2 years and 5 months.
Grabe, hindi ko ineexpect na tatagal kami ng ganto. Hindi ko ineexpect na magkakaron ako ng "girlfriend" na mahal na mahal ako at mamahalin ko din ng sobra.
Kahit na minsan napapagod at nagsasawa na kaming pareho, pero hanggang dun lang. Wala pa ring iwanan. Nagkakaayos din pagkatapos kasi hindi naman kaya na wala ang isa't isa, mahirap.
Pero dumating yung araw na sumobra pagkastress ko sa kanya.
"Mahal, puntahan ko po si kuya paolo, dalawin ko sa school." -Angel
"Osige lang po mahal ko. Mag-ingat ka ha, ingatan mo rin yang fixie mo. Ayusin mo pagdadrive hm?" -Kiara
"Yes baby, mag-iingat po ako. Salamat :)) Iloveyou :) :*" -Angel
"No problem baby. Iloveyoumooooost <3" -Kiara
After 1 hr. Mejo matagal din hindi nakapagtext.
"Andito na po ako mahal, nagkekwentuhan na po kami. Andito din si Chef." -Angel
"Sige lang po mahal, mag-enjoy ka lang jan. Wag masyadong magpapagabi ha?" -Kiara
Tapos hindi siya nagreply, siguro masyadong napasarap ang kwentuhan. Matagal tagal din nung huli siyang bumalik sa school.
After 2 hours, mejo wala na ako sa mood. 8 pm na.
"Mahal, kumain ka na ba?" -Kiara
Tagal bago nagreply, after 30 mins.
"Mahal kumain na po ako, ikaw kumain ka na ba? Nakakatuwa mga kinekwento ni sir. Maya na tayo text hm, makikinig na muna ako" -Angel
Okay, sige. After 1 hr. Eto ung pinakaayaw ko sa lahat.
"Baby iinom po ako hm" -Angel
Nanlamig ako na naluluha na naiinis.
"Ha?! Bakit?! Nakabike ka! Baka madisgrasya ka mamaya pag-uwi mo!" -Kiara
"Mahal konti lang po iinumin ko" -Angel
"Dadalaw ka lang nauwi pa sa inom. Ayos ah. Sige na mamaya na tayo usap o kaya bukas na lang. Paniguradong hindi ka na makakapagtext niyan, matutulog na ako. Advance goodnight." -Kiara
Inis na inis ako. Nakuha kong umiyak nanaman kasi ayoko talaga sa lahat yung umiinom siya. Para kasi akong natraumatize na ewan. Na everytime na iinom siya e magkaaway kami. Para bang tumatak sa utak ko na magkaaway kami kaya siya iinom. Ang hirap hirap ng gantong pakiramdam. Pero after ko umiyak, nagiging okay na din ang pakiramdam ko.
After 5 minutes, tumawag. Hindi ko sinagot.
"Mahal nakakatuwa yung mga kwento niya" -Angel
"Sige na, wag ka na magtext. Magfocus ka na jan. Tutulog na ako." -Kiara
Tapos hindi ko na tiningnan yung phone ko, umiyak ako hanggang sa makatulog na ako.
Nagising ako ng 6:34 AM kasi nagvivibrate yung phone ko, si Angel tumatawag.
"Hello, oh." -Kiara
"Mahal, puntahan mo ko. Please. Nahihilo pa ako" -Angel
T*nginang yan, pagkagising ko ganun ang bungad. Ang sabi niya konti lang iinumin niya.
"Di ko alam sasabihin ko kay mama. Hindi pa ako pede umalis ng ganto kaaga, mahahalata ako. Maya maya na mga 9." -Kiara
"Osige po mahal, pasensya ka na, iloveyou baby." -Angel
"Sige na sige na. Iloveyou too." -Kiara
Kahit naiinis ako, hindi ko pa rin matiis na sabihan ng I love you.
Natulog ulit ako, kasi antok na antok pa ako at mejo maga pa mata ko. After 3 hours.
Shet, 9:08 AM na. Patay. Nabasa ko mga text niya kanina 6 AM.
-"Mahal dito na po kami matutulog nila sir at kuya paolo"
-"Pasensya ka na talaga mahal ko"
-"Mahal asan ka na?" (Text niya kanina mga 8 AM)
Shit. Naligo na kaagad ako, kumain at nagtoothbrush.
9:37 AM na.
"Mahal, pabili ako ng pagkain babayaran ko na lang sayo mamaya kahit tinapay lang" -Angel
"Sige po mahal, otw na ako" -Kiara
Pagkahatid sakin ng tita ko sa kanto, nagtext si Angel. Wag na daw ako bumili ng tanghalian, meron na daw sa apartment niya.
"San na ikaw?" -Angel
"Jeep na po" -Kiara
After 20 minutes. Nasa harap na ako ng pintuan niya
*Knock knock*
"Mahal?" -Angel (tinawag niya ako kung ako yung kumakatok
"Oh?" -Kiara
Binuksan niya yung pinto na may mukhang inaantok at nahihilo. Nakita ko nakatagilid yung Fixie niya, mukhang nahilo nga to pagkauwi. -_-
Pumasok kami sa kwarto, naupo ako sa kama at naupo din siya.
Nagbuntung-hininga ako.
"Mahal wag muna tayo mag-away ngayon please. (soft voice)" -Angel
Niyakap niya ako. Nawala na pagkabad mood ko dahil sa yakap niya. Di ko matiis. Niyakap ko din ng mahigpit hanggang sa naluluha na pala ako.
"Pasensya ka na mahal ko. Naiistress kita. Konti lang talaga yung ininom ko kagabi, hindi na kasi ako umiinom di ba? Kaya nahilo kaagad ako." -Angel
"Mahal, please wag mo na uulitin yun. Sobra akong nag-aalala kagabi. Iyak ako nang iyak. Nakatulog ako ng ganun. (sad voice) Tapos puro lalaki pa mga kasama mo. Kahit na kakilala mo yung mga yun, lalaki pa rin yun. Tsaka babae ka mahal." -Kiara
"Opo opo mahal ko. Hindi ko na uulitin." -Angel
Kiniss niya ako sa forehead. Naiyak ako lalo.
"Oh oh mahal, tahan na. Tsk, ang tanga tanga ko." -Angel
Umiyak din siya ung makita niyang umiiyak ako. Nag-iyakan kami nung moment na yun tapos niyakap ko siya ng mahigpit at sinabi ko na okay na ako.
"Sorry talaga baby. Promise hindi ko na uulitin yun. I love you" -Angel
"Opo mahal ko. I love you too" -Kiara
Hinalikan niya ako sa labi. Tuluy-tuloy na. Hanggang sa lumakad na ang mga kamay namin. I can't resist.
Ang saya at sarap sa pakiramdam na okay na ulit.
That day, nakaapak ulit kami sa langit.
--
Author's note:
Hi sa mga readers at supporters ko. Kung napansin niyo binago ko na yung Title ng story. Hindi na po kasi one sided yung story dahil super duper inlove na kami sa isa't isa. At etong part na to e mejo SPG. Kayo na lang ang mag-imagine. Hahaha! Maraming salamat po sa pagbabasa, sa pag-antabay. Keep on voting po! Maraming salamat! :) XOXO