"I will never tell you who I am." -Jake
----
Ibinagsak ko ang aking katawan sa kamang napakalambot na talagang napakakomportableng tulugan . Sa pagkain ko ng hapunan, sa pagpalit ko ng uniform, sa paghilamos ko, sa pagtoothbrush ko, naaalala ko pa rin ang mga tingin niya. Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon. Ipinikit ko ang aking mata at pinilit na iconcentrate ang isip ko sa pagtulog.
*Dreaming*
Pinayagan ako muli ni mama na magcommute. At isa na namang napakasayang araw para sa akin. Sumakay na ako sa jeep, yakap-yakap ang librong kasalukuyan kong binabasa.Umandar na ang sasakyan at bigla akong kinabahan nang tumigil ang jeep sa madilim na parte nang kalsada. Pagkatingin ko sa aking paligid ay wala na ang mga pasaherong kanina'y napakaliwanag ko pa silang nakikita. Saan na sila nagpunta? Hindi ko sila nakitang bumaba? Tuloy-tuloy ang pagtibok ng puso ko ng mabilis at ginagalaw ko ang aking katawan subalit hindi ko magawa.Hanggang sa biglang may nagtakip ng panyo sa aking bibig. Sumisigaw ako subalit huli na. Nawalan na ako ng malay.
Napaupo ako sa aking kama na hingal na hingal. Pinunasan ko ang aking mukha na punong-puno nang aking pawis. Napahawak ako sa aking buhok at itinungkod ang braso sa aking tuhod. Anong nangyayari sa'yo kazrine. Anong nangyayari sa'yo? Binuksan ko ang ilaw ng aking kwarto at lumabas, kumuha ako ng tubig sa kusina para naman maibsan ang takot na nararamdaman ko.
Bumalik na ako sa kwarto ko at binuksan ang bintana para pumasok ang lamig na nagmumula sa labas. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Pa eleven o'clock palang ng gabi. Tahimik ang buong village, may pangilan-ngilang kotseng dumadaan pero hindi sapat 'yun para magising ang mga tao. Umakyat ako sa bintana at umupo sa bubong. Pagkabukas na pagkabukas ng bintana ng kwarto ko ay bubong ang makikita mo kasi I requested it to my parents na gusto ko may bubong sa ibaba ng aking bintana para pwede kong pagpahingahan. Atsaka isa sa palagi kong ginagawa ay ang tingnan ang mga stars sa itaas. Dahil minsan kapag maraming stars ay lumalabas ako ng bahay, umuupo sa bench at tumitingala. And I found out na mangalay tumingala kaya para mas madaling makita ang stars sa gabi, humihiga nalang ako sa bubong. And that roof has its own name and I called it, "Magic Roof".
Magic Roof kasi may magic siya na ako lang ang nakakaramdam at nakikita. Ordinaryong tao lang ang nagtayo ng bahay naming at hindi ko ito pinagawan ng ritwal o whatever latin. Basta. Magic Roof siya kasi nadadala niya ako sa ibang mundo. I mean, kapag stress ako lalo na sa mga school projects and activities lalo na kapag exam, dito lang ako umuupo para magpahinga and then suddenly, its taking me to another world. Dinadala niya ako sa mapayapang lugar, 'yung nakakarelax ang mga naririnig mo, 'yung kinabukasan, wala kang aalalahanin kahit alam mong marami ka pang gagawin.
So, ngayon alam niyo na kung bakit hindi ako into sa galaan. Dahil kahit anong oras kaya kong mamasyal saan ko man naisin sa pamamagitan ng imagination. Yeah. I'm kind of weird girl at hindi na ako mageexpect kung weird guy ang makakatuluyan ko.
Nagising ako sa pagtulo ng tubig sa aking noo. Hindi ko alam na dito na pala ako nakatulog. Dahan-dahan akong nagpuntang bintana at baka madulas ako sa mamasa-masang bubong. Pagkababa ko ay nagdiretso na akong ligo. Mamaya pang hapon ang pasok ko kaya sa coffee shop nalang muna ako magtatahan.
"Kamusta ang pagkocommute?" My mom asked as I sit on the chair.
"Nagcommute ka?" Tanong naman ni papa habang nakatingin sakin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at kumuha nalang ng gatas.
"Wala kasing magsusundo sa kanya kaya pinagcommute ko na siya kagabi. Hayaan mo, mamaya ako na ang magsusundo sa anak mo." Pagtanggol ni mama sakin
"Ang daming loko-loko sa daan. Maraming masasamang loob na nagkalat lalo na kung gabi. Sa sunod sabihin mo sakin kung magcocommute ka para ako nalang ang magsusundo sa'yo."
"PA, okay lang naman sakin ang magcommute. Para na rin po masanay akong mag-isa na nagbibiyahe. Kaya ko naman po eh."
"Ayos llang sakin ang magbiyahe kang mag-isa, ang akin lang, maraming masasamang loob ang nagkalat, hindi mo alam, bigla nalang sila susulpot. Nag-aalala lang naman ako sa'yo kazrine."
"Pa, kaya ko naman po. Matanda na ako kaya kaya ko na. Wag mo na po akong alalahanin." Sagot ko atsaka ipinagpatuloy na ang pagkain. Sumabay na ako kay papa palabas ng village namin. Si mama kasi mamaya pa ang punta sa isang branch ng shop naming. Wala din naman akong makakasama sa bahay kaya mas mabuti pang sa coffee shop nalang ako magtahan. Hinatid na ako ni papa.
