Heir Of Zonadia [COMPLETED]

By JULIANNEDIWATA

412K 12.1K 562

| TAGLISH | Chazandra Miracle is a special girl who was being trained by her Master Almada in the restricted... More

AUTHOR
Part 1
Part 2
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
ANNOUNCEMENT!
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

Part 3

10.7K 299 11
By JULIANNEDIWATA

Chazandra

"Inhale.. Exhale.... focus, use your instincts pakiramdaman mo ang paligid focus..."

Sabi ni Master sa malayo hindi ko siya nakikita dahil nakablindfold ako pinapakiramdaman ko lang kung saan sakaling aattake si Master.

May naramdaman akong gumalaw sa kanan kaya pinadyak ko ang paa ko sa lupa para magcrack iyon papunta sa gumalaw. Nahuli ko ba siya?

Nagulat ako ng may naramdaman akong presensya sa kaliwa. Napahawak ako sa noo ko hindi ko nahuli.

Pinagsama ko ang dalawa kong kamay at bumuo ng bolang apoy.

Hinagis ko ito doon.

*splash*

Kahit hindi ko kita alam kong wala na ang bola kong apoy na ginawa. Nagsimula akong magpaikot ikot sa gawing kanan , kaliwa, likod at harapan ang bilis ng galaw niya!

"Chazandra! Focus!" Master.

Nagsimula akong tumigil sa paggalaw at nagfocus muli.

Pinagsama ko muli ang kamay ko pinakiramdaman ko ang hangin ramdam kong may namuong bolang hangin sa kamay ko ihahagis ko na sana ito sa kaliwa ang kaso..

Huli na dahil nahawakan na ko ni Master sa leeg, ibig sabihin hindi nanaman ako nakapasa sa pagsubok. Hays!

"You still don't focus Chazandra and you're still slow" sabi ni Master atsaka binitawan na ko.

Tinanggal ko ang blindfold sa mata ko nakita ko naman kaagad si Master. Totoo ba tong nakikita ko? Parang may something sa mata niya, parang may gumugulo sakanya.

"Chazandra shss..." sabi niya pa na ikinataka ko.

"M-Master?" ako.

Nilagay niya ang kanyang isang daliri sa bibig ibig sabihin ay manahimik. Agad kong tinikom ang bibig ko. Nakatingin lang si Master sa paligid na mukhang nangingiramdam.

"M-Master ano pong meron?" Halos pabulong kong sabi.

Tumingin siya sakin ulit at ginesture niya ang daliri niya sa bibig niya na izip ko ito.

Izinip ko naman ulit. Curious ako eh sorry na ano bang meron?

May something na biglang dumaan sa gilid ng puno na matanda na at wala ng mga dahon napalingon kami ni Master pareho doon.

Gumalaw ang ibang twigs malapit doon. Lumalapit si Master doon, sumusunod din ako.

Habang palapit kami ng papalapit, dumodoble ang kabang nararamdaman ko.

Hindi na ko nagkaroon ng tsansyang magulat nung biglang may tumakbo palapit kay Master na itim na lobo at tinalunan siya neto, natumba naman si Master sa lupa dahil nasa ibabaw niya ang lobo na mukhang pilit siyang sinasaktan, yung lobo ay parang sugatan parang may nasugod na siya bago kami ni Master.

Paano nakapasok ang lobo sa restricted area na ito? Sa pagkakaalam ko walang nakakapasok dito ghaaad!

Parang kay Master lang siya nakafocus dahil hindi niya ko napapansin. Malaking lobo ito parang yung mga lobong sumugod sakin sa panaginip ko!

"MASTER!" bigla naman akong nagpanic lalo na nung kinalmot siya neto sa magkabilang braso at isa sa pisnge dumudugo na din ito, pula ang mga mata ng lobo at yung nasa gilid ng leeg niya ay nailaw. T-That sign no way! No way!

Gumawa ako bolang apoy nung biglang..

"Dont ever try to throw that here Chazandra that could hurt me!" Sabi ni Master na parang galit na pilit inilalayo sakanya ang lobong itim hindi siya makagalaw dahil pilit siyang kinakagat neto kung sinusubukan man niyang itulak ito palayo para makabangon.

Napasapo ako sa noo ko oo nga pala! Apoy to baka masunog si Master sabay sa lobo geez stupid Zandra, nagisip ako ng paraan.

Hmm

Hmm

Hmm

Sa wakas gumana na rin ang utak ko! Agad ko namang dinispell ang bolang apoy at finorm ang bolang tubig.

"N-NO! Chazandra wag! Makukuha mo ang atten-"  Master.

Huli na nung pigilan ako ni Master nabato ko na ito doon sa lobo natuwa ako kasi saktong natamaan siya at nabaling ang atensyon neto sakin.

That was part of my plan to get the attention of that creature.

Umatras ako ng umatras nung lumalapit ito.

"Chazandra!" Sigaw ni Master na galit na, pinipilit niyang tumayo pero hindi niya kaya kasi nakalmot din siya sa paa.

Tinitignan ko lang ang lobo sa mata niyang pula.

"Rrrshsgroowl!"

Nung makita kong patakbo na siya sakin agad akong gumawa ng bolang apoy at ibinato ko ito sakanya naiwasan ito ng lobo, agad kong inaangat ang sarili ko sa ere gamit ang hangin hindi niya ko maabot agad naman akong gumawa ng bolang apoy at ibinabato ko ito sa lobo natamaan ko siya, bumato ako at natamaan ko siya ulit nanghihina na siya dahil dumami lalo ang dugo na natulo mula sa katawan niya bigla naman itong natumba.

Ibinaba ko ang sarili ko sa ere nilapitan ko ito at tinignan ko kung patay na.

Nagulat naman ako ng bigla ako tinalunan nito napahiga ako sa lupa at kinalmot ako sa muka.

"AHH!" Napahawak ako sa pisnge ko ang sakit may tumutulong dugo sa pisnge ko kakalmutin niya pa sana ako ng bigla itong naghingalo at nawalan na ng malay.

Hingal na hingal ako sa kaba natumba ito sa lap ko agad kong inialis sa lap ko ang duguan niyang katawan nagulat naman ako nung bigla naging abo ang katawan niya at tuluyang nawala.

Nakita ko namam si Master na kakatapos lang magdispell ng elemento kaya pala namatay ang lobo ng tuluyan.

Nakita kong galit na galit si Master sa tingin palang...

"Hindi mo dapat ginawa iyon Chazandra!" Master.

Lumapit siya sakin na parang walang nangyare sakanya at hinawakan ang pisnge ko masakit, dumudugo pa rin ito pero mas malala ang natamo ni Master kesa sakin.

"You could've been killed!" singhal niya.

"B-but I wasn't, I-I need to save you" sabi ko.

Nakita kong pinipigilan niya ang galit niya at napabuntong hininga nalang si Master.

Hinawakan niya ang pisnge ko may naramdaman naman akong mabigat doon, bigla ding nawala ang pakiramdan na iyon. Napahawak naman ako sa pisnge ko wala ng dugo doon at wala na ring sugat, Master just healed me. Cool!

Magsasalita sana ako nung biglang magsalita si Master.

"Go home and pack your things up" sabi niya na parang walang nangyare kanina.

"M-Master bakit? Lilipat nanaman po ba tayo? Diba po every one month saka tayo nalipat sa ibang restricted--" ako

"Hindi tayo lilipat sa restricted na lugar maglalakbay na tayo" pagputol ni Master sa sasabihin ko.

"H-Ha? Master saan po at bakit?" ako.

"Just pack your things, Sasabihin ko nalang mamaya sa daan" Master.

Napatango nalang ako  atsaka tumakbo papuntang bahay.

Nagiimpake na ko ng gamit habang nilalagay ko ang iba pang gamit na wala sa bag napaisip ako saan naman kaya kami pupunta? Why all of the sudden? Pero grabe pa rin talaga yung nangyare kanina paano kaya nakapasok ang lobo dito sa restricted area? Psh buti nalang talaga namatay na iyon.

Sinarado ko na ang zipper ng bag ko at nagbihis na.

Sakto naman pagkatapos kong magbihis kumatok na si Master sa pinto ko.

Agad agad kong kinuha ang mga bag ko atsaka binuksan ang pinto.

"Okay na ba?" tanong niya habang tinitignan ang kwarto ko, napansin kong okay na si lolo dahil wala na siyang sugat.

"Y-Yes Master" ako.

Napatango siya "You need to wear this"

Napatingin ako sa hawak ni Master isang kwintas, may pendat ito na Z parang yung nasa wrist ko lang.

"B-Bakit ko po kailangan isuot ito Master?" tanong ko naman.

"Para hindi malaman ang presensya mo at para hindi mapansin ng mga tao ang nasa wrist mo" sabi niya naman.

"Bakit naman po?" tanong ko ulit.

Tinignan niya lang ako na parang naiinis na sa kada tanong ko. Masisisi niya ba ko?

"Basta isuot mo yan" mariin niyang sabi.

Napatango nalang ako at isinuot ito atsaka sinundan si Master sa baba. Nagcast siya ulit ng spell bago niya sinarado ang pinto at nagsimula kaming maglakad.

Nakakapagtataka lang lagi naman kaming nagamit ng portal pagkalabas ng bahay pero bakit ngayon iba?

"Master hindi po ba tayo gagamit ng portal?" tanong ko ulit.

"Hindi dadaan kasi tayo sa Gate way" Master Almada.

"A-Ano yung Gate way Master?" tanong ko naman.

"Doon tayo dadaan papuntang Zonadia" sabi niya at nagsimulang maglakad palayo sakin habang ako ay natulala.

No way.. No way!!!

**

A/N:

EDITED!

Hey guys!

Panis pinakamahaba ko ata itong natype na part HAHA! Malay niyo may mas ihahaba pa yung ilang susunod btw kamusta naman pala tong Part 3? Waa may action na kagad ee gusto ko e para masaya joke.

Well any questions? Maguupdate ako pagmay time every midnight lang ako naguupdate kasi busy ako sa morning may training ng Volleyball, oy comment down lang wag silent plss wag niyo kong gayahin hit that star mga tsong mwa!

-diwata

Continue Reading

You'll Also Like

17.2M 540K 77
Enid is moving across the world to attend university. Away from all that she knows, she soon finds herself at the center of three men's unyielding a...
10.1M 506K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
933K 36.7K 45
Everyone has a fear. Fear of spiders? Arachnophobia. Fear of small spaces? Claustrophobia. And of course, the fear of being tickled by feathers: pter...
13.1M 104K 9
[preview] V E N G E A N C E ❦ Riley Owens, the innocent, and beautiful girl who had always been smart and caring. She has always had a great life esp...