The Lost Princess(Under Revis...

By y_moonchild

612K 10.8K 256

Paano kong isang araw magising kana lang na isa ka palang LOST PRINCESS? Anong gagawin mo? Tatanggapin mo ba... More

Prologue
TLP 1
TLP 2
TLP 3
TLP 4
TLP 5
TLP 6
TLP 7
TLP 8
TLP 10
TLP 11
chapter 12: Field Trip part 2
chapter 13: Field Trip part3
chapter 14: A Date to Remember
chapter 15: End of Highschool Life
chapter 16: Life full of Lies
chapter 17: Im Allison Scott
chapter 18: A Night together
chapter 19: I already move on
chapter 20: The Dinner
chapter 21: Pick up lines!
chapter 22: Party party
chapter 23: The True Allison
chapter 24: The Truth
chapter 25: Hello Korea
chapter 26: Training
chapter 27:The Inheritance Princess
chapter 28: Inheritance Royalty
chapter 29: outing with them
chapter 30: what a life?
chapter 31: Real Kiss vs.Fake kiss
chapter 32:Spin The Bottle
chapter 33:Tampohan ang peg
chapter 34: escape the world w/ u
chapter 35:Engagement Trouble
chapter 36:Love is POWERFUL
chapter 37: The Truth behind the Lies
chapter 38: happy ending na ba?
chapter 39: Forgive and Forget
chapter 40: Happy Ending for real<3 (Finale)

TLP 9

15.1K 260 4
By y_moonchild


Blaze's POV

Lumapit si Dustin sakin at itinulak ako,naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa matigas na Pader. Napangiwi ako sa sakit, ikinulong niya ako gamit ang magkabilang braso niya at tinitigan ako gamit ng nanlilisik niyang mga mata. 

"D-dustin" tawag ko sa pangalan niya

Hinaplos niya ang pisngi ko sabay sampal dito, napapikit ako sa sakit. 

"Tama na" pagmamakaawang bulong ko

"Kung pumayag ka lang sana sa sinasabi ko hindi tayo hahantong sa ganito" sambit niya

"Andali dali lang ng pinapagawa ko sayo, magpapanggap ka lang na si Allison sa harap ng mga scott habang hinahanap ko siya pero nagmatigas ka. Nakiusap ako sayo pero hindi mo ko pinagbigyan kaya wala akong choice ngayon kundi ang gawin ito"

Kinuha niya ang baril na nakasuksok sa  may tagiliran niya at itininutok ito sakin. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot.

"Dustin"

"Dustin nagmamakaawa ako huwag mong gawin ito" Umiiyak na sabi ko
Ngumiti ito na tila parang isang baliw at idinikit ang baril sa noo ko. Napapikit ako sa takot. 

"Gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong patayin please. Papayag na ako sa gusto mo" Sunod sunod na sabi ko

Bigla niyang binaba ang baril at niyakap ako.

"Good girl" bulong niya sabay haplos ng buhok ko

Tuloy tuloy lang ang luha ko sa pagtulo.
"Papayag ka din naman pala" dugtong pa niyang sabi

Inalis niya ang pagkakayakap sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na ipapakilala na kita sa kanila"
Wala akong nagawa kundi ang Sumama nalang

Huminto kami sa isang malaking bahay, pagpasok namin ay bumungad samin si Blake.

"Good job bro" Sambit nito at nag apir sila. 
Nakita ko ang baril ni Dustin na nasa tagiliran nito. Nang makahanap ako ng tyempo ay dali dali ko itong kinuha at tinutok sa kanya. Itinaas niya ang kamay niya at akmang lalapit sakin

"Sige lumapit ka at ipuputok ko sayo to!!" Sigaw ko sa kanya pero tumawa lang ito na akala mo ay nagbibiro ako

Naglakad ito papalapit sakin

"Sige ipuputok ko talaga ito" sigaw ko habang umaatras. 

Nang makapalapit siya ay agad kong pinihit ang gatilyo

BANG!

BANG! 

teka isa lang dapat ang putok bakit dalawa?
Nakaramdam ako ng hilo at agad akong bumagsak.Napahawak ako sa dibdib ko at nakita ko ang dugo sa kamay ko.

"Ang kulit mo kasi eh" Sambit ni dustin at itinutok sakin ang baril na kinuha niya sa kamay ko

"I'm sorry blaze pero ubos na pasensya ko sayo"

BANG! 

"NOOOOOOOOOO!!!!"

napabangon ako sa aking kama dahil sa masamang panaginip.
Dali dali kong hinawakan ang dibdib at ang noo ko, nakahinga ako ng walang sugat o dugo akong nahawakan. 

"I'm alive" bulong ko sa sarili ko.

Third Person's POV

Hinahabol ni blaze ang hininga niya dahil sa kaba na naramdaman niya. Pinikit niya ang mata niya at ikinalma ang sarili.

"Inhale, exhale" sambit nito

Nang kumalma na ito ay dali dali siyang bumaba papuntang kusina para kumuha ng tubig. 

"Hindi naman siguro ganun kasama si dustin diba?" Tanong ni blaze sa sarili niya.
Shinake niya ang ulo niya para tuluyan siyang magising.

"Oh ang aga mo yata nagising?" Tanong ng tatay niya na kakapasok lang sa kusina

"Oo nga po eh, nakalimutan kong hindi po pala ako kasama sa fieldtrip hehe" Sagot niya

"Pasensya kana anak ha, kahit kulitin natin ang nanay mo hindi na papayag yun"

"Bakit po ba ayaw niyo akong payagan sa mga ganitong okasyon?" tanong ni blaze

"Baka kung mapano ka lalo na't wala kami" Sagot ng tatay niya

"Yan naman lagi dahilan niyo eh" nasa isip na sabi ni Blaze

"Sige tay akyat na po ako" Pagpapaalam ni Blaze at naglakad na

Pagakyat niya sa kwarto ay muli itong humiga sa kama at kinuha ang cellphone niya. Nagcheck ito ng mga post ng mga classmate niya

"buti pa sila nagsasaya, ako ito matutulog buong araw" Sambit niya sa sarili

Tok tok! 

Napalingon si Blaze sa pintuan, hinintay niyang pumasok kung sino man ang kumatok. Narinig niyang pinihit ang doorknob at pumasok ang tatay niya

"May kailangan kayo tay?" Tanong niya

"May naghahanap sayo sa baba, staff daw ng school niyo" sagot ng tatay niya

Napaisip si blaze kung sinong staff ng school nila ang pupuntahan siya sa bahay,  ganun ba siya kaimportante para puntahan pa siya sa bahay.

"Sige tay sabihin niyo magbibihis lang ako saglit" Sagot ni blaze

"Sige nak" at bumaba na ang tatay niya

Nagmadaling naghilamos si Blaze at nag ayos ng sarili. Pagkatapos ay dali dali na siyang bumaba

"Nasan po sila tay?" Tanong ni blaze nang wala siyang nadatnan na tao sa sala.

"Nasa labas sila, hindi na daw sila papasok" Sagot ng tatay niya

Nagkibit balikat nalang siya at lumabas na para puntahan ang sinasabing staff ng school. Paglabas niya ay may lumapit sa kanyang dalawang lalaki at pilit siyang hinila papasok ng sasakyan

"Ano ba bitawan niyo ako?  Saan niyo ako dadalhin?!" Galit na sigaw ni Blaze

"Taaaaaaaaaay!!!!" Sigaw ni blaze pero hindi na ito maririnig dahil nasa loob na siya ng sasakyan na unti unti ng umaandar

"Sino kayo? Saan niyo ako dadalhin?" Sunod sunod na tanong blaze

"May gustong makita at makausap ka" Sagot ng isang lalaki

"Sino?" Tanong ni blaze

"Malalaman mo din pag nakarating na tayo" Sagot ng isa pa

"Aaaaaaaaaahhh pakawalan niyo na ako,  kung sino man yang boss niyo ayoko siyang makausap o makita!" Sigaw ni Blaze

"Ang ingay naman nito dre" Iritadong sabi ng isang lalaki at sumenyas

Nagets naman ito ng isang lalaki kaya kinuha niya ang panyo at tinakpan ang ilong ni Blaze

"mmmmmm" bulaslas ni blaze bago ito makatulog

"Tumahimik din sa wakas" Sambit nung nag utos na patulugin si blaze

"Ano bang kailangan ni Dustin dito?" tanong nung isa

"Aba malay ko" sagot naman nung isa

"Kamukha niya si Allison" Sagot naman nung lalaki na nagdadrive

Sabay nilang tinitigan ang mukha ni blaze na ngayon ay mahimbing na natutulog

+++

"Anne pakibilang na kung kumpleto na kayo" utos ng homeroom teacher nila

"sige po ma'am" Sagot ni anne at inumpisahan ng magbilang

"Ma'am okay na po" Sambit ni anne

"Okay student! " Sabay palakpak ng teacher nila para makuha ang atensyon nilang lahat.

"Pwede na kayong sumakay sa bus" Pag iinform niya sa lahat

Pagkasabi na pagkasabi nun ay nag unahan silang lahat sa pag akyat sa bus, nag uunahan sila para makaupo sila sa may bintana.

"Guys easy!" Sigaw ni anne

"Bakit ba kasi nag uunahan sila sa bintana eh itutulog lang din naman nila sa byahe" tanong ni Jill, vice president ng section nila.

"Ewan ko ba" Sagot ni Anne

Si tyron naman ay palinga linga sa may entrance ng school nila umaasa na makakahabol si Blaze.

"Sino bang hinahanap mo babe?" tanong ni briana

"Wala" matipid na sagot ni tyron at sumakay na ng bus

Panay naman ang picture ni Charm sabay send kay blaze, inaupdate niya ito sa bawat nangyayari. Ultimo pagchicheck ng attendance at pag akyat ng bus ay chinachat niya kay blaze

"Bakit kaya wala siyang chat? Siguro tulog pa" Tanong ni charm sa sarili
Kinuha na niya ang bag niya at umakyat na ng bus

++++

Nang magising si Blaze ay nakaupo na ito sa passenger seat. Hinawakan niya ang ulo niya ng makaramdam siya ng pagsakit. Dahan dahan niyang nilingon ang katabi niya.

"Dustin?" bulaslas niya

"Buti naman at nagising kana" sambit ni dustin habang ang tingin nito ay nakatuon pa din sa daan.

"Saan mo ako dadalhin? Please huwag mo akong patayin, madami pa akong pangarap sa buhay. Kung ito na yung sinabi mong gaganti ka sakin pwede bang ibang pag ganti nalang? Ayoko pa mamatay. " hysterical na sabi ni Blaze

Napalingon si Dustin kay blaze, tinignan niya ito saglit at ibinalik ang tingin sa daan.

"Hindi pa ako ready mamatay, madami pa akong gustong gawin sa buhay " Dugtong pa ni blaze

"Anong papatayin ang sinasabi mo?" tanong ni Dustin

"Diba dinukot mo ako para patayin?" Tanong din ni Blaze

"Nababaliw kana ba? Sa tingin mo kaya kong pumatay ng tao?" inis na sabi ni Dustin

"So hindi mo ako papatayin?" tanong ni Blaze

"Hindi. Adik ka sa kdrama no? Kung ano anong naiisip mo" Sambit ni Dustin

Nakahinga ng maluwag si blaze ng marinig na hindi naman pala siya papatayin.

"Kung hindi mo ako papatayin, saan tayo pupunta?" tanong ni blaze

"Diba gusto mong sumama sa fieldtrip, doon kita dadalhin" Sagot ni dustin

"Pero hindi pumayag ang parents ko, ibalik mo na ako baka mamaya hinahanap na nila ako. Baka atakihin sila sa puso pag nalaman na kinuha mo ako" sunod sunod na sabi ni Blaze

"Pwede ba relax ka lang blaze. Nagawan ko na yan ng paraan" sambit ni dustin

"Paano?" Tanong ni blaze

"Sinabi ko na required pumunta" Chill na sagot ni dustin

"Yun lang tapos pumayag sila?" Tanong ulit ni blaze,  tumango naman si dustin bilang sagot

"Paano yan wala akong damit" Bulong ni Blaze

Biglang huminto ang sasakyan kaya napalingon si Blaze kay dustin

"Baba" Utos ni dustin kay blaze

"Huh?" tanong ni blaze

"Sabi ko baba"

Dali dali namang bumaba si Blaze,  bumaba na din si Dustin sa sasakyan at binigay sa valet boy ang susi niya. 

"Tara" Hinawakan ni dustin ang kamay ni blaze at hinila ito papasok ng mall

Napatingin si blaze sa kamay niyang hawak hawak ni dustin, agad din niyang inilipat ang tingin kay dustin at pinagmasdan ang likod nito habang hinihila siya kung saan.Bigla siyang nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso niya, pero hindi nalang niya ito binigyan ng pinansin.

Huminto sila sa isang sikat na brand ng mga damit. Pagdating nila doon ay naghanap agad si Dustin ng damit. Bawat nagugustuhan ng mata niya ay kinukuha niya at ibinibigay kay Blaze.

Nakataas ang kilay ni Blaze habang tinitignan si Dustin na busy sa pagpili ng damit.

"Something's fishy. Don't tell me--
Hindi na natapos ni Blaze ang sinasabi ng utak niya ng magsalita si Dustin

"Huwag mo ng ituloy yang iniisip mo. Hindi ako bakla, nakikita ko lang tong mga ito sa ate ko" Paliwanag niya

"Wala naman akong sinasabi ah" natatawang sagot ni Blaze

"Tsk! Yang mga tinginan na ganyan, alam ko na yan" sambit ni dustin

At sabay sabay niyang ibinigay kay blaze ang damit na napili pa niya. Muntik ng mabitawan ni blaze ang mga hawak niya dahil sa sobrang bigat.

"Nakakainis ka talaga" inis na bulong ni blaze at sinundan si Dustin

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din sila,pagkatapos nilang bayaran ay dumiretso na sila sa sasakyan.

"Matulog ka muna mahaba pa ang byahe natin"

"Okay" sagot ni blaze at ipinikit agad ang mga mata nito

"Tignan mo tong isang ito, magsusungit tapos biglang babait tapos magsusungit na naman" nasa isip na reklamo niya

-------

Vote, comment and follow

\y_moonchild\

Continue Reading

You'll Also Like

157K 3.9K 38
Ivanna Mondragon knew from the beginning she will marry for convenience, not for love. Bago siya matali sa pag aasawa na walang pag ibig, she decided...
47.4K 2.5K 82
Balitang pawang mayayaman at mga nasa may mataas na posisyon sa lipunan lamang ang nakakatapak sa mansyon ng PAMILYA VILLAREAL, Kaya naman laking gu...
8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...