"Girlies! we don't have classes nga daw pala tomorrow, san niyo gusto pumunta?" tanong ni Aria habang nag-aayos kami ng gamit namin.
"kila Chandriaaa!!" Lexi
umiling ako, "wag samin, pupunta dun yung mga friends ni kuya eh!"
"OMG! kila Chandria na talaga tayo bukas! period!"
"We'll be there before lunch ha!" paalala naman ni Aria
Napakamot na lang ako ng ulo, "May magagawa pa ba ako?" tas nagtawanan kami.
nung dinismiss na kami umuwi na rin kami kaagad, PE kasi ngayon at syempre pagod na pagod kami. Basketball ba naman ipalaro saamin eh!
Habang naglalakad ako papuntang KU, may biglang nagcover ng eyes ko
"Kyaaah! who are you??" sabi ko sabay pinalo ko yung kamay niya
"Syempre yung gwapo mong bespren!" sabay ng tanggal niya ng kamay niya sa eyes ko
"May bestfriend ako, pero hindi naman gwapo yun eh! pangit pangit kaya nun!"
"Magapagsalita ka naman!!"
kinurot ko siya sa pisngi, "joke lang bespren kong pangit!!"
"Tara, uwi na tayo?" aya niya
"Ah kasi ano eh si kuya Nash yung kasabay ko, next time na lang"
biglang nawala yung smile niya, "Lagi naman eh, tampo na ko"
Ayos lang naman talaga kung siya yung kasabay ko pauwi, Pero pag kasi sakanya ako sumabay, hindi ko makikita si kuya Deej :(
"Basta bespren, promise next time talaga!" itinaas ko pa yung right hand ko
"sabi mo yan ah!"
tumango ako
"Sige, una na ako. ingat kayo!"
"sige, ikaw din" then nag wave na ako.
nung nakaalis na siya sinimulan ko na yung paghahanap kila Kuya Nash. Una kong pinuntahan yung tambayan nila, at nandun nga sila.
"Uy ayan ka na pala!" sabi ni kuya Nash, "Tara na mga bro! nandito na ang prinsesa!"
nagsitayuan naman yung mga barkada ni kuya, pero napansin kong wala si kuya Deej. asan na kaya yun?
dumiretso kami sa praking lot, nice! hindi kami maglalakad ngayon!
"Uy Brad, dumating din! tagal niyo ah!" nabuhay yung dugo ko nung narinig ko yung boses ni kuya Deej
Pero pagtingin ko sakanya nalungkot ako, kasama nanaman kasi niya yung girlfriend niya.
"Hi Chandria!" sabi pa ni Janella at bumeso saakin. eww virus!
Sumakay na kami sa car, si kuya Deej yung nagdadrive tas si Janella yung nasa shotgun seat then nasa likod na kaming lahat.
Kami yung unang hinatid
"Bye Chandria!!" sabi nung friends nila Kuya, nagwave naman ako sakanila at dumiretso na sa loob ng bahay.
Inilapag ko lang yung mga bag ko then ibinagsak ko yung sarili ko sa couch.
******
"Oy Chandria bumangon ka na jan! papadating na sila Deej nakabukaka ka pa!!" nagising ako sa sermon ni kuya Derrick
Oh my gummybears, morning na?!?
*Ding dong*
"Oh ayan na sila, dali alis na!!" tas hinila pa niya yung paa ko
tumayo na ako at nagstreching, pagtingin ko sa door papasok na pala sila kuya Deej kaya naman napatakbo ako paakyat sa room ko.
Pagdating sa room ko nilock ko kaagad yung door at nagjump na bed. Kuya Deej is so gwapo with his black shirt! then yung hair niya medyo tayu-tayo! :">
After ko kiligin I took a bath na din, baka kasi dumating na sil Aria at Lex.
Nung fresh na ako, I went downstairs muna. Medyo nagugutom na kasi ako.
"Hi Chandriaaa!!" bati nung mga friends ni kuya pagbaba ko
"Hello" sabi ko sakanila then I went to the kitchen.
Pagpasok ko ng kitchen saktong may papalabas pala kaya nagkabanggan kami
"Ouch!" napahawak ako sa ulo ko na nauntog sa may wall
"Ay sorry!!!!" tas hinaplos niya yung ulo ko
pagtingin ko, biglang nawala yung sakit
"Ahh, okay lang kuya Deej"
"Sure ka ha? sorry talaga"
tumango ako
"sige, punta na ako dun"
umalis na siya at umupo ako sa kitchen counter, nung tancha kong wala na siya kinilig nanaman ako. Emerghed!
"Uy Cha! nangyayari sayo?"
napatigil ako nung biglang nagsalita si Yaya.
Napatakip na lang ako ng face, "Kyaaahh yaya naman eeehhhh!!"
"Bakit? Ano ba nangyari?" lumapit siya saakin at tumabi sa counter
"Nagpropose na saakin si Harry Styles!! kyaaaahhh!" tas nagpapadyak ako
"I'm so proud of you bebe!" tas hinug niya ako
tinapik ko yung noo niya, "Joke lang, 'to naman!!"
"Hay nako bebe! pati ba naman ikaw paasa na? para kang yung driver jan sa kapitbahay eh, mga paasa! Alam mo bang masama ang magpaasa ng tao? Napakasakit sa damdamin non!"
"Hala siya! Ang dami nang sinabi!" tas tumawa na lang ako, "Sige alis na me!" then bumaba na ako sa counter at nag-abang na sa labas ng bahay, nagtext kasi si Aria na malapit na sila.
"Baaaakllaaaaa!!!" lumabas na ako ng gate nung narinig ko yung bunganga ni Lexi
"Shh, anjan na yung friends ni kuya!" saway ko kay Lexi
napatakip siya ng bibig, "Omg! maayos na ba itsura ko? Magulo ba buhok ko?" then inayos niya yung sarili niya
napailing na lang kami ni Aria
"Anjan na si Deej?" tanong ni Aria
nagnod naman ako, "Tara pasok na tayo"
Pagkapasok namin sa house biglang natahimik yung dalawa. Nakahilata kasi dun sa may carpet yung mga barkada ni kuya habang nagmomovie marathon sila. Normal na yun sakanila!
"Oh Em! ang gwapo ni Jamesss!" bulong ni Lexi
"Pati ni Deej!" Aria
napasmile ako dun sa sinabi ni Aria
"Dun tayo sa room ko" aya ko sakanila
umakyat na kami sa room ko then nilock namin yung door. at nagtatalon kaming tatlo sa kilig
"Waaahh! James is sooo gwapo! Gosh!!!" Lexi
"si Deej kaya mas gwapo! right Chands??" Aria
"OO naman!!!"
Sa buong maghapon na yung puro kilig lang ang ginawa namin. Inistalk pa namin yung mga facebook accounts nila.
"My James Reid is already taken!" pagdadrama ni Lexi habang nakadapa sa bed ko, "My feels! huhuhu"
tinatawanan na lang namin siya ni Aria
"Ano ka ba, girl! taken na din kaya si Deej!" sabi ko
"OMG! what?!?!" sigaw ni Aria
"Yup! eto yung girl oh!" tas pinakita ko yung pic ni Janella
pagkakita ni Aria, nakidapa din siya sa bed ko katabi ni Lex
"Waah! ang ganda ng gerlpren ni Deej! nakakapanghina ng fighting spirit!"
natatawa na lang ako sakanilang dalawa.
Actually tama naman yung sinabi ni Aria, malakas talaga makapanghina ng fighting spirit si Janella, maganda naman kasi siya eh. kaso boyfie niya yung crush ko kaya para saakin pangit siya :P
*tok tok*
Ako na yung tumayo para iopen yung door, alam kong busy pa magdrama yung dalawa.
Pag-open ko, medyo nagulat ako
"Oh kuya Deej..."
"Ahmm pinapatawag na kayo ni Nash, merienda daw tayo"
tumango naman ako, "Sige, sunod na kami"
umalis na siya kaya sinara ko na yung door.
"1..2..3..."
"wwwaaaaaahhh! ang gwapo talaga ni Deeeeeej!" at nagwala na si Aria
bigla kong inopen yung door, "Kalma na, baka marinig ka!"
napatayo naman silang dalawa then nagayos ng sarili
"Tara na, inaantay na ako ni James my loves!" sabi ni Lex at nauna ng lumabas ng room ko
Pagbaba naman kumakain na sila ng Pizza sa living room
"Tara Cha, sama na kayo dito!" sabi ni kuya Nash
tumabi ako kay kuya, tas yung dalawa nahihiya pang umupo.
"Ay nako, hiya pa kayo! mga walang hiya naman tong mga hinayupak na 'to!" sabi naman ni kuya Derrick
After kumain, babalik na sana kami sa room ko kaso pinigilan kami ni Kuya
"Sama na lang kayo dito, nood tayo horror!" kuya Nash
"The Excorcism of Deej! alam niyo ba yun?" James
nagtawanan kami
"Nako mga bro! wag yun, puro saksak yun eh!" sabi ni kuya ng Deej habang napapailing-iling, "saksakan ng kagwapuhan!"
natawa naman kaming lahat
"Ay nako bro! antok lang yan, matulog ka muna!" James
"Oy wag niyong ginaganyan yan! siya nanlibre ng pizza!" kuya Nash
"Heh mga leche! ang daming dada! nood na tayo, ayan na oh!" sabi ni kuya Derrick sabay patay ng ilaw
Nagsimula na yung movie. bali yung arrangement namin eh..
TV
Derrick-James
Lexi-Aria-Ako-Nash
Deej
Nakahilata kasi si kuya Deej kaya siya yung nasa pinakalikod.
Nakakakilig este nakakainis nga eh, kapag suspense na yung scene biglang manggugulat si kuya Deej.
"Chansing tong kaibigan mo Chands oh!" reklamo ni kuya Deej
"Oy kapal ah!" sabi naman ni Aria
"Hoy! magkadevelopan kayo jan ah! May masasaktan!" tas tinignan ako ni Kuya Nash, "yung girlfriend ni Deej!"
Hay nako kuya, panira for life talaga!!
After ng movie umuwi na rin si Aria at Lexi, pagabi na din kasi. pero yung barkada ni kuya solid pa din. gusto ko nga sulitin yung silay time ko eh, pero inantok na ako kaya natulog na ako sa room ko.
Solb na solb naman tong day na 'to eh :">
____________________________________________
Sorry ang tagal ng Update, may pinairal kasing katangahan ang author niyong maganda xD Akala ko napublish ko na kahapon..yun pala sa drafts lang -_-
Comment.Vote.Recommend
- Jenn <3