Hot Nights With An Incubus

By Seolwah

13.9K 205 54

SPG (Mature Content) Nabuhay siya sa lumang panahon at nagkaroon ng malaking pagkakamali na makipag relasyon... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
Author's Note
Author's Note
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15

CHAPTER 2

1.6K 14 0
By Seolwah

He felt her.

Tinawag niya ito sa paos na boses.

Ninya..


Wala siyang nakuhang tugon mula dito.

Ilang daang taon na ang nakakalipas mula ng huli niya itong maramdaman.

Nasa paligid lang ang babae at ngayon ay naligalig siya para makita at makausap ito. Sapat na ang ilang siglong pagkakakulong niya para palayain siya nito. Ilang taon na ba ang ninakaw nito sa buhay niya?

Hindi na niya alam.

Tinamad na siya magbilang.

Noong mga unang taon ng pagkaka kulong niya ay palagian ang pagbisita nito sa kanya sa mga lugar na napupuntahan ng salamin. Sinisiguro na nananatili siyang nakakulong. Pero ilang daang taon mula ng huli silang magkita ay hindi na ulit ito nagpakita at nagparamdam sa kanya.

Ngayon na lang muli.

Anong taon na ba sa kasalukuyan?

Ipinasya niyang tumingin sa labas ng salamin. Sa loob ng salamin ay may dalawang bahagi. Ang bukana nito kung saan makikita niya ang lahat ng pangyayari sa labas at ang kalaliman kung saan nababalutan siya ng dilim. Hindi niya na matandaan kung ilang taon siyang namalagi sa madilim na parte ng salamin dahil nabagot na siyang panuorin ang mga mortal habang sinasayang ang kalayaang mayroon ang mga ito.

Iniwasan niya na ding lumabas at magmasid simula ng mapunta siya sa isang bahay aliwan. Palagian siyang nakakasaksi ng mga bagay na dati niyang tinatamasa ng walang humpay ngunit ngunit ultimo ang maka amoy sa mga mahahalingang katawan ng mga babaeng mortal ay hindi niya magawa. Naiinggit at nagpupuyos siya sa galit sa kaalamang tuluyan na siyang nawalan ng kalayaan at kakayahan kahit pa nananatili siyang buhay sa loob ng mahabang panahon. Walang katiyakan kung hanggang kailan ang buhay at pananatili doon. Nakakabaliw ang mag isa. Sobra sobra ang kinuha ni Ninya na kabayaran sa kanya. Hinding hindi niya ito mapapatawad kailan man.

Marami ng nag may-aring mga birhen sa kanyang salamin na aksidenteng nasugatan ang mga sarili at napatakan ito ng dugo pero ni isa ay walang naging kadugo si Ninya sa mga iyon. Iba ibang lugar na ang napuntahan niya. Halos kabisado niya na ang lahat ng lenggwahe bukod pa sa may kakayahan talaga siyang malaman at bigkasin ang anumang lenggwaheng nainisin at marinig niya. Nasaksihan niya na din ang ibat ibang istorya ng mundo na marahil nakatala sa mga aklat ng panahon ngayon. Pero ni isa ay walang nakapagpalaya sa kanya.

Ang hula niya ay sinadya talaga ni Ninya na wag ng magkaroon ng salin lahi at isinakripisyo ang pagkakaroon ng isang pamilya para lang siguraduhin ang panghabang buhay niyang pagkaka kulong. Hindi naman malaking bagay ang hindi pagkakaroon ng pamilya ng isang nimpa dahil sanay ang mga itong mamuhay mag isa at manatili lamang sa mga lugar na pino protektahan nito pero natatandaan niyang iba si Ninya. Gusto niyang gayahin ang pamumuhay ng mga mortal, magka asawa, magka anak. Pero kung iyon nga ang nangyari at isinakripisyo nito ang sariling pangarap para lang makapaghiganti sa kanya ay sadyang nabaliw na ang babae para gawin iyon sa napakahabang panahon. Wala siyang balak na manatili doon habang buhay may birhen man o wala. Gagawa siya ng paraan. Kung paano ay hindi niya pa alam.

Napasabunot siya sa ulo sa galit. Kung sana ay natawagan man lamang niya ang isa sa kanyang mga kapatid bago siya makulong ni Ninya sa loob ay baka sakaling hindi siya inabot ng ganito katagal sa loob ng salamin. Malakas ang sumpang inilagay nito, ilang beses siyang sumubok ngunit palagian lamang siyang bigo.

Sumilip siya sa labas at nakita ang lugar kung saan maaari na naman siyang manirahan ng ilang taon. Medyo nanibago siya sa nakita. Nahahalintulad naman ang mga kagamitan na nakita niya sa mga kagamitan ng huling panahon simula ng huli siyang lumabas sa dilim ngunit may mga ilang kakaiba at kakatwang bagay lang siyang napansin na maaaring mga makabagong imbento ng makabagong panahon.

Sa hula niya ay babae ang may ari ng kwarto. Bukod sa kulay rosas ang karamihan sa mga gamit na nakita niya, malinis din ang kwarto kahit maraming gamit sa paligid. Lahat iyon ay nakasalansan ng maayos.

Mukhang mahilig sa libro ang bagong nagma may ari ng salamin niya dahil na din sa mga nakasalansang libro sa isang panig ng kwarto.

Ang kabuuan ng silid ay madilim dahilan para hindi niya matanto kung umaga o gabi ang kasalukuyang oras.

Patuloy ang pagmamasid niya sa kabuuan ng lugar ng marinig niya ang pagbukas ng seradura ng pinto at makarinig siya ng boses.

"Oh shoot! Yes, I'm coming over to check the books." narinig niyang saad ng isang babae. "Let's grab a breakfast while we're at it since I haven't had mine yet. I just finish taking a bath." she said and giggled.

Hindi niya matanaw kung ano ang hitsuta ng babae dahil nasa panig ito ng kwarto kung saan hindi abot ng tanaw mula sa salamin. Marahil ay siya ang may ari ng silid. Malakas ang boses ng babae pero hindi iyong tipong masakit sa tenga. Mas tamang sabihin na masigla ang boses nito. Pamilyar sa kanya ang lengguaheng ginamit nito kahit may iilang pagbabago sa tono at salita, sigurado siyang Ingles iyon. Ilang beses na siyang nakarinig ng ganoong lenggwahe.

"Thank you Jackie. See you later."

Mukhang natapos na ang pakikipag usap ng babae sa kung sino man na hindi niya din nakikita ng tumahimik ang lugar. Mula sa pwesto ng babae ngayon ay nakita niyang kumuha ito ng tuwalya at lumabas muli ng kwarto.

Ipinagpatuloy niya ang pagmamasid. Gustong gusto niyang hawiin ang malaking kurtina sa kwarto ng babae para makasilip ng liwanag kung mayroon pang araw o liwanag man lang ng buwan kung gabi na. Noong panahong hindi pa siya nasusumpa ay may paborito siyang lugar kung saan palagi niyang pinanunuod ang pagsikat at paglubog ng araw. Hindi tipikal para sa isang kagaya niya ang gawin ang ganoong bagay, pero nag bibigay iyon ng masarap na pakiramdam sa dibdib niya.

Ilang sandali pa ang lumipas ng makarinig na naman siya ng pagbukas ng pinto. Mukhang nagbalik na ang babae kung saan man ito nagpunta. Napalunok siya ng maglakad ang babae sa harap niya na tanging maliit na tela lang ang nakabalot sa katawan galing sa paliligo. Babalik na sana siya muli sa dilim para hindi na makita ang pagbibihis nito at pahirapan ang sarili dahil wala naman siyang magagawa para mahawakan o madama man lang ito. Imahinasyon man ay parang nalalanghap niya ang mabangong amoy at halimuyak ng babae. Naudlot ang pagbabalik niya sa dilim ng hawiin nito ang basang buhok na tumatabing sa mukha at humarap sa salamin.

Ninya!


Napalapit siya ng husto at inangilan ito. "Ninya! Pakawalan mo na ako dito babae -!"

Naputol ang anumang sasabihin niya ng magsalubong ang mga mata nila at walang rumehistrong pagkakakilala sa mga mata nito. Ilang sandali pa ay napagtanto niya na hindi ito sa kanya direkte nakatingin kundi sa mismong salamin sa tapat ng mukha niya ng kuskusin nito ang bahaging iyon ng marahil may makita itong dumi.

Kumunot ang noo niya ng matignan ang kulay kapeng mga mata nito. Hindi ganoon ang kulay ng mga mata ni Ninya. Bukod pa sa ang mga mata ng babaeng iyon ay animo walang buhay at pakiramdam katulad ng mga mata niya. Tipong hindi mo kailanman mababasa kung ano ang laman ng isipan. Ang babae sa harap niya ay nagtataglay ng mapupungay na mata na parang laging nang aakit. Ang kutis nito ay mala krema at hindi katulad ng kutis ng dating nobya na kulay nyebe sa kaputian. Malaman at makurba din ito. May mapusyaw na kulay tsokolateng buhok na umaabot hanggang sa likod. Tuwid iyon hindi katulad ng kulot na buhok ni Ninya na kakulay ng mata nito.

Hindi ito ang babae.

Pero kung ganoon nga ay sino ito?

Naramdaman niya si Ninya kanina oo pero si Ninya nga ba iyon o ang babaeng ito?

Napalunok siya ng matuon ang pansin sa mga tumutulong tubig sa buhok nito na naglalandas sa hubad na katawan ng babae pababa sa pagitan ng mga dibdib. Biglang nag init ang pakiramdam niya. Gusto niya palitan Ang twalya na nakabalot sa katawan nito at yakapin ito, tuyuin ang basang katawan ng babae gamit ang sariling init ng kanyang katawan. Mukhang napakalambot at kay sarap haplusin ng balat nito.

Lumingon lingon Ang babae na parang may hinahanap at tumalikod sa kanya. Nagpunta ito sa may kama at sinilip ang ilalim niyon. "Nasan na ba yun?"

Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Hindi niya alam kung modernong salita lamang iyon dahil ayon sa napapansin niya ay nababago na ang paraan ng pagsasalita ng mga mortal sa mga nakalipas na taon o sadyang lenggwahe lamang iyon ng isang bansa na hindi pa niya napupuntahan.

"Hay sa wakas!" anito at pagtayo ay may hawak ng pares ng sapatos. Inilapag nito iyon sa ibaba ng kama ay muling naglakad papunta sa tabi niya. May binuksan ito na malamang ay tokador base sa narinig niya at nakita niyang mga damit na kinuha nito.

Naramdaman niya ang isang pamilyar na pakiramdam ng tanggalin na nito ang maliit na telang nakatapis sa katawan nito.

Pagnanasa.


Sa pwesto niya ay tanging ang makinis at maputing pang upo nito at ilang parte ng likod ang tanging nakikita niya pero sapat na iyon para makaramdam siya ng paninigas sa ibabang parte ng katawan niya.

Ang tambok ng pang upo nitong mukhang nakakagigil hawakan at lamutakin gamit ang mga kamay niya. Napahawak siya sa kanyang pagkalalaki at nasakal iyon ng mahigpit ng tumuwad ang babae para magsuot ng pang ibaba. Ang makakita ng hubad at itinatagong parte ng katawan ng babae makalipas ang napakahabang panahon ay nakakapang pabaliw sa kanya.

Kung marahil nasa kanya pa ang kapangyarihan ay malamang kanina pa niya nabasag ang salamin at itinapon sa kama ang babaeng ito habang pinapalo ang matambok at mapintog nitong pang upo at pinapasok ang kaniyang sandata ng marahas sa kalob looban nito.

Nakakapang akit ang pinili nitong suoting pang ibaba na may mga maninipis na tali na animo sadyang ginawa para akitin ang kaulayaw. Pero dahil limitado lang ang natatanaw niya ay pinabayaan niya na lang ang imahinasyong maglakbay sa kung ano marahil ang hitsura noon habang nakalapat sa katawan ng babae.

Gamit ang malikot na imahinasyon ay pinagalaw niya ang kamay na nakahawak sa pagkalalaki niya sa mabilis na ritmo na sandali lamang ay nagdala sa kanya sa papalapit na kasukdulan. Ilang mga ulos pa at kumawala na katas ng kanyang pagnanasa. Nanlambot siya at napakapit sa salamin habang nilalabasan.

Napakatagal na ng huli siyang nagparaos ng sarili kahit noong hindi pa siya nasusumpa. Muling umusbong ang kanyang galit at sinumpa sa isipan ang babaeng may kagagawan ng paghihirap niya.

Pumipintig pintig pa ng kaunti ang katawan niya makalipas ang ilang sandili bago tuluyang humupa ang init na nadarama niya. Kinalma niya ang sarili at muling tumingin sa babae na hindi niya namalayang nakapag bihis na pala at mukhang paalis upang kitain ang kausap nito kanina. Kulay puting damit at kupasing hapit na maong ang suot nito pero alam niyang sa loob niyon ay ang mapang akit na mga panloob. Hindi din naitago ng kasuotan nito ang makurbang katawan ng babae.

Nakaharap na ito sa kanya ngayon at naglalagay ng kolorete at ngayon ay sigurado na siyang hindi nga siya nito nakikita. Bukod pa sa wala siyang maramdamang anumang kapangyarihan dito katulad ng paglapit sa kanya ni Ninya.

Napangisi siya at napahalakhak ng mapagtanto kung sino ang nasa harap niya.

Ah. Ang baliw na si Ninya. Makalipas ang ilang siglo ay hindi ito nakatiis at bumuo rin sa wakas ng sarili nitong pamilya. Marahil ang babae sa harap niya ang naging salin lahi nito.

Kinalmot niya ang salamin sa tapat ng mukha ng babae at lumikha iyon ng nakakangilong ingay na alam niyang siya lang ang nakakarinig.

Sa wakas.

Ang tagapagligtas niyang ilang libong taon niya ng hinihintay.

Napakatagal na panahon pero ngayon ay nasa harapan na niya ang susi para makalaya sa impyernong kinabibilangguan niya.

Ngunit may isang bagay pa siyang dapat alalahanin. Hindi siya sigurado kung birhen pa ang babaeng ito.

Nagtagis ang bagang niya sa kaalamang baka may nakauna na sa katawan ng babae. Hindi maatim ng isip niya na naunahan siya ng kung sino lang na mortal sa katawan nito. Ang unang liwanag ng pag asa niya. Kailangan niyang makasiguro. Baka tuluyan na siyang mabaliw kapag kinailangan niya pang maghintay muli ng ilang daang taon kung sakaling hindi pa din ito ang hinihintay niya.

Hiniling niyang sana ay masugatan agad nito ang sarili at mapatakan ang salamin para magamit na niya ang kapangyarihan niya. Sa dami ng nag may ari sa salamin niya, madali lang masugatan o madaplisan ang mga ito dahil sa mga bakal na desenyo ng salamin. Gawa iyong sa sinaunang metal at detalyadong mga disenyo kaya hindi kapansin pansin ang ilang matatalas na bahagi niyon.

Ng matapos na sa pag aayos ang babae ay tinungo na nito ang pinto at lumabas ng kwarto.

Ipinasya na din muna niyang bumalik sa kadiliman. Ngayong alam niya na ang pakiramdam ng presensiya ng babae madali niya ng malalaman kung nasa malapit lang ito.

Kailangan niyang mag isip ng plano at maghanda.

Nararamdaman niya.

Oras na ng paglabas niya.

Ngumisi siya at muling humalakhak sa tuwa.













🪴 Please vote and leave a comment⭐️
~ meow 🐈‍⬛

SEOLWAH

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.5M 157K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
37.3K 3.1K 45
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...