"Bye, Pa." sabi ko atsaka nagbeso sa kanyang pisngi.
"Magcocommute ka ulit mamaya?" Tanong niya
"Ahmm..kung papayagan mo po ako."
Ngumiti siya sakin.
"May tiwala naman ako sa'yo kaya pinapayagan na kita. Basta mag-ingat ka hah."
"Yes, Pa!" atsaka ngumiti sa kanya.
"Kung maraming nagkalat na masasamang loob. Syempre, marami ding police ang nagkalat para mahuli sila." Sagot ni Papa at ngumiti ulit ako. Bumaba na ako ng sasakyan at bago magpuntang loob ng coffee shop ay hinintay ko muna si papa na makaalis.
At nang makaalis na siya. Tinungo ko na ang daan papasok at napawi ang ngiti ko nang makita ko na naman ang lalaki kahapong umaga at kagabi. Atsaka ngayon. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makaupo na ako sa lagi kong inuupuan sa may kanang dulo ng coffee shop.
Nakatingin din siya sakin. Nakasumbrero pa rin siya at nakikita ko na ang kanyang mukha. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at kinuha ang libro sa aking bag. Paano naman ako nakakasigurado na siya nga 'yung lalaking tumabi sa akin kahapon, 'yung nakasabay ko sa jeep at ngayon?
"Ma'am, ito na po ang iyong chocolate coffee, cheese cake and pancake." Darren said.
"Darren."
Aalis na sana si Darren nang tawagin ko siya.
"Yes, Ma'am?"
"Kilala mo ba 'yung lalaki na 'yun?" Tanong ko habang hindi nagpapahalatang tinatanong ko siya sa waiter namin.
"Actually ma'am araw-araw 'yang nagpupunta dito. Ngayon mo lang po napansin? Ang napansin ko sa kanya, lagi siyang nakasumbrero at jacket kahit kainitan ng panahon." Sagot ni Darren
"Napansin mo ba na siya ang katabi ko kahapon?" Tanong ko at tumango siya.
"Teka, dito ka lang muna Darren." Sabi ko at tumayo atsaka nagtungo sa pwesto nang lalaki at nang makalapit na ako.
"A-anong...." Bigla siyang tumayo at nagdire-diretso nang lakad papalabas ng coffee shop. Hindi naman siya bastos no? Kinakausap ng ANAK ng MAY-ARI ng coffee shop na lagi niyang pinagaalmuusalan e nagawa niyang iwasan?
Bumalik na ako sa aking pwesto.
"Tatanungin ko sana kung anong problema niya kaso..bigla akong iniwan. Kagabi kasi, nung nagcommute ako feeling ko siya din 'yung kung makatingin sakin para akong kakainin ng buhay."
"Baka stalker mo."
"Stalker?Heck. Kailan pa ako nagkastalker. Hindi ako artista para stalk-in niya." Sagot ko atsaka kinain ang pancake.
Playing on the radio:
I wanna hide the truth
I wanna shelter you
But with the beast inside
There's nowhere we can hide
No matter what we breed
We still are made of greed
This is my kingdom come
This is my kingdom come...
Napaisip naman ako bigla sa sinabi ni Darren. Impossibleng stalker ko siya. Baka nagkataon lang na nagkatinginan kami o nagkatitigan. Hayaan mo kazrine, next time na magkita ulit kayo, diretsahan mo na siyang tanungin.
Nakakapangilabot kasi ang tingin niya. Hindi ko alam kung manyak o whatever kung ano man ang masama niyang balak sa akin. O kaya? Assuming lang ako na sa akin siya tumitingin. Malay ko duling siya tas sa iba pala nakatingin, edi napahiya pa ako. Pero 'yung kagabi? Sa akin naman talaga siya nakatitig ah. Halos kainin na nga niya ako sa sama ng tingin niya sakin.
Naubos ang aking oras sa pagbabasa ng libro. Mali, naubos ang oras ko kakaisip sa stranger na lalaki na 'yun, na sabi ni Darren ay stalker ko daw. Ewan kung anong meron sa lalaki na 'yun para maagaw niya ng atensyon ko ng ganito, na halos hindi na ako makapgconcentrate sa pagbabasa. Samantalang kapag nandito lang ako sa coffee shop, may nakakaagaw din naman ng atensyon ko pero hindi katulad ng sa kanya. Parang nagkainteresado akong malaman kung bakit ganun siya makatingin sa akin.
Nabighani siya siguro ng kagandahan ko. Nyih. Mukhang matanda naman na 'yung lalaki kaya imposibleng mabighani ko siya.
Imbis na isipin ko pa siya ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa paglalakad patungo sa school. Mas naging mapagmatyag ako ngayon lalo na't baka sinusundan ako nung lalaki, kasi diba nga ganun ang stalker, sinusundan ka kahit saan, pipcturan kung anong mga gagawin mo at ipapamalita.
Napahawak ako ng mahigpit sa aking ulo. "Kazrine, nasisiraan kana yata ng ulo." Sabi ko sa sarili ko at bigla akong napabangga sa guard.
"Sorry po." Sambit ko atsaka inayos ko na ang aking tayo. Alam kung sinusundan ako ng guard nang tingin. Baka pagkamalan niya pa akong lasing kaya inayos ko ang aking paglalakd.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ko ulit sa sarili ko habang hinihilamos ng kamay ang mukha.
//////////