuha lang talaga yung attention ko pagpasok. Bagong hiwalay lang ba?" He inquired even before I came back to my jolly self.

"Paano maghihiwalay, wala namang relasyon." I shot back.

"Hindi mo naman kelangan magkwento eh. Pero wag mo na ko i-showbiz talk." He chuckled.

Sira ulo talaga 'to si Terrence. Kabago-bagong kakilala kung makagawa ng issue, malala eh.

"O ayan, ngumiti ka rin." He said.

"Wag ka kasing issue." I commented.

Pinilit ni Terrence ibahin yung usapan kaya medyo gumaan na rin yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung aabot sa point na malalaman nya yung nararamdaman ko sa lahat ng nangyari kagaya sa pagsshare nya naman tungkol dun sa pinopormahan nya... Wag naman sana kasi di naman kailangan.

Message SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon