TLP 3

19.6K 358 10
                                    


Pagkapasok na pagkapasok namin ng school ay nagulat kami sa nadatnan namin. Literal na napalaki ang mga mata namin ni charm

Nakaharang lang naman ang mga fans ni tyron na akala mo makikirally sila.
May mga hawak pa silang banner na may nakasulat na

"Blaze isa kang social climber"

nagtago kami ni charm sa isang puno habang sinisilip sila

"Blaze anong gagawin natin? For sure mauubos ang buhok mo once na makita ka nila" nag aalalang sabi ni charm

Napa buntong hininga nalang ako dahil alam kong wala akong takas sa kanila

"Umuwi nalang kaya tayo?" Tanong ni charm

"Hindi pwede charm. Papatapos na ang First sem hindi pwedeng magkaroon tayo ng mababang marka." Sagot ko

"Eh anong gagawin natin? Sa tingin mo makakadaan ka diyan ng hindi ka nila sinasaktan? "

"Sa likod kaya tayo dumaan?" Suggest ko

"Hindi tayo papapasukin dun. Mahigpit yung nagbabantay"

Napakanegative naman nito ni charm
Huminga ako ng malalim para lumakas ang loob ko

"Tara na pumasok tayo" hinawakan ko siya sa kamay para hilain na pero pinigilan niya ako

"Sure ka?" tanong niya

"Bahala na" Sabay hila sa kanya

"Girls! Andyan na ang Social climber ng taon" sigaw ni Briana

Briana, ang campus bitch na patay na patay kay Tyron at gagawin niya ang lahat makuha lang ang atensyon ni tyron.

"Ang kapal ng mukha mo para lokohin si Tyron, isa ka lang namang hampas lupa" Sigaw ng isang junior student sakin

"Ang katulad mong mahirap hindi nababagay sa mundo namin. Hindi ka nababagay kay tyron" sigaw ng kaibigan ni briana sabay bato sakin ng lobo na may tubig sa loob

"Ano ba tigilan niyo nga yan" sigaw ni charm at hinaharang ang mga lobo na tumatama sakin. Hinila ko si Charm at inilagay siya sa likod ko

"Ano ba tumigil na kayo! Diba yun naman ang gusto niyong lahat ang maghiwalay kami ni tyron" Sigaw ko habang patuloy parin sila sa pagbato

Sumenyas si briana na itigil ang pambabato kaya tumigil yung mga kasama niya, lumapit si briana sakin dala dala ang isang timba

"Ang sabi namin hiwalayan mo si tyron hindi perahan" Sabay buhos sakin ng tubig na nasa timba

Hindi siya tubig lang, tubig siya na may malansang amoy. Napapikit nalang ako sa ginawa niya

"Ano ba briana!" Sigaw ni charm at tinulak ito, napaupo naman si briana sa sahig

"Sumusobra na kayo ha!" dugtong pa na sabi ni charm

"Alam mo ikaw charm, tigil tigilan mo na ang pagsama kay blaze kung ayaw mong madamay sa galit namin" pagbabanta ni briana kay charm

"Ano akala mo sakin takot sainyo? No way" palaban na sabi ni charm

Tumayo si briana at pinagpag ang palda nito

"Okay. Binigyan na kita ng chance na lumayo pero matigas ulo mo so damay damay na ito charm" mataray na sabi ni briana

"Girls!" Sigaw niya

lumapit naman ang mga kasama niya at binuhusan kami ng harina.

Habang nagtatawanan sila sa ginagawa nila nahagip ng mata ko ang isang taong inakala kong lalapitan ako at ipagtatanggol sa kanila.

The Lost Princess(Under Revision) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα